Racelle POV
Tila lasing akong maglakad pauwi. Hinang-hina ang tuhod habang naglalakad, halos mapaluhod na ako ngunit kinakaya ko pa hanggang sa makauwi ako. Parang minartilyo ang dalawa kong tuhod at binuhusan ng balde-baldeng tubig dahilan upang magmukha akong batang yagit. Nang maabot ang pintuan ng bahay ay napaluhod na ako sa panghihina. Gulat naman akong dinaluhan ni Estella no’ng eksaktong mapalingon siya sa pinto. “Racelle, bakla, anong sinabi sa ‘yo ni Richie? Bakit siya nakipagkita sa ‘yo?” tanong niya habang inalalayan ako nitong tumayo.
Isang blanko ngunit seryosong tingin ang ibinigay sa kaniya. Pakurap-kurap ang mata sabay singhot. Nakakunot, naghihintay ng aking kasagutan sa mga katanungan nito. Sumandal ako sa pintuan sabay tanong, “Estella, may kilala ka bang plastic surgeon na mura lang?”
“Ha, bakit? Aanhin mo ang plastic surgeon?” mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Naguguluhan sa aking itinanong. Ngumisi ako’t biglang natawa nang mahina.
“Gusto kong magparetoke nang maging siya ako.”
Nilakasan ang pagtawa at sinabayan nang pag-iling sa naiisip. Kahit hindi ko na siya maging kamukha dahil bubuhusan siya ng likido pagkatapos nang sa gano’n ay magpa-plastic surgery siya at ako mismo ang guguhit sa magiging bago niyang mukha. Maitim ang mukha, hindi pantay na kilay, pango ang ilong at bingot ang labi upang sa gano’n ay wala ng magkagusto sa kaniya.
Subalit bumalik ako sa katinuan at reyalidad. Natigil sa pagtawa dahil sa katotohanang hindi ko ‘yon magagawa kahit ang sakit-sakit na.
Humarap ako kay Estella na nagtataka ang kaniyang hitsura. “Estella, gusto kong maging si Richie o sadyang ako ‘yon at nakaligtaan lang niya ang ilang letra ng pangalan ko? Naduling lang yata siya no’ng kaharap niya siya. Akala niya siguro ako ‘yon at sa kaniya siya umamin. Ano, Estella? Ako ‘yon ‘di ba?” pumiyok ang boses kong tanong sa kaniya habang nakaturo sa sarili. Nagsimula na namang manlabo ang aking mga mata nang maalala ang mga sinabi niya.
Hindi alam ang gagawin ni Estella nang mag-umpisang pumatak ang luhang kanina pa umaagos sa aking pisngi. Tila naging dam, hindi nauubusan ng tubig sa mata at patuloy na nagpapakawala ng luha. “Race—”
Pinahid ang luha sa pisngi sabay singhot samantalang hinahagod ni Estella ang aking braso. Pasan ang malaking tandang pananong nang tingnan siya. “Gusto ko namang sumaya, Estella pero bakit ayaw akong pasayahin ng mundo? Bakit? Malas ba ako? Karapat-dapat na ba akong mamatay?”
Umiling-iling siya. Tumatak sa kaniyang mga mata ang awa nang salubungin niya ang basang-basa kong mga matang nakatingin sa kaniya. Hinihintay ang mga sagot niya sa mga pinagsasabi ko. “Hi-hindi, Racelle. You just choose the wrong person.”
Bahagyang natawa sa narinig. “Nagkamali ako ng pinili o mali ako ng ginawa?” nailing sa aking katangahan kasabay nang aking paghikbi. “Hindi ko na lang sana siya pinakilala, Estella. Hindi na sana. Maikli na nga ang pangalan ko’t napakadaling tandaan pero bakit pangalan niya? Anong meron sa pangalan niya na wala sa akin?” tanong kong muli na naghahangad ng kasagutan kung bakit siya at hindi ako?
Iling ang natanggap sa kaniya. Lumakas lalo ang pag-iyak at tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking luha. Hindi maipaliwanag ang sakit. “Hindi ko alam, Racelle, hindi ko alam. Siya ang tanungin mo, hindi ako.”
Niyakap ako nito nang mahigpit. Ipinatong niya ang aking ulo sa kaniyang balikat habang hinahagod at tinatapik-tapik nang mahina ang likod. Suminghap ako’t napahikbi. “Gustong-gusto ko siyang tanungin kanina pero ang sakit, nagyakapan sila kaya napangunahan ako ng hiya!” piyok ang boses kong sigaw na sinabayan ng pagpadyak ng mga paa.
Nag-beso pa silang dalawa at magkalingkis ang braso na may ngiti sa labing lumabas samantalang yagit akong photographer kanina sa dami ng nakuhanang masasakit na picture. Kung mala-insta x ang mga mata ay kanina ko pa ito idinikit sa photo album at lagyan ng mga caption. Naging batang ngumangawa habang nakayakap kay Estella. Kahit anong hagod mo sa likod ko Estella, hindi ako matatahan dahil hindi ko rin alam kung paano patahanin ang sarili.
“Racelle kung may kapangyarihan lang akong ibalik ang alaala niya, ginawa ko na para makita lang kitang masaya. Pero nasa realidad tayo… walang gano’n at tanging gagawin lang natin ay tanggapin ang katotohanan.”
Reality sucks. Acceptance? I can’t accept the unfair reality to me. Why me? Why do I need to suffer on love like this? Sa pagitan ng hikbi ay nagawa kong magtanong, “Pagod na ako, Estella. Matagal na akong pagod magmukhang hayop sa kaniya, naglalaway ng kaniyang atensyon at pagmamahal pero bakit sa tuwing bibigyan ko na siya ng tiyansa ay palagi na lang napupurnada? Pagod na pagod na akong mahalin siya pero bakit na naman gano’n?”
Wala akong narinig mula sa kaniya. Sobrang labo na ng mga mata ko pero gusto kong magsalita at ilabas ang mga tanong sa isipan kahit na walang sumagot o matanggap na sagot. Ang mahalaga, nasabi ko upang mabawasan naman ang mga tanong na bumabagabag sa isip. “Ayaw ko siyang bitawan at handa pa akong masaktan, makipag-away at sirain ang pagkakaibigan namin ni Richie para lang bumalik siya sa akin. Ayoko pang sumuko, gusto ko pang lumaban…”
Narinig ang malalim na pagpakawala niya ng buntong-hininga. “Racelle, pangalawang beses mo na itong gagawin para sa kaniya at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumasok sa isip mo ang pangalawang senaryong ito sa buhay mo na hindi siya karapat-dapat ipaglaban o karapat-dapat? May mapapala ka ba ngayon kung ipaglalaban mo pa o baka mauulit ang dati?”
I know, Estella. I think about it all day while staring at the ceiling of my room and found out that I am crying. Crying is my only way to ease the pain I feel when somebody’s can’t understand me.
“Uulit ka pa ba?”
Humiwalay ako sa yakap at humihingi ng tawad na tumingin sa kaniya sa mga mata. Para sa kaniya, uulit pa ako. Susubok pa kahit walang-wala na. Hope, hold on, pain ends is what I believe right now. Alam kong matatapos din ito kaya wala pang susuko. Asa pa. Laban pa. Isugo pa ang pusong wasak na wasak.
“Estella, hayaan mo pa ako, malapit naman na akong bumitaw.” sabay kalma sa sarili dahil halos hindi na ako makahinga sa aking kinakatayuan.
Malungkot niya akong tiningnan, napansin ang marahang pagpilig nito ng kaniyang ulo ng dalawang beses. I always make her involve on my shits. “Kailan pa ‘yan? Nakailang sabi ka na sa akin niyan at kalian mo ba talaga balak bumitaw kapag pinaglalamayan ka na namin? Sorry, Racelle, pero—”
“Sorry, Estella pero ito talaga ako.”
Kinagat ang dila nang makita siyang dismayadong-dismayado sa malungkot niyang mukha. Hinawi ang kamay niyang nakaambang hawakan ako at tila zombie siyang nilampasan nang nakayuko. Pasensya na, mahal ko talaga siya at handang magpakatanga ng sobrang-sobra at kumapit pa sa laylayan niya. Hindi na nag-atubiling magpalit ng damit sapagkat diretsong higa sa kama ang ginawa sabay iyak at niyakap ang unan.
“Diyos ko, sana hindi pa huli ang lahat. Sana pagmulat ko’y nagbago ang isip niya at puntahan niya akong ako ang mahal niya at hindi siya. Diyos ko, pakinggan mo ako. Nagmamakaawa ho ako,” pagsusumamo sa pagitan ng bawat hikbi. “Mahalin naman ako ng mahal ko.”
Pagdilat ng mata ay tila pagod na pagod. Sumasara pa ang talukap ng mata sa bigat. Para bang nanliliit na naman ang mga mata ko, palibhasa umiyak na naman ako. Tamad akong bumangon. Tumalon-talon muna upang sa gano’n ay matanggal amg bad vibes na yumayakap na naman sa akin. Nag-inat inat pa bago dumiretso sa banyo upang maligo subalit paglabas ko’y bumungad sa akin si Estella na may ngiti sa labi. Gumuhit ng maliit na ngiti sa kay gandang bungad ng umaga, isang magandang ngiti ng iyong kaibigan.
“Racelle, smile!” lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang aking labi para pangitiin ako. Kunot-noo at inis siyang tiningnan ng i-stretch niya ang labi ko. “Estella, nag-almusal ka na ba? Ang hyper mo na naman.”
Mahinang hinampas ang kamay niya nang idiin ang kuko sa labi. Tumawa naman siya subalit inirapan. Asar.
“Hinihintay nga kitang bumangon d’yan at nang makapag-almusal na tayo. Siya nga pala nag-text sa akin si—”
“Si Richie? Kapag siya, huwag mo na lang sabihin sa akin. Naririnig ko lang pangalan niya naiiyak na naman ako. Richie, Racelle? Mas maganda nga pangalan ko.” putol sa sinasabi niya. Bahagyang nasira ang umaga at nawalan ng umagang ngumiti. She annoyingly wiggled her brows and smirked. What’s with this girl? Making me weird this morning. Kakagaling ko lang sa iyak tapos aasarin niya ako? Gusto niya bang umiyak akong muli. Baliw.
“Richie, mayaman ang pangalan dahil it came from the word ‘rich’ while your name is Racelle and from the word ‘race’. Hindi sa ano pero mas maganda ang pangalan ni Richie dahil nga—” I place my finger on her lips to stop her. Umismid ako sa kaniyang dismayado. Mas gusto pa yata ang pangalan ng babaeng ‘yon kaysa sa pangalan ko. Does my name isn’t unique?
“Pangmayaman? Sa akin para sa mahirap?” I asked while my brows narrowed. She just bit her lower lip at nagpigil ng tawa. “Dalawa ang meaning ng pangalan ko, maaaring race at ang sikat na Elle magazine o ‘di kaya’y ‘yong sikat na si Ellen de… basta at kapag pagdudugtungin mo, Race and Elle, Racelle.” diin ko sa aking ngalan sabay irap sa kaniya. Richie, rich and etsapuwera dahil sa ‘chie!’ niya. Etsapuwerang mayaman.
Natatawa niya akong itinulak patungo sa banyo. Binuksan pa nga niya ang pinto para sa akin. “Oo na, maligo ka na. Huwag ka ng makipagdebatehan sa pangalan. Kumprontahin mo na lang huwag ako,” tumawa na niyang sabi nang ngiwian ko siyang muling umirap sa pagkukumpara niya sa pangalan naming dalawa.
Nailing na binuksan ang faucet at mabilisan ang ginawang pagligo nang marinig ang pagsigaw ni Tita sa oras na mag-alas otso na raw. Nagmamadaling nagtungo sa kuwarto pagkalabas sa banyo upang magbihis at muling sumama kay Estella. Maganda na sigurong lumabas muna ako kaysa sa mapag-isa baka lumuwa na ang eyeballs ko sa pag-iyak.
Nagsusuklay akong nagtungo sa kusina. Nginitian si Estella na nakangising nakaupo kaya piniling maupo sa tabi niya sabay sandok ng makakain subalit nalaglag ang panga nang may marinig na kakaibang tikhim. May tao pa ba? Lumingon ako kung saan galing iyon at halos kurutin ko ang katabi ko nang bigla akong napakapit sa braso ni Estella. Nangingitngit ang ngiping tumingin sa kaniyang ngising-ngisi. “Estella, bakit ‘di mo sinabing—”
Umirap siya sa akin na nagpipigil ng tawa. “Kontra ka kasi nang kontra kaya ‘di ko na nasabi sa ‘yong siya ang nag-text. Huwag kang mag-alala, napadaan lang siya dito at ihahatid lang niya tayo sa university pagkatapos no’n aalis na.” mahina niyang sabi habang napapansin ang tingin niya sa aming dalawa.
Tumikhim ako at kaswal na humarap sa kaniya sabay subo ng pagkain. Hindi alam kung paano maging pormal sa harap niya at umaktong wala lang ang kahapon. Kahit hindi siya si Richie, hindi maiwasang manikip ang dibdib ko habang kumakain. Para bang may kumukurot dito bawat subo at lunok ko.
Bumbaliktad ang sikmura at halos nakayuko lang akong kumakain, hindi nag-aangat ng tingin dahil kapag titingin ako baka maiyak ako't maduwal.
Nagtaas lamang ako ng ulo nang hihirit pa ako upang kumain pa ng kaunti. “Racelle, busy ka ba?” tanong ni Kitian nang magtama ang aming mga mata.
Tumingin ako kay Estella na kasalukuyang napatingin din sa akin.
“Ah…” sabi ko, nag-iisip ng isasagot.
“Oo, sasamahan niya kasi ako sa school. Bakit ba?” naitikom ang bibig nang biglang sumabat si Estella.
“Aayain ko lang sana siyang lumabas at may sasabihin lang ako sa kaniya,” sagot niya. Hindi ako naimik.
“Bakit hindi mo na lang sabihin ngayon?” suhestyon ni Estella bago sumubo.
“Gusto kong kami lang dalawa.” naubo ako sa narinig. Curious man ngunit ayaw makipag-usap sa kaniya ng kaming dalawa lang.
“Hindi puwedeng kasama ako? hindi naman ako tsismosa at magiging sandalan lang ako ni Racelle sakaling hindi maganda sa pandinig at puso ang sasabihin mo.” nanatiling abala sa pagkain habang hinahayaan si Estella na magsalita para sa akin.
“Huh? What do you mean?”
Dinig ang pagbuntong-hininga ni Estella sa tabi. “Kitian, alam kong wala ako sa posisyong kumprontahin ka, sumbatan ka, interbyuhin ka pero ang makitang nasasaktan ang kaibigan ko nang dahil sa ‘yo, hindi ko na matiis.”
Ngumiwi ako nang bakit gano'n bigla ang sinabi nito. “Estella…” tawag sa pangalan niya upang suwayin. Hindi magiging maganda ang sasabihin niya panigurado. She is starting to speak and this might begin a quarrel of this two because of me.
Sinamaan siya ng tingin at hinawakan pa ang kaniyang kamay ngunit hindi napigilan ang bibig niya. “Racelle, hayaan mo akong magsalita nang marinig at malaman naman niya ‘yang nararamdaman mo hindi ‘yong patago ka na lang iiyak.”
Bumuntong hininga at ipinagpatuloy na lang ang mabagal na pagkain. “Kitian, we’re friends at siguro naman hindi ito ang magiging daan ng pagkaka-friendship over natin ‘di ba? Pero kung sesentihin mo, ayos lang dahil nagsasabi lang naman ako ng napupuna ko. Hindi ka ba aware na may feelings siya sa ‘yo?”
“Alam kong may nararamdaman siya sa akin.” hirap na nilunok ang ngininguya nang marinig ang masungit niyang boses.
“Alam ko ring hindi ka makaalala, pero hindi ‘yan excuse para saktan siya at maging manhid. Oo, desperada siya. Nakakainis ang kakulitan niya pero hindi mo ba na-appreciate ang efforts niya kahit na paulit-ulit mo siyang itinataboy na parang palaboy?" tanong niyang natigil ako sa pagkain.
"Patuloy siyang umaasa kahit na panay ang layo mo. Mahal ka niya, gusto niyang manumbalik ang dating kayo o mag-umpisa man lang kayo ng bago kahit hindi mo siya maalala pero bakit gano’n Kitian? Bakit mo siya ipinagpalit kay Richie na kakakilala mo lang naman? Habang si Racelle na simula no’ng ma-hospital ka ay palagi siyang nandiyan sa tabi mo at palagi mo pa ngang tinatanong kung sino siya at ang gagang desperada ay paulit-ulit ding nagpapakilala,” pasinghal niyang sambit sa kaniya na halos hampasin na niya nang malakas ang hapag.
Sumulyap kay Kitian na blanko lang siyang nakatungo at hindi na kumain. Estella, what's on your mind?
Narinig ang mahinang pagtawa ni Estella sabay iling nang tingnan. “Masuwerte ka nga at nagbigay pa siya ng pangalawang tiyansa sa ‘yo. Siya lang din yata ang babaeng kay bilis manumbalik ng nararamdaman dahil isang sabi mo lang ng ‘mahal pa rin kita’ agad siyang nangaliwa. Nasira pa ang maganda at matatag na relasyon nila ng kaibigan mo nang dahil sa apat na salita galing sa ‘yo tapos ngayong na-amnesia ka nawala ng parang bula ang lahat. Nanatili siya sa tabi mo dahil she’s giving you a second chance to be together at mababalitaan kong mahal mo si Richie?” hindi tanggap nitong asik.
Matalim ang tingin ni Kitian kay Estella. Hindi maganda ang kaniyang ekspresyon, salubong ang kilay niya. “Then what are you trying to say? Magpanggap na mahal ko siya? Alalahanin siya kahit ayaw ng utak kong alalahanin s’ya? Gusto ko naman siyang layuan nang hindi na siya masaktan sa akin dahil hindi ko maibabalik ang nararamdaman niya pero hindi ko na siya nilayuan dahil akala ko sasaya na siya sa gano’n kahit na hindi ko maibalik ang nararamdaman niya at hindi ko kayang lumayo siya. Hindi ko siya mahal pero ayaw ko siyang layuan.”
hirap akong napalunok sa narinig.
“Dahil ang puso mo siya ang gusto at na-misunderstood mo lang. Siya ang mahal mo, Kitian, siya.” sabay turo sa akin ni Estella.
Umismid si Kitian nang nakahalukipkip. “Hindi sa kaniya tumitibok ang puso ko.” sa narinig ay 'di sinasadyang mahulog ang tinidor na aking hawak.
Bakit hindi mo na lang ibinulong sa kaniya Kitian? Ipaparinig mo pa talaga sa akin? Lagyan mo naman ng kaunting emosyon ang pagkakasabi mo hindi 'yong walang kabuhay-buhay. Pasabi ulit sa pabirong paraan hindi 'yong prangka.
Pinulot ang tinidor. “Estella, late ka na. Tara na.” tumayo na ako't hinihila ang manggas ng uniporme niya subalit hindi niya ako pinansin.
“Hindi, Racelle. Hindi ako papasok hangga’t hindi niya bawiin ang sinabi niya. Alam kong ikaw ang isinisigaw ng puso niya,” giit niya at itinuro ang upuan.
“Nakalimot lang siya pero hindi ang puso.” asik niyang nagagalit.
Inis namang nahampas ni Kitian ang hapag na aking ikinagulat ng bahagya. “Hindi nga siya ang mahal ko. We’re just friends and no more else.”
Nanghina bigla sa narinig dahil tila injection na itinurok bigla sa aking dibdib.
Natawa si Estella. “Friends? Si Richie ang friend mo, siya ang mahal mo. Racelle, hindi Richie. Race, hindi Rich. Sa tagalog, karera hindi mayaman." giit ni Estella na nakadiin na nakaturo sa akin. Malamig na sinulyapan ako ni Kitian nang kunot ang noo at salubong ang kilay.
“Estella why are you so—”
“Puwede bang tama na?” putol ko sa bangayan nila. Hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi niyo. Nabibingi na ako.
Nasasaktan akong tumingin sa mga mata niya. Naiiyak na naman. Diyos ko, made-dehydrate na ako sa kakaiyak. “Alam mo namang tanggap kong hindi mo na ako mahal sa ngayon pero hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yong maghihintay pa rin ako? Hindi pa naman kayo ‘di ba? Nagkaaminan lang kaya may pag-asa pa ba ako?”
Nag-iwas siya ng tingin at umigting ang kaniyang panga nang tumagilid ito. Minuto ang lumipas na katahimikan... isa na ba ang sagot?
“Silence means yes ba?” nanginginig ang boses na tanong sa kaniyang nakatingin habang nakatagilid pa rin ang ulo.
“Let’s go.” malamig niyang pag-aaya at tumayo na ito subalit nanatili akong nakaupo nang nakayuko. Naninikip ang dibdib, wala na nga akong dibdib sumisikip pa. Kinagat ang labi upang pigilan ang nagbabadyang iyak.
“Hindi na, mag-commute na lang kami.” dinig kong tanggi ni Estella.
“Then, thank you for the breakfast and sorry for disturbing you.” narinig ang pag-martsa niya kaya agad akong tumayo at hinabol siya.
“Kitian!” sigaw kong tawag sa kaniya subalit ayaw niyang lumingon sapagkat dire-diretso lang itong nagtungo sa kaniyang kotse. Akmang isisigaw pa ang pangalan niya dahil nais lang sanang yakapin siya kahit bilang kaibigan lang.
Gusto lang i-survive ang friendship naming hindi alam kung friendship nga ba ang matatawag itong meron sa amin.
Niyakap ako ni Estella at hinagod-hagod ang likod nang makasakay ito sa kaniyang kotse. Bumusina lang ito sabay paharurot ng kaniyang kotse. “Sasama ka pa ba sa akin? Ayos lang kahit hindi na,” sabi niya subalit umiling ako.
“Sasama ako. Ayoko ng umiyak.”
At naglakad palabas.