Chapter 18

3110 Words
Racelle POV Prenteng-prente akong nakaupo sa duyan dito sa kanilang bakuran. I choose to stay here than the four-boring corner of my room. It's been four days since I decided to lock myself. Kakain, matutulog, maliligo, mag-o-online, at mags-sketch lang ang ginagawa ko. I suddenly place my sketchpad on the bermuda grass and swayed the swing. Embracing the wind and sunlight. Preskong hangin ay dumadaplis sa aking balat maging ang tamang sinag ng araw ay nagugustuhan ko. Nakikipagsabayan sa pag-ugoy ng duyan ang sumasayaw ring mga bulaklak. There were all green, bonsai are everywhere. Nagustuhan ko ang pagkakaayos ng halaman dito, just like my mother, Estella's mother really like the hobby of gardening. "Kumusta na kaya sila, Mama?" I asked out of the blue when my parents sudden knock on my mind to worry about them. Kumibot ng kaunti ang labi ko upang ngitian sana ang nakikipagsayawang santan sa akin nang biglang makita si Estella na palapit sa aking direksyon. Namataan ko pang may dala itong pagkain. "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap," nakangiting sabi nito sabay lahad ng hawak niyang platito na may lamang toasted bread. Itinaas ko lamang ang palad bilang pagtanggi. I am still full. I remembered what happened, Estella texted her Mom to cook for me. Ang inis na nararamdaman ko sa araw na 'yon ay napalis nang makitang maraming nakahandang pagkain sa akin pagkauwi. I'm planning to ignore her, but I can't resist. Gustuhin mang magtampo sa kaniya, 'di ko magawa. She's important to me that I can't fight her from the useless conversation we did last time. "Sabi mo pupuntahan mo si, Kitian, aren't you going to see him? Today is Saturday. Also, Richie asking me about you." bumaling ang tingin ko sa kaniya at tumigil sa pag-ugoy ng duyan. "Anong sabi niya?" taas noo kong tanong sa kaniya. minsan kong binuksan ang account ko at may chat din siya sa akin. I manage to reply her messages pero kalaunan ay na-seen ko ang last message niya dahil she always talks about Kitian and her. Ipinapamukha pa niyang masaya sila no'ng wala ako, medyo bastos ang dating sa akin dahil para bang sinasadya talaga niya. Ewan, ang hirap humusga at hindi ko rin naman ang alam ang nasa isip nilang dalawa kung pareho ba silang may pagtingin agad-agad o sadyang nae-enjoy lang nilang mag-usap na dalawa na umabot sa puntong hindi nila ako kayang pansinin no'ng nando'n ako. Matamang nakatingin sa akin si Estella, umiwas ako at ipinagpatuloy ang pag-ugoy sa duyan. "Tinatanong niya sa akin kung pupunta ka ba raw do'n dahil madi-discharge na mamaya ang Lolo niya," sabi niya. Gumuhit sa aking labi ang maliit na ngiti. Magandang balita ang narinig ko subalit hindi sobrang ganda dahil may posibilidad na bumalik pa ro'n si Richie. "Anong sabi mo?" "I said that she must be the one she'll ask about that, not me. Hindi ka raw kasi naka-online kaya pinapatanong na niya sa akin." tinapunan ko lang ito ng tingin, hindi tumitigil sa pag-ugoy ng duyan. Palakas pa nga nang palakas ang pag-ugoy ko rito. Nagugustuhan ang pakiramdam na nasa duyan, pati buhok ko'y lumilipad. "I'm not going and I have no plan to check my f*******: account to reply their messages," tipid kong sabi sa sinabi niya sa akin. Wala naman sigurong masama kung hindi ko muna siya pupuntahan. Mas pipiliin ko muna sa ngayon ang mapag-isa, at unahing gawin ang hindi ko matapos-tapos na ini-sketch ko. Baka hindi lang din niya ako pansinin at mas lalo lamang akong mawawalan ng ganang tapusin ang patapos ng sketch dress. "Ibig sabihin hindi mo na kikitain si, Kitian, forever?" maliwanag ang mukha ni Estella nang magtanong ito. I just give her a small smile and shook my head. Nawala ang liwanag sa mukha niya nang makita niya ang aking kasagutan. No one can stop me from pursuing Kitian's heart. Desperada na ulit sa mga mata nila, wala akong pakialam. This is how I born and this is really one of my attitude that I am difficult to deal. "Pupunta ako do'n kung gusto ko siyang makita." ngumiti nang matipid si Estella kasabay ng kaniyang pagtango. Nang tumigil ako sa pag-ugoy ng duyan ay inabot nito ang aking balikat sabay tapik. Tiningnan ko ang lumungkot niyang mga mata. She tried to be energetic when she waves at me. "Okay, papasok na ako. Just text me if you need something, take care!" 'I feel so sorry, Estella. Sorry if your best friend is a stupid stubborn on earth that she always choose to be hurt than to at peace.' -- I am trying myself to keep busy and just let my whole focus on what I am doing. Malapit na ang fashion show at wala pa akong natatapos, I really need to hurry and do this first bago muli madurog ang puso ko sa 'di pagpansin sa akin ni, Kitian. The chilling music plays on the speaker at my new favorite place, Creative Milk Tea. Sumasabay ang kamay ko sa maganadang ritmo ng tumutugtog sa speaker, medyo senti ang kanta na may birit, All I Ask by Adele. Hindi ko namamalayang napapatango ang ulo ko. Napakaganda ng himig at ang pahiwatig ng kanta. It's something that you can really relate with. Ang aking utak ay sumasabay sa lirika ng kanta, lalo na sa sa chorus nito. "All I ask is If this is my last night with you Hold me like I'm more than just a friend Give me a memory I can use Take me by the hand while We do what lovers do It matters how this ends 'Cause what if I never love again?" pakikisabay ko sa chorus. The song is meaningful. Gusto kong kantahin ito mismo sa harap ni Kitian ngayon, ngunit mas pipillin ko munang tapusin ito. Naisip ko rin ang punto nila Melissa at Estella nang magbigay sila ng kani-kanilang opinyon bilang payo sa akin, there are right that I should focus first into my career than forcing myself to Kitian. Lumawak ang ngiti ko sabay angat sa sketchpad nang matapos ko ang halos tatlong linggo kong iginuguhit. Nalagyan ko na rin ng designs, tamang tela at kulay para sa limang kasuotan na isasali ko sa fashion show next week. Ang tatlo ay hindi ko na iginuhit ulit sapagkat ang tatlo ay nasa portfolio ko, I just did some revisions to my previous design and this two are my new designs that my creativity brain produce. Sa tuwa ay niyakap ang sketchpad nang napakahigpit, makakahinga na rin ako nang maluwag nito. Kulang na lang ay ang tahiin ito nang matapos talaga at maisuot ko ito sa limang mannequin na nandoon sa aking kuwarto. Tamang-tama rin dahil may sewing machine ang family ni Estella, sa tingin ko gagana pa naman ang bagay na 'yon kahit dalawang taong hindi ginamit. Bagong model at wala akong ipag-aalala kung gagamitin ko iyon bukas, sa ngayon bibili na ako ng aking mga kakailanganin upang maumpisahan ko bukas. Iniligpit ang mga gamit, isa-isang inilagay ang mga ito sa aking bag ngunit habang inililigpit ay may nahulog. Pinulot ito at tiningnan kung ano ang bagay na iyon. Nakakunot ang noong binasa ang caption. "The first ever date we have. We both have LBM but still happy at the end of the day." Dahan-dahan kong pinaharap ang litrato sa akin. Bigla akong natawa nang maalala ito, this is really a memorable date na hindi ko makakalimutan. I was really ignorant about date but we did enjoy, inaway pa nga niya ang bata no'ng araw na 'yon. Napailing na lang ako at akmang iipit sa lumang sketch pad na dala-dala ko, nakakapagtaka ngang pati pala ito ay nadala ko pa. Binuklat ko ang pinakagitnang parte at isisiksik sana ang picture na 'yon do'n nang bumungad pa sa akin ang samu't saring picture namin maging ang pinunit kong piraso ng sketchpad kung saan iginuhit ko siya maging ang mga heartthrob kings. Akala ko sinunog lahat ito ni Mama pero nandito lang pala lahat o baka itinago ko talagang mabuti kaya 'di nasama sa mga naging abo ngayong mga alaalang makakapagbigay ebidensya sana ngayon. Kung ipapakita ko kaya sa kaniya ito, maalala niya? "Racelle!" nagulat ako nang may malakas na tumawag sa aking ngalan. Narinig ko ang hagikgik nito at ang tawa nang lalaki. Mabilis kong isinara at isinilid sa bag ang sketchpad. Lumingon ako sa likod upang tingnan kung sino ang tumawag, namilog ang mga mata ko nang makita silang nandito rin. Mukhang wrong timing ng dating ng dalawang ito. Bakas sa mukha ni Claire ang saya nang makita ako. Agad siyang napabitaw sa pagkakahawak ni Mike sa palad niya, bahagya pa ngang sumimangot si Mike. Nilapitan ako ni Claire, ramdam ko ang higpit ng yakap na ibinigay nito sa akin. Kahit hindi niya sabihin ang salitang 'I miss you' ramdam ko na base sa kaniyang mga ikinikilos. "Nandito ka rin pala. We're glad that we see you here," nakangiting wika ni Claire, ang higpit pa ng pagkakapisil nito sa hawak niyang braso ko. tumingin ako kay Mike, nginitian ako nito saka tinanguan habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa bulsa. Tumingin ito sa kamay kong nakalusot sa aking bag saka niya ang ibinalik ang tingin niyang nalulungkot sa akin mismo. "Paalis ka na?" marahan ko siyang binigyan ng tango sabay sagot ng, "Oo." bumusangot si Claire, umupo sa aking tabi saka pumangalumbaba. Dumaan ang mga mata ko kay Mike nang haplusin niya ang buhok ng nobya niya saka ito tumingin sa akin. Tinging may lungkot din. "Huwag ka na munang umalis, ngayon ka na nga lang ulit namin makakasama aalis ka na," pagsusumamo ni Mike na hindi muna ako umalis. Kumibot ang labi ko upang bigyan sila ng ngiti ngunit inaalala ko ang aking mga bibilhin ngayon. Ayaw ko ng ipagpabukas pa iyon dahil magiging rush ang mangyayari kapag magpapabaya pa ako. "Magmumukha akong third wheel sa inyo," ngiwing palusot ko sa kanila. Lumingon si Claire, inalis ang pagkakapangalumbaba niya ngunit humahaba ang nguso niya. She's pouting to me to stay here. "We're not having a date, we just dropped by here to try some milk tea." Inilipat kong muli ang tingin kay Mike nang magsalita si Claire. Nakita ko 'tong tumango bilang pagsang-ayon. Wala naman akong nagawa kun'di ang huminga nang malalim sabay ngiti at sandal muli sa aking kinauupuan. Hindi ko sila kayang tanggihan lalo na't bihira na lang din kaming magkita-kita. Umalis si Mike para mag-order, naiwan kaming dalawa ni Claire na tumitig lang ang ginawa niya sa akin. "Kumusta naman kayong dalawa?" tanong ko upang tapusin nito ang pagtitig sa nangangayayat kong mukha dahil sa stress at baka mapuna niya pa ang lumulusog at nangingitim kong mata. Nakita kong ngumiti siya, ngiti niyang totoo hindi gaya ng dating peke kung suriin ko. "Going strong kahit madalas ang bangayan. Minsan nasabi ko sa kaniyang mag-break na lang kami dahil masyado siyang makulit at papansin kahit alam naman niyang busy ako, pero hindi ko rin naman tinotoo ang sinabi ko." ngumiti siya at mahinang natawa. Hindi na talaga yata mawawala sa kanila ang bangayan, that's how relationship work and to make it strong. Kung walang away, nakakapanibago naman ang dalawa. Maybe that's their way to show their love. Showing your love to special someone has your own way to show your love towards them. "Mahal mo kasi kaya ayaw mo ng hiwalayan," nakangisi kong wika saka tinapik ang nang mahina ang mesa upang umingay ang paligid naming dalawa. I can say that she's really love my friend, Mike. Malaki talaga ang ginawang pagbabago ng pag-ibig sa dalawang ito. totoo nga pala minsan ang kasabihang, 'the more you hate, the more you love'. Maging ako ay naging ganiyan din ang kahihinatnan nang love story namin ni Kitian noon. Ngayon... 'the more you love, the more he won't remember your love.' Palihim akong bumuntong hininga sa sumulpot sa aking isipan. Mayamaya dumating si Mike. "Tatlo na ang binili ko kahit mukhang kakatapos mo lang," sabi niya sabay lapag sa mesa ang tatlong milk tea na in-order niya. Nakangiting sumimsim si Claire sa inuming in-order ng nobyo niya sa kaniya. Kahit kakatapos ay hindi ko napigilang sumimsim na rin. Mas masarap ang in-order ni Mike kaysa sa in-order ko, may kapaitan ang kaninang ininom ko itong ngayon ay matamis. "Malayo ito sa company niyo, paano kayo napadpad dito?" tanong ko. Tumingin si Mike, pero ang sumagot ay si Claire. "We visit, Kitian." Naibaba ko ang iniinom kong milk tea nang marinig ko ang sinabi. "May kasama ba siya do'n? Did you encounter, Richie?" aligaga kong tanong. Nando'n baa ng babaeng 'yon o umalis na? Sana naman wala na siya nang magka-oras ako mamaya ay do'n ako magpapalipas ng gabi. Kumunot ang noo nilang dalawa sa pagtataka kung ano bang sinasabi ko. "Huh? Richie? Wala kaming nadatnan do'n at sabi nga niya hinhintay ka niya dahil pupunta ka raw do'n at bakit ka nandito? Malapit lang naman na dito ang hospital." bahagya akong nagulat sa sagot ni Mike na tinanguan naman ni Claire. Sandali kong itinagilid ang ulo ko saka napangiti ngunit agad ding ibinalik ang ekspresyong kunwaring nakabusangot sa narinig at tila hindi nagustuhan. "May kailangan pa akong tapusin saka 'di naman niya ako pinapansin," patampong sabi ko na may tonong inis. "Anong hindi, hinhintay ka nga niya." pumapalakpak ang tenga ko sa konpirmasyon ngunit bakit hindi ko na magawang mangiti ng harap-harapan sa kanila. Why my lips won't form a smile? "He's busy talking with girl name, Richie. She's my friend at Australia." umikot ang mga mata ko. Biglang hinampas ni Mike ang mesa dahilan upang mapatingin ako kaagad. Bakit exaggerated itong mag-react? Lumawak ang ngiti niya sa labi, pumuwesto pa ang hintuturo niya sa dulo ng kaniyang baba. "Sayang 'di namin naabutan. Maganda ba?" saka ko lang napagtanto kung bakit nang magtanong siya. Baliw, kursonada ba niya agad? Umiling ako at matawa-tawang sumagot. "Oo, laking abroad kasi kaya asahan mo ng gandang foreigner ang hitsura niya." masama ang tingin ni Claire samantalang hindi naman napapansin ni Mike iyon dahil ang tingin ay nasa kisame, nag-iimagine kung anong hitsura ni Richie. May ngiti pa rin sa labing sumimsim si Mike nang iniinom niya sabay balik ng tingin sa akin. Mga matang bakas ang curiosity. "May boyfriend na ba s-" "Bakit liligawan mo? Sige, break na tayo ngayon nang maligawan mo na." putol agad ni Claire sa sentensiya ni Mike. Halatang naiinis kay Mike dahil umiba ang ekspresyon nito. Ang kaninang maliwanag ay tila naging makulimlim. Binalingan ni Mike ng tingin si Claire na nakataas ang kilay nito sa babaeng mahal niya. Sa inis naman ni Claire ay agad siyang tumayo at humakbang. Natigil si Claire nang higitin ni Mike ang palapulsuhan niya. Uminom na lang ako ng milk tea na binigay nila, nagmamadaling ubusin upang makaalis na ako at maiwan silang dalawa. "Baby, selos ka kaagad? I'm just asking kung may boyfriend na ba siya at wala naman akong sinabing ipagpapalit kita." Palihim akong nasusuka sa kanilang dalawa. Another live scene, kaya ayaw kong nakikisabay sa mga mag-jowa dahil madalas mao-out of place ka lang. "Parang gano'n ang dating kasi. Minsan linawin mo nang hindi agad kumulo dugo ko sa 'yo! Bahala ka na nga d'yan." inis niyang tinabig ang kamay ni Mike at humakbang paalis. Napasapo na lang ako sa aking noo nang mag-walk out ito. "Baby, huwag ka namang ganiyan. Andito si Racelle, oh, mag-usap kayo, ako na lang ang aalis para sa 'yo!" sigaw ni Mike dahilan upang takpan ko ang mukha ko sa kahihiyan. Gosh! Ang hilig nilang maging PDA. Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Mike saka lumingon sa akin. Sinubukan niyang ngumiti ulit sa akin pero halata ang lungkot sa mukha niya. "Baby Race, kung may time ka ngayon puntahan mo si Kitian, he's waiting for you, come to think that maybe this is the right time habang wala pa 'yong enjoy niyang kausap." "Mukhang hindi na muna ako makakapunta," ngiwing sabi ko at nagkibit-balikat. "Bakit?" kunot-noo niyang tanong sa akin. Ngumuso ako sa labas kung saan nakatayo si Claire. Tumango si Mike, naintindihan agad ang nais ipahiwatig. "Mukhang papasyal nga kayo ng baby ko." mabilis kong inubos ang iniinom ko sabay sukbit ng bag sa balikat. Sumunod sa akin si Mike para lumabas sa shop, lumingon agad si Claire nang maramandaman niyang bumukas ang pinto. Nginitian ko siya pero parang nadadamay ako sa tampuhan nilang dalawa ngayon. Tinapunan din niya ako ng masasamang tingin, bakas pa rin ang inis sa kaniyang mukha. Nanggigigil. Parang gustong sabunutan si Mike kaya lumayo ako ng tatlong hakbang para dumistansya. Ngumiti muli ako nang nakangiting inilipat ni Claire ang tingin niya mismo sa akin. Tila walang alitan ang dalawa kung makangiti. Napalunok ako nang sumeryeso ang mukha niya. "Racelle, available ka 'di ba? Tara, pasyal tayo." Alanganin akong napakamot sa aking batok sabay lingon kay Mike na tinitigan lamang ako sa mga mata. Kinagat ang ibabang labi saka pilit na iniiwas ang tingin kay Claire. Ayaw kong pumasyal, paano ba sabihin ito sa kaniya? Nakayuko akong humarap habang kamot-kamot ang batok. "K-ka-kasi..." "Huwag ka ng tumanggi, minsan na lang mangyari ito." I sighed. "Okay, baka kasi magtampo ka pa." sumilay ang ngiti niya ngunit may kasamang irap. Akala ko para sa akin ang irap, pero para pala sa katabi ko. Lumingkis agad siya sa aking braso pagkalapit niya. "Saglit lang naman tayo saka ihahatid na kita kay Kitian." hagikgik nito. Nakita ko sa aking gilid ng mga mata kung paano sumimangot si Mike. "Baby text mo na---" "Tse! Manahimik ka d'yan. 'Di tayo bati!" putol na sigaw ni Claire sa nais sabihin ni Mike. Napailing na lang ako sa kanila at lihim na ipinuwesto ang kaliwang kamay ko sa baywang. Ikinuyom ko ang kamao ko upang ipakita kay Mike, ipinapahiwatig sa kaniyang 'be strong' lang sa girlfriend mong bossy amazona. Maingay na bumuntong-hininga si Mike. "Kahit ganiyan ka na naman sa akin, mahal pa rin kita. Mag-text ka na lang sa akin, Race, kung tapos na kayong pumasyal." hindi pinansin ni Claire ang sinabi ni Mike kaya sa akin na lang niya ibinilin ang girlfriend niya. Nag-thumbs up ako sa kaniya no'ng lingunin ko siya sandali bago ipayuko ni Claire ang ulo ko para ilusot sa loob ng tricycle nang makasakay na. "Copy! Don't worry, aalagaan ko ang baby mo!" sigaw kong sagot para 'di siya mag-alala. Pagkaandar ng tricycle ang siyang pag-andar ng pag-iisip ko. Ang kaninang nanahimik na patungkol kay Kitian tila bumabalik ngayon sa aking isip. Hinhintay mo nga ba talaga ako, Kitian o baka nagpapanggap ka lang na hinhintay ako? Nalilito na ako sa mga inaasal mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD