Chapter 6

2216 Words
Racelle's POV Maaga na nga akong nagtungo sa hospital upang bisitahin ulit siya, pero bumungad sa aking pagbukas ng pinto ang naka-dekuwatrong Lolo nito. Naiilang akong ngumiti. Respeto'y nanaig kahit na dugo ko ay kumukulo sa pagka-buwesit. "Good morning ho," magalang kong pagbati sa matandang nagkru-krus ang landas ng kaniyang kilay. Nanatili ako sa likod ng pinto, hindi magawang lumapit sapagkat baka ako'y mahampas niya ng kaniyang baston. "Walang good sa morning kung ikaw ang makikita ko. Bakit ka nandito?"  Akala naman niya ay good din ang morning ko nang makita siya. Ismid ang aking naging sagot. Pinasadahan ko na lamang ng tingin ang tulog pa ring si Kitian. Nakakainggit ang kaputihan niya, siguro ay ipinaglihi siya sa harina dahil sa sobra siyang maputi, mahaba na rin ang kaniyang buhok ngunit bagay pa rin sa kaniya. Litaw na litaw ang itim na itim nitong pilik-mata. Simangot ang aking naging ekspresyon nang maalalang paggising niya ay mangungunot ang noo sa pagtataka. Mapapatanong kung sino ako at malamang hahalakhak sa tuwa ang matandang ito samantalang ako ay nasasaktan. Tahimik lang akong nakatayo, hinihintay ang paggising niya para sa pagdilat ng mga mata niya ay nakahanda na ako sa aking introduce yourself thingy. Natutuod ako sa pagkakatayo lalo na't ramdam na ramdam ko ang pagtitig ng matanda sa akin. Pinapakiramdaman ko ang sarili dahil baka nalapnos na ako sa tila nag-aapoy niyang titig. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. "May dumi ho ba ako sa mukha?" ilang kong tanong. "Bakit patuloy mo pa ring binibisita ang aking apo kahit na araw-araw ka nitong hindi maalala?" "Mahal ko po kasi apo niyo," nakangiti kong sagot. "Kung mahal mo apo ko, bakit hindi mo siya magawang layuan?" tanong pa nito sa akin. "Lumayo na ho ako nang kami ay inyong paglayuin subalit naghabol pa rin siya sa akin. Mahal ako ng apo niyo at gano'n din ako," sagot ko. Nakita kong inismiran ako nito sabay baling ng tingin sa apo niya. "Mahal mo apo ko pero anong ginawa mo?" pasisi nitong pagkuwestiyon sa akin. Akmang sasagutin ko siya nang magmulat nang mga mata si Kitian. Gumuhit ang ngiti sa aking labi sabay tikhim kaya agad na nagtama ang tingin namin at gaya nang dati lumabas muli sa bibig niya ang mga katagang, "Sino ka?" Lungkot ng puso'y umapaw. Your favorite words, 'who are you' are knives that it is always stabbed my shattered stitch heart. "Ako 'to si, Racelle." sagot ko sa tanong niya. Mas lalong nangunot ang kaniyang noo. Inaalalang mabuti kung may natatandaan ba siyang pangalan na Racelle. Oo, dati meron ngunit ngayon wala na. Bumagsak ang balikat ko nang magsalita siya. "Racelle? Sino siya, Lolo? You hired a maid for me?" umawang ang bibig ko sa sinabi niya at bahagyang nanghina ang aking tuhod. Mahinang tumawa ang matanda sabay tumingin sa aking gawi. Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon, "Oo, katulong siya pero hindi ako nag-hire ng katulong para sa 'yo." "Kung gano'n bakit siya nandito?" "Mali lang siguro ang napasukan niyang kuwarto. Akala niya siguro dito iyong inaalagaan niya." sabi nitong matanda. Sinungaling. Nagpa-party panigurado ang puso ng matandang ito dahil sa pinagsasabi ng kaniyang apo. "Hindi ako maid at hindi ako nagkamali ng pinasukang kuwarto. Kitian, ako 'to," pagpapakilala ko na itinuro pa ang sarili sa blanko niyang ekspresyon. Kailangan ko na naman bang mag-fill in the blanks nang magkalaman 'yang blanko mong ekspresiyon? Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa sabay sama nito ng tingin sa akin. Why are you like that again? "Nagsisinungaling lang 'yan. Balita ko may sira ang ulo niyan. Namimilit ng taong kilalanin siya kahit hindi naman talaga siya kilala." paninirang singit ng Lolo nito. Nabahiran nang inis ang mukha niyang nakatingin sa akin. Umiling-iling ako bilang pagsabing mali ang sinasabi ng matandang katabi niya, mga mata ko ay nakatitig sa kaniya na punong-puno ng pagmamakaawa. Nagmamakaawang kilalanin naman niya ako. "Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko naman kasi ipipilit ang sarili ko sa taong hindi naman talaga ako totally kilala," sabi ko. "Hindi kita kilala at bakit mo ipinagpipilitang kilala kita?" "Kilala ako ng puso mo, isip mo ay hindi. Hindi ko naman ipinagpipilitang ipakilala sarili ko sa 'yo dahil matagal mo naman na ak—" Naputol ang sinasabi ko nang tumayo ang Lolo niya at nilapitan ako. "Mabuti pa umalis ka na lang. Kung anong mga istorya ang ipinapalamon sa isipan ng apo ko." sinamaan niya ako ng tingin subalit hindi   ako nagpatinag. "Hindi ako nagsisinungaling, alalahanin mo naman kasi ako," pumiyok ang boses kong sabi sa kaniya. Napapagod na kasi ako, Kitian. Pagod na akong araw-araw magpakilala sa 'yo, pero nangako akong hindi ako mapapagod dahil nga siya na ang nagsabing gusto niya akong maalala. Kumakatok na ang pagsuko sa akin subalit hindi ko ito pinagbubuksan. Matutuwa sila kung ako'y sumuko agad. Hinawakan ng Lolo niya ang magkabilang balikat ko at pinatalikod. Panay ang paglingon ko kay Kitian, hinihintay na pigilan ang Lolo sa kaniyang ginagawa subalit pinagbuksan na ako ng pinto ay wala akong narinig. "Kitian!" sigaw ko, akmang papasok pa nang bigla akong pagsarhan ng pinto. Pinalis ko ang papatakas na luha sa aking mga mata. Sinubukan kong buksan ang pinto sa pamamagitan ng pagpihit sa door knob ngunit nakasara. Pesteng matanda! Ipinadyak ko  ang paa sa matinding inis. Idinikit ko ang aking noo sa pinto habang ang kamay ang nakahawak sa door knob. My eyes are blurry from my tears. "Kitian naman, alalahanin mo naman ako, oh. Kahit yung puso mo na lang ang sundin mo sa tuwing nakikita mo ako." mahina kong bulong. "Si Kitian na naman?" napalingon ako sa may-ari ng boses. Tinignan ko lang siyang nakataas na naman ang kilay sa akin habang may ngisi sa labi na tila natutuwa. "Kung ako sa'yo, layuan mo na muna. Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?" inilabas sa kabilang tenga ang tanong niya sa akin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa aking tabi. Tila naiinis na naman sa akin ngunit bakit? Ano na naman bang pakay niya? "Make yourself busy with other things than focusing to him. Kahit ipaalala mo ang sarili mo sa kaniya makakalimutan ka pa rin niya." Nilingon ko siya at tinitigang mabuti. How could she say that? Palibhasa kasi naalala siya. "So you want me to give up?" taas kilay kong kompronta sa kaniya. Sa tono kasi ng boses niya ay gusto na niya akong pasukuin. "I didn't say that," umiiling niyang wika habang natatawa sa akin. "If you want to give up then give up. I don't care if you give up. Nanghihinayang lang ako sa passion mo as fashion designer." dumaan ang tingin ko sa hawak niyang folder. "Paanong nasa sa'yo 'yan?" tanong ko sabay agaw sa folder na hawak niya. Sinuri ko ang mga sketch na nandito, kinakabahan dahil baka may pinunit siya dahil sa inis sa akin. Hindi porket nakakapag-usap na kami minsan ng may katinuan ay mabait na siya sa akin. I know Yvonne is still mad at me. "Naiwan mo sa kuwarto ni Kitian no'ng nakaraang araw. Don't worry wala akong pinunit diyan at kung pupunitin ko man 'yan, hindi sa basurahan ang diretso sa mga kakilala kong stylist to recommend you." napaangat ang tingin ko sa kaniya at unti-unting sumilay sa aking ekspresiyon ang tuwa na may halong hindi makapaniwala. "Talaga?" my eyes are twinkling but she just rolled her brownish eyes on me. "Sayang naman ang pinag-aralan mo. Lumipad-lipad ka pa papuntang Australia pero hindi mo rin mapapakinabangan. Huwag mong gayahin si Jerome na, nag-fashion designer kahit gustong maging teacher." parinig nitong singhal sa akin subalit napapangiti ako sa kaniya habang nakatingin pa rin. "Ano'ng nakain mo at concern ka?"  taas kilay kong tanong sa tuwa. Muli siyang umirap sa akin at nginiwian. "Ano'ng gusto mo sabunutan kita bilang pambungad saka iuntog 'yang ulo mo nang maalog?" nakagat ko ang ibabang labi ko sabay sabing, "Nakakapanibago lang kasi." Pumikit siya nang mariin kasabay ng kaniyang pagbuntong hininga. "Racelle, galit ako sa'yo pero anong magagawa ko kung galit at inggit ang papairalin ko sa tuwing nakakasalubong kita? Hindi mo kasalanan kung bakit  patay na patay sa 'yo ang mahal ko at hindi rin niya kasalanan kung bakit ikaw ang mahal niya," sabi niya. "So you're forgiving me?" tanong ko. Natutuwa ang aking puso dahil unti-unting nagiging maganda ang trato sa akin ng dating kontrabida sa buhay ko. Change is everywhere, people can change from realization. "Why would I forgive you?" lumungkot ang kaninang nakangiting labi ko sa sinabi niya. Hindi pa rin pala niya ako pinapatawad. "Racelle, wala kang kasalanan. This is what destiny want to happened. Little by little I learn to accept why he didn't love me back." nagpantig sa tenga ko ang sinabi niya. All I thought is she blamed me for what happened to her but she didn't. Heartbreaks can give you a lesson and change you for good. "Pero mahal mo pa rin siya?" tanong ko. Gumuhit sa pink niyang labi ang ngiti. Mukhang kakagaling lang niya sa kaniolanb photoshoot. "Oo, mahal ko siya pero tama na. I can love alone without him." buong tapang niyang sagot na aking ikinatuwa. Love always hurt you, but yes, you can love alone. "Yvonnyita!" umikot ang eyeballs ni Yvonne nang marinig niya ang may-ari ng boses. Ngumiwi siya at biglang nalukot sa inis ang mukha niya. "Aish! That gay!" mariin niyang sambit habang napahagikgik naman ako. Lumingon siya upang harapin si Jerome na malapad ang ngiti sa labi. "Sabing huwag Yvonnyit—" tuluyan akong natawa nang lampasan niya si Yvonne at ako ang pinansin. "Bakla!" masigla niyang sambit sabay yakap sa akin nang mahigpit. I miss my friends. I miss the old times that we still have the time to bond. Humigpit ang yakap ko bago ako kumawala. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala nang titigan ako nito. "Anong ginagawa mo rito? Babysitting na naman ba ang peg mo?" ismid niyang tanong sa akin. Nahihiya akong napayuko dahil minsan na niya akong sinabing itigil ko na ang pagpapakatanga subalit solid leader and member ako ng tanga club. "Hindi na naman niya ako maalala," malungkot kong wika. "Pagpahingain mo na muna 'yang puso mo. Mag-focus ka muna sa pangarap mo," sagot niya na akin lang inilingan. Gustuhin ko nang mag-focus pero ang isip at puso ko ay si Kitian ang laman. Pagpapaalala ang gusto kong gawin. "Kailangan ko ng inspiration," muli kong sagot. All I need is inspiration. Inspiration to make my life happy even I am emotionally and mentally tired from blaming myself. Inspiration not expiration to lose hope. "Make your dreams as your inspiration. Don't depend on someone to make you inspired cause in the end of the day, only yourself can inspire to achieve your dreams." payo ni Yvonne. Tumango lang ako kahit alam ko naman sa sarili kong hindi ko nasusunod 'yan pero sana magawa ko. Ipinatong ni Jerome ang kamay niya sa balikat ko sabay angat ng aking baba. Masilayan ko ang ngiti niya sa labi upang hikayatin akong ngumiti rin. "Handa kaming maging model ni Yvonne para sa mga designs mo. Saka maraming kakilala si Yvonne, baka maipasok ka niya sa gaganaping fashion show ng mga newly fashion designers next month." Tiningnan ko lang sila pareho ngunit agad ko ring iniiwas ang aking tingin. I want to join para mabigyan ko man lang ng buhay ang pangalan ko sa kanila nang pagkasawi. "I can help you. Baka malay mo do'n na rin mag-bloom ang pangalan mo sa fashion industry," wika ni Yvonne. Ang sarap sa pandinig na may offer sila sa akin pero masyado akong lutang at parang hindi pa handa kahit na matagal na akong nalulumot sa pagiging jobless. "I'll see," sagot ko. "Pumayag ka na." pagpupumilit ni Jerome. "Let her decide. Kung ayaw niya, it's her loss. Minsan na nga lang akong tumulong, tinantanggihan pa." pairap at inis na wika ni Yvonne. I just greeted my teeth from being killjoy. "Pag-iisipan ko na muna." pinal kong wika. Tumango si Yvonne. "Just call me." tipid niyang sabi. Napatingin kaming pareho kay Jerome nang tumipak ito. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. "Aba! Ang bait na niya kay bakla ko. Friends na ba kayo Yvonnyita?" nakanguso niyang tanong sa babaeng kaharap niya. Ngumiwi ako sa harap nila nang ilapit ni Jerome ang mukha niya kay Yvonne na tinitigan ito. Inilayo ni Yvonne ang mukha niya at humalikipkip. "We're not friends. Nagmamagandang loob lang ako sa kaawa-awa," mataray niyang wika na akin lamang nginitian sabay nagkatinginan na lamang kami ni Jerome. Parehas kaming nagkibit balikat sa isa't isa. "What?" inis ang boses ni Yvonne na tanong sa amin. Nailing lang ako at natawa. I have a bad day, but thanks to them because they made my day better than being worse. "Siya maiwan ko na kayong dalawa. Mag-aalmusal na muna ako." paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot sapagkat humakbang na ako papalayo. God, I am tired but guide me, please. Guide me to walk in the right direction. I need your guidance. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Mabigat para sa akin na lisanin ng tuluyan ang hospital nang hindi ko man lang nakakausap si Kitian. Tumakas nang walang pahintulot ang luha ko. Please, Kitian, remember me tomorrow. Babalik ako para sa'yo at para sa atin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD