Racelle POV
I almost forgot that today is the day we’ll celebrate the high school reunion on house of alumni at Famous Academy. The reunion will be held later at evening kaya may oras pa kaming magpaganda o mag-prepare for the semi-casual attire. Namili ako ng isusuot kong gray jumper and white tee inside. Simple as that, I am not in the mood to wear fashionable clothes, semi-casual naman na ang suot ko’t pasok sa fashion. Simplicity is beauty tema ko ngayong gabi. Nagulat ako nang biglang pumasok sa aking kuwarto si Estella nang walang katok-katok, mabuti na lang ay nakabihis na ako dahil nando’n pa si Tito sa labas.
Problemado siyang lumapit sa akin. We only have thirty minutes to prepare before the dinner party. “Racelle, may damit ka pa ba diyan? Puwedeng humiram?” sabay hawi niya sa mga damit kong nakasabit sa cabinet.
Bahagyang nainis nang ikalat ni Estella ang damit ko. “Estella, semi-casual lang at hindi mo na kailangang magsuot ng bongga-bongga. Gown ba ang gusto mong isuot? Do you want to be a center of attention tonight?” lumapit sa kaniya at ibinalik sa hanger ang mga damit na ikinalat niya sa sahig.
Ngumuso siya habang yakap-yakap ang ankle length off shoulder long sleeve. “Floral dress lang ang nagandahan kong isusuot ko but…” nakangiwi itong kinagat ang labi.
Tumaas ang aking kilay. “What? Okay na nga ‘yon.” irap na sambit sabay agaw sa damit na natipuhan niya. I just don't want to let her borrow the dress dahil may isusuot naman siya.
“Regalo sa akin ni Justin iyon,” iwas niyang tinging sabi habang kagat pa rin ang ibabang labi.
Nagpigil ako ng tawa sa pamamagitan nang pagkafat nang pagkagat sa dila. “Ano namang kaso kapag susuotin mo? Wala namang malisya, damit lang iyon.”
“Baka kasi mag-assume,” mahina niyang sambit nang nakaiwas ang tingin.
“Sa tingin ko naman hindi na niya papansinin pa ‘yon. Halos magkabungguan na nga kayo the last time we held a party for Tristan, hindi ka na niya pinansin pa but he smiled.” sabay pakawala ko nang buntong-hininga.
Tumingin siya sa aking mga mata. “So do you mean naka-move on na siya sa akin?”
Umirap ako sa kaniya. I don't know the answer. I am not him, his feelings I don't know. Naging masungit na rin siya o baka hindi ko lang 'yon napapansin no'ng una. Everyone is being cold because of the pain caused of love. “Ask him. Saka naka-move on ka na rin ‘di ba and why don’t you invite Van nang may ka-date ka?” pag-iiba ng tanong. Alam ko namang ayaw na niyang banggitin pa ang pangalan ng ex niya.
Napansin ang pagsimangot nito sa tanong ko. Bumagsak ang kaniyang balikat. “He’s busy right now.”
Mahinang tinapik ang kaniyang balikat to show it's okay. “Always busy, huh?”
Palagi na lang kasing busy ito, gustuhin mang sumama sa kanila upang sana minsan sa tuwing kumakain sila ng tanghali para sana kilalanin ang lalaking sasamahan siya pamhabambuhay ngunit tila natatameme ako. His aura is strict at hindi sa panghuhusga, he is a bit old for Estella. Parang medyo malaki age gap nila and not for being expert on love, seems like Van isn't serious.
Suminghap ito. “He’s just hardworking teacher.” tumango ako at itinulak ito nang marahan palabas.
Akmang magsasalita pa ito para pumutak nang pumutak ay agad ko siyang pinagsarhan ng pinto. “Magpalit ka na, paniguradong nandoon na silang lahat.”
-
Pagpasok pa lang namin ay bumungad na sa amin ang makulay na balloon arch. I paint a smile on my lips. Nakakahawa si Estella kung ngumiti. I wish she could share me the happiness she feel for me to do not feel sadness. Bumibigat na naman ang puso ko marahil makikita ko na naman sila. Chin up siyang naglalakad habang nakalingkis sa braso ko samantalang napapayuko ako. Ang ingay ng speaker ay dinig na dinig, kumakabog amgng puso sa bawat beat nito. They hire a DJ and wow! They are black, white and gold floating balloons in the air.
Iginala pa ang mga mata sa eye-catching and beautiful theme of the reunion. Masyadong nabusog na ang mga mata sa kakadungaw sa marble tiles na tinatapakan ng aming open toed heels sa house of the alumni.
Photo garlands of the Heartthrob Kings ang madalas nahahagip ng mga mata. They are really one of the history of this school. The five of them contributed a lot. Night party is the concept of our reunion with matching disco. “Racelle! Estella!” rinig kong sigaw ng lalaki sa pagitan ng maingay na beat sa loob. Hindi mala-bar ang dating dahil imbes na sari-saring wine ang nasa mesa ay self-serve buffet ang nakahilera sa mahabang mesa. Dinner rock party with a twist.
Paniguradong si Kitian ang nag-ambag dito, they have a catering business also. Namataan ang mga kaklase naming dati. Iba’y single pa at ang iba ay may kasa-kasamang partners na. Kumusta na kaya ang class president naming crush din no’n si Kitian? Iyong teacher na crush din siya, imbitado rin ba? Iyong teacher na pinaggawa kami ng report about sa love, nandito rin kaya? Gusto lang sanang humingi ng payo sa pag-ibig.
“Bakla!” sigaw na sagot ni estella sabay kaway pa nito sa matagal na niyang hindi nakikitang matalik na kaibigan. Hindi na bale sa akin, nagkakasawaan na kami sa mga pagmumukha namin.
Ngumiti lang ako sa kaniya nang ngitian ako nito’t gulo sa buhok ko. “I miss you, payakap naman ng mahigpit Estella ko.” napangiwi nang magyakapan nga silang dalawa nang mahigpit sa harap ko.
“Estella ko? Is she your girlfriend, Jerome?” bahagyang nagulat sa biglaang pagsulpot ni Yvonne. Sinundan pala niya ang kaniyang boyfriend, wala ka bang tiwala, Yvonne? Hindi lilingon sa iba ‘yan, mukhang choosy nga ang bakla.
Narinig ang mahinang pagtawa ni Jerome nang sandaling tumigil ang tugtog. Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa building na ito senyales na miss na miss na nila ang isa’t isa. “Nagseselos ka na naman at hindi ko naman ipagkakailang Estella is my first love,” ngiting wika niya sabay akbay dito at sa akin. Nasilayan ang pagsama ng tingin niya lalaking nasa gitna namin. Ngumiti ako sabay kaway sa babaeng kumaway sa akin. I forgot their names even their faces. Kinakalimutan ko kasi ang mga taong hindi naman ako kayang pahalagaan. They forget me, then I will forget them to be fair.
Bumalik lamang ang mata ko sa nagtanong na si Yvonne pagkatapos kong ngitian nang isa-isa at kawayan ang mga kumakaway sa akin. “And I am nothing to you?”
Sinilip ang mukha ni Jerome na nakatitig lang kay Yvonne. Is this a drama series? Estella removes Jerome’s hand on her shoulder and place it to Yvonne’s waist. “Huwag kang magselos sa akin, Yvonne. We’re just friends at saka huwag kang mag-alala, single ako pero wala akong balak na gawin ang iniisip mo.”
Umirap ito kay Estella. “I don’t believe you dahil may past kayong dalawa at may possibility na baka iwan niya a—” Jerome cut her speech sa pamamagitan ng paghalik niya sa pisngi nito.
“Yvonnyita, wala akong balak. Mas gusto kitang makasama habang-buhay kaysa sa best friend kong minsan ko ng minahal. You are my maldita girlfriend saka ikaw pa ang may ganang magselos habang ako, wala? Alam mo bang nagseselos na ako sa patner mo sa drama niyo? You are so sweet, habang tayo ganito na lang palagi?” tumikhim kaming dalawa ni Estella saka nagkatinginang dalawa. ‘Mahirap maging single’ ang pahiwatig ng aming tinginan.
Nakangising umirap muli si Yvonne sabay pisil sa pisngi nang nakangusong si Jerome. “Don’t worry, he’s not my type. You are my and only in my heart.”
“I love you, Yvonnyita ko,” malambing na saad ni Jerome saka niya hinapit ang bewang nitong nakaharap sa kaniya. The eyes of our previous classmates and batchmates who are present right now are with this two. Siguro nasa isip nila, ‘may love life na pala ang dating kilalang guwapong bakla noon’.
I even heard the murmurers of the girls sa tabi namin. “Sayang hindi na lang pala ako naniwala sa kaniya noo. Kinaibigan ko na lang sana siya, he’s my ultimate crush back then.”
“Kung single pa siya siguro, malamang hahalayin ko na nang maging kami ng dating guwapong bakla na ngayon ay lalaki pala.”
“He tricked us when we we’re on high school. He lied, he hides his true personality.”
“I love you, too.” sweet smile form on Yvonne’s lips. Sabay kaming napatikhim ni Estella at eksakto namang may malakas na tumikhim. Nang lingunin namin ay nakita naming si Melissa na mukhang girly girl ang suot ngayong gabi at nakalingkis sa braso ni William na siya ang tumikhim kanina.
“Racelle, ang cute mo sa suot mo.” ngumiti ako sa papuri ni William sa akin.
“Salamat.” sabay ngiwi sa kaniya.
“Na’san pala sila Mike at Claire?” tanong ni Melissa sabay hanap ng mga mata nito sa dalawa.
“Claire’s right there, she’s with her previous friends before.” sabay turo ni Yvonne sa mesang kinaroroonan nila. “Nasa kainan naman si Mike,” natawang sabi ni Jerome at sabay-sabay naming sinundan ng tingin ito nang ituro ni Jerome. Siya pala 'yong lalaking nakatalikod kanina.
“Narinig ko ang pangalan ko, bakit?” ang talas naman ng tenga nito. He smiled and approached me on high five pero hindi ko pinansin, maghugas muna siya bago makipag-high five sa akin.
“Wala pa ‘yong tatlong hari?” tanong ni Estella. Wala akong nahagilap na anino nila dito kaya siguradong wala pa sila.
“They shouldn’t be missed this.” tumingin akong nakakunot ang noo sa sinabi ni Mike.
“Sigurado ka na ba sa balak mo, bro.? Hindi sa ayaw ko but think it first, pinsan ko na nga ba talaga o iba? Puwede ka pang maghanap ng mga single rito.”
“Huwag mo naman akong tuksuhin, bro., nagbabagong buhay na ako pero tinutukso mo ako.”
“Natukso ka naman?” mataray na sabat ni Yvonne. Pansin ang frustration sa pagbuntong hininga niya. May problema na naman yata silang dalawa.
“May tampuhan na naman ba kayo ni Claire?” nag-aalala at curious na tanong ko sa kaniya. Because of his feeling towards Claire – because of love changed him into a better man than before. Obviously, Mike is really in love with this Yvonne like, Claire. Ang nakangiti niyang aura no’ng high school days’ pa ay mas lalong lumapad ang ngiti sa labi nito. Claire is his europhia.
“Actually, they aren’t okay. Nasa stage sila ngayon ng break up.” nalungkot sa narinig na sagot ni Melissa. We are all curious about what happened to their relationship. Ayaw ko ng may nakikitang malungkot nang dahil sa pag-ibig, I don’t want them to suffer more from love.
“In what reason?” gaya ko ay curious din si Estella. We all know that their relationship is like a cat and dog concept pero mukhang seryoso ang tampuhan nila’t hindi madaling suyuin si Claire.
Tinapos muna nito ang pagkain at dumukwat ng tissue upang punasan ang mamantika niyang labi saka ang kamay nito. Seryoso siyang tumingin sa amin ng isa-isa. “She saw me with another gir—”
“Kasalanan mo rin naman pala, Mike.” tumalim ang tingin ni Mike sa biglaang pagsabat ni Jerome nang hindi siya pinapatapos. Ginulo niya ang buhok niya at iritang nagsalita, “Huwag ko na nga lang sabihin.”
Sinundan ng tingin itong umupo sa isang bakanteng mesa at pinagmasdan siyang humalukipkip na nakatingin sa direksyon ni Claire na kasalukuyang ngiting-ngit sa mga kausap niya. Nakaramdam ng pagtaas ng balahibo nang maramdaman ang bagong presensya. Nakipagkamay sa akin si Justin pagkalingon sa kaniya sabay tingin kay Tristan na diretsong nakatingin lang sa akin at kaagad din niyang inisa-isa ang tingin sa aming limang nandito. Akmang yayakapin ni Tristan si Yvonne nang biglang hampasin ni Jerome, natawa naman kami maliban kay Justin.
Napansing napatingin siya sa suot ni Estella na hindi naman napansin nito na nakatingin pala siya sa kaniya. He smirked teasingly at nang lilingon si Estella sa gawi niya ay ibinaling sa akin ang tingin na sumeryoso.
“Hi, Racelle!” hindi na nilingon ang may-ari ng boses nang marinig ito. Wala pang limang minuto sila Justin dito ay nandito na rin sila. Bakit pa kasi sinama ni Kitian ang babaeng ‘yan? Hindi ko masikmura ang kaiinggitang biglang namayani sa puso nang pasadahan siya ng tingin. She is wearing a plain white dress but why is it jaw-dropping look? Pansin ang pagtitig ng tatlong hari sa kaniya kaya humarang si Kitian. Protecting her girl. It sucks.
“Guys, restroom lang ako sandali.”
“Ako rin,” tumigil ako sa paghakbang nang marinig ang sinabi niya. Agad akong bumalik sa tabi ni Estella sabay ngiti nang mapakla habang dama ang pagtaas ng kilay sa akin ni Yvonne.
“Ay hindi na pala, umurong ‘yong ihi ko.” saka ngumiti nang labas ang puting ngipin sa kanila. They just stare on me, histura nila’y nagtataka nang pakatitigan.
“May gano’n?” litong usal ni William habang napkamot sa kaniyang batok. Nangiwi ako dahil masyado naman akong pahalata.
“Saan ba rito ang restroom, samahan mo naman ako, Racelle.” nandilat ang mga mata.
“Sasamahan kita?” patanong kong sabi, hindi gusto ang inusal niya.
Sumimangot siya. Hindi ako natinag sa simpleng pagsimangot niya, why do I need to accompany her? Nandiyan naman si Kitian sa tabi niya. “Hindi ko rin alam kung saan ang restroom, pasama ka na lang sa kaniya.” sabay turo kay Kitian.
“Lalaki siya at baka magkahiwalay ang restroom ng babae sa girls,” sabi niya na saka ko lang naisip na oo nga pala, lalaki siya pero puwede naman siyang mag-stay sa labas at wala naman siguro silang gagawing kababalaghan.
“Tinatamad akong maglakad.” palusot ko sa kaniya at bumuntong hininga.
Pumungay ang mga mata niya. “Racelle, iniiwasan mo ba ako?” malumanay nitong tanong sa akin. Blanko at malamig ko lang siyang tinapunan ng tingin.
“Samahan na lang kita.” biglang sabi ni Melissa nang magsimulang magtubig ang mga mata ni Richie. Hinigit niya ito at hindi na nilingon pang lumabas sila. Tipid akong ngumisi.
“Bakit ka gano’n kay Richie?” basag ni Kitian sa katahimikan habang ramdam naman ang dismayadong tingin nila.
“Ha? Bakit?” painosente kong tanong ngunit alam kong pansin nila ang kawalan ng gana sa aking boses.
The atmosphere in our circle became more serious and I feel the disappointment. “Boys, tara na’t magparty-party!” masiglang pag-aaya ni Jerome na sinabayan pa ng pagtipak nang muling magpatugtog ang DJ nang mapapasayaw ka.
Sumunod silang lahat, naiwan si Tristan sa aking tabi. Sa tantya ko ay limang hakbang ang layo. “Why are you so cold to her? May galit ka ba?”
Tahimik siyang inaangatan ng tingin. Nagsalubong ang tingin namin, blanko sa kaniya at hindi na ipagkakailang namamanhid na sa sakit ang aking tingin. “Kung sasabihin ko ba sa ‘yo ang dahilan ko maniniwala ka at maiintindihan mo ako o si Richie ang mas matimbang?”
Tristan just shook his head and turned away. See, they don’t even f*****g care. Palagi na lang siya. Kung sinamahan ko ba siya magbabago ang pananaw niyo sa akin? Hindi naman ako malamig sa kaniya, umiiwas lang ako. the more I see her, the more I remember what she said.
Tahimik akong naupo sa mesang nakalaan sa amin. Lahat ng imbitado ay nagkakasiyahan, may nagsasayawan na sa mini dance floor do'n Melissa and William with Justin are joking around, while Tristan is busy talking with Mike. Estella and Claire are laughing each other, Jerome and Yvonne are exchanging sweet smiles and rolling eyes. While me? Watching them with their busy own lives at naging hadlang pa sa dalawa ngayong iginitna nila ako. Pansin ang bawat tinginan nila sa isa’t isa, gustong maghawakan ng kamay ngunit nasa gitna nila ako. Tumikhim ako’t sa inis ay tumayo ako dahilan upang mapatingin sila sa aking lahat. “Restroom lang ako.” pagkatalikod ko ay narinig muli ang kanilang pag-iingay, pagpapatuloy sa kanilang ginagawa nang ma-interrupt ko sila sa pagtayo ko.
Nang bahagyang nasa pinto na ay lumingon ako bago lumabas. Lumipat si Richie sa aking kinauupuan. Sinadya ko talagang lumabas para magpahangin. Nais lamang pakalmahin ang sarili sa nagbabadyang ka-dramahan kanina. Ang kaninang jazz na tugtog ay naging jazz-rock music.
Tiningala ang bituing nagniningning sa kalangitan, there are few ngunit sapat na para tingalain ko sila. Reminiscing the memories we shared on this campus. From being a nobody to being with him and now that we are all here, he's with someone. The girl who has the same first letter with me. Iyong babaeng magkatunog ang pangalan namin.
Nagpalipas ng ilang minuto bago mapagpasyahang pumasok sa loob. The music change, it became smooth to ears. Tumahimik na rin ang lahat, all lights on, wala na 'yong disco na nakakahilong nagpapaikot-ikot kanina. What's happening?
Bumalik ako sa mesa namin at nagsisising bumalik pa dahil nawala 'yong upuan bakanteng upuan. Tiningnan ko lang silang abala pa rin sa kanilang buhay kaya minabuting tumalikod na lamang. Bumalik ako sa kinaroroonan kanina.
Pagmamasdan na lang sila sa malayo. Natuon ang mga mata nang biglang tumayo sa kinauupuan nito si Mike at gulat naman si Claire.
The crowd became quiet. I heard how Mike clered his throat at bumuwelo.
"Bakit na naman? Umalis ka nga diyan, ayaw kitang makita!" sigaw ni Claire. Don't be like that Claire, pinapahiya mo ang boyfriend mo sa harap ng maraming tao.
Bahagyang sumimangot ito dahil sa pagpapapihiya sa kaniya at seryoso ito. "Gusto mo na ba talaga akong umalis?"
"Oo!"
William shook his head at nilapitan pa ang pinsan as well as Estella and Melissa.
"Sigurado ka? Kapag aalis ako, hindi na ako babalik. Gusto mo ba iyon?" natahimik si Claire.
"Do you want me to go away? Bibitawan mo na ba ako? Sabihin mo lang, handa na akong umalis kahit masa—"
"Hindi ba puwedeng magbiro?" angat na tingin na sabi ni Claire na bahagya akong natawa. Ayaw rin palang palayain ang minamahal.
"Then bati na tayo?" natawa sa kinakakatayuan. Like a children.
Mahinhing tumango si Claire kasabay ng tilian dahil nagkabati na sila habang tila nakahinga naman ng maluwag si William.
Umingay muli ang lahat ngunit hindi pa pala tapos. Mike hold Claire's hand. “Baby, alam kong ilang buwan pa lang tayo, kakabati lang din natin saka hindi pa nga umabot sa taon pero sasabihin ko ngayon sa ating mga high school colleagues na nandito ngayon na mahal na mahal kita at hindi ako magsasawang mahalin ka.” ngumiwi lang ako. Gasgas na 'yang linya pero bakas ang sincerity niya sa boses. His voice were full of love.
“Ano bang pinagsasabi mo? why are you suddenly saying these things at sa harap pa ng maraming tao? Are you crazy o lasing ka na?” nagtatakang tanong nito. Kanina ko pa napansing tumatagay ito sa wine glass na nakahain sa mesa kanina dahil nakasimsim din ako kanina ngunit mabuti na lang pabebe akong sumimsim.
“Baby, in denial mo pa rin. Ikinakahiya mo ba ako?” I see Mike's pouted.
“No, I’m not. Center of attention ka na.” masungit na wika ni Claire.
Nagulat ako nang biglang lumuhod si Mike sa harapan niya. Kapansin-pansin ang pagtataka ni Claire dahil pilit pa niyang pinapatayo ito. Nanatili siyang nakaluhod at mukhang tama nga ang hinala ko. Is he proposing?
He brushed his hair and cleared his throat to timing. We all gasp when we saw the small box on his palm. I knew it!
Tristan were holding a microphone and started singing the chorus of Marry me nang magsalita si Mike. “Masyadong maaga but will you be my Mrs. Zarate in this lifetime?”
“Tatanggi pa ba ako?” nakangising wika ni Claire. Hinigit ako bigla ni Melissa na hindi ko man lang napansing nasa likod ko pala siya kanina. Nakita ang kumikinang na dyamante ng singsing kasabay nang tilian na may hiyawan at palakpakan.
I did a clap also, congratulating them pero sana hindi mauwi sa nganga.
“Kiss!” they exclaimed ngunit nagngitian ang dalawa. Nahiya pang maghalikan sa maraming tao.
“Kiss, puwet!” sabat ni Justin at William nang bigla silang pumagitna at payukuin si Mike upang halikan ang puwet nila. Natawa naman silang lahat.
“Aba! Kay gandang reunion may nagpropose na! imbitado kami sa kasal, mr. Casanova King, ha?” sigaw ng isang babae na aking namukhaan ay siya pala si class president namin.
“Congratulations, imbitado kaming lahat sa kasal niyo!” masayang sigaw ni Melissa habang pumapalakpak. Ngumiti lang ako sa kanila, showing how happy I am.
Sa maingay na palakpakan ay tila may naulinigan kaming nagsalita. Tumigil kaming lahat nang mag-'ssh' si Estella na nakaupo.
"Mga kababayan, may parang sinasabi pa ang isa rito!" pagpapatahimik ni Jerome sa mga high school batchmates namin.
Nagtatakang tiningnan ang dalawang nasa harap ko lamang. Smiling each other like there's no tomorrow. What's with that smile? “Anong sabi mo?” hindi nawawala ang ngiting tanong nito.
Biglang tinugtong ang speaker ang tagpuan, one of my senti and favorite song.
Inilipat ang tingin kay Jerome nang sitsitan ako nito pero agad ding nabalik ang tingin nang dalawang salita ang narinig na paulit-ulit nag-play sa akin. “Kitian, sinasagot na kita. Tayo na.”
Tumigil ang mundo ko sa narinig. Nawalan ng balanse sa biglaang panghihina ng aking nakatayong mga paa. Nagpapasalamat na lang ako kay Justin nang hinawakan ako nito bigla sa balikat.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa akin subalit ibinalik ang tingin sa kanilang dalawa.
Napansin ang mga mata nilang nakatingin sa akin maliban kay Kitian at Richie na abalang nakangiti sa isa't isa at magkayakap pa. The crowd are happy. Kay lakas ng palakpakan at sigawan nila habang mahina namang pumapalakpak ang mga taong ang lungkot ng kanilang mga matang nakatingin mismo sa akin.
Muling tumingin kay Justin, nangingilid ang mga luha, kagat-kagat ang ibabang labi nang mariin. Naramdaman na lamang ang bisig ni William at Justin na biglang yumakap sa akin.
Sila na?