After 2 weeks

357 Words
Umuwi na si Marga sa kaniyang ina at dun na ito nanirahan upang mag aral ng kolehiyo sa darating na pasukan. Marga : Ma saan ako mag eenrol na university? Luisa Natividad ( ang ina ni Marga ) Luisa : Mag exam ka kahit saang university nak. Kung saan ka makapasa ay dun ka mag enrol. Marga : Gusto ko sa New Era Ma. Luisa : Ikaw ang bahala anak, basta maipasa mo ang exam, okay na ko doon. Silang mag iina ay sa Quezon City na nakatira, Ang mga ito ay nangungupahan kasama ang kanilang Step father at dalawang kapatid. Paglipas ng ilang linggo ay nagkaroon na ng kaibigan si Marga sa lugar kung saan sila nangungupahan. May apo ang may ari ng inuupahan nila, ito ay naging kaibigan ng dalaga. Aris Pregillana, ito ang pangalan ng binatang naging kaibigan ng dalaga. Si Aris ay may isang grupo ng kaibigan na puro kalalakihan. Halos lahat ng mga ito ay naging kaibigan din ng dalaga. Ngunit, may isang binata na pumukaw na kaniyang atensyon dahil sa taglay nitong kabaitan. Si Andrew San Jose, Si Andrew ay nakapalagayan ng loob ng dalaga habang lumilipas ang ilang buwan. Andrew : Marga? Mag ja-jogging kami, malapit lng. Gusto mo bang sumama? may mga babae din naman na kasama. Marga : Osige, Okay lang naman. Magpapa alam ako kay mama kung pwede ako sumama sa inyo. Andrew : Madaling araw tayo aalis para bago sumikat ang araw ay nandoon na tayo. Marga : Osige Andrew. Sobrang saya ng dalaga dahil niyaya siya sumama mag jogging na lalaking kaniyang natitipuhan. Kasabay niyang maglakad ang binata sa kanilang pupuntahan. Masayang nag ki-kwentuhan ng kanilang mga buhay-buhay sina Andrew at Marga. Pakiramdam ng dalaga ay nakita na niya ang lalaking mamahalin niya. Hindi nanliligaw si Andrew sa dalaga, ngunit araw-araw silang halos na mag katext ng dalaga, na siya namang kinahulog ng loob ng dalawa sa isa't-isa. Ngunit isang araw, ay parang naging busy ang binata at hindi nagpaparamdam sa dalaga. Hindi nito tinetext ang dalaga na siya namang kinalungkot ni Marga. Tuloy pa din ang bonding ng ni Marga at mga kaibigan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD