Racelle POV
Pinag-aaralan ko kung anong magandang ibubungad kay Tristan sa pagdating niya. Kabado akong nakatungo sa pinto, hinihintay itong bumukas upang ihanda ang aking ngiting hindi malaman kung alin ang magandang ipakita sa aking mukhang walang maihaharap. Ngiting mapakla, ngiting malawak na abot langit, ngiting nakakaawa, ngiting tipid, ngiting nakakaakit, ngiting nakakatawa, o ang ngiting walang emosyon? Hindi ko alam. Hindi nila napapansing kabadong-kabado ako’t pinagpapawisan sa aking kinauupuan dito sa sulok dahil sila’y nagkakasiyahan.
Paano ba maging kampante, kagaya nila? Tumingin ako sa direksyon ni Kitian kung saan nakita ko pang sinusubuan niya si Richie ng fries. Ngumiwi ako saka agad ding iniwas ang tingin. Kanina pa sila tapos mag-date pero may part two? Hindi ba puwedeng ako rin ay subuan niya? Isa lamang dare ang date nila at bakit parang tinototoo nila? Puwede rin palang magsubuan ang magkaibigan akala ko para lang sa magka-ibigan.
“Racelle, ayos ka lang diyan? Hindi mo pa binabawasan ‘yang halo-halo mo,” kibo ni Estella nang lapitan ako nito at samahan sa aking kinauupuan. “Estella, darating pa ba siya?”
“Oo, na-traffic lang siya siguro.”
“Puwede pa ba akong umalis?” kagat labi kong tanong sa kaniya. Sandali siyang nag-angat ng tingin. Kumunot ang noo nito.
“Bakit? Nandito ka na, aalis ka pa?” simangot niyang sambit sa akin sabay balik ng tingin sa cellphone niya nang napapangiti.
“Tumatawag na kasi ang kalikasan sa akin,” palusot ko bilang pag-agaw ng kaniyang atensyon. Suminghap itong hindi inaalis ang tingin sa cellphone niya.
“May restroom naman dito,” abala siyang nagtipa pero mayamaya ay sumulyap siya sa aking takang-taka. “Teka ayos ka lang ba talaga? Bakit pinagpapawisan ka e, aircon naman dito sa loob. May lagnat ka ba?” pansin niya sa aking butil na pumapatak sa aking noo. Nag-aalala siyang tumayo sabay lapag sa mesa ang hawak n’yang nakatuping cartolina at akmang hahawakan ang noo ko nang mabilis ko itong hinawi. Nilalamig na mainit ako at ito ang resulta ng aking matinding kaba.
Nagtataka niya akong tiningnan. Suminghap ako. “Estella, ayok—”
“Nandito na ang kukumpleto sa ating squad!” masiglang wika ni Justin nang pumasok ito sa loob ng restaurant kung saan sinadya pa nilang ipa-private ito para lang sa aming magkakaibigan na hinihintay ang bagong balik. Excited akong hinila patayo ni Estella sabay hatak sa akin sa harap at buklat ng cartolina, banner.
“Nandiyan na si Tristan, samahan mo akong iangat itong banner.” kumaway ako upang tumanggi sa paghawak at hinahatak si Claire pero biglang hinawakan ni Estella ang kamay ko.
“Teka… h-hindi—” angal ko ngunit huli na nang biglang bumukas ang pinto. Nakamulagat ako habang nakaawang ang aking bibig. He’s here, he’s already here in front of me.
“Welcome back, Tristan!” masayang hiyaw ng aking mga kasama, nangunguna ang boses ni Mike at William sabay palakpak nila nang malakas. Tumabi si Jerome kay Tristan at do’n niya ipinaputok ang party popper mismo sa tabi niya dahilan upang magpantig sa aking tenga ang tawa niyang matagal kong hindi narinig. Titig na titig ang mga mata ko sa kaniya, sinusuri ang pagbabago niya. Nagbago na ang hairstyle niya, mahaba na ang kaniyang buhok hanggang batok at katulad ng uso ngayon nakaipit din siya kagaya ng mga babae. Ang ngiti niya ay hindi mo mapapansing nanggaling sa heartbreak at aksidente, he is really move on. Tawa niya’y nakakaakit pakinggan he grown up from a very manly.
Tumahimik ang lahat and I started to feel their stares as expected, I am the center of attention again. sinikil ako ni Estella saka bumaling ang tingin sa akin ni Tristan na siyang mas nagpakaba sa aking bigyan siya ng magandang bungad. Imbes na ngumiti ay natuod ako’t nawala ang inihandang ngiti kanina dahil nag-iba na ang kaniyang pagtingin. Blanko, nanlalamig ang mga mata niya. He changed but he moved on.
“Welcome back,” nahihiyang bati ko sabay iwas ng tingin. Crap. I’m sweating.
“Naman Racelle, energy! Para kang lantang gulay.” Claire cheer up for me with matching massage on my both shoulders. Ngumisi siya at iniwas din agad ang tingin. Why so cold?
“Naubusan ng energy sa fashion week kaya siguro ganiyan.” sabay tawa ni Justin na alam kong malapit lang sa akin. Dahan-dahan kong ipinilig ang ulo ko upang lingunin siyang nagtungo sa likuran. Isa-isa niyang kinamayan at niyakap ang mga ito subalit tumigil siya at lumipat ang mga mata ko sa sumigaw.
“Tristan!”
Hindi alam kung anong reaksyon ni Tristan but his voice seems surprised. “Richie, you’re here. Akala ko hindi ka makakasama.” matamis ang nakaukit na ngiti sa labi niyang nakakaakit ang pula. Why are you so close to them, Richie? Anong mayroon sa ‘yo at madali kang pakisamahan at agad na mapalapit sila sa ‘yo? Because she is kind and she has alluring beauty also leaves a lovable impression, while I leave everyone upset and problems. I am not that lovable because I am selfish idiot that deserves to feel this pain.
“I’m with Kitian. Supposed to be wala ako rito dahil may pupuntahan ako but to keep Kitian’s promise and as his dare, I have to meet him to have a date.”
“Date? You two are dating?” untag ni Tristan na bahagyang naituro niya pa silang dalawa. Nagkatinginan ang dalawa kasabay ng pamumuo ng ngiting may kahulugan o sadyang paranoid na naman ako at nabibigyan ng malisya ang kanilang pagkakaibigan.
“Ako ang ka-date niya kaso – aray!” daing ni Mike nang dumapo sa pisngi nito ang palad ni Claire. Gulat si Mike habang nakangiwi kaming tumawa sa kaniya. Hinimas-himas niya ang kaniyang pisngi nang hindi inaalis ang nagtatakang tingin kay Claire kung bakit niya iyon ginawa. “Bakit ka nanampal, baby?”
“You deserve it.” ismid nitong irap. Mahina na lamang natawa si William sa tabi niya.
“Do you still remember me, Kitian o nakalimutan mo na?” baling niya kay Kitian na tahimik lang itong nakatungo. Sandali pang napasulyap sa akin si Kitian at tipid akong nginitian.
Umiling siya sabay sabing, “No, how could I forget you? You are one of my friend.”
How I wish that I am also one of your friend that you couldn’t forget, but it’s sad to know that I am your past that you wished to permanently forget.
Nangiti akong naiyuko ang ulo sa sahig na aking tinatapakan. Bumibigat ang puso ko, parang sasabog sa bigat. Starting to feel awkwardness and being out of place in this welcome party they prepared. Hindi na dapat ako sumama dahil nagsisisi akong hindi nakatanggi. Parehas nila akong pinapakitunguhan ng panlalamig dahilan upang mas lalo akong manghina at mawalan ng lakas sa kinakatayuan ko ngayon. I should place myself in a refrigerator for me totally feel numb because of coldness.
I count my fingers with a fake childish smile doing while my head down. “Nako! Tama na ‘yan, magsiupuan na tayo at magkainan!” tinig ni Melissa. Narinig ang tunog ng mga pinggan, senyales na nagsihanap na sila ng mauupuan sa long table. Humigpit ang aking hawak sa nakasukbit kong sling bag. Finding a right timing to escape from this deadly scene of where I am.
“Racelle, tara!” aya ni William nang madaanan niya ako. Tumango lamang saka sumunod upang hindi na naman nila mapansin. Paupo na ako sa tabi ni Yvonne na hindi ako inimikan sapagkat tinapunan lang ng inis na tingin pero biglang iniharang ni Jerome ang braso niya.
“Bakla, do’n ka na lang.” sabay turo niya sa tabi ni Claire kaya nagtungo naman ako at ipaubaya na lang kay Jerome ‘yon. Besides Yvonne and I are not in good terms right now.
“Baby Race, tabi kami ni—” suminghap ako nang pigilan ako ni Mike. Muli kong ipinaubaya ang espasyong iyon. Napatingin ako sa nag-iisang bakanteng upuan kung saan nakapuwesto ito sa pagitan ng dalawang lalaking nanlalamig sa akin. Pikit-mata akong nagtungo ro’n ngunit hindi pa ako nakakalapit do’n nang biglang umupo ro’n si Richie. Natigil ako sa paglalakad at binilang ang upuang nakahilera, kulang ng isang upuan pero siksikan ng tingnan. Lumingon ako sa mesa kung saan ako nakaupo kanina, may upuan do’n.
“Racelle, maghila ka na lang ng upuan. Dito ka sa tabi ko,” sabi ni Justin nang sulyapan niya ako dahilan para magsitinginan din sila sa akin. Tumango na lamang ako habang ang puso ay parang humihiwalay ito sa katawan ko. Imbitado ba talaga ako?
“Restroom muna ako.” paalam ko saka naglakad nang nakayuko.
“Racelle, ‘di diyan ang restroom. Lumalabas ka na,” sita sa akin ni Melissa na tinitignan pa pala nila ako.
“Ha?” kibo ko nang lingunin silang nakatingin sa akin lalo na nang magtama ang mga mata naming tatlo. Nailing si Kitian habang nakatungo lang sa akin si Tristan.
“Racelle, are you okay?” tanong ni Richie sa akin matapos niyang lunukin ang kinakain. Ngumiti ako sabay tango para ipakitang ayos lang talaga ako. Ayos na ayos, sa sobrang ayos ko gusto ko ng mag-iiyak sa harap ninyong lahat.
“I’m fine. Sige, restroom lang ako.” dumiretso ako kaagad patungong restroom. Muli ko silang nilingon na sa ngayo’y nagtatawanan na silang lahat. Nagtubig ang mga mata sa nakita at nanginig ang labing humulma ng ngiti. Why so happy? Why I can’t be like them?
Umiling-iling ako ng ilang beses tumigil lang nang makaramdam ng pagsakit ng ulo. Bumuntong hininga sabay tingala at punas sa gilid ng aking mga mata. Imbes na magtungo sa banyo ay may naisip akong paraan. Sinundan ang lumabas na babae galing banyo. Alanganin siyang kinalabit nang tumigil ito. humarap siya sa aking nakatungo, naghihintay ng aking sasabihin ngunit isang tipid na nahihiyang ngiti ang ibinigay ko. Maingat siyang pinasadahan ng tingin hanggang sa mapansin ang name tag niyang nakakabit, ‘manager’.
“May kailangan ka ba, miss?”
“Miss, puwede bang diyan na lang ako dumaan? Please?” pakiusap ko kaagad na nakaturo sa fire exit na nasa kaniyang likuran. Tiningnan lang niya ako, tila ayaw pumayag kaya naglabas ako ng pera sa bag. Idadaan na sa pera para makalabas lang sa nakakamatay na restaurant na ‘to ngunit tinanggihan niya.
Nag-isip pa ng maganda at kapani-paniwalang palusot upang pumayag lang siya. Pinaawa ang pagmumukhang nakatingin sa kaniya, mas nakakaawa pa sa tuta nang maawa sa akin ng tuluyan. Ipinagdaop ang palad para mas maging epkitibo. “Please, masama kasi ang pakiramdam ko at ayaw akong paalisin ng mga kasama ko. Kailangan ko ng umalis, nahihilo na ako.” pagmamakaawa kong pakiusap sa kaniya.
Kaagad akong naglakad nang mabilis no’ng maawa siya sa akin. Mabilis na pumara ng tricycle. Lulan ng tricycle pauwi ay nakonsensya ako sa ginawang pagtakas ng hindi nagpapaalam. May pakialam pa kaya sila? Sa tingin ko wala na. They are all busy eating and sharing stories. Patawarin niyo ako kung naging killjoy ako sa inyong paningin, hindi ko lang kayang sikmurahin ang dalawang lalaki sa iisang eksenang nagpapabigat sa aking puso. Hindi ko kayang makitang masaya si Richie at Kitian habang awkward at tila hindi ako pinapansin ni Tristan. Parang ayaw niya akong makita dahil sa blanko nitong tingin. I’m torn.
--
Isang mahinang pagkatok ang narinig mula sa pinto ang nagpagising sa aking mahimbing na pagtulog. Hirap akong dumilat dahil parang nanliliit ang mga mata ko. Nang suriin ang mukha sa salamin ay do’n lamang naalala na nag-drama pala ako magdamag at hinila ng pagod at antok kaninang madaling araw lamang. Muling narinig ang pagkatok, “Racelle,” boses ni Estella sa labas.
“Gising ka na ba?” tanong nito. Nagpakawala muna ng buntong hininga sabay pukpok sa ulo bago tamad na tumayo upang lumapit sa pinto. “Bakit?” halos pabulong kong untag sa pinto nang nakasara pa rin.
“Alas siete na, hindi ka kakain? Kahapon ka pa hindi kumakain.” Isinandal ang pisngi sa pader ng pinto, walang balak pagbuksan ng pinto dahil malamang sa alamang papaulanan na naman niya ako ng mga samu’t saring katanungang naririndi na ang tenga at nagsasawa na ang bibig sa paulit-ulit na pagsagot.
Para akong artista, palaging hinahabol ng mga reporters.
“Racelle, hindi ka ba lalabas?” tanong niya subalit hindi ko maibuka ang bibig ko para sumagot nang may kalakasan ang boses sapagkat mahina. Napadausdos akong napaupo sa sahig. Binasa ang inilusot na papel ni Estella sa silong ng pintuan.
Bigla ka na lang umalis kahapon nang hindi nagpapaalam. May problema ka ba o sakit? Kumain ka, ha? Isang araw ka ng hindi kumakain baka magkasakit ka niyan. Gustuhin mang buksan ang pinto gamit ang susi ay hindi magawa but I do understand you kahit na hindi ko na naiintindihan ang mga pinaggagawa mo sa buhay mo. You are so weird this passed months, since nag-away kayo ni Tita, ibang-iba ka na. Siya nga pala may dinner night tayo sa bahay nila Richie mamayang alas nuebe. Buksan mo lang ang pinto kung gusto mong pumunta. Sabay na tayong pumunta do’n.
Nanghihina akong tumayo at kumuha ng ball pen sa drawer sabay sulat sa ibaba na aking itinupi para mabasa niya ang salitang, “I won’t come, I’m sorry.” paika-ika akong bumalik sa pinto at inilusot do’n ang papel na alam kong nando’n pa rin siyang nagbabakasakaling bubuksan ang pinto.
“Racelle, bakit?”
--
From: Mama
Kumusta ka na, anak? Paluwas pala kami ng Manila ni Papa mo saka napag-usapan naming dadaanan ka namin diyan sa bahay nila, Estella kung okay lang sana sa ‘yo. Miss na miss ka na namin at sana magkaayos na rin tayo. Nabalitaan din pala namin ‘yong patungkol sa fashion week mo. We are so proud of you anak. Hintayin mo kami d’yan, ha? Seven in the evening nandiyan na kami kasi may dadaanan pa kami. Love you, anak.
Umagang-umaga ay nagpakawala ako nang malalalim na buntong-hininga dahil sa hindi magandang bungad sa akin ng haring araw. Mabigat ang puwet na umupo sa kama at ipinagpatuloy ang pagsuklay sa basang buhok. Nang matapos magsuklay ay agad na nagtungo sa tapat ng pinto.
“Good morning, hija. Mabuti naman at lumabas ka ng kuwarto mo,” bungad sa akin ng Mama ni Estella pagbukas ko pa lamang ng pinto ng aking kuwarto. Ilang akong nangiti sa kaniya. Alam na lumalim ang aking mga mata at mugto pa rin ang mga ito dahil sa hindi malamang pag-iyak.
“Good morning po,” sagot ko.
“Dalawang araw ka ng hindi kumakain kaya magtungo ka na sa kusina, nando’n na si Estella nag-aalmusal kasama ang mga kaibigan niyo,” nakangiting sabi ni Tita na aking tinguan at nagpunta sa kinaroroonan ni Estella nang nahihiya.
Hindi pa tuluyang nakakarating sa kusina ay rinig na ang mga boses ng mga kaibigan. Tiyak na papaulanan nila ako ng tanong kaya minabuting magtago muna at pakinggan sila. “May pag-asa si Van sa kaniya, pero bagay naman kayong dalawa,” tinig ni Melissa.
Maingat akong sumilip at halos matakpan ang bibig sa nakita. Bakit siya nandito? Sumulyap sa nakaupong si William sa tabi ni Melissa nang magsalita ito. “So, what’s your plan now? Medyo matagal-tagal pa naman ang high school reunion natin sa Famous Academy.”
“I miss our school. Balak ko nga ring do’n na lang magturo kaso okay na ako sa Fatima y Dora University,” nakangusong sambit ni Estella sabay subo ng kutsara.
Mahinang tumawa ang tatlong nakaupo ro’n habang napapahilamos ako ng aking mukha. Bakit siya nandito? Hindi pa ako handang humarap sa kanilang dalawa o isa sa kanilang iniiwasan ko. “Hindi natuloy ang dinner night sa bahay nila Richie kagabi, so, we should continue it this night, here?” tanong ni Melissa.
Tumaas ang isang kilay. Tumango si Estella at ibinaba ang hawak na kubyertos nang maubos na niya ang kinakain. “Oo naman, papaalam lang ako kay Mama at siguro naman lalabas na si Racelle sa kuwarto niya.”
Ramdam ang lungkot sa boses niya ngunit ipinagsawalang bahala. “Hindi pa siya lumalabas edi hindi pa rin siya kumakain?”
“Ano pa nga ba, William?” pambabara ni Melissa sa pagitan ng pag-irap. Pinagmasdan ang nakaupong lalaki sa gitna nila Estella at William, hindi siya kumikibo subalit napapatango sa naririnig. Abala siya sa pagkain.
“Pero nakakapag-alala lang na baka hindi lang din siya lalabas. Agahan na lang natin para hindi niya tayo tutulugan. 7 pm and I am sure that she’s still awake at that time.”
“Bakit nga pala nandito si Racelle? Nasaan na sila Tita at Tito, bakit hindi sila magkakasama?” curious na untag ni William. Napansin ang pag-angat ng dalawang balikat ni Estella.
“Racelle is leav—” agad na nagpakita kasabay ng pagtikhim upang agawin ang atnesyon nila at putulin na rin ang sinasabi ni Estella. Ayokong malaman nila, madadagdagan na naman ang curiosity nila at katanungan sa akin. Gulat silang nakatungo sa akin kaya ilang akong ngumiti lalo na nang pasadahan ako ng tingin ni Tristan habang ngumunguya.
“Good morning,” mahina ngunit kaswal kong bungad sa kanila.
“Racelle? Kanina ka pa ba diyan?” tanong ni Melissa sa akin. Sumilay ang maliit na ngisi sa labi sabay iling at tango.
“Hindi naman, pero narinig kong hindi natuloy ang dinner night ninyo?” kaswal kong tanong at umupo sa tabi ng lalaking gustong iwasan. No choice, walang mauupuan at kailangang magpakita nang may lakas na loob at kapal ng mukhang humarap sa lalaking tinabihan ko.
“Some emergency meeting happened between Kitian’s grandfather and Richie’s family.” tumingin ako nang si Tristan ang sumagot sa aking tanong na may kasamang ngiti sa labi ngunit hindi ito lumingon sa akin. Tumikhim ako saka nagsandok ng makakain.
“So, dito niyo itutuloy mamaya?” tanong ko bago isubo ang kutsara. Isinasaisip na wala siya sa tabi ko upang sa gayon ay makakain ako. Ramdam na ramdam ko ang matinding awkwardness habang katabi siya.
“Oo, sana pero mas magandang s—”
“Sorry, hindi ulit ako makakasama. May pupuntahan ako.” agap na sagot sa sinasabi ni Melissa. Kunot-noong napatingin sa akin si William matapos niyang magpunas ng bibig.
“Saan naman?” tanong niya. Tipid lamang silang binigyan ng ngiti, hindi na nagsalita pa sapagkat susundan na naman nila ng tanong.
I want to go somewhere where I can find peace. I just want to escape everything again. Hindi pa ako handang humarap sa kahit na sino sa kanila, even my parents, lalo na si Mama. Nakalimutan ko ng makibagay at paano makitungo.
Iiwas muna ako dahil iyon ang alam kong solusyon sa ngayon.