Racelle POV
Enjoying the dark night at the park with a peaceful ambiance of being alone. Mga makukulay kumukutitap na christmas lights ay nakasabit sa puno. I feel the presence of Christmas is coming.
Tumingala ako sa langit, tiningnan ang makukulay sa mga matang Christmas lights maging ang kakaunting bituin. Sa kalagitnaan ng aking pagmuni-muni ng buong araw ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Six missed calls and three unread messages ang bumungad sa screen ng phone. Sinadyang hindi sagutin ang mga 'to ngunit muling tumawag si Estella, nagsisising sinagot pa ito.
("Racelle, nasaan ka?") nag-aalala ang boses niyang bungad pagkatutok ng tenga sa speaker.
"Bakit?" walang ganang tanong ko imbes na sagutin ang tanong nito.
Mas lalong hindi naging maganda ang mood ko nang marinig ang kaniyang sinabi. ("Nandito sila auntie at uncle, hinihintay ka nila. Hindi ka ba uuwi? Nasaan ka ba? Susunduin na lang kita.")
"Nandiyan pa sila?" mahinang tanong ko na naulinigan pa nito. Hindi ako natutuwa kahit na dapat ako ay matuwa dahil personal akong kinakumusta ng aking mga magulang.
("Ha? Oo, nandito pa at bukas pa sila uuwi dahil gusto ka nilang makita,") maikling sabi niya dahilan para manlumo ako.
"Pauwiin mo na lang sila," maikli at malamig kong sambit kasabay nang pagbuntong-hininga.
("Ha? Bakit naman? They are here for you, hindi ka ba uuwi para man mayakap ang parents mo? Nanggaling pa sila sa Pangasinan.") tanging ang paghinga ko ang narinig niya. Alam at gusto ko pero ayoko.
"I don't care basta pauwiin mo na sila. Hindi ako uuwi hangga't nandiyan pa sila." pagmamatigas kong wika. Wala talaga akong balak umuwi nang nando'n pa sila. Overflowing questions will happen at mga tinging naaawa saka sermon ang maririnig kay Mama.
Pansin ang inis ni Estella nang marinig ang pagbuntong hininga niyang malalalim. ("Bakit? Nag-aalala na nga kaming lahat sa 'yo rito. Passed 12 a.m. na pero wala ka pa rin tapos ganiyan lang sasabihin mo? Ano na bang nangyayari sa 'yo, Racelle? Text kami nang text sa 'yo at tawag nang tawag pero hindi mo man lang sinasagot? Nagre-rebelde ka ba o may problema kang nahihiya mong sabihin? Bakit hindi mo sabihin sa akin, makikinig naman a—") agad ko siyang binabaan ng tawag nang magsimula itong magtatalak sa kabilang linya.
Tahimik na sinulyapan ang mga nanahimik na halaman at tahimik na pinakikinggan ang huni sa paligid-ligid. Hinahayaan ang mga pesteng lamok na dumapo at sumipsip ng aking dugo, nagpapa-blood donor ako sa mga patpating matakaw na maliliit na bampira. Nagpalipas ng isa pang oras bago mapagpasiyahang umalis. Lumalamig na ang kaninang mainit na simoy ng hangin, bumibigat na rin ang talukap ng mga mata.
Tahimik akong naglalakad, hinahayaan ang pag-ring ng cellphone sa bulsa. Nang matapat ako sa pedestrian lane ay palinga-linga akong tinitingnan ang mga sasakyang nagtutuloy-tuloy at matulin ang pagpapatakbo. Hindi man lang tumigil upang patawirin ako.
Busangot na umirap sabay halukipkip. Tumalikod na lamang at nagpatuloy ang paglalakad. Maghahanap na lang ng kasamang tatawid upang kapag masagasaan ay may kasama at may makasaksi.
Sa pagpapatuloy ko sa paghakbang ay tila nakaramdam ng lamig nang may maramdamang sumabay sa akin. Nais sanang lingunin ito ngunit mas gugustuhin ko na lang tumakbo palayo nang magsalita ang isa sa mga iniiwasan ko.
"Madaling araw na anong ginagawa mo pa ritong mag-isa?” nagsitaasan ang nilalamig kong balahibo sa katawan.
"Ikaw, bakit ka nandito?" balik kong tanong sa kaniya. Pasimple ko siyang nilingon at nakitang nakangiti ito ng tipid habang nakapamulsa itong sumasabay sa aking paglalakad.
"I'm going home." tumango ako sa narinig ngunit hindi maiwasang mapatanong ng aking isipan. Bakit inabot pa siya ng madaling araw? Hinatid niya ba si Richie? Nag-date ba sila?
"Me too, I'm going home." saka ako tumahimik at itinikom ang bibig. Mahina kong hinampas ang braso nang may dumapong lamok. Kinukulot-kulot ang buhok gamit ang hintuturong daliri habang kasabay siya. Luminga-linga sa kakaunting taong nasa paligid, tanging ang matulin ng pagtatakbo ng kotse ang makikita dahil sa ganitong oras ay wala ng trapik at kahit paharurutin na nila ito ng mabilis. Napapansin sa gilid ng aking mga mata ang paglingon niya sa akin kaya itinakip ang buhok nang hindi niya ako tingnan. I sudden feel awkward at dapat pinapaulanan ko siya ng tanong o mga pagmamakaawa kong dramang alalahanin niya pero nawawalan na ako ng gana.
Ang puso ko ay paunti-unti ng napupundi pero patuloy pa rin siyang umiilaw kahit na pakurap-kurap na ito. Napapagod na ako, malapit ng sumuko. Kaunting eksena pa ng pasakit, bibigay na ako.
"Nakakapanibago ka," biglang wika niya. Sandali siyang sinulyapan saka kinunutan ng noo.
"Bakit naman?"
Suminghap siya’t sinulyapan din ako ngunit isang matipid na ngiti ang iniregalo sa aking nawawalan nang ganang pagkatao. "You always annoy me but seems like you change after we had a date."
Sinuklian ko siya ng maliit na ngiti sa labi sabay baling sa iba ang tingin. Napansin rin pala niya akala ko kasi nasa iisang babae na ang ikot ng kaniyang mundo. Itinuturing na nga ako nitong kaibigan. Bakit gano’n? Bubuti lang ang pakikitungo niya sa akin kung kailan manhid na manhid na ako’t papasuko na sa mayroon kaming hindi maintindihan.
"This is me when I am slowly getting tired." usal ko sa aking sarili.
"Saying something?" kunot-noo niyang tanong, nginitian ko lang siya sabay kaway ng kamay bilang pagsabi ng wala.
"Say something and I am giving up on you," pakanta kong wika at sinabayan nang mahinang pagtawa. Samantalang nangunot ang noo ko kalaunan nang bahagya siyang nandilat sa narinig.
"How lovely your voice is," nakangiti nitong papuri sa akin na ikinatuwa ko naman sa pamamagitan ng pagguhit ng medyo tipid na ngiti sa labi. Hindi umimik dahil tila nalulon ang sariling dila. Awkward.
"Why are you so quiet? Ayaw mo ba ng presence ko?"
"Inaantok lang," sagot ko nang muli niyang basagin ang bumalot na katahimikan.
“Aaminin kong ang awkward pero pinipilit kong pakitunguhan ka ng maayos because I don’t want to see you sad pero bakit hindi ka yata natutuwa?” tumigil ako sa paghakbang nang marinig iyon. Hinarap ko siyang nakangiti, nagsimulang magtubig ang mga mata.
“Aaminin ko ring nasasaktan ako,” pag-amin ko at agad na nag-iwas ng tingin nang subukan niyang pakatitigan ako. Ayan ka na naman sa mga titig mo, huwag mo akong titigan baka tuluyang tumulo ang mga luhang kay hirap pigilan sa iyong harapan. “Lumayo ka man o lumapit sa akin, nasaaktan ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi ba dapat maging masaya ako kasi pinapansin mo na ako ng maayos kaysa sinusupladuhan mo ako? Pero itong puso ko ayaw sumaya, masakit. Sobrang sakit kaya pasensya, nakalimutan ko na yatang maging masaya at kuntento.”
Gusto kong maging makasarili, Kitian. Gusto ko palagi kang nasa tabi ko, gustong sabihin lahat nang hinanakit pero sa tuwing mapapatingin na ako sa ‘yo tila ayaw ko ng sabihin dahil parang ‘di ka interesado at wala kang magandang sasabihin. You are not the Kitian I know that he cares everything. He’ll lean his ears even he feels annoyed and bored listening to my dramas, but seeing you right now? Makes me sick and hurt so much. You don’t care even you say you care. Iba na, iba na ang babaeng nasa isip mo. Nalason na rin ang isip mo dahil tingin mo pa lang alam kong napipilitan ka lang talaga. Hindi ko na malagyan ng sagot ang blanko niyang ekspresyon, even now. Blank expression drew on his cold face kahit na ang dilim-dilim.
"Hatid na kita," imik niya nang muling balutin kami ng katahimikan. Akmang maglalakad siyang muli maging ako nang may biglang may iniluwa ng lupa sa harapan namin. Natuod ako’t gusto ulit tumakbo. s**t, bakit sunod-sunod? Manipis na ang maskarang suot ko, wala na akong mukhang maihaharap pa sa isa pang lalaking nandito.
"Hindi na. Ako na ang maghahatid sa kaniya pauwi." agad na inilihis ang mga mata sa kotseng nakita nang balingan niya ako ng tingin. Tinatakasan ko na nga kayo, pero wala pa rin.
"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" pumikit ako nang marinig ang kanilang boses. Isa, dalawa, tatlo pagbilang ng lima, Racelle, ihanda mo na ang iyong paa upang tumakas.
"Oo, alam ko." mahigpit na naikuyom ang kamao at handang-handa na. Inihakbang ang isang paa, patakbo na nang biglang kalabitin ako ni Kitian. Nagmulat ng mga mata, bumungad ang maganda niyang ngiti. Napatitig sa labi niyang nagsasalita at tila bumagal ang paggalaw ng labi niya. Shet, I miss you—
"Okay, take care." sabay gulo niya sa buhok ko saka ito naglakad palayo na aking naiangat ang kamay upang pigilan sana siya kaso mabilis itong nakalayo agad. Ibinaba ang kamay at yumuko na lang. Isang mas nakaka-awkward na eksena ang yumakap sa aming dalawa. Kung kami ni Kitian kanina ay may huni pa ng insektong maririnig at ang pagdaan ng mga sasakyan pero kami, tila nabingi ako sa sobrang katahimikan na halos paghinga ko’y hindi na marinig. Kinagat nang mariin ang ibabang labi habang ramdam itong nakatingin sa akin.
Huminga nang malalim bago taas noong tumingin sa kaniya. Kumikislap ang mga mata niya nang balingan ko, tiyak na nakatingin ito sa akin kahit na dumilim ang aming kinaroroonan. Tumutusok sa aking nahihiyang pagmumukha ang mga tingin niya.
"Tara na," kaswal niyang pag-aaya sa akin saka agad itong tumalikod. Pinanood siyang naglakad papunta sa kotse niya. Lumingon siya sa akin no’ng mapansin niyang hindi ako sumunod. Hindi kami okay at bakit niya ako ihahatid?
"Hindi ka ba sasakay?" umiling lamang sa pagitan ng nararamdamang pagka-ilang bilang pagtanggi.
"Maglakakad na lang ako pauwi." sabi para maintindihan niya pero kunot-noo siyang lumapit sa akin.
"Bakit? Sumakay ka na. Nag-aalala na sa 'yo si Estella." Ramdam ng aking pagkatao ang panlalamig niya at nang mailawan kami ay nagawang titigan siya sa mata nang ilang segundo. Malamig at seryoso, hindi na ‘yong mga matang napakainosente at puno ng saya sa tuwing titingin siya sa akin. This is what happened because of the pain I carved to his kind-hearted heart. I am really piece of a s**t.
"Hindi pa ako uuwi," tipid kong sagot. Nadinig ang pagbuntong hininga niya, parang naiinis at hindi gustong nandito siya sa aking harapan. Ewan, hindi ko alam.
"Anong oras mo ba gustong umuwi?" malamig niyang tanong sa’kin bakas ang kaseryosohan at inip.
"Kung anong oras ko gusto. Ikaw, umuwi ka na. Mukhang wala ka pa yatang tulog," sabi ko nang may ngiti.
"Go home and get some sleep." I did a hand gesture for him to go home but he didn’t move, he just a let another sigh.
"Hindi ako uuwi hangga't hindi ka sumasama sa akin. Ihahatid na kita pauwi kay na Estella," he insisted but I wave my two hands para tumanggi. Tristan, go home bago mo ako makitang umiyak sa harapan mo. Hindi na kayang sikmurahin ng mga mata kong panay ang paggawa nang maririin na pagpikit upang pigilan ang nagbabadyang umalpas na luha.
"Ayoko," matigas kong sagot saka pasimpleng pinunasan ang gilid ng mga mata.
"Why?"
Dalawang malalim na buntong hininga ang ginawa sabay talikod sa kaniya. Umaktong kalmado kahit na kabadong-kabado. "Could you please leave me alone? Hindi ko pa kaya—"
Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin dahilan upang hindi matapos ang sinasabi. Hindi makapalag dahil wala na akong lakas sumigaw pa at hampasin siya. Masakit na ang ulo ko’t nanghihina. "I am worried about you, so, please go home and get some sleep." sabi nito at maingat niya akong ibinaba sa lupa. Seryoso ang mukhang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan at tinanguan nang mapatingin siya sa akin. Ayaw man ay wala na akong nagawa kun’di ang sumakay.
Bago niya paandarin ang kotse ay may inilahad siya sa aking burger. Balak na hindi tanggapin pero ibinigay niya sa akin ito. “Kumain ka, alam kong gutom ka.” tiningnan at nahihiyang binuksan ito dahil mukhang naamoy yata ng mga alaga ko sa tiyan kaya agad na nilantakan ito. Hindi talaga naitago ang pagkagutom sa kaniya, pansin pang nailing ito sa akin nang paandarin na niya ang sasakyan. Mabilis kong naubos ang burger na wala man lang panulak kaya’t nakakauhaw. Pasimple akong lumingon sa kaniya. Pokus ang mga mata sa daan, ibinaba ang tingin sa suot niyang wrist watch. Alas dos na pala, hindi man lang namalayan ang oras. Buong akala ay alas dose pa lang. Ang tagal ko namang tumambay sa park, mabuti na lang at hindi ako nabagot do’n sa kakatitig sa mga puno.
Ibinalik ang tingin mismo sa kaniya. Naiilang na nginitian nang makitang nakatingin siya sa akin. Sa katahimikan ay naalala ang kaninang sinabi niya na bumuhay sa kakyuryosidad ko. Bakit niya sinabing nag-aalala siya sa akin? Hindi siya galit, hindi siya napilitan? Ano?
Tumikhim ako upang kunin sandali ang kaniyang atensyon. "Why are you worried, hindi ba dapat magalit ka sa akin at hindi pansinin?" dapat kanina ko pa tinanong no’ng may kinakain pa ako. Nako! Racelle, nawawala na talaga ang utak mo.
"Do you want me to do that?"
Sa katunayan, ayoko. Ayokong magalit siya sa akin pero ayos lang kung oo. May rason naman siyang magalit sa akin at hindi pansinin. "A-a-ayoko,” nginitian niya ako nang tipid nang sulyapan sandali. Nanuyo ang lalamunang ipinagpatuloy ang sinasabi. “Pero kung magagalit ka sa akin after nito at hindi mo na ako pansinin, it will be fine to me."
"Hindi ako magagalit sa 'yo o galit sa 'yo." kumunot ang noo at bahagyang nabawasan ang tinik ng puso sa narinig. Tama ba ang narinig ko?
"Ha?"
"Hindi porket sinaktan mo ako, magagalit na ako. Oo, sinaktan, niloko at pinaniwala mo ako sa kunwari mo lang pa lang nararamdaman pero hindi ibig sabihin kakagalitan na kita.” Napangiti ako sa sinabi niya. Napakaganda naman sa madaling araw na pambungad ito. Gumaan ang pusong naarinig ang mga salitang ito mula sa kaniya ngunit hindi ibig sabihin na masaya na ako. Kinakain pa rin ako ng hiya.
“Nagmahal ka lang pero sumobra. Hindi ako galit, okay na ako kasi choice kong magpakatanga at masaktan kaya wala kang kasalanan." nayuko ako. Napakabait niya kahit nag-iba siya. Hindi pa rin niya magawang magalit subalit hindi ibig sabihin na kakapal na ang aking mukha, alam kong kahit hindi siya galit ay masakit pa rin ang ginawa ko.
Upang mabasawan ulit ng kalahating kilo ang bigat ng nararamdaman ay nakayuko akong humingi ng tawad mula sa puso at isip. "I want to say sorry to you, personally. I am really sorry for breaking your heart."
Ngiti lang ang ibinigay niya nang marinig iyon no’ng piliin kong mag-angat ng ulo. Ang sakit sa leeg, mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kakayuko.
"We're here, bumaba ka na." pinagmasdan ang katabing bahay nila ni Estella na mahimbing ng natutulog sa nakapatay nilang mag ilaw habang ang bahay nila’y maliwanag na maliwanag. Nakaabala na ako ng sobra. Makasarili ka talaga, Racelle.
"Hindi ka na papasok?" tanong ko pagkatanggal ng seatbelt at binuksan ang pinto. Humikab ito sa pagitan ng kaniyang pag-iling.
"I'm sleepy."
"Good night, thank you and I am really sorry." tumango lang siya at ngumiti ulit pero iba pa rin ang pakiramdam ko kahit na nagkausap kami. Hindi pa rin kayang humarap sa kaniya ng matuwid. Konsensya at guilt pa rin ang laman ng puso ko sa kaniya.
Iba na ang pakikitungo niya sa akin. Seems like he doesn't comfortable in my presence. He slightly distant himself towards me, and I understand it. Gano’n naman talaga kapag nasaktan ang tao. Wala naman sigurong bubuntot-buntot at aaktong hindi masakit kahit sobrang sakit na.
"Racelle! Mabuti naman at nakauwi ka na. Saan ka ba nanggaling?" nag-aalalang bungad ng kaibigan pagkapasok sa kanilang bahay at isang mahigpit na yakap mula rito.
"Nandito pa ba sila?" iginala ang mga mata sa buong bahay. Ipinagdadasal na wala sana sila. Ayoko ng humarap pa, wala talaga akong lakas. Wala na akong masabi.
"Nasa bahay sila ni Tristan, do'n niya sila pinatulog." taas ang isang kilay na kumalas sa yakap. Wala siyang nasabi sa akin kanina. Ibig sabihin…
"Sinabi mo lahat sa kaniya?" umiling itong napahikab. Siya na lamang ang gising at may trabaho pa siya mamaya, pagsikat ng haring araw.
"He didn't know everything. Nandito pa kasi silang tatlo kanina, hindi na kami nagturo ni Melissa, nagkuwentuhan na lang kami at eksaktong dumating sila auntie. Umuwi na ng 9 pm ang dalawa habang nagpaiwan muna si Tristan dahil kakuwentuhan siya ng parents mo at nasabi na nga nilang... alam mo na." kaya pala… kaya pala naging concerned kasi alam na. Paniguradong may sinabi si Mama. Napilitan lang yata itong humarap sa akin mismo. Tumango-tango ako nang magkuwento pa siya.
"Okay, I'm really sorry." bagsak ang balikat at lantang gulay na naglakad papasok sa kuwarto.
Pasensya na kayo.
-
Mugto ang mga matang nag-iimpake. Wala akong tulog dahil sa pagdedsisyon sa aking gagawin. Mayamaya ay nakaranig ng pagkatok at ang langitngit ng pinto, senyales na may pumasok. Nilingon at nakitang nakatalikod si Estella. Binilisan ang paglagay ng mga damit sa maleta. "Racelle, tara mag-almusal n—” natigil siya nang dilat na dilat ang mga mata nang makita ang ginagawa ko.
“Bakit mo inilalabas 'yang mga damit mo?" nagtataka niyang tanong. Palipat-lipat ang tingin sa akin at sa maletang napupuno na.
"Estella, nahihiya na ako sa abalang idinudulot ko sa inyo. Palagi ko na lang kayong pinag-aalala kaya maghahanap na lang ako ng apartment," sabi ko habang abala sa pagkuha ng damit sa cabinet upang ilagay sa maleta. Pagkaharap ay nakaharang si Estella sa maletang nakapatong sa kama.
"Hindi, hindi ka aalis.” at iniharang na rin ang kamay nang itulak ko siya nang mahina para paalisin siya do'n.
“Estella…” pigil kong tawag sa pangalan niya upang alisin ang kamay.
“Hindi ka aalis. Saan ka naman pupunta, aber?” tugon nito. I don't know where pero gusto kong magpakalayo-layo — lumayo sa kanila.
“Kahit saan basta hindi lang makaabala sa inyo.” hinawi ang kamay sabay siksik ng damit ko sa maleta. Ang hirap mag-impake, dapat kanina ko pa ito ginawa nang walang pumigil sa akin.
“Hindi ka abala.” mapungay ang mata niyang naiinis at naguguluhan sa akin.
“Sinungaling,” wika ko sa kaniya sabay iling. You are all liar.
“Hindi ako nagsisinungaling kaya dito ka lang, walang aalis.” matigas nitong wika at itinulak ako paupo. Kumuha ng damit at akmang ibabalik sa cabinet ay agad ko itong kinuha mula sa kaniya. What's her problem? Kusa na nga akong umaalis, ayaw pa akong paalisin. Gusto pa ba nilang masaktan ko rin sila?
Inagaw niya sa akin kaya muli ko itong inagaw. Pikit-matang bumuntong hininga. “Estell—”
Marahas niyang inagaw ang damit sa aking bisig sabay dampot pa ng damit sa maleta. “Racelle, hindi na kita maintindihan! Ano bang tumatakbo sa isip mo at pabigla-bigla ka na lang? May problema ka ba sa akin, sa amin, o patungkol diyan sa puso mo, pag-usapan natin. Magsalita ka lang, makikinig ako para namang wala tayong pinagsamahan, hindi ‘yong kinikimkim mo. Hindi ka kasi naming maintindihan kahit pilit ka na naming iniintindi.” pasinghal niyang tugon sa akin na ikinatahimik ko. Pilit sa kaniyang inaagaw ang damit pero ayaw niyang bitawan bagkus dumiretso ito sa cabinet at ibinalik doon ang mga hawak niya.
“Kahit hindi ka na magsabi basta hindi ka aalis. Dito ka lang, dito lang.” nagpakawala ako nang malalim na hininga. Pabagsak na umupo sa kama, naiinis sa inaasal niya pero 'di magawang sigawan dahil malaki ang utang na loob sa kaniya.
“Estel—” hindi niya ako pinatapos. Inis siyang lumingon sa akin at lumapit. Matalim niya akong tiningnan dahilan upang hindi ako makakibo.
“Huwag ka ng umangal. Kahit hindi mo na ako pansinin kung galit ka sa akin basta huwag ka lang umalis ng bahay.”
Pinal na ma-awtoridad niyang wika at inagaw sa akin ang maleta. Isa-isa niya itong ibinalik sa cabinet samantalang bumuntong-hininga na lang.
Ayoko na.