Racelle POV
Habang hawak niya ang kamay ko ay tinapik ko siya saka tumigil sa paglalakad dahilan upang lingunin niya ako. "Puwede bang umakto kang hindi napipilitan?" pakiusap ko sa kaniya.
"Paano ba?" tanong nito sa akin. "Can you pretend that I am your friend, bond with me as what you do to your friends even though you forgot our closeness," ngiti kong sambit.
"Nang sa gano'n ay may sigla naman ako bumangon bukas at sumabak sa fashion week and at least you made me happy for the last time." patuloy ko. Segundo kaming nagkatitigan.
Marahan siyang tumango sa sinabi ko. "As you wish, I'll do it for you." ngumiti ako nang malapad. Sa ngayon kakalimutan ko na munang pansamantala at pagpapanggap lang ito. Muli akong magpapasakop sa dalamhati para lang makasama siya ngayong araw.
"Where do you want to go first?" tanong niya sa akin nang makasakay kami sa escalator at pagbitaw nito sa kamay ko. Nakangiwi kong tiningnan ang kamay kong iniangat pa ng bahagya at gustong hawakan pa ang nagbago nitong palad, gumaspang na ito hindi gaya ng dating may kalambutan.
"Hey, tinatanong kita." bumalik ako sa ulirat nang bigla niyang tapikin ang balikat ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na kasalukuyan naman siyang nakatingin din sa akin.
"Ha? Ikaw bahala, kung saan mo gusto do'n ako." umiwas ito ng tingin sabay tango.
"Okay, then let's watch a movie first." akmang hahawakan ko ang kamay niya ngunit mabilis itong naglakad. Nangiti akong napahiya at naisara ang palad. Mabilis akong naglakad upang sabayan siyang nangunguna at hindi napansing wala ako ro'n sa tabi niya.
Hindi na pala ito gaya ng dati, hindi na pala siya lilingon kapag napansin niyang wala ako sa tabi niya. Nagbago na pala ang lahat.
"What if arcades na lang muna bago magsine?" suhestyon ko nang magtingin-tingin ito ng magandang panonoorin. Sandali niyang ipinilig ang ulo sa gawi ko.
"Okay," walang emosyon niyang pagpayag at agad kong hinawakan ang kamay nito. Hinila siya patungo sa mga arcades nang tumigil kami ay nilingon ko ito, naabutan siyang nakatingin sa kamay naming dalawa kaya binitawan ko at nakangiwing ngumiti.
"Nagho-holding hands ba ang magkaibigan?" malamig niyang tanong ng nakangisi. Yumuko ako at gusto sanang isumbat sa kaniya ang kanila Richie.
"I am sorry," hingi ko ng paumanhin ko sa kaniya. He tapped my shoulder and sighed. "It's okay."
"Kitian," tawag ko sa kaniya nang tumalikod ito kaagad. Is this how he treats his friends’ o sa akin lang siya kakaiba? "Yes?"
"Puwede bang huwag kang magsungit ngayon? Please? Can you show me your smile? 'Di ba sabi mo, you want me to be happy today, can you do it?" pakiusap kong muli. Nakita ang pag-ismid niya at pagpapakawala nang malalim na buntong hininga.
"Pinipilit ko namang maging masaya para pasayahin ka pero hindi ko magawa. I can't pret—"
"I am begging you, pangako pagkatapos ng araw na 'to, lalayo na ako. I will accept the fact that I am now stranger — that we are now strangers, no connection at all. Promise, I will distant myself." sabay taas ko ng aking kanang kamay upang pangatawanan ang sinabi ko. Masakit man pero hindi ko naman kayang hindi siya ngumiti ngayon. Gusto kong maramdaman ang saya nang panandalian lamang lalo na't tumatakbo ang oras. Matatapos na ang araw na 'to at hindi pa rin niya ako napapangiti.
"Be with me for this day." sinundan siya agad nang bigla ako nitong talikuran ulit. Tumango na lang akong mag-isa at nginitian ang sariling parang timang sa kinakatayuan. "Acccept the fact, Racelle, that he won't make you happy because he's not happy at all." pinalis ko ang nanlalabong mga mata dahil sa nagbabadyang tumulong luha.
"Hey!" agaw niya ng atensyon sa akin kaya napalingon ako. "Ayaw mo ba?" tanong nito at ipinakita sa akin ang hawak niyang tokens. Pilit akong gumuhit ng masigla at masayang ngiti.
Sa unang laro namin ay hindi ko pa nasilayan ang ngiti niya ngunit nang makatatlo kami ay unti-unti ko siyang nahawaan ng aking saya dahil sa nakaka-engganyong pump it up fiesta EX, it is a dancing arcade which we enjoy dancing by the rhythm. Apak ka lang nang apak hindi alintanang hihigalin sa bilis at sabay kaming natatawa sa isa't isa, napansin ding maraming nanonood sa amin. We are enjoying the rhythm as well as I see his smile that it gives me energy.
Nang matapos ay nag-apir kaming dalawa nang may malawak na ngiti sa labi at parehong hinihingal pagkatapos. Hinila ko siya sa snapshot area. Nakita ko pa ang pagtataka sa mukha niya hanggang sa ngumiti ako at naka-peace sign. Sunod ay hinigit ko siya palapit sa akin at nag-wacky, nilingon ko siya at nakitang nakangiti itong nakatingin sa akin. Ngiting tunay, hindi peke. Humarap kami sa camera at nag-pose nang nag-pose hanggang sa tumawa ako sabay hampas muli sa braso niya. Kinuha ang mga pictures at isa-isa naming tiningnan iyon, kumuha pa siya ng isa at sinabing souvenir niya habang ang natira ay ilalagay ko sa photo album, souvenir for the last day of us.
Pagkaraan ng ilang minute ay nagtungo kami sa food stalls sa ibaba. Pinaupo niya ako at siya na ang nag-presintang mag-order ng aming makakain. Nagpunas ako ng pawis ko habang hinihintay siya, mayamaya ay dumating ito dala ang dalawang shawarma. Binigyan niya ako ng inumin na may ngiti sa labi. "Kumain ka ng mabuti, halatang nag-enjoy at napagod ka," natatawa niyang wika sa akin.
"So, anong sunod? Sine?" tanong sa kaniya matapos kong kumagat. Tumaas ng bahagya ang kilay nito saka tumango.
“Kung gusto mo pa o balik na lang ulit tayo sa arcades?” nakangisi niyang tanong sa akin. “Magsine na lang tayo pero wala akong alam na magandang panoorin,” nakasimangot kong sambit sa kaniya. I am not fond of movies, ni wala nga akong oras magsine mag-isa.
Pinagmasdan ko siyang tumingin sa kaniyang relos habang kumakain ng shawarma, medyo hindi gusto ang lasa ngunit masarap naman dahil sariwa ang gulay nito. Mabigat masyado sa tiyan. “Uuwi ka na ba?” tanong ko nang mapansing hinugot niya palabas ang kaniyang cellphone mula sa bulsa nito.
“It’s already five in the afternoon, aren’t you going home? You should sleep early for tomorrow,” sabi nito sa akin na aking tinanguan lang. Matagal ang ginawa niyang tingin sa cellphone niya, nagtipa pa nga ito at siguro si Richie ang nag-text o ang Lolo niya. Hinahanap kaya nila kami dahil bigla kaming nawalang dalawa? Palihim akong nagpakawala ng buntong hininga sabay kagat muli. Tinitigan siyang kumagat ng kaniyang shawarma habang ang tingin ay nasa cellphone niya at abala sa pagpindot. Ngumisi pa ito na ngumiti na lamang ako. Marami pa sana akong gustong pasyalan at gawin kasama siya pero nasayang ang oras dahil sa pagkumbinsi ko sa kaniyang pakisamahan niya ako saka umaktong masaya talaga. Matagal bago ko siya nakitang sumaya ng totoo, I really need to persuade him nang sa gano’n ay masulit ko naman ang isang araw. Totally not a one day because it’s just an hour. An hour of temporary happiness and time flies so fast.
“Tatapusin ko lang itong kinakain ko saka uuwi na rin ako. kailangan ko pa ngang mag-beauty rest,” pabiro kong sabi na hinaluan pa ng mahinang pagtawa. Ngumiti lang siya, ngiting mapakla.
“Ihahatid na lang kita.” at ang buong atensyon ay nasa cellphone na niya. Nakangiti na lamang akong inubos ang pagkain habang hindi naman na kumagat pa si Kitian sa kaniyang kinakain. Hindi na bale, pera naman niya ang ginastos but seeing him like this makes me think that he is not happy with me.
Tumayo ako sa aing kinauupuan. Lumapit sa kaniyang direksyon na agad naman niyang ibinulsa ang hawak nitong cellphone nang mapansing dudungaw ako sa cellphone nito. Tumayo siya, napansin ang pagkailang sa akin. “Something’s bother you?”
Napakamot siya sa kaniyang batok at naging malamig na blanko ang kaniyang ekspresyon. “Hinihintay ako ni Richie, nakalimutan ko palang may lakad kami at kanina pang four ang usapan namin pero hindi ako nakarating on time.”
Sinabayan niya akong maglakad palabas ng mall. Nagmamadali siyang sumakay sa loob ng kaniyang kotse nang makarating kami sa parking lot, sumakay na rin ako sa tabi niya dahil dadaanan pa yata niya si Richie. Ano na naman kayang meron? Magde-date na naman ba sila? I really regret the day I introduce her to Kitian. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, ang mawala ako ng tuluyan sa buhay ni Kitian ay hindi ko na lang sana siya ipinakilala pa. Saang lugar kaya ako puwedeng magbalik tanaw? Iyong lugar na nakaimbento ng time machine dahil babalik ako sa nakaraan at aayusin lahat ng mga katangahan kong ginawa. Ayoko na kasing mabuhay pa sa ngayon, ayaw ko na ring abutin ang naghihintay sa akin sa hinaharap. Nararamdaman kong habang-buhay akong masasaktan. Pain is always on everything, right? But when will I be happy? I want to smile, palagi ko na lang nararamdamang malas ako.
“Saan ka nga pala nakatira?” kibo nito habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Mabilis ang pagmamaneho niya, halatado talagang nagmamadali dahil baka magalit si Richie. Galit nga ba siya? Bakit kaya hindi maramdaman ni Richie na nasasaktan na niya ako? Pero alam ko namang wala talaga siyang kasalanan, pero hindi ba siya aware?
“I am staying at Estella’s house. Itabi mo na lang ako diyan sa waiting shed, magco-commute na lang ako ng tricycle.” sabay turo ko sa natatanaw kong waiting shed, lagpas ng tulay.
“Are you sure?” paniniguro niyang lumingon pa sa akin sandali.
“Oo, puntahan mo na siya mukhang importante ‘yang lakad niyo at sorry dahil kasalanan ko kung bakit hindi ka nakasipot agad.” tumango ako bilang paniniguro na may ngiti sa labi. Nakailang pekeng ngiti na ba ako? Hanggang kailan ko pepekehin ang mga ngiti ko? Napupunit at naluluma na ang pekeng maskara ko sa labi.
“Hindi naman masyadong importante. We will have a date because that’s what she dared me to do after I lost.” nasilayan ko ang masayang pagngiti niya. Kailan ka kaya makakangiti sa akin ng ganiyan, Kitian? Kailan kaya babalik ang alaala mo? Kailan ako makikilala ng puso mo kahit nakalimutan na ako ng isip mo? Akala ko ba nakakaalala ang puso kahit na nakalimot ang isip, pero bakit parang hindi naman? Masyado na yata akong napapaniwala sa mga sabi-sabi, mga sabi-sabing hindi kailanman mangyayari. Natawa ako nang walang tunog sabay iling sa aking kinauupuan.
Itinigil niya ang sasakyan sa waiting shed na tinutukoy. Tahimik ko namang tinanggal ang seatbelt sabay hawak sa hawakan ng pinto ng kaniyang kotse ngunit bago bumaba ay nilingon ko siyang diretso lang ang tingin sa kalsada. “Uhm… thank you for making me happy today, I really appreciated your effort to make me smile and I will treasure this last day of us, don’t worry I won’t bother you.” nakangiti kong pagpapaalam sa kaniya. Saying goodbye in indirect way is painful but I will do what I said even my heart will be on pieces that I can’t fix now.
Tumango siyang nakatungo. Binuksan ko na ang pinto subalit hindi pa rin ako bumaba ay may kumakalabit sa aking kaisipan na gawin muna bago hindi ko na nga tuluyang makita’t makasama siya. “Bago ako bumaba, puwede bang payakap muna? Just a friendly hug.”
Sa pagtango niya bilang pagpayag ay agad ko siyang niyakap nang napakahigpit. Pumikit ako upang damhin ang pagkakayapos sa nanlalamig niyang bisig. “Yakapin mo naman ako pabalik bago ako umalis at tuluyang maglaho sa iyong landas,” gumaralgal ang boses kong pakiusap sa kaniya. Ayaw ng bumitaw, naiiyak na rin dahil ayaw kong umalis kahit nasasaktan na akong nakadungaw sa kanilang dalawa ni Richie. Naramdaman ko ang kamay nitong yumapos sa akin pabalik, pumikit ako nang mariin at napasinghot ng wala sa oras.
“Andito pa rin ako pero hindi na ako lalapit pa, tawagan mo lang ako kung kinakailangan mo ng makakausap. Magiging kaibigan mo pa rin ako kahit hindi mo na ako kinikilala bilang kaibigan o iyong minamahal. Maghihintay pa rin ako hanggang sa bumalik ang alaala mo, hihintayin kitang bumalik sa akin. Salamat ng marami.” bulong ko sa kaniya at pinahid ang luhang tumulo kasabay nang pagkalas ko sa aming yakap. Kaagad na tinalikuran siya sabay apak ng mga paa sa lupa upang tumayo at tuluyang umalis sa kaniyang sasakyan.
Kailangan kong tatagan ang aking loob. Bago tuluyang isara ang pinto ay narinig ko ang pagtawag nito sa akin, “Uh… Racelle,” sumilip ako nang bahagya habang ramdam ang pamumula ng aking mga mata.
“Thank you.” Tipid nitong sabi nang may tipid ding ngiti. “You’re welcome.” naluha kong sambit sabay sarado ng pinto at naghintay ng tricycle. Nanghihina ang tuhod ko kaya’t piniling sumandal sa poste sabay yuko. We’re now perfect strangers starting tomorrow.
****
Kitian POV
Tiningnan ko siyang nakayuko na tinitigan ang kaniyang palad. Kapansin-pansin ang lungkot nito. Palagi ko na lang siyang nakikitang ganito, tatawa siya pero pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Maging si Richie ay napapansin din niya ang pagiging malungkutin nito at sinabi pa nga niya sa aking hindi siya ganito dati no’ng nasa Australia pa siya. Richie admit that they aren’t totally close but Racelle is good and kind to her. She always smiles and her captivated eye smile makes you smile also. Habang tinitingnan ko siya kanina ay kitang-kita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya ngunit hindi ko maintindihan kung bakit siya nasasaktan. Sabi niya may pangako raw ako sa kaniya pero wala naman akong matandaan na sinasabi niya, she even lied to Richie so maybe she lied to me also.
Sinabi ko na rin kay Lolo kung may kilala nga ba akong Racelle no’ng hindi pa ako na-amnesia pero wala raw akong kilala at sinungaling daw siya. Obsess na obsess daw si Racelle na magkaroon kami kaya umaakto siyang nasasaktan at gumagawa ng kuwento. I believe on what my Lolo said dahil iyon din naman ang nakita ko after I see her lied. Hindi ko nga makakapagkatiwalaan pero bakit sa tuwing tinitingnan ko siya ay parang totoo ang sakit na nararamdaman niya? Is this girl having role on my past or she’s really inventing and acting like she is one of my past that I don’t remember? I am so confused.
Umiiling-iling ako at nagpakawala ng buntong-hininga. Iniiwasan ko siya upang sa gano’n ay hindi siya masaktan nang dahil sa akin pero bakit parang mas lalo siyang nasaktan? Nakita siyang umiyak ngayon, bakit siya gano’n? Ang sinabi ko sa kaniya kanina ay napansing hindi niya nagustuhan. Naiiyak ito kanina pero dinaan niya sa ngiti ang lahat. Bakit ba siya ganito? Ano ko nga ba talaga siya?
Muli akong umiling-iling upang iwaksi siya sa isipan. Huminga nang malalim sabay hawak ng manibela at apak upang iaandar na ang kotse ngunit tinapunan pa ito ng tingin na sa ngayon ay nakatingala siya sa langit habang kagat-kagat ang labi. Why is she like that? Gano’n ba kasakit sa kaniya ang ginawa ko?
Pinunasan niya ang kaniyang luha gamit ang nanginginig niyang palad nang aking pagmasdan siya ng mabuti kasabay ng pagpara niya sa tumigil na tricycle sa harap niya. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at napagtanto na lang sa sariling bumaba ako at malalaki ang ginawang hakbang para lapitan ang tricycle.
“Racelle!” tawag ko sa kaniya dahilan para tumigil sa pagkambyo ang tricycle driver. Inilusot ang ulo sa loob ng tricycle kung saan siya nakasakay. Luhaan ito nang aking makita kaya kaagad na hinila ito palabas sa tricycle na takang-taka naman siya sa akin.
Isang yakap na lang ang ibinigay ko sa kaniya. Dinig na dinig ang paghikbi niya nang aking ipinahinga ang ulo sa balikat ko. Bakit parang ayaw ko siyang pakawalan? Dahil ba sa ayaw kong may nakikita akong nasasaktan ko siya o may iba pang rason? Hindi ko naintindihan ang ginagawa ko ngayon basta ang alam ko ay mahalaga rin siya sa akin.
Inayos ko ang buhok niyang tumatakip sa basang-basa niyang mukha, inilagay ko ito sa gilid ng kaniyang tenga. I hush her from caressing her smooth hair. “Stop crying, you will see me tomorrow.”
“Binabawi ko na ‘yong sinasabi ko. This is not our last day, you can stay beside me as your friend. Stop crying, Racelle, I don’t want to see you like this.” patahan ko sa kaniya.
“W-why?” pilit niyang tanong sa kalagitnaan ng matinding paghikbi niya. Naawa ako sa kaniya, her tears are real. She’s really hurt. Patuloy kong hinahaplos ang buhok niya habang yakap-yakap pa rin siya. I am sorry, Richie, someone need me now.
“I don’t know but all I know is you are also important to me.” tapat kong sagot sa kaniya.
I don’t know why but someday I will know the answer of my why. Basta ang alam ko lang ayaw ko siyang nakikitang umiiyak, hindi ko alam ang paniniwalaan ko kung si Lolo o ang pagkilala ko sa kaniya at base sa nakikita ko ngayon. I am confused but I will let her stay to me.