Racelle POV
Naging spy ang dating ko habang sinusundan kung saan sila nagpupunta. Imbes na umuwi sana subalit pinili kong sundan silang dalawa sa kanilang 'friendly date'. I just want to witness their happiness for me to distant myself already even its hurt. Hindi sa ipapaubaya ko na si Kitian sa iba, magpapahinga lang ako sandali.
Walang susuko sa laban na 'to. Kahit mamanhid at masaktan pa ako, sige lang hanggang sa marinig ko mismo sa kaniya ang mga salitang makakapagpatigil sa akin.
Tumigil silang dalawa sa isang ice cream parlor dito, kumibot ang labi ko at napangiwi. Malayo ako sa kanila ngunit kitang-kita ko pa rin ang mga ngitian nilang kumikislap sa aking mga mata. Bumili sila ng dalawang ice cream at nang makahanap ng puwesto upang magpahinga at magpalamig muna ay kinuha ko na rin ang tyansang bumili rin ng sorbetes. I wanna date myself at hindi lang silang dalawa ang may kayang gumawa ng gano'n.
Isinuot ko ang hoodie jacket na nabili ko kanina kung saan do'n din bumili si Richie ng kaniyang damit. Alalala ko pa 'yong ngiti ni Kitian at pagbibigay ng komplemento nito kay Richie sa mga inirarampa niyang damit.
"Strawberry ice cream with ampalaya and sili saka maraming tinik, please," I demand ngunit kumunot lang ang noo ng nagse-serve sa akin.
Ngumiti ako. "Ma'am wala po kaming gano'n." kinagat ang labi sa naalalang sinabi. Nababaliw ulit ako.
"I mean strawberry ice cream." ulit kong pagklaklaro. Iniabot nito sa akin ang medium cup ng in-order na ice cream. Yumuko ako nang madaanan ko sila, narinig ko pa ang pagbungisngis ng masayang si Richie. ‘Racelle, dapat happy lang.’
Bumalik ako sa aking puwesto kanina, malapit sa escalator na pati rito tanaw ko pa rin ang dalawa. Minabuti kong tumalikod na lamang at pagpyestahan ang ice cream na treat ko sa sarili. Enjoy na enjoy sa pagkain ng ice cream, ‘di naman ako nabubusog lumalamig lang ang sikmura ko ngunit nagitla ako nang may kumalabit sa akin. Amoy pa lang ng pabango ay napakapamilyar sa akin, ito ‘yong pabangong naamoy ko kanina. Nagkunwaring hindi sila napansin, nagpatuloy lang ako sa pagsubo sa nauubos kong ice cream.
“Racelle, nandito ka rin pala.” boses ni Richie. Dahan-dahan akong lumingon at agad na iginuhit sa mukha ang gulat. Kunwaring nagulat dahil hindi inaasahang nakita silang dalawa. Gusto kong lagyan ng tape ang bibig ni Richie upang hindi makita ang nakakainggit niyang ngiti sa labi. Enjoy na enjoy sa saya habang hindi yata napapansin ng babaeng ito na nasasaktan ako.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Kumakain ng ice cream,” pilosopo kong sagot dahil ang tono niya ay tila hindi nagustuhang nakita ako. Hindi naman siguro ayaw niya, ewan. Exaggerated lang siguro ako dahil hindi maiwasang magtanim ng inis sa kaniya.
“Bakit hindi ka na nakiupo sa amin kanina, kumain din kami ng ice cream.” ngumiti ako sa kaniya. Bakit pa ako makikiupo sa inyo kung good for two person lang naman ang pinili niyong mauupuan? Nang-iinsulto ba ito? Umiling ako sa kaniya habang nananhimik naman sa tabi si Kitian ngunit ramdam ko ang pagtapon niya ng malalamig na masamang tingin sa akin.
“Ayos lang, mas maganda kasing kumain ng ice cream ng nakatayo. Mas nafe-feel mo kasi ang lamig nito at nalalasahan ang tamis ng ice cream.” walang kuwenta kong palusot para mapaniwala lang sila.
“Is that so?” biglang sabat ni Kitian.
“Yes,” tipid kong sagot na sinamahan pa ito ng tipid na ngiti sa labi. “Akala ko kasi ‘yong taong pinili ko magiging ice cream ang pakikitungo sa akin, pero hindi.” Kumunot ang noo ni Richie, halatang hindi naintindihan ang sinabi ko. marahil nagtataka sila kung bakit ice cream. Binigyan ko muli sila ng tipid na ngiti at pinasadahan sila ng mabilis na tingin. I can’t manage to stare on them. Pakiramdam ko kasi iiyak ako kapag ginawa ko ‘yon at ayokong mangyari iyon.
Para bigyan sila ng clue ay nagsalita ako, “Paulit-ulit ko ng sinabi kung bakit ice cream, tamang lamig at tamang tamis kasi, pero iba. Binabato niya ako ng malalamig na snowball dito sa puso.” sabay turo ko sa bandang dibdib. Tumawa ako para mawala ang kaseryusuhang bumabalot sa amin. Itinapon sa basurahan ang cup nang maubos sabay harap sa kanila ng matuwid at may kalakip na pekeng saya.
“Siya, alis na ako. May kailangan pa akong tapusin. I am preparing for the fashion show which I’d joined. Take care to the two of you and always enjoy! Ngiting maaabot ang kalawakan, ha? Tapos pa-send na lang ng picture niyo,” pabiro kong paalam na pareho nilang hindi naintindihan sapagkat nangunot ang makinis nilang paliparan, noo.
“Huh?” kibo ni Richie.
Kinurot ang sarili nang mapagtanto ang kung anu-ano ang nasasabi ko. “Nothing, lumulutang lang utak ko. Enjoy!” punong-puno ng enerhiya kong paalam na itinaas pa ang kamao.
Patakbo akong umalis at agad na inapak ang paa sa umaandar na escalator pababa. Naninikip ang dibdib, gustong lumingon ng ulo ko pero aking nilabanan ang kagustuhan. Shet, hirap magpanggap hindi pa man din ako artsta. Iniyuko ang ulo para ‘di makalingon dahil kapag lilingon ako baka ‘di ko lang magustuhan. Sadyang pasaway ang puso, hindi nalabanan kaya ako’y napalingon. Sising-sisi akong nilingon sila dahil… magkahawak ang kamay nilang naglalakad.
Pagkauwi sa bahay ay hinang-hina ang tuhod kong umupo sa kama sabay kumawala ang luha na hindi batid kong bakit naiyak ako bigla. Siguro ‘di na kaya ng puso kaya ipinasa sa mata ang sakit upang magpakawala ng luha.
Inabot ang ekstrang unan sa higaan saka ito niyakap at hinayaan ang sariling umiyak. Wala akong nararamdaman na sakit ngunit ramdam na ramdam ko ang panghihina. Isinubsob ko ang mukha sa unan nang may kumatok, langitngit ng pinto ang narinig senyales na may pumasok.
Hindi nag-angat ng tingin bagkus mas idniin ko pa ang ulo sa unan. Isang nag-aalalang kamay ang humaplos sa aking likod at isinandal ang ulo sa balikat ko. “Bakla…” mahinang wika niya.
“Magkahawak… a-ang ka-kamay nila, Estella,” pahikbi kong tugon. Mas hinagod niya ang aking likuran at naramdaman ang kaniyang babaeng bisig nang yakapin niya ako.
“Racelle, pahinga ka muna. Huwag ka na munang pumunta do’n, please.” pagmamakaawa niya sa akin. Tumango ako upang sundin muna ang gusto niya. Hinayaan kong umiyak ang sarili hanggang sa kainin ako ng antok dahil sa pagod.
--
Dalawang araw kong hindi ginalaw at binuksan ang aking cellphone, itinago ko lang sa drawer. Isang araw ko lang binuksan at muling pinatay, kakabukas ko lang ulit ngayong umaga. I turn offed my cellphone for me to avoid distractions. Ipinokus lahat ng atensiyon sa nakapending na ginagawa, sa kabutihang palad nakatapos na ako ng apat at matatapos ko na ngayon ang isa. Sa limang araw na hindi lumalabas ng bahay, tanging kain, tulog, tahi, kuwentuhan, at muni-muni lang ang ginawa ko buong magdamag upang aliwin ang sarili.
May mga oras na gusto kong pumunta kay Kitian pero itinutulog ko na lamang kaysa sa lumabas pa ng bahay. Alam kong wala rin akong mapapala sakaling kitain ko siya. Nagpakawala nang malalim na buntong hininga sabay padaan ng aking daliri sa aking hindi pa nasusuklay na buhok. Nakakatamad dahil may kailangan akong tapusin lalo na’t rush na ang ginagawa ko. Abala ako sa pagtatahi nang biglang tumunog ang cellphone ko. hindi binalingan ng tingin bagaman sinagot ito agad.
“Hello?” tanong ko sa kabilang linya.
Nadinig ang pagtikhim sa kabilang linya, may huni pa ng manok akong narinig na nagsisilbing background. Bakit hindi sumasagot itong tumawag? Akmang papatayin ko na nang magsalita na ito, (“He-hello, Racelle anak, kumusta ka na diyan?”)
Bahagya akong ngumiti sa narinig. Miss na miss ang boses ng taong ito kahit na may alitan at tampuhan. The moment that I want to hug her, but there’s a moment that she’ll intrigue me again and tried her best to convince mo to distant myself from Kitian. I hate that my mother isn’t supportive anymore to my decisions. Every decision I made she will always questioned it. Seems like she won’t trust me and she see that I don’t know how to decide. Parang palagi na raw kasing mali. Kumurap ako ng dalawang beses. “Ayos lang ho ako, Ma,” magalang kong sagot.
(“Mabuti naman kung gano’n. Okay lang din naman kami ng Papa mo rito, sa katunayan nga miss na miss ka namin kaya itatanong ko lang sana kung nasaan ka para mapuntahan ka namin.”) bakas sa boses ni Mama ang pag-aalala at pangungulila sa akin. Kung alam mo lang, Ma, nangungulila na rin ako sa inyo pero sa tuwing makikipagmabutihan na ako sa kaniya, bigla niyang isisingit ang tungkol kay Kitian na ayaw na ayaw kong kuwestiyunin niya iyon.
“Ma, huwag niyo na akong puntahan dito, ayos lang naman ako at okay ako dito sa tinitirahan ko.” pag-iwas ko. Mabuting hindi na sila pumunta rito, I don’t want them to worry more about me. Lalo na’t kapansin-pansin ang paglago ng alaga ko sa mga mata, eyebags.
Tumahimik sa kabilang linya senyales na nalungkot si Mama sa aking sagot. (“Gano’n ba? Pero gusto ka lang namin makita ni Papa mo.”) kahit anong tanggi ko, pinipilit pa rin ni Mama para makita lang ako. Nagpakawala ng buntong hininga.
“Ma, huwag ng makulit. Magsasayang lang kayo ng pamasahe at wala rin kayong matutulugan dito.”
(“Kailan ka ba puwede?”) umikot ang mga mata ko sa kakulitang ipinapamalas ni Mama.
“Ma, ibaba ko na itong tawag may tinatapos pa akong importante.” agad kong ibinaba ang tawag. Hindi na hinintay ang sagot nito. Inilapag ang cellphone sa katabing mesa saka ibinalik ang mga mata sa makina. Tahimik kong pinadaan ang tela habang pinagmamasdan ang pagtaas baba ng karayom sa tela, gumagawa ng maliliit na stitches upang maging matibay ang damit. Nagmistulang radyo ang tunog ng wall clock dito sa sala. Tutok lang ang aking mga mata nang bigla muling may tumawag. Tumigil ako at inis na sinagot ang tawag.
“Aish! Hello!” pagalit kong bungad. Nakakainis, paano ko matatapos ito kung sunod-sunod ang tumatawag? Ang kukulit.
(“Grabe ka, bakla. Bumalik ka lang ng Pilipinas ganiyan na bungad mo sa akin.”) nawala ang inis sa mukha nang marinig ko ang may-ari ng boses. Mapakla akong tumawa para marinig niya sa kabilang linya sabay kamot ko sa aking batok.
“Ikaw pala, Jerome. Sorry.” ngumiwi ako at ngumiti sa kawalan. Tumaas ang kilay at nangunot ang noo nang may marinig pa akong isang boses sa kabilang linya. Nagagalit ang boses.
(“Ano sumagot na ba ‘yang pabebeng babae?”) narinig ko ang mahinang bungisngis ni Jerome na nasa kaniya pa ang cellphone. Inilayo ko ang sandali ang phone at tiningnan kung kaninong numero ito. Nakagat ko ang dila nang makitang si Yvonne pala ito. Mabuti na lang si Jerome ang tumawag at hindi si Yvonne. Tiyak na walang tigil na pagsigaw ang maririnig ng aking tenga.
(“Oo, kausap ko na siya Yvonnyita.”) sumandal ako ng matuwid sa aking kinauupuan dahil nakakasiguro akong sisigawan niya ako.
(“Akin na, ako na ang kakausap sa kaniya!”) napangiwi ako sa singhal nito. Bakas ang galit. I'm not afraid to Yvonne, I am just afraid that Yvonne will yelled at me because she's mad from not picking up their calls.
Huminga ako nang malalim nang marinig ko ang hangin sa kabilang linya. A sign that Jerome pass it to Yvonne. (“Racelle! Huwag ka ngang pa-very important person d’yan. Kagabi pa kami tumatawag sa ‘yo para sabihing nakabalik na kami sa Pilipinas pero hindi ka naming matawagan. Ano na naman bang senti mo d’yan?”) napapikit ako habang pinapakinggan pasigaw at galit niyang sermon sa akin.
“W-wala, nakapatay kasi ang phone ko kagabi kaya hindi ko nasagot mga tawag niyo. Sorry.” I sighed. She's very...
(“Fine. Are you available tomorrow?”) nakahinga ako ng maayos nang kumalma ang boses niya.
“Bakit, anong mayroon?” takang tanong sa kaniya. Narinig ko ang frustated niyang pagbuntong hininga. Kinagat ang labi because she's stressed because of me. But I'm imagining that Jerome massaging his girlfriend's shoulder to calm down.
(“We will talk about the fashion show that will be heading in the next two days. Wait, are you done with you—”)
“Tinatapos ko na ‘yong isa.” putol ko sa sinasabi nito. Malapit na, the day after tomorrow.
Kahit 'di siya sumigaw ay nakikita kong nakapikit ito sa inis saka hawak ang noo. (“Dapat matagal mo na ‘yang tapos. Puro kasi Kitian ang inuuna mo. Unahin mo muna kasi ang task mo bago magpakaawa sa Kitian mo! By the way, let’s meet tomorrow. We’ll wait you at the studio. Be on time huwag kang babagal-bagal. Kung may schedule ka bukas kay Kitian, cancel it hindi ‘yon ang mas importante. Okay, tomorrow.”) I sighed as she ended the call with reminders. Hindi pa niya nakalimutang isingit si Kitian. Yeah, dahil hindi ko naman ipagkakailang siya pa rin ang nasa isip ko.
Karapat-dapat ang panenermon niya sa akin upang maalog ng kaunti ang ulo ko.
Bago bumalik sa ginagawa, ini-scan ko ang mga naka-download na apps sabay pindot sa bibisitahing app, f*******:.
Sandali akong nag-log in sa account ko upang maki-update sa barkada. This day the only communication we have is our social media for us to keep in touch and tighten our bond even we don't often see each other. Agad na chineck ang messages nang may numerong isa ang nando'n. Baka si Justin o William ang nag-message dahil kinakamusta ko siya. Claire said that the two of them become very busy kaya madalas ang tanggi nila sa dalawa, so the two of them always ended up as a date.
Marami kaming napag-usapan ni Claire, walang tigil ang bibig niya sa pagsasalita. She really missed me.
Tumaas ang dalawang kilay ko nang si Richie ito. ‘Sent a photo’
Ano kaya ang ito? Baka na-wrong send lang siya.
Taas kilay kong pinindot ang message niya. Ikinatok ang daliri sa mesa habang hinihintay na mag-loading ang picture. Five days ago, since this picture she sends it to me, so meaning this photo taken when I spy them.
Kunot ang noo at kagat-kagat ang labi. Napadiin ang pagkakagat ko sa labi and my eyes are shut when I see it.
Hindi maipinta ang araw no’ng makita ko ng buo ito. What the!? She really sent a photo that she’s with Kitian and they did what I said. Abot kalawakan ang ngiti at may inilagay pa siyang caption, 'picture perfect'. Richie was holding a small teddy bear and Kitian has also. Ano 'to couple teddy bear o ano na itong tawag do'n... couple friendly teddy bear? Wala namang gano'n.
Dumulas sa kamay ko ang aking cellphone diretso ito sa sahig na hindi nagawang saluhin.
‘Tangina. Picture imperfect not perfect.’