Racelle POV
Kain, tulog, kain ang ginawa sa buong isa’t kalahating linggo. Ang bilis lumipas ng araw dahil parang kahapon lang ako nagkulong sa bahay nila Estella. I really feel sorry at hiyang-hiya na talaga sa abalang ibinibigay ko. Walang narinig na reklamo o sumbat sa kanila sapagkat trato nila sa akin ay VIP, sa bawat oras na gustong umalis ay lagi akong pinipigilan ni Estella. Sinumbong na rin niya sa parents n’ya ang balak ko ngunit pinakiusapan din akong dumito na lang at hindi naman ako abala, naiintindihan nila ang mga inaasal ko subalit pinayuhan. Paulit-ulit na paumanhin ang lumalabas sa bibig sa tuwing lalabas ako sa silid na ito. Nakakalungkot, nakakapanghina at nakakabaliw ang magkulong sa kulay peach na pintura ng kuwarto ngunit kung lalabas naman ako’y mas lalo.
Nakailang tanggi na ba ako sa pag-aaya nila Melissa, Claire, Mike, Jerome at higit sa lahat sa kasa-kasama ko sa bahay, si Estella? Nagpakawala ng buntong hininga nang biglang buksan ni Estella ang pintuan ng aking kuwarto.
“Racelle, nakabihis ka na? Ganiyan ka na bang aalis?” tanong niya sa akin saka ito pumasok sa loob at nilapitan. Pasimple siyang pinasadahan ng tingin, hindi ito nagsuot ng uniporme niyang pang-guro pero nakasibilyan siya at suot ang ID niya bilang guro sa unibersidad. Walang imik akong tumango bilang sagot.
“Tara dalhin mo na ‘yang mga gamit mo.” sabay bitbit nito sa nakalapag na paper bag sa kama. She pleased me to go out with her. I don’t want to go out but seems my body wants to see the sun face to face and feel the heat on my skin kahit kitang-kita ko naman na itong kumakaway sa akin sa bintana ang mainit na sinag nito.
“Ma, alis na muna kami!” pasigaw niyang paalam kay Tita nang madaanan namin. She’s too loud. Nakangiting kumaway si Tita sa amin at maging ako’y napakaway upang magpaalam. Abala siyang nagdidilig at inaayos ang bonsai niya no’ng magpaalam ang kaibigan.
“Mag-iingat kayo.”
Naalala ko tuloy si Mama na hindi nagsasawang padalhan ako ng mga text messages few days ago, but I didn’t bother to type a long response of her text messages. Just ‘I am fine.’ Ang palaging laman no’n sa tuwing nangangamusta s’ya. Bored and not in the mood to chitchat with her because I know she’s doing fine with Papa. Saka hindi naman papabayaan ni Papa si Mama so I don’t need to feel worry and feel bother to check their situation. I also heard from Estella that they’re having a business there at lumalago naman ng paunti-unti halos parami nang parami raw ang customers nila sa pinatayo nilang kainan do’n. Itlog pa lang ni Mama, masarap na. Paano ba naman may palaging maggi magic sarap kaya expected na masarap ngunit puwera biro, she’s good at cooking maliban sa pagpapayabong ng masasaganang bulaklak sa hardin.
“Alis na kami, Tita,” nakangiti kong paalam nang madaanan namin siyang inaayos niya ang bonsai. Ginugupit niya ito mula sa hugis puso at paniguradong magiging maganda ang kakalabasan mamaya pagbalik ko. Little bit excited to see it later.
“I thought you will refuse again, but this time you didn’t. Masaya akong lumabas ka kasama ko.” batid ngang masaya siya sa malawak nitong ngiti sa labi. Gano’n ko pa ba s’ya napasaya ngayon? Imbes na gamitin ang kotse ni Tito ay mas pinili niyang mag-commute na lamang. Habang naglalakad patungo sa terminal ng mga tricycle dahil bawal na raw magsi-park ang mga tricycle kung saan-saan ay bigla akong tumikhim.
“Estella, paano maging ikaw?” wala sa ulirat kong tanong dito.
“Ha? What do you mean?”
Seryoso siyang tiningnan habang kunot-noo siyang nakatungo sa akin. “Paano maging ikaw na masaya? Iyong walang problemang iniisip, chill lang at tila hindi apektado sa stress na idinudulot sa ‘yo ng pagiging guro. Paano?”
Gusto kong makaramdam ng saya kahit papano’y sakit ang laman ng puso. Ngiting totoo sana ang nais kahit isang araw lang. Hindi ko na kasi alam ang pakiramdam ng masaya dahil mas alam ko ang pakiramdam ng masaktan. “Pasayahin mo naman ako tadhana kahit ngayong araw lang.” bulong sa isipan.
“You don’t need to be me to be just happy because I am sure that you wouldn’t want to be me if you’ll know the truth.” itnuon ang buong atensyon sa kaniya nang magsalita ito. Mas lalo namang ayaw niyang maging siya ako dahil sobrang gulo ang takbo ng aking buhay.
“Bakit naman?”
Sumakay kami pinara niyang tricycle. "Sa Fatima y Dora University, kuya."
Tiningnan siya upang sagutin ang aking tanong kanina. “Marami akong sekretong hindi niyo alam because I hide it all kaya naiintindihan kita kung bakit ayaw mong ipagsabi sa iba. You rather choose to cry alone than telling anyone because they might judge you. Some of my smile are fake but I am just go with the flow of my life dahil kung magpapaapekto ako sa mga ito, my life will ruin because in this stupid love I feel. Hindi rin ako nawawalan ng problema, hindi lang nahahalata dahil mas pinipili kong ngumiti at sumaya kaysa sa magpahila sa mga iyon but you know what, umiiyak ako tuwing gabi dahil…” bahagyang tumaas ang kilay sa mahabang sinabi niya. Nakita ang ngiting ngayon lang nasilayan. Tipid at pilit. Sandali niyang pinadaan ang daliri sa buhok nito sabay pikit nang may nanginginig na ngiti sa labi.
Matagal bago siya magsalita. Nakailang buntong-hininga pa siya at pikit nang mariin habang naiiling. Tila nahihiya siyang sabihin ang bagay na ito. “I sudden feel regret and guilt every time I see him sad. Seems like I want but I don’t want. Sobrang gulo, hindi maintindihan. May times na gusto ko siya pero mayroong araw na ayaw ko siya. Pabago-bago gaya ng weather.” tinitigan siya no'ng ang tinutukoy niya ay si Justin.
“Bakit hind mo siya subukang balikan?” tanong ko sa kaniya subalit ilang beses na iling ang isinagot sa akin.
Diretso ang tingin nito, ni hindi lumingon sa akin. “Mas ma-pride ako sa ‘yo, Racelle. Ayoko kahit gusto ko kasi may pinaniwalaan akong kapag tapos na kayo, huwag na huwag mo ng balikan dahil hindi na maibabalik ang dati kahit magsimula pa kayong muli. May lamat na kasi at ilang na mararamdaman. I don’t believe in second chances because chances are only one. Chances are limited and it’s not unlimited,” nakangiti niyang wika. Sandali pa niya akong nilingon ngunit nginiwian ito. Magkabaliktad pala kami ng paniniwala.
“We’re opposite.” ngumisi ako samantalang umirap siya.
Inabot nito ang bayad kay manong nang bumaba kami. Pairap siyang tumingin sa akin pero nginitian niya ang guwardiya. May something.
Something magalang.
“Alam ko dahil you always give him a chance but every time you give him a chance there will something happen that will lead him to fail to prove that he deserves it. The more you give a chance in one person, the more you get hurt with that person. So, give chance to others to prove themselves that they deserve it.”
Natahimik sa sinambit nang may ngiwi sa labi. Nanadya ang isang itong patamaan ako. “Natamaan ako sa sinabi mo pero gano’n kasi ako. Palagi kasi akong umaasang mapapatunayan niya rin ang ang pagkakataong ibinigay ko sa kaniya. Not now but I know soon.” sabay pabirong irap dito. Isang masiglang tapik ang ibinigay niya at lumingkis sa aking braso.
Hindi pa rin susuko, hindi pa rin ako bibitaw. Kapit pa nang mahigpit kahit sa laylayan na lang ako nakakapit.
Mahina siyang tumawa dahilan para mapatingin sa kaniyang ang lapad ng ngiti sa labi. I know you still love him, Estella at ipinagdadasal kong darating ang araw na hindi ka na maduduwag pang harapin 'yang totoo mong nararamdaman... maging ako rin sana.
Humigpit ang pagkakalingkis niya sa aking braso. Parang ayaw na niyang kumalas pa kahit pinagpapawisan na ang braso at lumalakgit sa pawis. “Alam ko namang parehas tayong babae, pero iba ang pananaw at paraan natin kung paano umibig. Maaaring pigil akong magmahal at pinapairal ang pride hindi tulad sa ‘yong handang isuko ang lahat at magpakatanga.” umubo ako nang tingnan n'ya ako nang nakataas ang kilay.
“Ako ang lider at katangi-tanging member ng tanga club, sama ka?” nakangisi kong pag-aaya sa kaniya. Ilang taon na ang club ko pero nag-iisa pa rin ako, wala yatang balak samahan ako sa club. No one dares to join.
Dumila siyang umirap. “Tanga ako, pero ayokong mas maging tanga.” humiwalay ito sa akin at masiglang sinalubong ang mga estudyante niya.
“Good morning class." nagsilingunan lahat ang mga estudyante niya sa kaniya. Nandilat ang mga mata ko nang may mamataang guwapo.
Nako, gusto kong magkaroon ng kapangyarihan upang gawing kasing edad ko na lamang ang natipuhan ko.
“Good morning miss Dizi and visitor.” humina ang kanilang boses nang ibaling nila sa akin ang kanilang tingin. Huwag niyo akong titigan, alam kong hindi ako maganda dahil sa nangingitim kong mata na nilakipan lamang ng make up upang hindi gaanong mahalata.
“She’s miss Racelle Cruz and she’ll be here to observe you. So, behave, no landi-landi, pokus tayo sa lesson, ha?” natawa ako sa sinabi ni Estella. Lumapit ito at itinutok ang bibig sa tenga.
“Dapat kay Melissa ka pala tumambay. Mas madaming couple do’n.” bulong nito subalit itinulak siya nang mahina paharap upang magtungo ito sa harapan at magturo na kaysa sa makipag-tsismisan sa akin.
Nailing na lang siyang tiningnan at napangiti sa gentleman na estudyante niya nang ibigay nito sa akin ang upuan niya. Mabait na bata, dapat tularan kahit maging standing ovation ang peg.
Nagsimula siyang magturo at panay ang pagsabat ko sa mga estudyante niyang hindi makasagot sa recitation habang nakatuon ang mga mata sa sketchpad.
Designing my dream bridal gown.
-
Sinunandan ko ng tingin si Melissa na nakangusong naglakad at umupo sa mesang kaharap ko. “Racelle, sa akin ka rin tumambay. Bibigyan kita ng pana, pumana ka ng mga single at gawin mo silang couple nang lahat ng mga estudyante ko in relationship kahit grade eight pa lang.” sabay tawa nilang dalawa ni Estella habang inilingan naman sila. Inilahad ni Melissa ang bow at dalawang arrow pampana.
“Wow! Ginawa mo naman ako miss kupida sa lagay na ‘yan. Iisang tao lang ang gusto kong panahin,” natawang sabi ko. Suminghap si Estella habang tatango-tango namang pinapatunog ni Melissa ang kaniyang dila.
“Yeah, yeah. Alam ko na kung sino ‘yan. No need to mentioned that stupid boy.” sumimangot kay Melissa. He's stupider and I am the stupidest.
“Amnesia boy, Mel, hindi stupid," pagtatama ni Estella sabay 'tch' nito.
Tumawa siyang tumayo sabay sukbit sa bag n'ya sa balikat. Tiningnan siyang lumapit kay Estella na agad namang inilahad nito kay Melissa ang pulbo. Napatikhim ako nang magpulbo siya at magsuklay na hindi naman niya ginagawa dati. Ngumiti-ngiti siya. “Siya, paalam na susunduin daw ako ni William kaya maaga na akong uuwi dahil vacant ko naman diretso.” saka ito dumila na parang bata.
“Aba! Napapadalas na ‘yang paglabas-labas niyo ni William, ah. May nabubuo na bang love team?” puna ni Estella nang nakangisi sa ayos na ayos na si Melissa.
Hinampas nila ang isa't isa dahilan upang matawa ako sa kanila. Para silang bata na 'fight me, fight me'. "Ah, William!" nakadilang pansusutil ni Estella.
“Team WiMe, WilMel. Meliam or Wellissa?” nakataas ang kilay na nangsusutil din kay Melissa.
“Mga sira! Friends lang kami no’n. No malice saka hindi ko siya type ‘no. Ayoko sa mga slow,” nakangiwing sabi nito na tila ba nandidiri.
“Tatandang dalaga ka yata, Mel.” sabay tawa ko rito habang naiiling.
Suminghap ito at nangiti nang matipid. “Tanggap ko naman na, Racelle. Tanggap ko nang exceptional ang beauty ko sa mga lalaki kaya ayaw nila akong bingwitin. Ayaw ni tadhanang magka-love life ako, stay single forever kuno.”
Tumawa kaming dalawa ni Estella sa pagnguso niya subalit natigil si Estella sa pagtawa nang mapatingin siya sa pinto. Lumingon din ako't nakita ang lalaking susundo kay Mel.
Nakahalukipkip itong nakasandal sa pinto at may ngisi pa sa labi. Makikita ko lang siya natatawa na ako. His funny expressions that make you laugh kaya siya binansagang joker. “Girly girl, tiboom. Halika na dami mo pang satsat diyan. Ano namang kaso kapag magiging single ka? Wala namang may pake sa ‘yo.” at umirap ito nang pambabae dahilan upang mangisi ako't mailing samantalang bumungisngis si Estella.
“Nakakadiri naman sa pandinig ‘yang mga pinagtatawag mo sa akin. Nakakataas ng balahibo.” rinig naming reklamo niya kay William.
“Hi, Racelle, see you on Wednesday.” pansin ni William sa akin at nagpaalam na rin habang kumakaway. Nangunot naman ang noo kong napatingin kay Estella no'ng umalis ang dalawa.
“Reunion natin ‘yon, bakla.”
“Ag—” kumamot sa ulo nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Nakaismid na tiningnan lang si Estella.
“Sagutin mo na ‘yang tawag mo, magre-restroom lang ako sandali.” binunot ang cellphone sa bulsa at nakita ang pangalan niya.
“Estella, nakakausap mo pa ba si Richie?” buntong-hininga kong tanong habang kumukuha siya ng tissue.
“Oo naman, minsan na nga siyang pumunta rito kasama si Kitian at Tristan.” tumango ako at sinagot ang kaniyang tawag bago pa maging missed call ito.
“Hello?” garalgal at mahinang bungad pagkatutok ng cellphone sa tenga.
(“Racelle! I miss you!”) bahagyang nailayo ang cellphone sa tenga nang sumigaw ito bigla. Natawa pa sa akin si Estella bago pumasok sa banyo.
“Bakit ka napatawag?” tanong ko kaagad nang hindi pa nagpapakemeng magtatanong kung kumusta na siya o kung kumusta nila ni Kitian.
(“Are you busy today?”) tanong din niya agad para sandali akong mapaisip. Busy ba ako? Bumuntong-hininga ako.
“Hindi naman, bakit?” matamlay kong sagot.
(“Let’s meet. I just miss you at magkuwentuhan tayo, okay lang ba?”) tumaas ang aking kilay. Papayag ba ako? Parang ayoko na hindi.
“Sure, saan tayo magkikita?” sagot sa kabilang linya.
(“I’ll text you the place. Thank you, I miss you so much, Racelle!”) suminghap ako sa masiglang sagot niya. Tumunog naman ang cellphone ni Estella sa kaniyang kinauupuan. Tamad na tumayo at tiningnan kung sino ang tumatawag, nang makita ay napangisi.
Her soon to be boyfriend is calling.
“You’re welcome.” she doesn’t deserve my I miss you, too. Ibinaba ang tawag at lumipas ang dalawang minuto nang makatanggap ako ng text niya.
From: Richie
At Benb’s restaurant.
Nandilat ang mga mata sa gulat saka napalunok ng sunod-sunod. s**t. Doon talaga?
Tumingin sa pinto ng banyo nang lumabas ito. “Estella, aalis na muna ako. Siya nga pala, may missed call si Van mo.”
Sa pagkasabi kong iyon ay agad na lumpit do'n si Estella at tumango sa akin. Itinuro ang paper bag para siya na lang ang mag-uwi. “Okay, ingat. Dito ka ulit bukas, ha? You’ll be observing Melissa’s class tomorrow.”
Nag-thumbs up ako sa kaniya. I will be here tomorrow to observe Melissa's class.
-
Habang naglalakad patungong Benb's ay nakatanggap ng isa pang text galing sa nakikipagkita sa akin. Ang mahal ng binayad ko sa tricycle kaya ang bagsak ko'y nagpababa na lang ako sa kanto at nagbayad ng bente kahit na sampu lang dapat. Kung magpapahatid pa ako hanggang Benb's kuwarenta ang babayaran ko. Kabanas na manong driver.
From: Richie
Table near at the wall glass. Table number 16 to be exact.
Humahangos akong napahawak sa pinto ng Benb's. Nagpunas ng pawis bago itulak ang pingo para pumasok.
Kakaunti lang ang tao sa loob kaya agad na nahanap ang nakatalikod na si Richie sa akin. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha at may halong pag-aalala. Hinihingal naman akong umupo ng maayos sa tapat niya at nagpunas pa ng pawis. “Kumusta ka na? Ilang araw ka raw hindi lumalabas ng kuwarto. May problema ka ba? You want to talk about it?”
Rumehistro sa kaniyang mukha ang nag-aalalang kaibigan. Nginitian siya nang matipid. “Hindi na, I am fine. Gusto lang magkulong sa bahay. Iwas sa toxicity,” wika ko.
“Oh, I see. By the way, let’s order some food.” nagtawag ito ng waiter. Ipinagpatuloy ang pagpupunas ng pawis kahit na natutuyo na ang pawis dahil sa aircon.
“Hi, miss Racelle, long time no see!” nag-angat kaagad ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses at pagtawag nito sa akin. Ngumiti nang malapad nang makita siya. Buwan na rin ang lumipas simula no'ng hindi siya makita.
“Akala ko miss Racelle, magkakabalikan na kayo ni chef Kitian pero—” napangisi akong nakangiti sa kaniyang sinasabi ngunit hindi natapos nang sumabat si Richie.
“Dalawang order dito at saka one tea and…” sabay tingin niya sa akin.
“Coffee,” sagot ko sa aking iinumin. “Chef ka na pala rito,” puna ko nang pakatitigan itong mabuti. Assistant chef siya dati at ngayon ay chef na siya rito.
“Oo, miss Racelle, simula kasi no’ng maaksidente si chef ay ako na ang naging chef dito. Sobrang hassle nga dahil ako lahat at nakaka-miss na ‘yong pagsu-suplado sa akin ni chef. Nakakapanibago ngang mabait na siya sa akin, pero mas gusto ko pa rin ‘yong suplado siya dahil naalala ka niya at hindi gaya ngayon na hindi ka na pala niya maalala.” nakatungo lang si Richie nang aking tingnan atbase sa mukha niya ay tila ayaw ang naririnig o sadyang hinuhusgaan ko kaagad ang ekspresyon niya.
Ewan, hindi ko na talaga mapigilang mainis sa kaniya.
Tumango-tango lang ako sa sinasabi ni Maggie habang nanatiling nakatingin kay Richie na napayuko na lang bigla. Hindi pa rin pala nagbabago si Maggie, tsismosa pa rin. “Tinanong kasi kita miss Racelle sa kaniya kung kayo na ba ulit kasi nga sabi mo no’n may past kayo. Saka mas may chemistry kayong dalawa kaso—”
“Chef Maggie! Mukhang mali ang iniluluto ni Bryan!” sigaw ng isang waitress dahilan upang hindi matapos ang sinasabi niya. Nginitian at kumaway sa kaniya dahil ayaw pa sana niyang umalis dahil nagkukuwento pa siya ngunit chef siya at nasa kusina lang dapat siya.
Nang umalis ay eksaktong pagka-serve ng aming order. Tahimik kong dinampot ang tinidor sabay slice ng maliit na piraso upang isubo. Hindi ako makapagsalita kapag kaharap ko na siya, hindi tulad dati na hindi ako nauubusan ng sasabihin maging siya. “Sigurado kang ayaw mong pag-usapan problema mo? Care to share, Racelle. I will listen.” presinta nito.
Panay ang pagsulyap ko sa counter area dahil baka nandito si Kitian pero wala namang iniluluwa ang pinto. Isa pa, kanina pa dapat sinabi ni Maggie sa akin kung nandito nga siya. Ang isang ‘yon pa ay masyadong sutil at tsismosa.
Sa muling katahimikan at tanging pagkain lang ang ginawa ay nagtanong ako, “Bakit mo nga pala ako biglang pinapunta rito? Alam mo namang hindi ako magkukuwento at ayos lang ako. Okay na ang tawagan mo ako kaysa sa papuntahin pa sa restaurants at gumastos ka.” sabay ngiwi ko na hindi makalahati ang keyk na in-order niya.
Tiningnan siya nang tumindig ang kaniyang pagkakaupo sabay tingin din sa akin ng nangingiti. Para bang kinikilig siya na ewan kaya ipinukol ang mga mata sa kaniya dahil may sasabihin. “Racelle, nag-date ulit kami ni Kitian kahapon and we confessed each other’s feelings. Our feelings are mutual. I didn’t expect that he would love me and I have the same feeling that I didn’t expect. Mukhang tama nga ang kasabihan at iyon ang nangyari sa amin when we first met. Na-love at first sight kaming pareho.” natigil ako sa sinabi niya. Ano raw? Paulit-ulit na nagpantig sa aking tenga ang nakangiti niyang sambit. Love at first sight? We confessed each other's feelings? Gusto kong tumawa habang umiiyak. Pakshet, ano nga ulit ang sinabi?
Gustong isampal sa kaniya ang keyk na in-order niya saka isaboy ang mainit pang kape. Tae! Problema ko'y paano siya sagutin lalo na't nakatitig siya sa akin.
Inilihis ang mga mata sabay ngiti nang pilit. Hindi mo napapansin Richie na parang natatae na akong nakangiti rito ng mapait at mapakla. “Oh, uso pa pala ang gano’n samantalang na-hurt at first sight ako,” biro ko sabay tawa nang mahina ngunit ikinaway ang palad. Ang sakit na dinaan sa biro, hindi mo ba pansin? “Kiddingly, masaya akong nagkaaminan na kayo pero bakit mo sinasabi sa akin ito? Hindi ko naman na dapat malaman ‘di ba and why do you want me to know about this?” sinubukang tatagan ang ngiti sa maaaring isasagot niya dahil mas lalong masakit ito. Kailangan ko ng mighty bond nang hindi sumimangot ang labi upang sa gano’n ay makita niya ang ngiting-ngiti kong labi.
Seryoso siyang tumitig sa akin habang hindi magawang tumitig sa kaniya ngunit kaya ko pang ngumiti. “I know that you love him and Kitian also told me that you love him so I feel that I need to say this to you.” mahina akong naubo sabay balik ng ngiti ngunit napapangiwi sa kirot ng aking puso. Kinukurot na pinipiga ang nararamdaman.
‘Talaga? Kailangan kong ma-inform at asahang sasaya ako sa inyo?’
Tumikhim ako at ibinalik ang ngiti, ngiting mapait. Pahingi naman ng asukal. Matagal bago ako magsalita dahil palihim akong pumunta sa call settings para magtungo sa phone ringtone. “It’s okay, hindi naman ako galit o ano, masaya nga ako sa inyo. Nag-abala ka pang sabihin sa akin personally, dapat ni-text mo na lang nang hindi ka na gumastos pa rito sa restaurant nila.”
“Also…”
Akmang may sasabihin siya nang pinindot kaagad ang aking napiling ringtone.
Itinutok ang phone sabay kunwaring may sinagot na tawag. Tumayo ako at tumalikod sa kaniya habang kinakagat ang ibabang labi. “Hello? Oh, Yvonne, ikaw pala. Sorry, hindi ko nasagot agad tawag mo. Sige, papunta na ako diyan. Huwag ka nang magalit, papunta na talaga ako.” para akong tanga at nakokonsensya sa ginagawa ko pero kailangan. Pakshet, napapamura ako ng wala sa oras at naiiyak sa aking kinakatayuan.
Magiging sila? Sila na ba? Bakit agad-agad?
Nagtubig ang mga mata ko nang ibaba ang cellphone. Pasimpleng pinunasan ang luha. “Mukhang may gagawin ka pa. Sorry to disturb you.” sabi niya nang humarap ako at kinuha ang bag.
“Alis na ako, sorry.” nagmamadali akong lumabas. Ano raw? We confessed each other? Puwede ko kayang isulat sa puso niya ang pangalan ko nang ako ang iyong mahalin at hindi siya? Hindi naman ako siya, Kitian pero bakit siya?
Tumigil sa isang puno at sumandal doon. Inulit-ulit sa isipan ang sinabi niya. Napagtatantong naiiling na lamang ako. Baka nagkamali lang naman siya ng inakala.
Magkatunog lang pangalan namin at parehong ‘R’ ang unang letra at ‘E’ ang huling letra ng aming pangalan. Mas mahaba ang akin habang maikli sa kaniya pero… maiikli na lang ba ang natatandaan niya? Nag-face swap ba kami, Kitian?
Gusto ko lahat itanong ang mga ‘yan mismo sa kaniya nang makita ko siyang pumasok sa kanilang restaurant.
“Kitian, bakit siya?” hikbi kong tanong sa pagitan ng pagtanaw sa kanila.