Chapter 28

2899 Words
Racelle POV “Hindi na ba sila darating? Tatlong oras na tayong naghihintay,” inip kong reklamo sa kaniya habang nakatingin lang siya magdamag at hindi umiimik sa tabi ko. I was staring at him and observing him for three hours at hindi man lang niya ako tapunan ng tingin sapagkat ang mga mata niya ay abala sa cellphone. I don’t know if he is playing an online game or he’s chatting with her. Ano nga ba ang pumasok sa isip ko’t maagang nagpunta rito? I sigh. Kaswal akong pumunta rito’t pinakisamahan siya kahit na naiilang ako ng sobra-sobra. I can’t ignore him, baka kasi may sabihin at baka tuluyang mawala ang tuldok na mayroon kami. Keeping the cold closeness of us even we don’t talk. “Maghintay pa tayo ng ilang minuto at kapag wala na, umuwi na tayo.” I nod on what he said. Nagdala na lang sana ako ng jacket, sobrang lamig ng pakikitungo at hindi naman ginustong siya ang maabutan dito. Walang hiyang, Estella at Melissa kasi sabi nila pasunod na sila rito sa plaza para mag-bonding na naman kaming magbabarkada dahil nag-aya ng kainan ang matakaw na baby ni Claire. Pasulyap-sulyap ako sa kaniya. Nagbabasakaling nakatitig na pala sa akin ngunit ang hirap umasa, he is still like that. Pasimple kong itinaas ang kamay at kumaway. ‘Hey, lingon ka naman nang maramdama kong hindi multo ang kasama ko.’ bumuntong hininga nang hindi niya ako pansinin sapagkat nagkamot ito ng ulo sabay pikit at hikab. He’s sleepy. Habang nakatagilid siya sa akin, I grab the chance titigan siya. Bakas talaga kahit kailan ang coldness nito. Literal na malamig ang mga mata niya habang nakatingin sa cellphone nito, nakanguso siya’t napapangiti bigla. Palihim na dumungaw sa kaniya subalit bigla itong napatikhim dahilan para umayos ako ng upo at eksakto namang biglang tumunog ang cellphone niya. “Sandali lang, sasagutin ko lang itong tawag.” tumango ako, nakita pa ang pangalan ng tumawag sa kaniya. Si Justin. Tiningnan lang siyang tumayo at dumistansya sa akin ng tatlong hakbang. Nilakihan ang tenga para marinig ang pinag-uusapan nila ngunit hindi naka-loud speaker kaya tanging mga sagot lang ni Kitian ang naririnig ko. “Hello, yes, I am here with Racelle. Why?” tiningnan siya nang biglang mangunot ang kaniyang noo. His face became worried, looks like something bad happen. “You’re not coming and what did you say, si Richie masama ang pakiramdam? Okay, I’m going home. I’ll take care about her.” sumimangot ako’t ngumuso sa narinig. Gusto ko ring humiga dito at umaktong masama ang pakiramdam nang hindi siya umalis ngunit baka mas magalit at hindi na nga ako nito pansinin kapag nagpiling artista ako. Alalang-alala niyang ibinaba ang cellphone nito’t tumingin sa akin habang diretso naman ang tingin ko sa kaniya. Kailan ka kaya mag-aalala sa akin, Kitian? Your world has change. I want to be your world but the more I forced myself to you the more pain I get. “Sige na, umuwi ka na,” sabi ko sa kaniya nang nakangiti. Pinapaalis na kita dahil hitsura mo hindi na maipinta sa pag-aalala. Huwag kang mag-aalala, susubukan kong mag-apply bukas bilang personal and private nurse mo nang sa gano’n ay mailipat sa akin ang pagmamahal mo. But the sad thing is his grandfather. Napaka-poisonous ng matandang ‘yon, matanda na nga ‘di pa marunong manahimik. Kontra nang kontra eh hindi naman niya buhay ang buhay ng apo niya, ito namang punyemas mala-snow white kinain ang mansanas. His grandfather is the culprit of this. That heartless old man. “Hindi ka pa uuwi, ihahatid na kita.” Itinaas ang kamay bilang pagtanggi. Ihahatid mo pa ako, huwag na baka mabangga mo pa ang sasakyan mo sa pagmamadali dahil sa pag-aalala mo sa kaniya. Gusto kong isama mo na ako nang ako ang mag-alaga sa kaniya. Tutuluyan ko na siya nang sa gano’n ay wala ng salot sa ating dalawa pero makukulong naman ako. Wolrd, ano ba ang the best solution to get rid the kabit? Ngumiti nang tipid sa kaniya. “Hindi na dito na muna ako and seems like Richie is not feeling well.” Sa sinabi kong ‘yon ay sinundan ng tingin itong naglakad palayo. “Bye.” bulong ko sabay ngiwi. Palaging ganito na lang ba ang eksena nating dalawa, Kitian? Lalapit ako’t lumalayo ka naman. Naglalaro ba tayo ng atras, abante? Sino kayang susuko? Matagal ka na pa lang sumuko, una pa lang sumuko ka na habang ako palagi ang naiwang lumalaban. Bakit, bakit, bakit? Kailan kaya masasagot ang mga bakit ko? Kailangan ko na bang gumawa ng bucket list and complete those what I enlist bago mamatay? Like a mission to fulfill before leaving the unfair world of me. Nakailang pakawala ng buntong-hininga at nalalanghap din ang amoy lupang hangin. “Thinking about?” agad na napalingon sa nagsalita. “Tristan?” hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya. Nakapamulsa itong nakatayo sa harap ko habang nakataas ang isa niyang kilay. Is it winter? Why everyone is cold? “Na’san na sila?” tanong niya ng kaniyang igala ang paningin sandali. Avoiding my eye contact. “Bakit pati ikaw ang malamig ang pakikitungo sa akin?” bulong sa kawalan. Hindi mo man lang magawang pakatitigan at tabihan akong umupo. Ibinalik niya ang mata sa akin nang tila mapansin niyang nagsalita ako. “Ha?” “Hindi na yata sila pupunta. Kakaalis lang din ni Kitian dahil sa pagkakarinig ko ay masama raw ang pakiramdam ni Richie.” narinig ko ang pagbuntong-hininga nito kaya napayuko na lamang. Ang tanging nagagawa na lamang namin ay ang pagpapakawala nang buntong hininga, hinahayaang dalhin ng hangin at magkomento sa aming hiningang hindi batid kung sakto nga lang ba ang amoy o masakit sa ilong. “Gano’n ba?” he said with a cold tone. I should buy a thick jacket later and wear it when they’re here. Mukhang mamamatay na ako sa lamig kahit na ang ganda-ganda ng sikat ni haring araw. Nilingon siya nang nakatayo lang itong tahimik. Wala ba siyang planong umupo? Wala naman akong flu o malubhang sakit para hindi tabihan. Lihim na itinaas ang kili-kili at inamoy ito, wala namang amoy. Nakitang napahakbang siya ng dalawa at nakatalikod sa akin. He’s leaving. “Aalis ka na ba? Sige, umalis ka na. Nasasanay naman na ako sa paulit-ulit na ganito.” mahina kong usal na tiyak na ako lamang ang nakakarinig subalit bigla itong lumingon sa akin nang salubong ang kilay habang nakataas ang mga ‘to. Where’s your sweet smile, Tristan? “Saying something?” inip niyang tanong sa akin. Mapaklang napangiti habang sinasabayan nang pag-iling. “Tristan, wala. Sabi ko, mauna ka ng umalis kung aalis ka na.” I bowed my head and start to act like a child while pointing those fallen leaves and counting them in my mind. One, I am hurt. Two, my heart is aching. Three, my heart is pieces. Four, I am invisible. Five, I am numb and dumb. Six, I am selfish. Seven, I don’t know what to do anymore. Seven fallen leaves and I am going to die from heart ache. “Dito muna ako ng ilang minuto. Nakakapagod maglakad,” sabi niya at umupo sa tabi ko nang apat na dangkal ang layo. “Mas nakakapagod umasa,” I murmured. Itinaas baba ang balikat, pinaglalaruan ito na para bang batang tanga sa pinaggawa ko at napansing napalingon siya sa gawi ko. “May sinasabi ka ba? You keep murmuring.” Labas ang ngiping napangiti sa kaniya. Akala ko bingi ka, pero narinig pala niya. Tumitig ako sa mga mata niya ngunit nag-iwas siya ng tingin nang gawin ko iyon. “Tristan, kapag nagsabi ba ako makikinig ka?” nanatili ang tingin at tahimik lang siya. Hindi na muling lumingon pa sa akin sapagkat ang tingin ay nasa posting katapat niya. Ang layo ng tingin at hindi mapapansing nag-iisip siya ng isasagot dahil minuto na ang lumipas. Natuyo ang lalamunang tumikhim. “Hindi ‘di ba?” nakangisi kong tanong sa tonong nasaktan. Humarap sa mga batang naglalaro at nangiwi sa sakit. “Sino ba naman kasi ako para paniwalaan pa. Palagi ko na lang kasi kayong sinasaktan at nasaktan kita ng sobra kaya hindi na dapat pinapakinggan ang drama ng tulad kong manloloko.” Tumayo na ako at nakayukong naglakad paalis. No one cares and no one dares to listen. - May tipid na ngiti sa labing tiningnan ang mga senior high school students na napakatahimik, may ilan na maingay at may ilan na tahimik dahil abala sila sa pagre-rebyu. Sumimsim sa shake na nabili habang hinihintay si Estella at Melissa sa kantina, napagkasunduan kasing magkita-kita na lang kami dito matapos iwanan sa akin ni Melissa ang klase niya dahil pinatawag siya ng principal. Mayamaya ay nakita agad si Melissa na pumasok sa canteen, panay ang linga nito’t hinahanap ako sa mga nagkalat na estudyante sa loob. Hinayaan ko siyang hanapin ako, find the difference dahil mas matangkad pa naman ako sa mga estudyanteng nandidito. Nangisi na lang akong tiningnan siyang nagkamot ng ulo at nagtuloy na lang ng lakad. Nang magtama ang mga mata namin ay patakbo siyang lumapit sa akin habang kumakaway. “Racelle, kumusta ang mga estudyante kong lovable?” pabiro niyang tanong nang nakangiwi. “Nakaka-bitter, sarap pakainin ng mga ampalaya.” Tumawa siya sa aking sinabi. Totoo naman, nakakainis. Sawing-sawi na nga ako may asukal pa sa tabi ko kanina. Gusto sanang palabasin sa classroom subalit baka magsumbong sa magulang dahil sa mababaw na rason kung bakit sila pinalabas. Kung ako lang talaga teacher nila, 70 lahat ng mga in relationship at 90 pataas ang grado sa akin ng mga single at kapag complicated naman ay 83. At para sa mga tangang tulad ko, 40, bagsak na bagsak. Inilahad sa kaniya ang kinakain kong spaghetti pero tinanggihan niya ito. “Siya, alis na ako. Justin and Claire is waiting for me. Bye.” naiwan akong napanganga sa kinauupuan ko. Ang bilis naman niya, hindi man lang niya ako binilhan ng makakain pa bago umalis. Sumimamngot na lang ako at hindi na inubos ang spaghetti. Hahanapin na lang si Estella upang makakuwentuhan o ‘di kaya’y tatambay ulit ako sa classroom niya. “Estella!” sigaw ko nang makita ito hindi kalayuan sa akin. Tumakbo ako upang lapitan siya. My lips form a smile when I see her, despite from what I feel she’s here to comfort me every time I need someone to talk to. “Racelle, kumain ka na?” Napatingin sa mga teachers na nasa likuran niyang tinatawag siya. “May pupuntahan ka ba?” nahihiya siyang tumango sabay lingon sa kanila. Sumilay ang matamis na ngiti nito sa labi na paminsan-minsan ko lang ito nakikita sa kaniya. “Oo, date with Van and my co-science teachers. Sama ka?” tiningnan ang lalaking palapit sa kaniya na kagaya nito may ngiti rin sa labi subalit mas malaki ang ngiti niya kaysa kay Estella. Umubo ako sabay taas ng kamay bilang pagtanggi. “Hindi na, pupunta na lang ulit ako sa park.” “Sige, sa bahay na lang kung may ikukuwento ka. Alis na kami, ingat!” masigla niyang paalam bago sila tumalikod at lumingkis sa braso nito. Van, bakit hindi ka na lang naging kotse pero salamat dahil napapasaya mo ang aking kaibigan. Sana lang huwag mong lokohin dahil ayaw ko siyang masaktan dahil sa pag-ibig. Tahimik na naglakad patungong park. Hindi alam kung bakit gustong-gusto ng sarili tumambay ro’n kaysa sa mga mall na bumubuga pa ng malamig na hangin kaysa do’n na ang init ngunit nakaka-relax naman ang simoy ng hangin na dulot ng mga puno. Pinagpagan ang napiling mauupuan dahil may bakas ng paa do’n na kay putik. May mga bata na namang pasaway na inapakan ang dapat mauupuan. Hay, sana bata na lang ako nang wala itong heartbreak na ito. Hanggang crush lang at imagination lang muna. Dinamdam ang hiyawan ng mga bata sa park. Hindi maiwasang mainngit sa mga kumpletong pamilya. Kumpleto naman kami subalit nagkalamat na ang ugnayan naming. Text nang text si Mama ngunit tipid pa rin ang mga reply ko sa kaniya. iyong tiping gusto kong mag-reply ng mahaba pero sa tuwing titipa na ako ng mga letra ay nawawala sa isipan ang nais sabihin. Aaminin kong miss na miss ko na sila subalit isang malaking patawad dahil ma-pride ako’t pipiliin pa si Kitian. Bahagyang tumingala sa punong nasa tapat ko na nagsisihulugan ang mga dahon nito sa bawat paghangin. May dahon na tumama sa aking pisngi. Sana potion ka na lang ‘no? Sana uso ‘yong mga gano’n. Suminghap habang nanatiling nakatingala. “Sasagot kaya ang hangin sa akin kapag nagtanong ako sa kaniya? Sasagutin niya ba ang mga bakit ko at papawiin na ang sakit sa puso?” tangang tanong sa kawalan. Pag-ibig, pitong letra sa tagalog habang apat na letra sa ingles ngunit sa kahit anong wika ay iisa ang kahulugan at iisa lagi ang dulot nito, heartbreak. Kailan kaya magiging masaya ang mga taong umiibig? Iyon bang walang nasasaktan kapag nagmamahal at magiging mahal ka rin ng mahal mo? Kailan kaya iyong araw na magiging perpekto ang mundo ng pag-ibig? Kupido, diyos ng pag-ibig bakit hindi mo na lamang gawing perpekto? Love is everyone need in everyday life. “May mahuhulog ba sa langit na potion? Gusto ko ring makalimot o mas magandang mamatay na lang. I am useless.” Ngumiti ako pagkatapos kong magpakawala nang malalim ng buntong at kasabay nang muling paghulog ang dalawang dahon na sumakto sa aking kanang mata. Mahina akong natawa at kinuha ito sa aking mata sabay lingon sa gilid nang makarinig bigla ng naiyak na bata. Nakaramdam ng awa nang pinagpapalo siya ng Mama niya. Gustong suwayin ang Ina nito subalit umurong ang dila at piniling manatili sa kinauupuan. Mahirap na baka ako ang mapalo n’ya. Lumingon na lamang ako sa kanan. Namataan ang isang cotton candy ‘di kalayuan sa akin. Natakam ang mga mata kaya napagpasiyahang bumili upang may makain habang nagmumuni-muni. “Hangin, puno, bato, dahon, kailan ako sasaya? Puwede bang kayo na lang ako at ako na lang kayo? Palitan niyo na muna ako pansamantala, maaari ba?” naglalakad kong bulong sa hangin habang naglalakad sa kinaroroonan ng cotton candy stall. Papalapit pa lang ako nang makita silang magkasama. Nakurot na lamang ang sarili sabay hampas nang may kalakasan ang braso. s**t this world. Kung saan ako magpunta, nandoon sila. Saan ba ako puwedeng pumaroon kung saan wala sila? Magpapahinga na muna ako bago muling sikmurahin ang sakit na ibibigay ng dalawang ito sa akin ngunit bakit? Kusa na nga akong lumalayo kahit masakit ay panay ang pakita nila sa akin, sinusundan ba nila akong dalawa para inggitin ako’t saktan sa kaasukalan nila? “Bakit ang liit ng mundo?” reklamo kong tanong sabay talikod. Nailing akong suminghap at naglakad pabalik sa kinauupuan ko. Hindi pa nakakahakbang no’ng biglang tumunog ang aking cellphone. Sana hindi nila ako mapansin dito dahil ayaw kong paistorbo at madagdagan ang sakit. “Hello, Yvonne?” bungad ko sa kabilang linya. (“Are you busy?”) inaantok ang boses niyang tanong sa akin. “Hindi naman, bakit?” mabilis kong sagot. Bahagyang iginilid ang ulo upang silipin sila kung saan sila nagpunta, baka kasi papunta sila sa direskyon ko at kung gano’n nga ay makakapagtago pa ako sa poste ritong katabi ko. (“Kinausap ko na ang manager ko’t sinabing ikaw na lang ang kunin kong personal designer ko,”) nandilat ang mga mata’t natahimik sa narinig sa kaniya. Is she serious? Ang sumisikat na si Yvonne sa mundo ng showbiz at malditang maarteng girlfriend ng aking kaibigan ay kukunin akong fashion designer niya? Ilang beses akong nailing at inulit-ulit ang sinabi n’ya sa isipan. I heard it clearly, right? Narinig ang kaniyang pagbuntong hininga, naimadyin din ang pag-irap nito sa inip. Kinagat naman ang labi sa kaunting saya na idinulot ng maganda niyang balita. (“Anong masasabi mo? You don’t want then I will find another, b—”) pinutol ang kaniyang sasabihin. Hindi lang ako kaagad sumagot, babawiin na niya. “You hired me as your personal designer? Why? We’re not in good terms but why did you suddenly hire me?” nagtataka kong tanong sa tuwang nadarama. Thank you, Yvonne you made my day. (“Maging masaya ka na lang kaysa sa tanong ka nang tanong d’yan. My manager will text you, binigay ko na sa kaniya ang number mo at mag-uusap na lang kayo personally saka may ipapapirma na rin s’ya sa ‘yo about being my designer. Okay, nasabi ko na ang sasabihin ko.”) napangiti sa narinig kahit sinupladahan niya akong pinatayan ng tawag. Kaimbyerna pero salamat sa kaniya. There are some people that always make you feel worthless but there are some that they make you feel worth it. “Racelle!” boses ni Richie sa aking likuran ngunit imbes na lingunin siya ay hindi ito pinansin sapagkat naglakad ako palayo sa kanila. I will rather pretend that I didn’t hear you kaysa sa lumingon at masaktan na naman ako. Sometimes you need to take a break from pain before you will take a risk again. Pain is such an uncomfortable feeling that even a tiny amount of it is enough to ruin every enjoyment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD