Chapter 4

2932 Words
Racelle's POV Bumalik ako sa sarili kong ulirat nang pitikin ni Estella ang noo ko. Salubong ang kilay ko sa inis nang tingnan ko siya. "Racelle, narinig mo ba mga sinabi ko?" kumunot lang ang aking noo sabay iling. Huminga siya nang malalim na napapikit pa. "Sorry," hingi ko naman ng paumanhin dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang sinasabi niya. "Lumilipad na naman ba utak mo?" pigil sa inis nitong tanong sa akin. Ibinaba ko na lang ang tingin ko sa sahig. "May iniisip lang ako," sabi ko. "Ano na naman bang nangyayari sa 'yo, Racelle? Sabi sa akin ni Tita, hindi mo siya pinapansin. Bakit? She is your mother, Racelle," iniwas ko ang aking tingin sa sahig bagkus dumungaw ako sa bintana at doon ko na lamang binusog ang nalulungkot kong mga mata sa hardin ni Mama. "Estella, pu—" "Racelle, come back to your senses!" yugyog nito sa aking balikat na aking ikinairita. Inis ko siyang tiningnan, salubong ang aking kilay. "Estella, please go, kung wala ka ng sasabihin." malamig kong tugon sa kaniya. Narinig ko ang malalalim na pagbuntong hininga niya sa aking tabi. "Ngayon na nga lang ulit tayo nagkausap ng malapitan, matapos ang isang buwan mahigit na hindi pagkikita at pag-uusap, pero papaalisin mo lang ako?" patampong saad nito. Pasimple kong kinurot ang likod ng palad ko upang magising ako sa pagkalutang. Ang taas ng lipad ng isip ko dahilan para mawala ako sa aking wisyo. "Sorry, may iniisip lang ako." "Is it about Kitian, again?"  tanong niya, hinawakan nito ang aking pisngi at ipinaharap niya ako sa kaniya. Nakipagtitigan ako sa nag-aalala niyang ekspresiyon habang nakatingin sa akin. Palagi na lang kayong nag-aalala. "Or you're missing someone who's not responding to your messages?" dagdag niyang tanong. Pumungay ang mga mata ko nang binanggit niya si Tristan. "Kung si Tristan, okay na siya. Nagpapagaling siguro 'yon, so you don't need to be worried," sabi niya. "Nasaan ba siya?" curious kong tanong. Umaasang sasabihin niya sa akin kung saan siya ngayon. "Iyon 'yong hindi ko alam." kibit-balikat nitong sagot sa akin. Nanlumo naman ako. Gusto ko lang naman siyang makita at personal na humingi ng sorry. I know sorry isn't enough for what I have done, but I badly want to say it. "Wala akong balita sa inyo, tanging si Melissa lang ang nagsabi sa akin ng nangyayari dahil umiiwas ako. Ayoko na kasing makita si Justin," wika niya. Gumuhit ang ngisi sa aking labi. "Iniiwasan mo ba siya dahil ayaw mo ng mahulog sa kaniya, 'di ba?" panghuhuli ko sa lumilikot nitong mga mata at hindi makasagot nitong ekspresiyon na tila natigilan. "Hindi sa gano'n, naiinis kasi ako sa kakulitan niya. Masyado siyang mapilit." humaba ang nguso niyang reklamo dahilan para tawanan ko siya. "Sinungaling," singhal ko sa kaniya. Agad niya akong tinaasan ng kilay. "Anong sinungaling? Totoo sinasabi ko, nakukulitan ako sa kaniya." sabay irap niya at muling ngumuso habang may maliit na ngiti. "Iyang paghaba ng nguso mo, alam ko 'yan. Nakukulitan ka pero gusto mo naman?" tatawa-tawa kong tanong sa kaniya. Nakakatawa naman ang babaeng ito, pakipot pa ang tema pero mahal pa rin naman ang weirdo na 'yon. "Bakit kapag humaba ba nguso ko, nagsisinungaling na ako? Naiinis ako kaya ako napapanguso." inis niyang depensa. Tinaasan ko siya ng kilay. "Estella, matagal na tayong magkaibigan at alam ko ang ibig sabihin ng paghaba ng nguso mo na 'yan. Natatandaan mo ba 'yong sinusuyo ka rin niya at ayaw mo siyang pansinin, pero humahaba 'yang nguso mo sa tuwing tinatanong kong gusto mo na ba siyang pansi—" pinutol niya ang sinasabi ko. "Huwag mo ng balikan 'yong dati, wala na 'yon, wala na!" giit niya sa akin pero nakikita ko naman sa mga mata niya ang pagka-miss kay Justin. Tumikhim ako sabay tawa nang mahina. "Sigurado ka bang wala na? Pero bakit pakiramdam ko, nandiyan pa rin siya sa puso mo." nakangisi kong sutil sa kaniya. Alam na alam ko ang bawat kilos niya, kaibigan ko siya. Nang ma-in love siya kay Justin, nandoon kami ni Jerome. Nandoon din ako nang maging sila ni Justin, nasaksihan ko rin ang pagdidiwang nila ng kanilang first anniversary. Nagtagal sila, umabot ng ilang taon at akala ko noon una ay mag-e-engage na rin sila subalit sinumpong yata si Estella, hindi. Hindi pala dahil alam kong pagod na siya noong mga araw na 'yon pero ramdam kong mahal pa rin niya ang haring nagpatibok sa pihikang puso nitong kaibigan ko. "First love niyo ang isa't isa at alam mo bang naniniwala ako sa kasabihang, first love never dies? Ikaw ba, naniniwala ka rin?" tanong ko sa kaniya subalit nag-iwas siya agad ng tingin nang akin siyang pinaningkitan ng mga mata. "Hindi," tumawa siya. "First love is the sweetest that you can't ever forget, but it doesn't mean na hindi mo makalimutan, mahal mo pa siya." nagkibit balikat na lang ako sa kaniya. "No one knows. Baka mamaya paglabas ko sa bahay, kayo na pala. Estella, huwag mong pigilan ang puso mo. Kung sa tingin mo mahal ka pa niya, at kung mahal mo pa rin siya, magbalikan na kayo. Kung naghiwalay ulit kayo, alam mo na ang ibig sabihin. Siguro sapat na ang isang buwan mahigit na pagpapahinga ng inyong puso, it's time to give him a second chance to prove that you two are for lifetime." nakangiti kong payo sa kaniya na may kasama pang pagtapik nang mahina sa braso niya. She just sighed and rolled her eyes. "Dami mong alam, Racelle. Mag-ayos muna kayo ng Mama mo, bago mo isipin 'yang love life ko at iyang inyo ni Kitian." sinamaan ko siya ng tingin at iminuwestra ang kamay na umalis na lang. Ayaw kong kausapin si Mama, hindi rin naman niya ako pakikinggan. "Alam kong wala ako sa posisyong sermunan ka, pero Mama mo 'yon. Sino ba ang mas mahal mo? Ang lalaking hindi ka maalala o ang Mama mong nagluwal sa'yo?" tiningnan ko lang siya sabay ismid. Mataas ang pride ko at masama na ako kung hindi ko pa rin kakausapin si Mama. "Race, babaan mo naman ang pride mo. Hindi ko man alam ang buong pangyayari, pero concerned lang ako sa relationship niyong dalawa ni Tita," bumuntong hininga ako. "Fine." tipid kong sagot para umalis na siya. Ano pa nga bang pag-uusapan namin ni Mama? Wala naman. Tinitigan ako ni Estella subalit iniwas ko ang aking tingin. Mahirap na at baka mahuli niya pa ako, hindi pa umalis. Ayoko ng maingay ngayon. Mas gusto kong mapag-isa. "Kausapin mo na si Tita, ha?" tumango lang ako bilang sagot. "Siya aalis na ako. Thank you sa time, kahit nakakainis kang kausap. Miss you, bakla!" sabay beso nito sa akin at tuluyan niyang nilisan ang aking kuwarto. Tumayo ako upang isara ang pinto nang makita ko si Mana na nakatayo roon, 'di kalayuan sa akin. Umamba ang bibig niyang bubuka ngunit agad ko siyang pinagsarhan ng pinto. 'Mama, sorry. Hindi pa ako handang kausapin ka.' -- Lumabas ako ng bahay. Nakakabagot magkulong sa kuwarto, nakapandidilim ng paningin ang katahimikan kaya minabuti kong lumabas. Pakakainin ko ang sarili ko sa bagong bukas na restaurant. Agad kong iginala ang paningin pagkapasok ko sa loob. Wala pang isang linggo ay punuan na ang mga mesa. Ang mga tao talaga, kapag natunugang may bagong bukas na restaurant, hindi pinapalampas. Sa 'di kalayuan may nakita akong babae, kausap ang waiter. Mukha yatang may kasama siya sa kinauupuan niya, pero lumapit pa rin ako para tanungin kung mayroon nga ba. "Miss," kalabit ko sa kaniya nang nakatutok na ito sa kaniyang cellphone. "May kasama ka b— Claire!" kaagad ko siyang niyakap. Gosh! I miss this half maldita, girl. "Na-miss kita!" sabi ko pagkatapos kong kumawala sa yakap. Iginala kong muli ang aking tingin. Hinahanap ang anino ng lalaking bumihag sa puso niya. "Teka kasama mo ba si Mike?" tanong ko sa kaniya nang makaupo ako sa katapat nitong upuan. Umiling siya. "Hindi." "Solo flight? Ang layo ng nilakbay mo ah. Anong nangyari ba sa inyong love birds?" curious kong tanong. Mataray siyang bumuntong hininga sa harap ko. "Hindi kami okay ni, Mike." diretsa niyang sagot kasunod ang muling pagbuntong hininga niya. Kumurap ako habang naiiling. Nag-away na naman silang dalawa? Wow! Bangayan ang tema ng kanilang relasyon. "Bakit? Kasalanan naman kasi niya. Tawag siya nang tawag kanina at hindi ko masagot dahil busy ako, pero nang magka-time na ako, hindi na niya sinasagot." inis niyang sambit. Maya maya ay dumating any waiter dala ang in-order na pagkain ni Claire. Paalis na ang waiter pero sinenyasan ko siyang sandali muna. "Baka busy na rin," sabi ko. Ibinaba ko ang tingin sa nakapatong na menu. Makapili na nga muna ng makakain. "Imposibleng busy 'yon! Baka nga may babae na siya do'n!" panghihinala niyang singhal. Itinuro ko ang mga gusto kong pagkain ayon sa mga alaga ko sa tiyan ay masarap daw. "Pinaghihinalaan mo naman agad ang Mike mo, baka may ginawa lang kaya hindi niya sinagot mga tawag mo," sambit ko saka sinundan ng tingin ang waiter. "Ang sabihin mo baka binabawian lang niya ako!" singhal niya. Itinaas ko ang dalawang palad ko't inabot ang braso niya. "Relax. Huwag kang sumigaw," natatawa kong pagpapakalma sa naiinis na girlfriend ni Mike. Mga walang hiya! Naging taga-payo yata ang papel ko buong araw. Sana pala nagpunta na ako kay Kitian, pero nag-text sa akin si Yvonne na huwag muna ako tumuloy do'n dahil buong araw na ang Lolo ni Kitian ang magbabantay. Nakaramdam siguro ng awa sa akin si Yvonne kaya napa-text. Malamang sa alamang, nilason na naman niya ang isip ng apo niya. Hays! Ang matandang 'yon talaga, epal pa rin. "Paanong hindi ako sisigaw? Nakakainis siya, sobra!" napakamot na lang ako sa ulo ko sabay kunwaring iwas ng tingin kay Claire. Pambihira, nakatingin sa amin ang ilang customer at nakakahiya. "Hindi ka ba marunong mag-relax? Kumain ka na lang kaya kaysa sa isipin mo pa siya." nakangiwing suhestyon ko. Akala ko ay aangal pa siya ngunit nakahinga ako nang maluwag ng kumain na ito. Mayamaya dumating na rin ang in-order ko. Salamat naman dahil akala ko mamumuti pa ang mga mata ko sa kahihintay para lang busugin ang mga alaga ko sa tiyan. Lalantakan ko na ang pagkain nang biglang may umeksena dahilan upang maibaba ko ang kutsara sabay lingon sa dumating. "Sabi ko na nga bang dito lang kita makikita!" "William, bakit mo sinabi?" inis na tanong ni Claire na may kasamang pagtaas ng kilay. Ngingisi-ngisi si William na napakamot sa kaniyang ulo. "Hindi ko naman sinabi, ang sabi ko lang naman ay kumain kami dito sa bagong bukas na restaurant dito." hindi ma-spelling ang mukha ni Claire sa inis. Halatang tinakbuhan na nga si Mike sa pagkainis niya pero heto ngayon ang boyfriend niya. "Hindi mo man lang ba ako hahalikan?" tanong ni Mike ngunit isang bonggang pag-irap lang ang natanggap nito kay Claire sabay kain muli. "Ako na lang hahalik sa'yo, wala naman na akong jowa." pabirong sambit ni William upang saluhin si Mike sa pagkakapahiya. "Aish! Ano na naman bang nagawa ko sa'yo?" tanong ni Mike sa abalang kumakain na si Claire. Para ngang walang naririnig, walang pakialam kahit na dinig na dinig ang boses ng dalawang ito. Umamba akong susubo nang may kamay na nagbaba sa aking kamay. "Mamaya ka na muna kumain, nakakatakam, eh." pigil sa akin ni Mike, blangko ko lang siyang tiningnan. 'Pakialam ko?' Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya bagkus isinubo ko ang may laman na kutsara. "Dahil hindi ko ba nasagot ang tawag mo? Sorry, may iniutos lang sa akin si Dad no'ng mga oras na 'yon kaya hindi ko nagawang sagutin." Patuloy lang ako sa pagkain ngunit naiilang ako dahil pakiramdam ko, may nakatitig sa akin. Lumingon ako at nakita ko si William na bahagyang nakanganga. Nginiwian ko siya saka tinaasan ito ng isang kilay. "Gutom ka?" tumango siya sabay ngiti. "Bibigyan mo ako?" tanong niya. "Hindi, mag-order ka." sumimangot ito sabay irap ngunit natawa ako sa ginawa niya. "Para kang bakla," komento ko sa kaniya. "Parang lang pero lalaki ako," sagot niya. "Hindi mo ba talaga ako papansinin? Hindi mo ba ako naririnig? Sandali bibili lang ako ng cotton buds nang linisin ko 'yang tenga mo at marinig mo ako," paalam niya ngunit nagkibit balikat lang si Claire saka nagpakawala nang malalim na pagbuntong hininga. Jusmiyo! Itong mga love birds na 'to. "Para kayong ewan na dalawa, ito cotton buds." sabay lahad ni William kay Mike na nanggaling sa bulsa niya. "Salamat dude, always ready ka talaga. Puwede ka ng mag-jowa ulit." umismid lang si William saka humalukipkip. Habang sumusubo ay pinanood ko lang si Mike kung paano niya dahan-dahang ilapit ang cotton buds sa tenga ni Claire. "Baby, hindi ka naman bingi pero huwag ka namang magbingi-bingihan diyan. Alam kong naririnig mo ako kaya naman pansinin mo ako," pagsuyo ni Mike sa walang naririnig na si Claire. "Linisin mo na kasi ang tenga niya. Basagin mo ang ear drums niya nang marinig ka na niyan." nakahalukipkip na suhestyon ni William. Masamang tinignan naman ni Claire ang pinsan. "Claire, pansinin mo na kasi." inirapan lang ako nito. "Baby, please. Ano ba gusto mo? Maghubad ako dito sa harap mo o pagtitimpla kita ng gatas para hindi ka na sumpungin. Magsabi ka kung ano ang gusto mong gawin ko para lang mapansin mo ako." pagsusumamo ni Mike. In love nga talaga ang haring ito. Naiilang ko na lamang tinapos ang pagkain ko saka sumimsim sa iced tea. "Claire, huwag ka ngang umaktong bata d'yan. Hindi ka lang tinawagan, ganiyan ka na. Pero siya ba no'ng tawag siya nang tawag sa'yo nagtampo ba?" wika ni William. Tiningnan lang ni Claire ang pinsan. "Hindi 'di ba? Mag-intindihan kayong dalawa. Hindi 'yong siya lang ang iintindi sa'yo," payo nito na aking tinanguan bilang pagsang-ayon. "Huwag mo namang pahirapan si Mike dahil sa simpleng hindi niya pagsagot sa tawag mo, Claire." saad ko dahilan upang ilipat niya sa akin ang tingin niya. Napalunok naman ako sa katarayan nang pagtingin niya. Ang hirap talagang pagsabihan ang isang 'to. Nasaan ba si Melissa? Siya lang ang nakakapagpasunod sa isang 'to. Panay ang pagsundot ni Mike sa tagiliran ni Claire na siyang nag-iwas naman nito. "Mike!" inis nitong tawag sa pangalan ng boyfriend. "Baby, sorry na. Pansinin mo naman ako. Hindi ako titigil dito hangga't 'di mo ako pinapansin. Pansinin mo na ako, please." he begged. Umiling na lang ako sabay tayo. "Pahalagaan niyo ang bawat oras habang kayo pa dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa relasyon niyong iyan," sabi ko sa kanilang dalawa. Wala akong karapatan para sabihin sa kanila ito, iba-iba ang daloy ng relasyon sa bawat magkasintahan pero pinapaalala ko lang sa kanilang huwag magsisi sa huli kung hindi sila nagka-ayos. "Mamaya maghihiwalay kayo at magsisisi pa kayo sa huli kung bakit hindi niyo kaagad inayos ang away ninyong dalawa. May magsasawa at magsasawa sa inyong dalawa, gaya nila Estella at Justin, hindi habam-buhay mahaba ang iyong pasensiya. Inakala nating sila na talaga sa huli, pero napagod si Estella," paghahalintulad ko. "Hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay may manunuyo sa'yo. Mapapagod at mapapagod siyang mag-effort. Hindi lang sa'yo umiikot ang buhay niya, dahil kaya naman niyang mabuhay kahit wala ka, pero matagal nga lang maghilom ang sugat." sabat ni William. Parang may pinaparinggan. "Huwag mong hintayin na siya ang kusang magsasawa. Akala mo masaya siya sa ginagawa niya, akala mo ayos lang na magtampo ka. Huwag kang pakampante na akala mo masaya pa siya, pero akala mo lang dahil naghanap na pala siya ng iba." hugot nito. "Parang kayo ni Je—" "Oo," sagot niya sa sinasabi ni Claire. "Pahalagaan niyo ang bawat isa dahil baka mamaya ang isa sa inyo ay tuluyan kang mabura sa isip niya." mapait kong sambit sa kanila. Kung pinahalagaan ko siya no'ng mga oras na 'yon, hindi ba mangyayari ito sa kaniya? "Huwag niyong hintayin na abutin ng taon ang relasyon niyo para masabing matatag nga kayong dalawa, dahil hindi sa lahat ng nagtatagal ay matatag. Iyong akala mo kayo na, pero maghihiwalay pa rin kayo. Bawat oras ay dapat maging matata—" "What's with the two of you?" putol na tanong ni Mike habang nakakunot ang noo nito. "Nagpapaalala lang kami dahil ayaw naming maghiwalay kayo kaagad dahil sa simpleng away niyo na 'yan," sabi ko sa kanila. "Kayong dalawa lang ang in relationship ang status sa barkada, kaya ayaw naming magaya pa kayo sa amin na nasa puntong naghihintay ng himala sa love life namin." natatawang sambit ni William. "Concerned kami sa inyong dalawa kasi mahirap maghanap ng taong nakalaan sa'yo." sabi ko. "Claire, be mature enough. Kawawa na ang bebe ko sa pagsusuyo sa'yo. Kaya pala walang nakakatagal na lalaki sa'yo dahil ganiyan ka, masuwerte ka kay Mike dahil—" "Madali akong magsawa pero sa'yo lang ako hindi magsasawa. Hindi ako magsasawang suyuin ka kapag nagtatampo ka, aaminin kong minsan nakakainis na pero mahal kita at hindi ako makakatulog hangga't 'di tayo nagkaka-ayos. Bakit ako magsasawa kung ikaw ang gusto kong maging asawa." ngumiwi ako sa banat ni Mike kay Claire. Sumilay ang ngisi ni Claire sabay hampas sa braso ni Mike. "Ang hirap maging single 'no?" baling ni William sa akin habang nakatingin kaming dalawa sa magkaayos ng love birds. "Bakit?" natatawa kong tanong sa kaniya. "Palagi mo na lang papel sa magkarelasyon ay ang magpayo." ismid nitong sabi at tumalikod. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya. Itinaas niya ang kaniyang kamay sabay kaway. "Hahanapin ko ang forever ko." Forever? What a word.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD