Racelle's POV
Tumagatagaktak ang pawis kong hinahanap ang dora box na aking ibabasura sana noon, subalit hindi ko alam kung tuluyan na nga bang sinunog ni Mama 'yon o itinago rito.
Sandali akong nagpunas ng aking pawis saka ko muling ipinagpatuloy ang paghahanap. Kailangan ko 'yon dahil ang laman no'n ang gagamitin kong pagpapaalala sa kaniya. Nagitla ako nang may magsalita sa aking likod. "Anong hinahanap mo?"
Ipinagsawalang bahala ko ang tanong na iyon ni Mama. "Tulungan na lang kitang maghanap," presinta niya.
"Ano bang hinahanap mo?" tanong muli ni Mama sa kalagitnaan ng pagiging abala ko sa paghahanap ng kulay pink na dora box.
"Ma, sa flower shop ka na lang po. Ako na ang bahala dito, kaya ko naman pong hanapin ang hinahanap ko." irita kong sagot sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang akong naiirita sa presensya ni Mama.
Marahil sa sinabi niyang isa akong tanga at pagsampal niya sa akin noong nasabi kong napahamak sila nang dahil sa akin. Kasalanan ko raw kung bakit nangyari 'yon sa kanila dahil sa masyado akong malandi at anu-ano pang masasakit na salita ang aking natanggap na siyang dinibdib ko. Nag-sorry naman na si Mama sa akin, pero hindi ko talaga inaasahan na makapagsasabi ng gano'n si Mama sa akin.
"Iniiwasan mo pa rin ba ako hanggang ngayon, anak?" tanong ni Mama. Habang nakatalikod ako sa kaniya ay napapikit ako nang mariin sabay pakawala ng buntong-hininga.
"Ma, ayaw ko ngayong makipag-usap kaya please, hayaan niyo na po ako rito." pakiusap ko. Hindi pa ako handang kausapin si Mama. Mukhang hindi na yata maibabalik ang dating pakikitungo ko kay Mama.
"Hindi mo pa rin ba ako napapatawad, anak? Sorry na, hindi ginustong sabihin iyon ni Mama sa 'yo. Nang dahil sa nangyari kay Kitian, pinagbantaan ng Lolo niya ang Papa mo, dahil sa frustations kaya ko nagawa sa 'yo iyon, anak. Sorry kung sa'yo ko naibuntong 'yon," hingi ng paumanhin ni Mama sa akin na hinawakan pa ang aking braso subalit marahan kong binawi ang braso ko.
"Unti-unti na niyang ginigipit ngayon ang negosyo natin at kung hindi mo lalayuan si Kitian, baka tuluyan nang ma-bankrupt ang negosyo." dagdag ni Mama na sandali akong napatigil sa ginagawa kong paghahalungkat sa maalikabok na kagamitan dito sa bodega.
"Edi sabihin ninyong hindi ko pinupuntahan si Kitian nang hindi niya kayo i-black mail." sagot ko at nilagpasan si Mama.
"Ganyan na ba katigas ang ulo mo, anak? Hindi mo ba kami iisipin ng Papa mo? Si Kitian na lang ba ang laman ng isip at puso mo?" sunod-sunod na tanong ni Mama sa akin. Bumuntong hininga lamang ako sabay hakbang ng aking mga paa. Bago pa ako tuluyang umalis ay tumigil ako sa aking paghakbang nang magsalita si Mama.
"Si Kitian ba talaga ang pinipili ng puso mo?" kunot-noo kong nilingon si Mama. Sampung hakbang ang layo ko sa kaniya.
"Ayaw mo ba sa kaniya, Ma?" tanong ko. Hindi naimik si Mama kaya minabuti kong tumalikod na lamang at umalis.
Si Kitian ba talaga ang pinipili ng puso mo?
Sumagi sa isip ko ang tanong ni Mama habang tahimik na tinatahak ang hallway patungo sa kuwarto niya. Umiling ako upang iwaksi sa isipan ang katanungang iyon. Maingat kong pinihit ang door knob sabay pasok.
Sana wala ang Lolo niya. Nakalimutan kong tanungin sa nars na kakalabas lang dito. Pagkaharap ko sa kaniya ay bumungad sa akin ang nakakunot na noo niyang ekspresyon. "Hindi ka naman nurse, pero nakaputi ka," wika nito.
"Hindi ako nurse. Ako 'to, hindi mo ba ako naalala?" mapait kong tanong sa kanya habang may ngiti. Marahan siyang umiling na gaya ng pagbisita ko rito ay muling kumirot ang puso ko sa pagkakapiga ng mga salitang paulit-ulit niyang sinasambit.
"Who are you?"
"This is me, Racelle, your ex-girlfriend before and your friend after we parted ways." pagpapakilala ko sa aking sarili. Gumuhit sa kaniyang supladong mukha ang gulat.
"Racelle? My ex-girlfriend? My friend?" sunod-sunod nitong banggit na halos magbanggan na ang dalawang kilay niya sa pagkakunot ng noo.
"Isang araw lang akong nawala, nakalimutan mo na ako." sabay ngiti ko sa kaniya nang ako ay nakalapit.
"Saan ka ba nagpunta?" nagtatakang tanong niya. Sa tono ng kaniyang boses ay parang nag-aalala siya.
"Andito ang Lolo mo kahapon kaya hindi ako pumunta rito," sabi ko sa kaniya. Pinasadahan ko siya ng tingin, tinitingnan kung ano nagbago sa kaniya subalit gano'n pa rin naman.
"Bakit? May nagawa ka bang kasalanan sa kaniya?" nakatitig nitong tanong sa akin. Bakit ang blangko? Kailangan masagutan ko ang mga fill in the blanks nang kahit papaano'y mapunan ko ng panandalian ang kaniyang alaala.
Para siyang kandila na paunti-unting nauupos kada araw. Ang kandila ang mismong nagrerepresinta ng alaala niya na kapag naubos, magsisindi ka ulit ng bago at saka mo muli ipapaalala sa kaniya hanggang sa maupos muli. Babalik ka muli sa step one, maghihintay mamatay ang sindi.
"Ayaw ako ng Lolo mo para sa'yo," sagot ko. Bakas sa kaniya ang pagtataka kaya nagsalita ako ulit. "No'ng tayo, tutol siya sa ating dalawa kaya gumawa siya ng paraan para magkahiwalay tayo. Pero lumayo ako para makalimot subalit nang muli akong bumalik sa Pilipinas ay sinabi mo sa aking mahal mo ako." patuloy ko.
Hindi ko mahanap ang dora box kung saan ko inilagay ang mga souvenirs namin noon. Maganda sana kung mahanap ko 'yon nang may maging ebidensya ako at hindi lang puro mga salita ang maging sandata ko sa pagpapaalala ng mayroon kami.
"Nanligaw ba ako no'ng sinabi kong mahal kita?" curious niyang tanong.
"Hindi, pero atat na atat kang magkabilakan tayo nang malaman mong wala na kami ni Tristan. Gusto kong magkabalikan na rin tayo no'ng mga oras na 'yon, pero may nasabi akong hindi ko pinag-iisipan," sandali akong natigil sa aking pagkukuwento nang maalala ko ang araw na 'yon.
"Ano bang sinabi mo? What happened?" he asked me with full of curiosity.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Sinabi kong hindi na kita mahal kahit mahal pa kita. Nagalit ka nagpakalasing kaya ka naasksidente. And you know what?" suminghap ako sabay kurap ng tatlong beses. Huwag kang umiyak, Racelle.
"What?" tipid akong ngumiti sa kaniya at hindi ko na nga napigilang manlabo ang mga mata ko dahilan upang lumandas ng bahagya ang luha ko sa pisngi.
"Your wish granted, nabura ako sa iyong alaala." sabi ko. Pinalis ko ang luha ko saka tumawa sa nakakunot at naawang si Kitian.
"Sorry if I wished it. Sorry for making you like this." lumapit siya sa akin at bahagyang idinikit ang daliri sa aking pisngi na siyang nagbigay ng kakaibang daloy ng kuryente sa nararamdaman ko.
Lalo lang akong naiyak nang haplusin niya ang pisngi ko. Kahit blangko, kahit hindi niya ako naalala, ramdam kong mahal niya ako. He still cares for me even I am nothing to his mind anymore.
"Tahan na," malambing ang boses niyang pagpapatahan sa akin. I miss everything to you. Your sweet voice even your expression is cold, I miss it.
Niyakap ko ang palad niyang nakadampi sa aking pisngi. Hinalikan ko ang likod ng palad nito habang paunti-unti ang paglandas ng aking luha sa pisngi. "Kitian, I love you. Could we back from the past that you are still my baby boy and I am your baby girl? Could we start a new one even there's a possibility that you would forget me again?" nakatingala kong tanong sa kaniya.
"I am desperate to have you again." mahinang wika ko. I am slowly getting tired of what I am doing. My heart is slowly shattered into pieces. My heart is full of pain and I need to spill it with love so that pain won't poisoned my heart from being hopeless.
"I can't remember anything about you. I don't want to see you hurting, I want to be with you, I want you, but how if I am clueless about you?"
"Puwede ko namang ipaalala sa'yo isa-isa kung sino ako, kung paano tayo nagmahalan sa isa't isa. Kaya kong ikuwento sa'yo ang buong pangyayari sa pamamagitan ng aking puso. Just trust me fo—"
"I want it pero paano? Kung sinabi mo nang una ay tutol ang Lolo ko sa'yo?" lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay nito. Bakit parang sumusuko agad siya? Paano pa kaya kung naalala niya ako, susuko rin ba agad siya gaya ng dati?
"Mahal mo ba ako?" tinitigan ko siya sa kaniyang mata upang matukoy kung magiging seryoso ang sagot niya. Isa, dalawa, tatlo, apat na minuto siyang natahimik.
Silence means yes na ba ang eksenang ito? Pero dahan-dahan niyang ibinuka ang bibig niya.
"My heart says, I like you but my mind says who are you to love you?" napaawang ang bibig ko, sinikmura ang sakit na dumaloy sa aking puso. Why so harsh?
"Your words hurting me so much." I muttered.
"Speak a word directly without having a sugar coated words to make someone impressed. May harsh to hear, but it's better." nakangiti nitong sambit. Tingin lang ang isinagot ko sa kaniya.
Words are words but it is like a bullet. "Kung hindi ko ba sinabi ang mga salitang iyon sa 'yo, hindi mo ba ako masasaktan ng ganito ngayon?" tanong ko habang wala sa kaniya ang tingin. Kung matunaw man ang basket na aking tinititigan ay agad akong hihiling na sana magkaroon ng himala na maalala na ako ng lalaking pinili ko.
"Siguro? Hindi natin alam kung ano posibilidad na mangyari kapag hindi nangyari ito," sagot niya.
"Gusto mo ba akong maalala ulit?" tanong ko na para akong nagiging timang sa kakatanong ng mga walang kuwenta.
"Of course. Gusto kong maalala ka lalo na't naging parte ka sa buhay ko na paniguradong ayaw kong makalimutan, pero nakalimutan ko." mabilis niyang sagot na aking ikinangiti.
"Kailangan kaya babalik ang alaala mo?" tanong ko sa kaniya subalit nagulat ako nang ibang tao ang sumagot.
"Hindi na babalik ang alaala niyang ikaw lang naman ang nabura," nalungkot ako sa wika ng kontrabidang Lolo niya. Parang masayang-masaya pa siya na hindi ako nito maalala.
"Kailan niyo ho ba ako matatanggap para sa apo niyo? Naiinggit ho ba kayo dahil wala kayong love life?" prangka kong tanong dahil hindi ko na kayang magtimpi pa.
Mahinang tumawa ang Lolo niya habang umiiling niya akong tiningnan. Halatang-halata sa mukha niya ang pagkamuhi sa akin. Why this old man hates me that much?
"Hija, tatapatin na kita," sabay tingin niya sa akin ng seryoso. Tila kinakain ako nito sa matalim nitong pagtingin. "Habang nabubuhay pa ako gagawa at gagawa ako ng paraan para paglayuin kayo. Hindi ko kayang tanggapin na ikaw ang makakasama ng apo ko habambuhay. Napakamalas mo at ikaw ang palaging dahilan kung bakit siya naaksidente." napayuko ako dahil sa sinabi ng Lolo niya. Malas ba ako? Pansin ko ngang ako palagi ang dahilan kung bakit siya naaksidente.
"Lo, don't be rude to her," dinig kong suway niya sa Lolo niya. "Apo, I'm just being honest. Wala siyang mapapala sa'yo at hindi kayo bagay."
Hindi naman talaga kami bagay kasi tao kami.
Iniangat ko ng bahagya ang aking ulo mula sa pagkakayuko. Tiningnan silang dalawa, lalo na si Kitian na naawang nakatingin sa akin. His expression is apologizing for what his grandfather said.
"Ano pang hinihintay mo? Hindi ka pa aalis?" lumipat ang tingin ko sa Lolo niya. Epal talaga 'to, laging may papel pero kontrabida.
Nakipagsukatan lang ako ng tingin sa Lolo niya. Mga mata niyang pinapaalis na ako subalit ipinagsasawalang bahala ko ang ipinaparating ng mga mata ng matandang ito. Isa, dalawa, tatlo hanggang umabot na yata sa sampung minuto ang hindi pag-alis ng tingin ko sa kaniya.
Ayaw kong umalis. Gusto ko, dito lang ako sa tabi niya. Gusto ko pagmulat ng mga mata niya ako ang bubungad sa kaniya kahit na 'Sino ka?' ang lalabas sa kaniyang bibig.
"Hindi siya aalis." pareho kaming napalingon kay Kitian. Pumungay ang mga mata ko sa kaniya at paunti-unting lumapad ang ngiti ko sa labi.
"What?" gulat na tanong ng matandang napahiya yata. "Hindi 'yan ang napag-us—"
"I let her stay with me because that's what my heart says and I have nothing to do with it." tumamis ang aking ngiti at sinadya kong tiningnan ang Lolo niya nang mapang-asar.
Gusto kong belatan siya para mas lalong asarin dahil hindi niya ako nagawang paalisin. Ngunit nanaig ang natitirang respeto ko para sa Lolo niya. Matanda na siya kaya hindi na dapat patulan, nagiging isip bata na ang pag-iisip niya kaya ako ang pinag-iinitan kaya iintindihin ko na lang.
Balang araw... matatanggap niya rin ako. Hindi pa sa ngayon pero balang araw.
Malalim na bumuntong hininga ito. "Sige, aalis na ako. Ito nga pala 'yong pagkain niya, magtanghalian ka na." lumamig ang tono ng boses niya. Pinanood ko lang siyang umalis pagkatapos niyang ilapag sa mesa ang dinala niyang lunch box.
Lumingon ako sa kanya nang tuluyang sumara ang pinto. Nginitian ko ito saka tumayo upang kunin ang lunch box na inihanda ng Lolo niya para sa kaniya. "Kumain ka na," nakangiti kong sambit.
Umupo ako sa kama saka ipinatong sa bed table ang pagkain. Inilagay ko ang kutsara at tinidor ngunit napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang palad ko.
"Sorry," nangunot ang aking noo. "Sorry for what?" nakangiti kong saad.
"Sorry kung ikaw ang sinisisi ng Lolo ko, sorry kung nakalimutan kita. Sorry." he sincerely apologize.
"It's okay." ngiti kong tugon sa kaniya. Hindi naman niya sinadyang makalimutan ako at kahit papaano'y naiintindihan ko ang Lolo niya.
Inilabas ko ang aking cellphone habang kumakain siya. I opened my f*******: account and I keep myself busy for liking their posts.
Naka-online si Tristan. Gusto ko siyang i-chat ngunit wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya. I deserved to be blamed for all happened.
Habang nags-scroll down ako ay bumungad sa akin ang bagong palit na profile picture niya. Hindi pa rin nagbabago ang kaguwapuhan niya, ngunit iba na siya kung makangiti sa litrato. Seems like he changed and my heart aches when I read his caption.
You left me a scar on my heart, but still living my own without anything. It takes time to recover, but you need to move forward. To love yourself is the true meaning of true love in this world full of heartbreaking situations.
"I am sorry." mahina kong bulong sa kawalan nang aking mabasa ang caption niya. Sugat ang naibigay ko sa kaniya matapos niya akong busugin sa pagmamahal.
Lumingon ako kay Kitian nang tawagin niya ako. "Bakit?" tanong ko subalit nakangiti niyang itinaas ang kutsarang may pagkain upang isubo ko.
"Anong meron diyan sa cellphone mo? Para kang maiiyak." puna niya na hindi nawawala ang ngiti niya sa labi.
"Wala, I just happy. I am happy for him and for making me happy right now." mapakla ko itong nginitian.
I am not totally happy. Parang may nakatanim na cactus sa aking puso na tinutusok-tusok pa rin ito hanggang ngayon. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako o baka masyado lang akong over thinking pero hindi, masakit.
"It's my pleasure to make you happy. Kailangan kong bumawi sa'yo. Let us create a new one." nakangiti niyang sambit at dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
Napapikit ako nang idampi niya ang kaniyang labi sa aking noo dahilan upang mangilid ang luha ko. I miss this feeling. He filled my day with a temporary happiness, again.
He softly touched my cheeks. Naamoy ko ang hininga niya sa sobrang lapit ng mukha niya. "My heart says, let me remind you, but my mind says don't but I want to remember everything about you, so please, stay and don't give up on me." tiningnan ko ang mga mata niya kung paano tingnan ang aking labi.
"I won't give up. I will always stay here." sagot ko. Puso ko'y masakit pa rin subalit ang kalahati nito'y mabilis ang pagtibok dahil sa pangyayaring ito sa amin ni Kitian.
Gusto niya akong maaalala at napakagandang balita iyon, 'di ba?