Ring Ring
The school bell ring.. Hudyat na magsisimula na ang seremonya.
Nagsitayo na ang lahat upang magbigay pugay sa bandila ng Pilipinas.
Nagsimula ng kantahin ang pambansang awit.
Nica : Bes, sinong kasama mo?
Si Nica ay isa sa kanyang matatalik na kaibigan.
Si Marga nga pala, ay kabilang sa Section 1. Isa siya sa mga matatalino sa kanilang paaralan. Siya lang bukod tangi sa kanilang magkakaibigan ang nasa honor, at lagi siyang pinagmamalaki ng kanyang mga matatalik na kaibigan tuwing siya ay nananalo sa mga contest na sinasalihan niya sa kanilang eskwelehan.
Marga : Si mama bes. Alam mo masaya ako bes, kasi ilang taon din nung huli kong nakasama si mama.
Nica : Maging masaya ka ngayong araw bes, Graduation natin ngayon. Ipinakita mo sa kanila na sa kabila ng problemang nangyari sa pamilya niyo, Nag aral ka pa din ng mabuti.
Marga : Tama bes, Kailangan maging masaya ako at nandiyan si mama para sa akin.
Natapos ang graduation nila at dumiretso sila ng kanyang mama sa isang fast food restaurant upang ipagdiwang ang kanyang pagtatapos at mga nakuha niyang award sa school.
Mama(Biological mother) : Nak, congratulations. Pinakita mong kaya mong makapag tapos kahit hindi man tayo kumpleto.
Marga : Salamat ma.
Mama : Nak, nag usap kami ni mama (which is lola ni marga, na nagpalaki sa kanya)
Marga : na ano po ma?
Mama : Pagkatapos mong maka graduate ng high school ay sakin ka na titira. Dun ka na mag aaral ng College malapit sa mgging bahay natin.
Marga : Sige ma, pero kakausapin ko muna si mama(lola).
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ito sa kanyang mama at umuwi na sa tinitirhang bahay nila ng kanyang lola.