Ilang araw niya rin akong nilambing pero hindi pa rin ako bumibigay. Alam kong mali naman talaga sa part na nagtanong ako tapos nagtampo ako nang sagutin niya ako. Mukha nga lang timang pero hindi ko rin naman kasi maiwasan. Hindi ko naman masabi na maganda ang ginawa ko kahit na hindi naman talaga. Kaya naman huminga na lang ako nang malalim at ngumiti nang magkasalubong ang aming mga mata. Kahit medyo hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko sa aking nalaman, hindi naman na mababago no'n ang nakaraan. Past is past pero syempre nagseselos pa rin ako. Hindi naman iyon maaalis sa akin. Lumangoy sa papalapit sa akin nang tuluyan na niyang matanggal ang kaniyang damit. Nasa swimming pool kasi ako ngayon dahil kailangan ko lang magtanggal ng negative energy sa aking katawan. Kanina pa ako bina

