Chapter 30

2607 Words
Racelle POV Pinaupo ako ni Justin sa kaniyang upuan kung saan katabi nito si Claire kanina. Nagkapalit-palitan na sila ng mauupuan, inilayo lang nila sa akin ang dalawa ngunit kahit hindi ko sila makatabi we are all in one table, nakakainis na nakakaiyak na gusto kong magwala. Katabi ko ngayon sa kanan ay si William at sa kaliwa ay si Mike. “Racelle, okay ka pa ba diyan?” imik ni Mike, I nod. I am still fvcking okay. “Gusto mo ng makakain?” dagdag pa nitong tanong sa akin. Umiling ako bilang sagot. “Hindi ka pa yata kumakain,” sabi nito. “Wala akong gana.” tipid kong sagot at tila sumasakit na ang ulo. “Kainin mo na lang ‘yan, hindi ko pa ‘yan binabawasan.” at inilahad niya sa akin ang assorted pastries na kakakuha lang nito. Dumampot ako ng isang butter cookie nang marinig ang hagikgik ni Richie. “Looks like that you aren’t happy,” puna ni William sa aking tabi dahil kanina pa ako nanahimik ditong nakaupo. Nagpa-games na sila at nagkasayahan na nga. I regret that I came here, kung nahulaan ko kaagad sana ang mangyayari ngayong araw na ito hindi na ako pumunta pa dahil sakit lang pala ang aabutin ko. “Okay, since ang iba sa atin ay may mga boyfriend at girlfriend at ang iba pa nga ay may mga asawa na o anak at may mga single pa. Umaasa ako as emcee rito na sumama kayong lahat sa games na ito. We are all one hundred fifty here, so hope you’ll participate.” umikot ang mga mata sa wika ng emcee. “Pambata but I know it’s exciting part, dahil ang mananalo ay may consolation prize. Let’s all go back with our high school days. Ang larong ito ay group your selves into two, gano’n. Ang dali ‘di ba? Larong pambata kaya walang mahihirapan at walang hindi sasali. Lahat sasali para manalo ng 10k.” nagsipalakpakan ang mga nandito maging ako ay mahinang napapalakpak. Ten thousand pesos is great but I am sorry, I am not in the mood to joined again. Seeing them together makes me smaller, I mean nanliliit ako sa sarili ko. Nagpapanggap na lamang akong hindi sila nakikita pero mga mata at isipan ko ay ayaw makisama. “So, let’s begin.” the emcee snapped her fingers, a sign that the game starts. I just crossed my arms and blankly stare on the crowd na lahat sila’y nagsitayuan at pumunta sa gitna. “Tara Racelle,” aya sa akin ni Justin ngunit itinaas ko ang kamay ko bilang pagtanggi. “Kayo na lang,” tipid kong wika. Kumuha ako ng cookies at kinagat ito, I’ll watch here. Papanoorin ko na lang kayong lahat kung paano magkasiyahan. Nang maubos ang kinakain na cookies ay napagpasiyahang tumayo upang magpahangin na muna sa labas. “Group yourselves into 40!” hindi pa ako nakakahakbang nang marinig ang pangalan ko subalit hindi sila nilingon sapagkat naglakad na lamang ako. “Racelle!” sabay higit ni Estella sa aking braso. Napasama ako sa group nilang nakabuo na ng forty people na plastic ang pagmumukha, sarap lunurin ng dalawa. “Hands up kapag nakabuo na.” itinaas ni Estella ang kamay ko. I just rolled my eyes again nang irapan din ako ni Yvonne. “Magsiupo na ang mga natanggal.” Napangiti ang emcee na inilibot ang mga mata sa natira at habang tutok sila sa nakaambang sasabihin ng emcee ay tumalikod ako upang makaalis. “Group yourselves into 28!” Muli ay hinigit ako ni Estella. Inis ang kaniyang mukha nang marahas niya ang palingunin sa kanila habang hinhigit naman ni Melissa ang iba. “Racelle, ba’t ka ba umaalis?!” pagalit na sabi ni Estella, pansin ang tingin nang mga taong nasa palibot namin at nagkadikit pa ang braso namin ng katabi kong si Tristan. “Hands up!” walang ganang itinaas ang kamay sabay pakawala nang buntong-hininga. “Lany, wala na ‘yang group niyo. Walo na lang kayo.” Nagkawatak-watak na naman sila nang matanggal ang mga naalis. Malalaki na ang ginawa kong hakbang sa mabilis kong pagtalikod upang makaalis, nakita pa ako ni Tristan at Justin ngunit hindi ko sila pinansin dahil hindi rin naman nila ako pinansin. Malapit na akong makaalis sa gitna nang biglang sumigaw ang emcee. “Okay, group yourselves into 20!” napangiwi ako sa humila sa akin, pati buhok ko’y isinama na niya at nang tingnan ay si Claire pala ito. Inis ko silang tinapunan ng tingin, salubong na rin ang kilay ko’t namumula na ang braso ko sa pagkakahigit nila nang hindi pagdahan-dahan. Ayoko ngang sumali, pilit pa akong sinasali. Now I know the feel sa pakikipagsiksikan sa mundo niya. It’s kinda irritating, ang sarap suntukin ang sarili ko. Killjoy ng aba ako sa lagay na ‘to o umiiwas lang? Iling akong dinaanan ni Mike nang makailang group yourselves na kami nang wala akong gana. Lantang gulay akong nagpapahigit na lamang sa kanila dahil kailangan lamang nila ako para makabuo sila ng grupo at nang natalo sila ay nailing nila akong tiningnan dahil bigla akong umalis. Yes, I enjoy a bit but I can’t bear to see them. Nakailang group yourselves pa kami hanggang sa pito na lang kaming naglalaro. Justin, Melissa, Estella, Richie, Tristan, Kitian and I. Ilang ulit na nga akong kusang umalis ay akalain mo, natira pa ako rito at isa pa sa mga pito. Galing talaga ni tadhana, kailangan kasama pa ako sa circle na ‘to. My eyes are on my hands, sa kamay kong nahawakan bigla ni Kitian. Balak ko sanang bumitaw dahil hawak niya sa isang kamay nito ang kamay ng babaeng may sila ngunit nang siya na rin ang bumitaw nang mapansin niyang nahawakan nito ang aking kamay. Dahan-dahan akong tumalikod upang magparayang sila na lamang ang maglaro dahil ayoko na. “Okay group yourselves into 3!” pagkabanggit ng emcee ay agad na may dalawang kamay na humigit sa aking braso. Nangiwi ako sa sakit nang humigpit ito at doon lamang nakita na si Kitian at Tristan pala ang humila sa akin. Mabilis namang hinanap ng mga mata si Richie na  aligagang nakikisiksik sa kanila Melissa ngunit ayaw nilang pasingitin ito. Natatawa pa nga nilang itinutulak palayo ito at inginuso ang direksyon naming dahilan upang lumingon siya dahilan upang mapatakbo siya sa aming kinaroroonan kasabay ng masayang pagbilang ng emcee. “One, two…” Napangiwi’t napapikit na lamang ako sa sakit nang mapaupo at mahiga ako sa sahig nang itulak niya ako sa mabilis na pangyayari. Sandaling katahimikan ang narinig habang iniinda ang sakit nang pagkakatama ko sa sahig. Dahan-dahan naman akong nagmulat nang marinig ang hindi ko maintindihang sinasabi ng emcee dahil eksaktong nakita silang tuwang-tuwa na magkayakap. Mas lalo akong nanghina sa posisyon kong bahagyang napahiga at nakatukod ang siko sa malamig na sahig. Nanginginig na kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang iyak at puwersahang pinaupo ang sarili. Itinukod ang kamao sa sahog upang tuluyang matayo subalit isang malamig na kamay ang umalalay sa aking tumayo. Hinatid na ako ni Tristan sa mesa kung nasaaan sila Claire. “Ayos ka lang, bakla?” nag-aalalang tanong agad sa akin ni Jerome pagkaupo ko. Tumango ako bilang sagot, inabutan naman ako ng maiinom ni Mike na nasa kaliwa ko. Pilit na gustng iiwas ang mga mata sa kanila ngunit kahit anong gawin kong pihit ng ulo ay nakikita pa rin sila sa gilid ng aking mga mata. "Group yourselves into 4!" Narinig ang mahinang pagtawa ni Justin at Melissa na patungo sa amin direksyon. I sighed and closed my eyes. This is a terrible day. Mas malala pa sa masamang panaginip, I am on the crowd, many people see me fall and became weak. "Group yourselves into 3!" Kaswal na lang akong tumingin sa kanila nang mapansing panay ang tingin sa akin ni Yvonne. Criticizing me again. Hanggang sa silang dalawa ni Kitian ang nanalo. ‘Congrats, congrats my heart!’. Tuwang-tuwa si Richie at masaya pa niya itong sinabi na, "Guys! Manlilibre kami bukas!" sigaw nito sa aming direksyon habang iwinagayway ang consolation prize while Kitian is smiling. Sumang-ayon naman ang lahat maliban sa akin na nanahimik at pekeng ngiti lang ang ibinigay. Napansing namumula ang tenga ni Kitian nang madaanan niya ako, paano ba naman hinalikan siya ni Richie sa pisngi. Hay, noon sa akin ka kinikilig pero sa kaniya ka na ngayon kinikilig. Kailan ka kaya kikiligin muli sa akin? Tuloy lamang ang reunion party, habang pinipigilan ko naman ang antok. Maya't maya ang pagtatanong nila Mike, William at Justin sa akin maging si Melissa at si Estella. “Gutom ka?” umiling ako sa tanong ni William nang kalabitin ako nito. Bored akong napapatango-tango lang sa sinasabi ng emcee. Wala akong naiintindihan, ang tutukan lang ng spotlight ang pupunta sa harap iyon lamang ang aking naintindihan. Gusto kong magpalitan kami ng upuan ni William dahil nasa bandang likod siya. Tatapikin ko pa lang ang kamay niyang nakapatong sa mesa nang sabihin ng emcee na bawal magpalitan kasabay ng pagtutok bigla ng nakakasilaw na spotlight sa akin at halos bagsakan ako ng langit at lupa dahil bakit ako? Sa dinami-rami naming dito, ako pa talaga? “Oh, si Miss Racelle Cruz ang dating girlfriend ni Kitian.” Naismid no’ng banggitin pa talaga nito. Kailangan vulgar? Tinamad tuloy akong tumayo. “Come here, Racelle.” “Pumunta ka na ro’n, Racelle.” dinig na sambit ni Melissa sa aking likuran. Bumuntong-hininga naman akong tumayo at lumapit sa harap. Masakit pa rin ang katawan ngunit buong lakas akong naglakad sa harap. Pakshet na malutong, pa-order ng pakbet. Wala ako sa mood na tumayo sa tabi ng emcee. Nakatitig sa akin ang emcee habang nakanguso naman akong nakatutok sa palad kong pinaglalaruan. Inisa-isa ang mga maaaring dahilan kung bakit hindi ako. “Message for your love or sing a song that you want him to hear?” “Message? Kailangan pa ba at puwede bang huwag na lang ako?” matamlay kong wika na ang salbaheng emcee ay itinutok pala sa akin ang microphone kaya narinig nila. “Huwag KJ, Racelle!” sigaw ni Claire. “Sinumpong ka na naman!” nakangising sigaw ni Estella. “Go, Racelle, just a short message!" cheer ni Mike at William habang tumatawa naman si Justin sa aking nakaangat ang kamao nito. Bored kong inagaw ang microphone sa kaniya. Tatlong beses akong nagpakawala nang buntong-hininga bago magsalita. “Mahal kita, pero anong magagawa ko kung may kayo na?” pumiyok ng bahagya ang boses ko bilang panimula. “Oww!” malungkot na hiyawan ng lahat. Suminghap ako sabay pikit nang mariin at nagmulat din kalaunan. “Sabi ko hindi ako susuko, maghihintay pa rin ako hanggang sa mabalik ang alaala mo pero nakakapagod ng hintayin ang kailan lalo na’t masaya ka na sa kaniya at hindi sa akin. Ilang beses na kitang kinulit, pero wala talaga. Ito na ba ang tamang araw para sumuko?” tanong ko sa kanila at malakas ang loob na tumitig sa kanilang dalawang magkaakbayan. Mapait na ngumiti sa kanilang dalawa. “I am happy but sorry I can’t give you a smile to show how I am happy for the both of you. Nasasaktan ako. Hindi ko kayang tanggapin pero ano na namang magagawa ko? Gustong kumontra, pero ano nga ba ako sa iyo? Hindi ko nga alam kung friends nga ba tayo o sabi mo lang iyon. Wala rin akong karapatan ‘di ba kasi puso mo tumibok sa kaniya, hindi para sa akin. Kitian, Bakit ka kasi na-amnesia? Bakit mo kasi ako nakalimutan? Bakit? Ang dami kong bakit at gusto kong may sumagot pero napakasakit dahil walang sumasagot!” singhal ko't tingala nang mag-blur ang aking mga mata. Ibinalik ang mga mata matapos kong matawa. Hindi ko na pinapansin ang mga taong nakatingin sa akin, this is my moment to burst all my hatred. “Richie, kaibigan kita pero kaibigan nga ba talaga kita? Para mo kasi akong sinupalpal no’ng araw na inaya mo akong makipagkita sa ‘yo at malakas pa ang loob mong sabihin sa aking nagkaaminan kayo? Ano ba ang tingin mo sa akin no’ng mga araw na ‘yon?” pasinghal at pabalang kong wika na sinabayan pa ng pag-iling. Pumatak ang luha sa kanang mata habang umiiling. Shet, ang sakit. "Tapos feeling mo kailangan ko pang malaman personally, para ano? Ipamukha sa aking wala na talaga akong pag-asa na hindi na niya ako maalala pa o may iba ka pang dahilan? Alam mo bang ang sakit? Hindi mo man ako sinampal pero para mo na akong sinampal ng maraming masasakit at sinaksak sa puso. Wow! Happy ako sa inyo, sa sobrang happy ko gusto kong magbigti sa harapan ninyo nang wala ng sagabal pa—” “Racelle, tama na.” biglang sabat ni Estella dahilan upang maputol ang mala-drama kong linyahan. “Estella, hindi. Dapat nilang marinig ito and this is my message right, then let me. Kasalanan niyo na ‘to kung bakit ako pa ang pinili niyong magsalita sa harap and now that I am vocal, pipigilan niyo ako? At kung tatanggi’t hindi ako magsasalita, sasabihan niyo akong KJ? Damn. Ano nga ba talaga?” Ibinalik muli ang titig sa kanilang dalawa na seryosong nakatingin sa akin kahit malayo ako sa kanila. I count one to ten habang nagpapakwala nang malalalim na buntong-hininga kasabay nang muling pagtulo ng luha sa dalawang mata. Tears be invisible, don’t be visible. I don’t want them to see me crying again. Yumuko ako sabay pahid, tama kaya ang gagawin ko? Ito na ba talaga ang oras? Oo, ito na yata dahil durog na ako. Bigla akong nakaramdam ng inis nang biglang magpatugtog ang DJ na akma sa aking pagdra-drama. “Heto na, Hinihintay mong mga salita Kahit anong pilit ko tanggap ko na…” “Sorry for my annoying love and don’t worry, this is the last day. Bibitawan na kita – hindi papalayain na kita kahit ako lang ulit ang lumaban ang nagmahal,” natigil at natawa ako. “Matagal ka na palang malaya, ako lang ang nagsasabing hindi pa. Ang baliw ko ‘no? Nang-aangkin ng matagal ng hindi akin. Pero huwag kang mag-alala…” pumikit ako’t binitawan ang mga salitang naninikip ang dibdib pakawalan sa bibig. “Siguro nga hindi talaga tayo itinadhana, At ang lahat ng ating mga alaala…” “Bibitaw na ako sa laylayan mo, tama na. Pagod na ako, ayoko na. Suko na. Stay strong, ha? Invite niyo na lang ako sa kasal niyo. Salamat sa pasakit, salamat, hindi ko makakalimutan.” Pabagsak na ibinaba ang microphone sa nakitang upuan at dali-daling tumakbo palabas habang umaalpas ang luha sa aking mga mata. Patuloy ako sa pagtakbo habang patuloy namang nagpla-play sa speaker ang kanta. “Paalam na, Bibitawan ka, Mahal kita.” Naninikip ang dibdib habang napahawak sa dalawang tuhod nang makalabas ng tuluyan at malakas na humagulgol ng pasigaw. “Ayoko na!” sigaw ko sa pagitan ng malakas na paghagulgol ko’t papaluhod na. “Racelle!” “Racelle, aalis ka na? Hindi pa tapos…” napatigil at nawala sa sinasabi niya nang lingunin ko siya bigla habang ngumangawa. “Gusto mo na ba akong mamamatay, Estella?” iyak kong tanong sa kaniya. Hindi siya naimik bagkus napayuko siya. “Kapag nanatili ba ako rito may mapapala ako? Bigla bang mababago ang lahat?” “Kaya sasabihin ko na Paalam na, Mahal kita.” Tinalikuran siya at agad na pumara ng tricycle na nakaparada sa labas ng alumni. Stop your stupidity, it’s time to let go.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD