Racelle’s POV
Gulat na gulat ako nang biglang higitin ni Yvonne ang aking braso pagdating na pagdating ko mismo sa meeting place, studio nila. Napapangiwi ako sa higpit nang pagkakahawak nito, tumutusok pa ang medyo mahaba nitong kuko at para bang gigil na gigil.
“Y-Yvonne, nasasaktan ako,” ngiwi kong sambit dahilan upang mapatigil siya at pabagsak niyang binitawan ang braso ko. Hinimas ko naman ito at hindi maalis sa aking labi ang pagngiwi. Taas kilay siyang tiningnan, nagtataka kung bakit gano’n ang pambungad niya sa akin. May away ba ang dalawa at ako ang napagbuntungan? Nakakainis naman kung gano’n.
Tiningnan siya at wala namang inis na nakarehistro sa anghel niyang mukha kun’di saya ang nakikita ko. Kinunutan ng noo ang tila excited na natutuwa niyang ekspresyon sa akin. Akmang magtatanong ako kung anong meron nang biglang nagsalita si Jerome.
“High school reunion natin next week!” bumilog ang bibig ko at napalitan ang pagtataka ang aking ekspresyon nang saya. I was about to clap my hands from excitement when Jerome placed his index finger on my lips.
“At hindi lang ‘yan,” masayang sabat ni Yvonne. Ngayon ko lang siyang nakitang nagtatalon sa saya at humawak pa ito sa braso ni Jerome. Sumama naman ang mukha ni Jerome at bahagyang napasimangot.
“Ano pa?” nagtatakang tanong ko habang may ngiti pa sa aking labi at nakataas ang kilay sa kanilang dalawa. Tiningnan ko kung paano tumingin si Yvonne kay Jerome at nang makita niya itong napasimangot ay pinisil niya ang pisngi nito.
Humarap sila sa aking dalawa matapos nilang magpisilan ng pisngi samantalang napairap ako sa kawalan sabay ngiwi. “Magbabakasyon si Tristan dito ng isang buwan. Plano niya sanang isang linggo lang but we persuade him to stay here for one month before going back in Australia. As of now, he’s filing a leave for one month.” tila nabawasan ang sayang naramdaman ko nang marinig iyon. I supposed to be happy because he’s going back and I can talk to him now to personally apologized. Bakit parang ayaw ko siyang bumalik dito at magkita kami? Natatakot ako at tila ba hindi alam ang gagawin kapag nagkita kaming dalawa.
“Racelle, hindi ba ‘yon good news?” bumalik ako sa ulirat nang magsalita si Yvonne at tampalin ni Jerome nang mahina ang kanang pisngi. Alanganin akong tumango at ngiwing sumagot, “Go-good news.” sabay pakita ng ngiting malapad.
“Bakit parang ‘di ka masaya sa sinabi namin?” iniiwas ko ang aking ulo nang pakatitigan nila ako. Madalas napagdududahan nila ako, hindi ba sila naniniwala sa mga sagot at ipinapakita kong kilos.
“I’m happy, I’m just…” natigil ako dahil hindi alam ang idudugtong sa aking sasabihin. Yes, I am happy. Napakagandang balita nga dahil makukumpleto na ang mga hari, ngunit paano ako haharap sa kaniya? Yumuko ako upang ikubli ang sarili. There’s something in my feelings that I can’t explain.
“Nagui-guilty lang ako kay Tristan. Parang ayaw kong humarap sa kaniya dahil malaki ang kasalanan ko.” I bit my lower lip from the guilt I feel inside of my heart. Narinig ko ang mapang-asar na tawa ni Yvonne at ang pagtipak niya nang may kalakasan.
“Guilty ba talaga ang nararamdaman mo?” yumuko siya upang tingnan ang mukha ko pero ipinilig ang ulo sa kaliwa upang iwasan siya. Kumurap ako at suminghap sa tanong niya. Isang mahirap na lunok ang ginawa ko bago mag-angat ng ulo at tiim bagang na sinagot siya nang patanong din.
“Bakit parang hindi ba?” sinubukan kong itaas din ang kilay gaya niya. Humahanga ako sa lakas ng loob niyang kumpruntahin ako at ang katarayan niya. Paano niya napapanatiling matapang siya at ang katarayan niya sa harap ng maraming tao kahit sa aming napapalapit sa kaniya? siguro ito na talaga ang nakasanayan niyang paraan para makihalubilo sa amin pero kahit na minsa’y nakakainis at nakakatakot ay nauuntog ang ulo ko sa malaking bato sa mga salita niya. Wala siyang pakialam kahit nasasaktan na ang nasa kaharap niya in the way she speaks and it looks like she didn’t experience how to be hurt.
Iniikot-ikot ko ang mga mata ko upang hindi niya mabasa nguntit huli na nang magsalita siya nang nakangisi habang iiling-iling. “Your eyes tell that you are still into him,” nakahalukipkip niyang sabi sa aking mga mata. I am easy to read. Why can’t hide my real emotions? Bakit ayaw magtago nang nararamdaman ko kapag titigan na nila ako sa mga mata. Does my eyes is my mouth and my mouth is my eyes? Why do always read my emotions and claim that I am lying.
Inilihis ang mga mata at ibinaling kay Jerome na ngayo’y nakataas ang kilay habang nakahalukipkip. Naiinip ang itsura base sa paghaba ng kaniyang nguso. Maging siya ay sinusuri rin ako. Bakit ba hindi na lamang nila paniwalaan ang mga sinasabi ko nang hindi ako tinititigan? Mahirap bang gawin iyon. I speak and that’s the truth.
“No, I’m not.”
Bumuntong hininga na lamang si Yvonne matapos niyang magkibit-balikat. Sumandal naman si Jerome sa nakitang poste at hinayaan niya muna kaming mag-usap. Siguro naisip niyang kailangan ko munang mauntog muli kaya hinahayaan lang niya ang girlfriend niyang hukayin ang totoong nararamdaman ko, but I am sorry, I can’t show the real me even my eyes speak about it. I will keep it a secret, I won’t share my pain and anxieties to anyone. This is my karma and I should be the one who’ll solve the problem. Matigas talaga ang ulo ko at walang makakatibag sa desisyon kong tinatahak.
Worries on their face were all drew. Kahit sinong lapitan at makausap ko, kahit nakangiti na ako sa harap nila’y kitang-kita ko kung paano sila mag-alala at malungkot sa nangyayari sa aking buhay. “How about Kitian? Kumusta naman kayong dalawa? Balita ko na-discharge na raw siya,” wika niya bilang pag-iiba sa usapan. Kahit iniba na ang usapan hindi pa rin ako komportableng pag-usapan ang isang ‘yon.
Hindi ko rin siya maintindihan o sadyang nilalaro ako ng tadhana? Bakit parang baliktad? Bakit parang ang daya? Bakit parang – mga bakit na wala man lang ibinigay na kasagutan. Ang pinakamasakit at pinakahamahirap na salitang walang kasagutan.
“He’s with someone who makes him happy and yes, na-discharge na siya.” Pilit akong ngumiti nang idaan ang mga mata sa kaniya at napansin ang pagguhit ng mga linya sa kaniyang noo.
“Someone? Akala ko ba ikaw ang someone niya? Bakit parang wala ka na naman sa kaniya? Ano na naman kayang pumasok sa utak no’ng lalaking ‘yon at sinasaktan ka na naman niya,” may bahid na inis na sabat ni Jerome sa aming likuran nang maulinigan niya ang aking sagot.
I just shrugged and took a deep breath with annoyance. They keep asking me about us, about my life’s going on, yes, I appreciate their concerns but they always questioned what I said and my actions. It’s kind of irritating situation. I am tired explaining myself in front of them, hindi sila nakikinig sa mga sinasabi ng bibig ko. “Maybe this is my karma for betraying them and playing their heart.”
Muling nagpantig ang nakakaasar na tawa ni Yvonne sa aking tenga tila masaya pa siya sa aking ginagawa sa buhay. “Karma mo talaga ‘yan. Ang ganda-ganda na nga ng relasyon niyo ni Tristan noon, lumandi ka pa sa iba. Alam ko mahal mo siya, Racelle, akala ko nga no’ng una siya ang pipiliin mo kaysa sa kay Kitian pero akala ko lang pala.” natamaan ako’t nasaktan sa kaniyang tinuran ngunit tama naman siya at dapat ko lang marinig. Tipid na ngiti na lamang ang ipininta sa labi sabay iwinagayway ang palad.
“So, bakit niyo nga pala ako pinapunta rito? May importante ba kayong sasabihin?” pag-iiba ng usapan dahil masyado ng naisusubsob ang mukha ko sa lupa. Hiyang-hiya na ako sa mga may puntong sinasabi nila. Tumindig ng tayo si Yvonne at bahagyang inayos ang buhok sabay dikit ng palad.
“Fashion week will be held tomorrow, and I am pretty sure that you are ready for it. So, I ask you to come here to say good luck for tomorrow.” tiningnan ko lang siya kung paano niya itaas ang kaniyang kamay habang nakakuyom ang kaniyang kamao. She’s trying to gesture the ‘fighting’ ngiwi lang ang aking isinagot.
“Iyon lang?” nagkakamot sa ulo kong tanong. Nakahalukipkip na naglakad sa harap ko si Jerome at tinaasan ako nito ng kilay. Ngayon ko lang napansing may brown eye brow pala ito, dinaig pa ang paglalagay ko ng eye brow make up. Nagpigil ako ng tawa nang mas lalo ako nitong taasan ng kilay. Natutuluyan na yata ang isang ito.
“Ano pa bang gusto mong marinig? Mahal ki— aray! Huwag kang epal, alam mo namang mahal kita at mahal ko rin si, Racelle bilang matalik na kaibigan. Know the difference Yvonnyita,” irap niyang sambit sa kaniyang minamahal. Hinila ko ang laylayan ng damit niya upang matigil na siya sa pag-irap kay Yvonne. Inuumpisahan na naman nila ang kanilang paghaharutan.
“May gusto pa sana kaming sabihin na inihanda pa namin kagabi pero nakakalimutan na namin, nagmamadali kasi kami ngayon.” saka ito ngumiwi ngunit nando’n pa rin sa kaniyang ekspresyon ang katarayan.
“Bakit? Ano bang meron?” takang tanong, batid ngang nagmamadali silang dalawa dahil para bang may importane silang lakad. Nakangiting nagtinginan ang dalawa sabay harap sa akin. Naipinta ang excitement sa kanilang mukha.
“We schedule a video chat with Tristan, today,” masayang sambit ni Yvonne at nakita ko ring tumango si Jerome. Bumangga ang kilay ko sa kaliwang kilay ko at napataas.
“Today?” nakaawang ang bibig kong tanong. Nag-umpisang lamigin ang batok ko sa nerbyos. Sabay silang tumango at humaba ang kanilang leeg, senyales na may palapit sa aming direskyon. Pinagmasdan ko ang paghaba ng leeg ng dalawa lalo nang kumaway si Jerome.
“Oh, nandito na pala ‘yong mga ‘di busy sa buhay.”
Lumingon ako and my eyes widened as I see the four heartthrob kings are here pero mas lalong lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang pag-akbay ni Kitian sa babaeng katabi niya. Para bang gusto kong tumakbo subalit wala akong kawala dahil biglang lumingkis sa aking braso si Jerome nang napakahigpit.
Umawang ang bibig ko nang makatitigan ang masayang pinta sa labi ng aking kaibigan. She greeted me with her wide smile on her face. Halos mapunit ang labi niya nang tumayo siya nang matuwid sa aking harapan. My eyes were on her as she gently and energetically waves her hand and her cheeks are rosy as the sunlight hit her fair skin.
“Racelle, are they your friends? The one you’re talking to me when we are still in Australia?” ngiting bungad niyang tanong. Lumipat ang tingin ko sa itinuro niyang sina Mike, Justin, William, Jerome at ang nakataas ang kilay na si Yvonne. Bakas ang amusement nang makita at makasama niya sila.
“You know her?” kunot-noong tanong ni Mike sa akin. Tipid ko siyang tinanguan. “Yes, he is Tristan’s ex-girlfriend,” sagot ko.
Umalingawngaw ang mahinang tawa ni Richie sabay wagayway ng palad nito sa akin. Natatawa siya sa akin. “We’re not really into relationship, we don’t have past.” dumilat ang mga mata sa narinig. Umiling-iling ako upang muling ipasok sa aking tenga ang kaniyang sinambit kanina. ‘we’re not really into relationship, we don’t have past’.
Kumunot ng sobra ang aking noo sa pagkalito. Hindi pumapasok sa aking isipan ang kaniyang sinabi. Paanong nangyari iyon? Itinuon ang tingin sa kaniya habang nakangiti naman niya kaming pinapasadahan ng tingin. Memorizing our features. “What do you mean by that? Pagpapanggap lang ba ang inyong dalawa noon?” agaw atensyon kong tanong sa kaniya.
Bumaling ang tingin naming sa nanghihinayang na si Mike dahil sa pagpadyak nito ng kaniyang mga paa sa lupa. He snaps his fingers while shook his head. “Tangang, Tristan. Kung ako lang nando’n tinotoo ko na. Bakit ba kasi hindi ka niya pinakilala sa akin noong mga panahong single at mukhang asong ulol pa ako,” punong-puno ng panghihinayang niyang sambit. Nadidismaya kay Tristan at nagsisising bakit hindi na lamang siya pumunta sa Australia.
Napailing si Justin sa kaniyang tabi at tumalim ang tingin kay Mike. “Umayos ka baka makarating sa pinsan niya,” suway niya na ngayo’y nakangisi na. Malamang ay siya ang magsasabi nito ngunit agad na ngumuso si Mike kay Justin. Their way for pleading someone to don’t speak anything and to keep it secret.
“Nakakapanghinayang lang kasi,” yuko niyang sambit habang hinaplos ang batok. Binatukan naman ni William ang partner in crime. Nakakatuwa dahil may ekstra silang oras para makipagkulitan sa amin – este kay Tristan pala.
“Huwag kang manghinayang, mas maganda nga at hindi naging kayo dahil hindi kayo bagay. Mas may chemistry kasi kayo ng pinsan kong si Claire kahit na aso’t pusa madalas ang set up ninyo.” tumango-tango ako sa tugon ni William habang naririnig ko ang nakakairitang hagkigik ni Richie. Bakit parang nalalandian ako sa paghagigik niya?
“Sa bagay saka mahal na mahal ko ang babaeng ‘yon kahit madalas hindi ko maintindihan. Pero kung single pa rin ako ngayon, hindi na ako magsasayang ng oras para maging akin ka.” ngumiwi ako nang kumindat pa ito kay Richie samantalang natawa na lang ang sinabihan niya at natawa lang ako nang tatlong batok ang natanggap niya mula sa tatlong haring nakarinig.
“Babaero ka pa rin,” iling-iling na wika ni William.
“Hindi ba puwedeng—”
“Humihirit ka pa. Makuntento ka na sa isa dahil isa lang ang puso mo, at isa lang talaga ang mamahalin mo sa mundong napakaraming manloloko at pasakit. Embrace the moment while you are still together because you will surely regret at the end when you lose that someone of yours,” mahabang litanya ni Justin. Bago lumawig ang usapan at mapunta sa iba ay agad na ibinaling ang mga mata sa nakangiti pa ring si Richie.
“So, ano nga ba talagang meron sa inyo ni Tristan?” itinuon nito ang mga mata sa akin nang maulinigan ang aking katanungang mahahalata ang pagka-curious.
“We are just friends and he just self-proclaimed it at sinabayan ko na lang din. He said that we should pretend as a couple for him to move on but how could he forget you, if he always speak about you every minute.”
Why did he do that? Sana pala hindi na lang ako pumunta do’n sa Australia nang sa gayon ay tuluyan na niya akong nakalimutan at hindi ko pa siya nasaktan. Nagpakawala ako nang malalim na dalawang buntong hininga.
“So hindi talaga kayo mag-ex?” mataray na tanong ni Yvonne. May ngiti sa labing umiling si Richie. Natuwa ako papaano sa katotohanang kaniyang isiniwalat dahil wala silang nakaraan. Isa palang palabas na halos napaniwala ako ng husto gaya ng palabas na ginawa ni Kitian noon. Iyong palabas na iyon ang hindi ko pinaniwalaan sapagkat ramdam ko ang pag-ibig n’ya ngunit ngayon?
“We’re not. Pero aamin akong that time I am starting to fall in love with him and luckily my feelings didn’t go deeper dahil dumating ka na no’n at nagkataong busy na rin ako – so, we just tricked you that time.”
Nilingon si Yvonne nang ako’y kalabitin. Taas-kilay niya akong tinitigan. Unti-unting itinuro ang hintuturo sa babaeng nasa harap ko. “Racelle, is that the one you are talking about? Is he his someone?”
Sinamaan siya ng tingin pero hindi pala ito matitinag. Marahan akong umiling sabay sagot ng, “Uh… h-huh…” nag-iisip ng ipapalusot dahil nakakahiya namang malaman niyang ikinukuwento ko pala siya sa iba at makahalatang may inis ako sa kaniya. Ayaw kong magkatampuhan o magkaroon ng alitan sa pagitan namin. She’s nice but I don’t know her well.
“Obviously my, Yvonnyita.” Kinagat ang ibabang labi sa pagpapahamak sa akin ng dalawa. Inikutan sila ng mga mata nang pasimple subalit pinuna ng tatlong hari ang big word na narinig nila galing kay Jerome.
“Wow! What a word, ‘my’. Kayo na?” nakangisi ngunit natutuwang tanong ni Justin. Marahang tumango si Jerome at hinapit ang bewang ng babaeng hindi matanggal-tanggal ang mannerism na pagtaas ng kilay at ang aura na maldita.
Nagsipalakpakan ang apat na hari, napako pa ang aking tingin sa lalaking tila lantang gulay kung pumalakpak. He’s trying hard to show his gratitude. “Congrats! Lalaki ka na talaga Jerome!” sigaw na kantyaw ng tatlo at kinuyog pa ang binatang si Jerome ng maraming batok.
“Congrats.” mahinhing tugon ni Kitian. Inalis ang tingin sa kaniya nang samaan ako bigla nito ng tingin. Para bang bumabalik kami sa una naming pagkikita when we are high school.
“So where do we set up the video call?” putol ni Richie sa nagkakasiyahang mga lalaki sa aming gilid.
“Sa loob na lang ng studio, we already set up the laptop.” malamig na tinapunan ni Yvonne ng tingin si Richie at nakita ang pag-iling niya rito matapos niyang sagutin ito.
“Mauna na ako may kailangan pa akong tapusin at magbeau-beauty rest para bukas. By—”
“Huwag ka na munang umalis, please.” putol niya at sa tonong may pagmamakaawa sa boses ni Richie.
“May kailangan pa kasi akong tapusin,” nakangiwing palusot ko. Mga mata nila'y sa akin nakatuon. Nilalamig ako sa titig ni Kitian.
“Umiiwas ka ba sa akin, Racelle?” kaswal na tanong niya sa akin ng harap-harapan. Nakakahalata na nga ito.
“Isn’t obvious?” sabat ni Yvonne. Kumunot ang noo ni Richie, ibinuka ang bibig para tanungin ako.
“Bakit mo naman ako iniiwasan? May nagawa ba ako—”
“Talk to yourself and you will know why she act like that,” sabat muli ni Yvonne sa malamig na tono. Nilingon ko siyang nakangisi at tinitigan si Jerome upang awatin ang kaniyang nobya.
“Kung meron sabihin mo sa akin. Para tuloy ang sama ko at hindi ako sanay na iniiwasan mo ako,” pakiusap ni Richie. Tipid ko siyang binigyan ng ngiti. Hindi mo dapat malaman, ayokong masaktan kita.
“Wala, sadyang busy lang ak—” naputol ang aking sinasabi nang inis na sumabat si Yvonne.
“Are you really that stupid, Racelle? Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang totoo? Na ang totoo ay nasasaktan ka dahil mahal mo si Kitian pero hindi ka makalpit sa kaniya dahil palagi siyang nandy—”
“Yvonne, please.” mariin akong napapikit at nagmamakaawa sa kaniya.
“Bakit? Tinutulungan lang kitang malaman niya,” katuwiran niya. Huminga ako nang malalim hanggang sa narinig kong may tumikhim dahilan upang dumilat ako't nasilayan ang pagtitig ni Richie.
“Yvonnyita, mauna na tayo sa loob. Kings, tara na rin. Hayaan na lang natin sila." nakahinga ako nang maluwag nang ayain na ni Jerome sila.
Bago sila makaalis ay dismayadong naiiling sa akin si Yvonne at umismid. “Learn to speak about your feelings, Racelle.”
Kami ang naiwang tatlo. Tumikhim ako sabay hakbang paatras upang umalis nang magtanong si Richie, “Nasasaktan na ba kita?”
“Richie, huwag mo na lang pansinin ‘yong sinabi ni Yvonne. Hindi ako nasasaktan, sa katunayan nga masaya ako kasi nakikita ko si Kitian na masaya kapag nandiyan ka na hindi ko naga—” hindi natapos ang aking sinasabi nang pumagitna si Kitian at agad na sumabat sa usapan.
“Pumasok ka na muna, Richie. Let us talk.”
Ramdam na ramdam ko ang panlalamig niya ngunit nagtataka ako kung bakit pinapapasok niya ito. Anong naisip niya? Masunuring tumango ito sabay tingin muna sa akin at nagsalita, “Racelle, please huwag ka na munang umalis. Prove to me that I didn’t hurt you that you are really happy.” tinanguan ko na lamang siya upang matigil na ito sa pagkumbinsi sa aking manatili muna kasama nila.
Katahimikan ang bumalot habang sinusundan namin ng tingin si Richie. Nang masigurado niyang nakapasok na siya sa loob ay malamig ang aura niyang nilingon ako. Tumalim ang titig habang nanlalambot naman ang dalawang pares ng tuhod ko sa itinatapon niya sa aking ekspresyon.
“Mahal mo ba talaga ako?” agap niyang tanong na aking tinitigan.
“Sinasagot pa ba ‘yan, hindi pa ba halata?” pilosopo kong tanong pabalik sa kaniya. Hindi pa ba halata? Manhid ba siya?
Bumuntong hininga ito. “Sagutin mo ang tanong ko, huwag mo akong tanungin.”
Tumitig lang ako at dahan-dahang tumango na may kasamang ngiti sa labi. Biruin mo, nakangiti pa ako kahit nasasaktan na ako ditong nakatayo sa harapan niya. “Oo, mahal kita at ikaw mahal mo pa rin ba ako?”
Nagpaikot-ikot ang mga mata niya, hindi mahuli. Hindi mapagtanto kung meron pa nga ba dahil hindi siya kumibo. Pinagmasdan kung paano siya umismid at maging blanko ang kaniyang ekspresyon.
“May puwang pa ba ako sa puso mo? Naalala pa ba ako ng puso mo kahit isip mo’y hindi ako maalala? Binibigkas pa ba ng puso mo ang aking pangalan? Ano, sagutin mo ako.” naghahangad ng kahit isang kasagutan sa aking mga taong.
“I don’t know,” kibit-balikat nitong sagot. Suminghap ako't naiiling itong nginisian.
Mahina akong tumawa at nagkunwaring hindi ko naintindihan, “H-huh? Hindi mo alam kasi may iba na d’yan s—”
“Cut the drama! Let’s go inside baka kausap na nila si Tristan,” inis nitong putol. Hindi man lang ako magawang patapusin. Palibhasa burado na talaga ako.
“Hindi na, uuwi na lang ako.” mariin kong sambit. Ngumiti pa akong muli bago tumalikod at humakbang palayo hanggang sa nararamdaman ko ang presensya niyang sumusunod sa akin subalit hindi na ito pinansin.
“Then I will go with you instead,” sabi niya dahilan upang matigil saka mapalingon sa kaniya nang taas ang kilay.
Totoo ba ang narinig ko?
Humugot siya nang malalim na pagbuntong-hininga saka ito nagsalita, “Pumasyal tayo gaya ng magkaibigan. Ayokong nakikita kang nasasaktan nang dahil sa hindi ko malaman at maintindihan mong rason. I’ll make you happy today and no more tomorrow.” pansin ko sa kaniyang napilitan lamang siya at agad pa nga itong nag-iwas ng tingin nang muli ko siyang titigan.
Tumango na lamang ako sa kaniyang sambit. May maliit na ngiting sumilay sa aking nakamaskarang labi dahil sa kaunting saya na naramdaman ngayon. Pinagmasdan siyang naglakad nang mabilis, iniwan ako sa kinakatayuan ko. Isang araw lang at babalik na naman kami sa dati. Ayos na, atlis makasama ko man lang siya nang isang araw at kami lang. Aasa na lang ako sa hanging magbago ang ihip ng kaniyang isip at masundan pa ito ng maraming bukas. Lumingon ito nang mapansin niyang hindi ako sumusunod.
“Ayaw mo ba?”
Ngumiti ako nang tipid at patakbong lumapit sa kaniya upang sabayan siya kung saan niya ako dadalhin.