Chapter 19

3425 Words
Racelle POV Kampante akong sumabay sa mga tumatawid. Hindi alintanang may dapat pa akong unahin bago ang masaktang muli ‘pag nakita niya ako, mabuti  na lang sinamahan ako ni  Claire kahapon. Sa bagay parehas lang namang mahalaga ito sa akin. The fashion show and Kitian. Isinuot ko ang mapangumbinsing ngiti sa aking labi bago tuluyang iapak ang mga paa sa entrada ng hospital. It’s been a month pero ‘di pa rin siya nadi-discharge. Paniguradong malaki na ang bill niya at mas maganda ring dumito muna siya kaysa sa ma-discharge. Mas mahihirapan lang ako sapagkat makakagitgitan ko ulit ang Lolo niyang palaging epal sa aming dalawa, baka mas lalo niyang lasunin ang utak ng kaniyang apo dahilan ng aking pagkakasira sa kaniya. His grandfather is good in inventing story and feed it to his grandson, and I don’t want that happen because I don’t know what to do anymore if it will happen. Pumikit ako sabay pihit sa door knob. Hindi pa idinidilat ang mga mata sapagkat natatakot akong harapin ang mga mata niya. Natatakot akong maging blanko at mas malamig pa sa yelo niyang pagkatao ang sasalubong sa isinuot kong maskara sa labi. Every day I got scared confronting him. I memorized his facial expressions every time he looks at me, but I am clueless on what will happen again. His mood became roller coaster, minsan okay siya sa akin, ‘yong tipong mabait at makikita mo sa mukha niya ang pag-aalala. Sincere words that it warmth my heart will heard. Minsan wala siyang pakialam sa akin, tipong hindi niya napapansing nasasaktan ako sa mga ikinikilos niya, pangbabalewala niya at pinagsasabi niyang may halong tinik. Mukhang hindi alam ang tamang sukat ng mga ingredients kaya’t paiba-iba ang resulta. He look like he’s cooking his mood, he will add some sweet and spicy to his dish but I am not aware that after the seconds of tasting the sweet and spicy dish he made… I already eat the torn he added without noticing it. “Racelle,” dumaloy sa aking tenga ang malamig niyang pagtawag sa aking ngalan subalit tila naging malambing ang dating sa akin nang tumagal sa tenga ko. “Racelle,” tawag niyang muli dahilan para lumapad ang ngiti kong isinuot. “Are you going to close your eyes for the whole day? Ayaw mo bang dumilat at tingnan ako?” agad akong nagmulat nang maramdamang medyo nainis siya sa aking bungad. Pasimple akong ngumiti sa kaniya, inilabas pa ang ngipin. Nasisiyahang makita siya ng harap-harapan, ‘yong walang iba kun’di kaming dalawa lang. “Sorry kung hindi ako nakapunta dito kahapon, I am just busy kaya sorry kung hindi ko natupd ‘yong sinabi ko sa ‘yo.” nanghihingi ang mga mata kong tumingin sa kaniya at nilakipan ang labi nang matipid na ngiti. Tumango siya at itinaas ang palad. “It’s okay.” Sinubukan kong titigan siya nang hindi inaalis at naiilang. Nakikita kong hindi gaya ng kay Richie ang ipinapakita niya sa akin ngayong nakatayo ako sa harap niya. The way he looks Richie is very different to me. The smile painted on his lips are wide, while he’s using the mask also. His eyes are blank, but if he is with Richie his eyes were happy. Kumurap siya at inilihis ang mga mata sa kamay niya. Nawala ang ngiti ko sa labi, batid na naiilang siya sa akin kahit hindi niya sabihin. Tumikhim ako upang agawin ang kaniyang atensyon, para sana mag-angat siya ng tingin sandali ngunit ‘di niya ginawa. Habang nakayuko siya’y malungkot siya. Am I the reason why he is sad and the one who makes him happy is my friend? How cruel. Tumawa ako nang mahina nang walang ingay. Bakit gano’n ang tadhana? “Nakita ko sila Mike at Claire kahapon, nagpunta pala sila dito at sabi nila hini-hinihintay mo raw ako.” salita kong nauutal pa sa dulo. Nahihiyang sabihin ng diretso baka nag-assume lang ang dalawa at sinabi sa akin para mas lalo akong mag-assume rin. “Yes, but I wait for nothing because you didn’t show up. Good thing that Richie came here to accompany me.” tango niyang sagot na bahagyang sumulyap pa ang tipid na ngiti sa labi niyang itinatago pa sa akin sa pamamagitan ng pagtakip niya ng kaniyang bibig. “Siya na naman,” bulong sa isipang hindi maiwasang matanggal ng paunti-unti ang maskarang isinuot para tumayo sa harapan niyang ‘ayos pa ako’. Agad kong iginuhit muli ang ngiti nang mag-angat siya ng tingin. Seryoso ang mukha niya, itinago niya ang ngiti kanina no’ng binanggit niya ang pangalang Richie. Alanganin akong tumango. “Oh, mabuti naman na sinamahan ka niya dito. Nagpunta lang ako dito para mag-sorry personally,” kunwaring natuwa kong sabi. Sige, sampal mo pa sa aking sumasaya ka nga kay Richie. Nanatili akong tumayo sa tapat ng pinto dahil mukhang hindi ako puwedeng umupo sa tabi niya. Hawak-hawak niya ang sandalan ng upuan kanina at inusod palayo. “Bakit ang lamig mo sa akin? Is that the way you treat me as your friend?” kunot-noo niyang tanong. Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko. Diyan ka magaling, pinupuna lahat ang mga kilos ko. nakakainggit siya’t kaya niyang basahin ang mga emosyong lumalabas sa mga mata ko. You can read my eyes, but I am not that super idiot to don’t notice your actions towards me. Actions speak louder and eyes tells the truth than a mouth. Binigyan ko siya ng ngisi. “At ganiyan din ba ang paraan mo para maging mabait sa akin? Bait-baitan ka lang?” nakangisi kong pagkuwestyon. Mahina siyang natawa sa akin. “Hindi ako nagbabait-baitan at bakit parang may ikinakatampo ka? Ano’ng ikinakatampo mo?” pailing-iling niyang tanong. You said I am liar, and how about you? You are also liar. Pinagtatakpan mo pa ang katotohanan kahit pansin ko naman, pero dahil tanga ako, babalewalahin ko na lang. Kunwari hindi nangyari ito, para bang shooting lang na ayaw ng director kong mga mata. “Hindi lang ako nagtatampo, nasasaktan ako,” tapat kong sagot. Nababasa niya ang mga mata ko at hindi ko dapat iiwas ang mga mata ko baka may sabihin pa siya. This is how I feel so he must know it. “What did I do to hurt you?” gusto kong matawa nang sobra sa tanong niya. Akala ko ba ako ang manhid, pero siya pala. Hindi niya ba pansin? Manika lang ba ako habang nagkakatuwaan sila ni, Richie? “Gusto kita – mahal kita at hindi lang kaibigan ang turing ko sa ‘yo. Sana alam mo, sana naalala mo ang mga binitawan mong mga salita kung bakit naging ganito ako sa ‘yo ulit pero nakalimutan mo,” pag-amin ko sa katotohanan. Nang maalala kong may dala pala ako ay binawi ko ang aking sinabi kanina. “Hindi lang pala para mag-sorry ang sadya ko rito, may gusto akong ipakita sa ‘yong mga bagay upang makatulong na maalala mo ako. Nagbabasakaling kapag nakita mo may maalala ka kahit kaunti man lang.” sabay pakita ko sa lumang sketchpad na nasa kamay ko. Ang lumang sketch pad na bigay pa sa akin ni Papa, sketch pad na punong-puno ng memories.  “And what are those?” nagtataka niyang tanong habang ang tingin ay nasa aking hawak. “Ito san—” ipapaliwanag ko pa sana nang matigil ako at mapangiwi sa sakit na naramdaman nang tumama ng malakas ang pinto sa aking spinal. Napapikit ako at nakagat ang ibabang labi nang mariin sa sakit. “Kitian – oh, sorry. I’m so sorry, Racelle. Hindi ko napansing nandiyan ka pala, sorry nakalimutan kong kumatok.” Nagmulat ako ng mga mata at nagpanggap na wala lang, na hindi masakit ang ininda. Bumungisngis ako sabay taas pa ng palad ko kay Richie upang huminahon siya sa paulit-ulit na paghingi ng tawad. “O-okay lang,” nakangiting sabi ko kahit na tila namamanhid ang aking likod. Ibinaling agad niya ang tingin kay Kitian, mga matang sobrang saya ang nasilayan. Tiningnan din si Kitian, ang kaninang malungkot at walang kaekspre-elspresyon ay nakulayan ng babaeng kadarating. Naipag-krus nito ang palad niya sa saya habang nagtataka ako kung anong mayroon. Bahagyang kumunot ang aking noo sa nagpapalitang ngitian ng dalawa. “Kitian, madi-discharge ka na ngayon. Nakasalubong ko Lolo mo sa billing section and I didn’t know that he knows me so we talk for a while and came here to tell you the good news.” “Madi-discharge ka na?” tanong ko sa tonong gulat. Sabay silang napalingon sa akin. “Oo, aren’t that good news? Finally, makakalabas na rin ako.” nakangiting tanong sa akin nito, bakas ang sayang makakalabas na siya sa apat na sulok ng puting kuwartong ito. Ang kaninang pinapangambahan ko ay nangyari na. “But the sad thing is… hindi na tayo magkikita,” malungkot ang boses ni Richie. Nag-angat ako ng tingin kahit parang nagiging robot ako sa aking kinakatayuan. Lumipat-lipat ang tingin ko sa kanilang binigyan muli nila ng harang ang pagitan ko. Muli akong naging manikang tao sa harap nila kahit naririnig naman nila siguro ang paghinga ko. “You can visit me at my condo. I will give you the exact address later or you can text me para sunduin ka,” nakangiting saad niya sa nalungkot na si Richie. “Whoa! Really? Hindi pala nakakalungkot. I will text you then.” “Or sumabay ka na lang sa amin ngayon?” suhestyon ni Kitian na agad sumang-ayon naman si Richie. “Sure, wala rin naman akong ginagawa saka may nagbabantay na kay, Lolo. They hired caregiver for me to do not feel burden.” Umalingawngaw ang mahinang tawanan nilang dalawang hindi ko naintindihan. Napagod ang mga mata kong pinapanood sila kaya inagaw ko ang atensyon nila sa pamamagitan ng pagtaas ko ng kamay. “Uhm… iwan ko na lang siguro ito sa ‘yo?” tanong ko habang ang tingin ay nasa kaniya rin. Bumaling ang tingin niya sa akap-akap kong sketch pad. “Ano ‘yan?” tanong ni Richie. Nilingon ko siya at wala man lang paalam itong kinuha agad iyon sa akin. “P-pictures…” ngiwing sagot ko sa kaniya nang buklatin niya ito. Idinikit ko na lamang ang mga pictures sa mga bakanteng pahina upang magmistulang album. “Ang cute niyo namang dalawa.” ngumiti ako sa papering ibinigkas ng aking kaibigan. “Thank you.” Bumalik ang tingin ko sa kaniyang nakatingin lang ng seryoso ito sa akin. Base sa mukha niya ay tila ayaw niyang tanggapin ito. “Baka kailangan mo ‘yan at hindi ko na maibabalik sa ‘yo dahil hindi wala na ako sa hospital,” palusot niyang sabi sa aking pandinig. Umiling ako. “Pupunta na lang ako bukas sa condo mo,” ngiti kong sagot. Rumehistro ang gulat sa mukha niya sa narinig mula sa akin. Hindi mabilang sa dami ang guhit ng kaniyang noo. “Alam mo kung saan ako nakatira?” gulat at may tonong medyo inis ang pagkakatanong niya sa akin. Sinubukan kong tatagan ang pagkakangiti sa labi ko kahit halatang-halata kong hindi natutuwang alam ko kung saan siya nakatira. “Oo, madalas nga do’n tayo tumambay no’ng tayo pa at ang passcode mo pa nga ‘yong…” sandali akong tumigil. Mas lalo namang kumunot ang kaniyang noo, may inis sa kaniyang mukha. “…monthsarry natin.” ngiwi kong patuloy. “I should change my passcode then,” mabilis niyang sagot. Ang ngiting tinatagan ko sa aking labi ay tila bumaliktad ang labing nasa suot na maskara. “You should para walang nakakalam at para sa privacy mo.” sang-ayon ko. kahit alam ko ang passcode ng condo niya hindi ko naman gagawin iyong nasa isip niya. Inilihis ko ang usapan at naglakas loob. Kinapalan ang foundation sa mukha upang kung mapahiya man ay hindi mahalata. “So, puwede bang pumunta ako sa condo mo bukas?” Hinintay ko ang kaniyang sagot. Nag-a-assume na silence mean yes subalit ang nakikita ko sa kaniyang mukha ang pagdadalawang isip. Tumikhim ako sabay wagayway ng palad. “Okay lang naman kung hindi puwede, sobrang ayos lang sa akin basta text mo na lang ako o i-chat mo ko sa f*******: kung ibabalik mo na para alam ko kung saan kita hihintayin. Okay lang din kahit hindi mo na iba—” “Puwede.” putol niya sa aking sinasabi. Ngiti muli ang ibinigay ko sa narinig. “T-thank you. Akala ko kasi ‘di na ako allowed.” “You’re my friend and I am not rude.” “Okay, aalis na ako. Bye!” paalam ko at hindi na binawi kay Richie ang sketch pad para ako mismo ang magbigay sa kaniya. Hindi ko na kasi kayang lumapit pa. -- Sinag ng araw ang bumungad maging ang maingay ng huni ng aking cellphone. Gustuhin mang humiga muna upang matulog pa ngunit kailangan ko ng bumangon. Kumakaway na sa akin ang magandang umaga na nais pagandahin ang aking umaga. Isang ngiti ang isinukli ko sa bintanang nakabukas, nakakaasar man dahil panira ng tulog pero salamat dahil gising pa ako. Dahan-dahan akong nag-inat at medyo masakit pa rin ang aking likod. Idinilat ko ang mga mata, namalayan lamang na nakapatong pala sa dibdib ko ang cellphone kaya pala nakikiliti ako sa pag-vibrate. Kaagad dumiretso sa palikuran, sukbit ang tuwalya pagkalabas ko ng aking kuwarto. Papikit-pikit pa ang mga mata habang tinutungo ang palikuran. Nang makapasok sa loob ay agad na binuksan ang shower faucet. Hinayaang mabasa ang buong katawan nang hindi pa hinuhubad ang damit. Sapagkat nahihirapan akong tanggalin lalo na kapag yuyuko ako, medyo sumasakit ang aking likuran. Malakas ang pagkakatama ng pinto sa akin kahapon. Kinse minutos ang ginugol sa pagligo ay bumalik ako sa kuwarto upang magbihis ng pampasyal. Tamang-tama alas dies pa lang at siguro naman gising na siya. Maong skirt ang isiniuot at pinares ito sa white ¾ t-shirt. Lumabas muli dala ang sling bag, laman ang pitaka at cellphone. “Gising ka na pala, Racelle. Mag-almusal ka na. May nakahanda na do’n para sa ‘yo,” bahagyang nagulat sa boses ni Tita. Nando’n lang pala siya sa aking likuran. Pinasadahan niya ako ng tingin at napagtantong aalis ako. “Tita, sorry alis po muna ako. Babalik din po ako,” ngiwi kong sabi. Pangalawang beses nang tinanggihan mag-almusal kaya abot-abot ang hingi ng paumanhin dahil nag-aabala pa silang paghandaan ako ng maalmusal. “Baunin mo na lang ‘yong tinapay para habang naghihintay ka o naglalakad may kinakain ka,” suhestyon ni Tita at inginuso ang sandwich na nasa hapag. Ikinaway ang palad bilang pagtanggi. “Sandali lang naman ako, Tita. Babalik din ako agad para ituloy na ‘yong tinatahi ko.” sa pagkailang na nararamdaman ay itinaas ko ang aking palad sabay wagayway bilang pagpaalam habang may ngiti ako sa labi. “Sige, ikaw bahala. Bumalik ka kaagad, huwag kang papagabi nang matapos mo na. Mag-iingat ka.” naulinigan kong sabi ng Mama ni Estella bago tuluyang makalabas ng bahay nila. I am happy that I found a second family who will care for me. It’s great to have a friend na masasandalan at matatakbuhan mo sa oras na nangangailangan ka. Until now, I am still adjusting my situation at ang pakikitungo sa kanila. Sobrang nakakapanibago pero kailangang makisama. - Pagbukas ng pinto ng elevator ay abot-abot ang kabog ng dibdib. Pinaunang lumabas muna ang mga taong kasama ko sa loob, huli akong lumabas sa elevator. Sandaling napasandal sa dingding. Pinapakalma ang sarili dahil hindi mawari kung bakit kumikirot ang puso ko. Tila tinatambol ang dibdib ko. Nagpalipas ako ng sampung minuto bago huminga nang malalim at ilang beses na nagpakawala ng hininga upang maka-relax ako. Nanginginig ang kamay kong itinaas ito upang abutin ang maliit na button upang abisuhan silang may tao. I wait seconds until the door opens. I plaster a sweet smile on lips but my smile vanishes as I see the one who open the door for me. Nanghina ang tuhod ko ngunit kinaya kong tumayo ng matuwid pero nawala ang ngiti sa aking labi habang matamis itong nakangiti sa akin. “Oh, hi, Racelle. Akala namin hindi ka na naman sisipot.” Hindi na sana ako sumipot. Inagahan ko na nga para ‘di ako makihati sa oras pero nagkamali ako. Tumagal ang titig ko sa kaniya hanggang sa iwagayway ang palad niya dahilan upang mapabalik ako sa ulirat. “Nakita na ba niya lahat iyon?” tanong ko dahil malamang ay may alam ito patungkol sa binigay. I am sure that they scan it together. Segundo niya akong tiningan at pinagmasdan ang pagpilig ng ulo niya nang marahan. “Hindi na niya tinapos kasi biglang nakaidlip. Pasok ka na muna.” umalis ito sa pinto, binuksan ng maigi ang pinto upang makapasok ako. iginala agad ang mga mata pagkapasok sa loob. It’s been a year since the day I was here before. Nothing’s change, still messy in the living room while it’s neat to see on his kitchen area. Hinanap ng mga mata ko ang aking sadya rito. Nakarinig ako ng langitngit ng pinto at sinundan iyon, iniluwa nito ang naka-jersey short na si Kitian nang lumabas sa kuwarto nito. Walang ngiti itong binigay sa akin nang magtama ang aming mga mata ‘pagkat agad na itinuon ang mga mata sa babaeng katabi ko. “Richie, anong gusto mo pizza? Mag-order na lang tayo.” palapit siya sa aming direksyon habang hawak niya ang sketchpad. Naamoy ko ang pabango niya nang pumagitna siya sa aming dalawa, bahagyang tumalikod pa nga ito sa akin dahilan para matakpan niya sa aking paningin si Richie. Nakita mo ba ako dito, Kitian o naging anino na naman ako? Itinaas ko ang kamay sabay wagayway upang pansinin naman nila ako. “Lumabas na lang kaya tayo nang makapasyal ka naman. What do you think?” “Sure, if that’s what you want.” Tumango-tango ako sa kanilang likod, ‘di nila nakikita ang giagawa ko. kinakausap ang palad nang walang boses na lumalabas, imitating their conversation waiting for the answer of my palm to accompany me also. “Aalis kayo?” sabat ko. I am human here not a flower vase to turn your back. “Sasama ka?” tanong ni Richie. Humarap si Kitian upang makita ko naman ang napakagandang mukha ng aking kaibigan. Napaisip ako sa sinabi niya. “Kitian’s treat.” ngiting langit niyang dagdag. Tiningnan ko si Kitian, tumaas ang isa nitong kilay sa akin. Ipinapahiwatig na tumanggi ka. Mapakla akong ngumiti kay Richie. “Huh? Baka friendly date ‘yang gagawin niyo at baka makaistorbo pa ako.” palusot kong pagtanggi. I want to come with them but the devilish and cold eyes of him glared at me. Nakasimangot na lumapit sa akin si Richie, niyugyog ang balikat ko saka ngumuso. “Come on, we’re friends.” pagpupumilit niya sa akin. I am not killjoy, someone wants to be with you… just the two of you and I am out of it. “Hindi na, kayo na lang.” Lumapat sa labi ni Kitian ang ngiti sabay tikhim. “Okay, ito pala ‘yong sketchpad mo. Nakita ko ‘yong drawing mo and it impressed me also the crazy pictures we have back then I appreciate.” sabay lahad niya sa akin. “Nabasa mo ba ‘yong letter sa dulo?” tanong pagkakuha ko sa kaniya. tinitigan ko siya, pilit na sinubukang suriin but damn he’s hard to read. “Oo,” mabilis niyang sagot at tango pa. “Talaga?” mapaniguro ko namang tanong. Nawala sa mukha niya ang ngiti, irita ang bumalot. “Oo nga, bakit ba?” may bahid na inis ang boses ang dumaloy sa aking tenga. He finds me annoying and I feel sorry for that. Niyakap nang mahigpit ang sketchpad, I secured it ayaw mabitawan dahil lumalakas ako ngayon habang yakap ito. Nawawala ang panghihinang nararamdaman ko. “Wala, sige alis na ako. Enjoy kayong dalawa.” aking masayang paalam sa kanila. Pagkalabas ko'y agad akong napasandal sa dingding. Nakakapanghihina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD