Chapter 12

3576 Words
Racelle POV Ang bilis ng oras, hindi ko aakalaing tapos na pala ang dalawang araw kong pagliliwaliw sa Paris. Staying here for two days, masasabi kong nagkaroon ako ng peaceful mind but as leaving this place makes me feel anxious again. Kumurap ako at ngumiti na lamang, it's too early to stress myself. Wala akong pagkakataon kahapon para makita ng harap-harapan ang eiffel tower, sa ibang lugar pala nag-photoshoot sila Yvonne, at ang kahapon ay ang pinakamasayang araw ng dalawa rito sa Paris. Naging chaperone  ako sa kanilang dalawa but it's okay, the important is I enjoyed too. "Bakla, tara sama ka sa amin ni Yvonnyita," masayang pag-aaya ni Jerome nang lapitan ako nitong nakaupo sa sofa. "Saan ba kayo pupunta? Mamaya  na ang flight ko at baka maiwan na ako ng eroplano kapag plano niyong magpagabi," sabi ko sa kaniya. Ayoko pang umuwi dahil paniguradong pagkauwi ko sa bahay ay magtatanong na naman si Mama. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko si Mama, naiinis ako at para bang wala na ako sa mood. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinigit ako nito patayo. "Huwag ka ng KJ, saglit lang naman tayo saka hindi naman namin hahayaang dito ka pa, baka kasi sirain mo na naman ang momentum namin." sinamaan ko siya ng tingin. How dare him. Kung hindi ako, single pa rin silanh dalawa at hanggang ngayon nagsusulyapan pa rin sila ng palihim. "Ayoko naman ng maging chaperone 'no!" singhal ko na akala niya'y tuwang-tuwa ako sa naging role ko sa kanila kahapon. Umikot lang ang mga mata nito at tinawanan ako. “Chill, hindi na chaperone ang role mo kun’di mag-a-upgarde na, si Yvonnyita na ang magiging chaperone,” matawa-tawa niyang bulong at tinampal ko naman ang tiyan niya. “Ikaw ang magiging chaperone,” sagot ko sabay irap. “Close ba kayo ni Yvonnyita ko?” nakangising tanong niya pabalik. Nag-iwas ako ng tingin sabay lunok. “Hi-hindi kami close pe-pero—” “Jerome! Bakit ang tagal mo? Para kang pagong!” inis na singhal ni Yvonne nang buksan niya ang pinto. Dinig na dinig ko ang pagtunog ng heels niya sa tiles na lumapit sa amin at hinigit ang braso ni Jerome. “Ako pa talaga ang sisisihin mo ikaw nga ‘tong ang tagal-tagal lumabas sa kuwarto mo. Katok ako nang katok hindi mo buksan tapos ayan ang nangyari sa mukha mo,” singhal din ni Jerome. Sinilip ko si Yvonne upang tingnan ang mukha niya. Inabot ko ang tissue na nasa center table kay Jerome. Pumunit siya ng ilang piraso at ipinunas niya ito sa gilid ng labi ni Yvonne. “Naging tayo lang, lumalagpas na ‘yang lipstick mo. Sabihan mo kasi ako kung kailangan mo ng tulong sa pagme-make up dahil ako na ang gagawa para sa ‘yo.” kinagat ko ang ibabang labi ko habang pigil ang pagngiti sa dalawang ito. “Grabe hanggang dito sa Paris may langgam na sumama sa atin,” reklamo ko sa kanila saka lumabas para sumama na muna sa pupuntahan nila bago man lang ako umalis. Hindi ko na maatim ang sweetness nila, naiinggit ako. Hinintay ko silang lumabas nang magsabay-sabay na kami. -- “Racelle, picture-an mo nga kami ni Jeromie,” utos ni Yvonne sabay lahad ng cellphone niya sa akin. Wala naman na akong nagawa kun’di kuhanan sila ng litratong dalawa. Nakailang shots sila at talagang nag-iba na ang papel ko, ngayon isa na nila akong unprofessional photographer. Napapaismid na lang ako sa dalawa dahil mag-iirapan pa sila. Inis na kinuha sa akin ni Yvonne ang cellphone niya na ikinanganga ko, napano ‘yon? Bumuntong hininga na lang ako at hinayaan ang dalawa. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan din ang sarili sa Eiffel tower, symbolizes of love and here I am alone… taking pictures by myself and it means I love myself. Ngumiti ako ng malapad bago pindutin ang capture button upang kuhanan ang huling shot ko rito. Dahan-dahan akong tumingala. Bahagyang tumunog ang leeg ko sa ginawa ko, sumakit. Shet, magkaka-stiff neck pa yata ako sa kakatingala. Parang siya, pagod na ako kakatingala sa langit kakahintay ng himala – himalang maalala na niya ako subalit kahit nasasaktan na ako, mananatili akong nakatingala at maghihintay. Proving to myself that I choose the right for my future. “Wow! Ang ganda talaga ng Eiffel tower.” manghang tugon ko, nagmistula akong bata sa kakatingala sa pinakatuktok ng eiffel tower. “Bakla,” lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Jerome. “Tara na, maiiwanan ka na ng eroplano.” tumango lang ako at sumunod sa kaniya. Naging chaperone at photographer man ako ng bagong magkasintahan ay masasabi kong na-enjoy ko ang dalawang araw na pananatili rito sa Paris. The two of them make me smile widely like without any problems. Ipinasyal nila ako sa public park where we gathered picnic between the three of us and of course, selfies are everywhere from the fruit orchids that it is attractive. Mukhang napuno nga ng mga mukha namin ang cellphone ko sa napakaraming attractive spots na magandang kuhanan ng larawan para may souvenir. We watched the puppet show and look in the sail model boats in a pond. I enjoyed and I am very happy but thinking that I am now leaving makes me sad dahil bubungad na naman sa akin ang samu’t saring problemang tinakasan ko sa Pilipinas. Wala naman sigurong masama kung takasan ko na muna ang mga problema ko at pasayahin man lang muna ang sarili ko. Don’t worry, Paris, I will be back here at kung babalik ako rito sisiguraduhin kong kasama ko na si mr. right na nakatakda para sa akin. Muli kong pupunuhin ang alaala ko rito sa Paris na hindi na nag-iisa. Ngumiti ako bago pumikit upang matulog na muna habang hinihintay ang paglapag ng eroplano sa Pilipinas. Stress are waiting me there so I should have some rest before landing off. - Nagmulat ako ng aking mga mata nang marinig ko ang umaalingawngaw na paalala nang flight attendant sa speaker. “Ladies and gentlemen, welcome to Manila International Airport. Local time is 3 PM and the…” napahikab ako sabay maingat na nag-inat nang sa gano’n ay hindi ko masapak ang katabi ko. Kinusot-kusot ang mga mata bago maramdaman ang maingat na paglapag ng piloto sa lupa. “…Have a nice day!” masiglang anunsyo ng stewardess. Isa-isa na kaming nagsitayuan at nagsibabaan. I let a deep sigh bago ihakbang ang paa sa hagdan pababa. I welcome myself for having a safety trip from Paris and for landing off. Welcome, stressful days and problems paniguradong na-miss n’yo ako. Simangot ang ekspreyon ko habang tinatahak ang daan palabas sa airport subalit natigil ako at bahagyang nagulat nang may makabangga akong babae. Nahulog sa sahig ang dala niyang makapal na libro. Dali-dali ko naman iyong pinulot para ibigay sa kaniya, “Sorry, miss, sorry.” aligaga kong hingi ng paumanhin sa kaniya. Pambihira, Racelle, lumulipad yata ang utak mo kaya hindi mo napansin ang babae. “Sorry rin, hindi kasi ako tumitingin sa daan kaya nabangga kita.” nangunot ang noo ko sa pamilyar na boses at accent ng pagtatagalog niya. Tumalikod ito sa akin at abala na ito sa hawak niyang cellphone. Bago umalis, hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya ng ilang beses. Tinitigan ko ang nakatagilid niyang mukha sa akin at nang matitigan ko ito ay sinubukan kong tawagin ang pangalan ng kamukha niya. “Richie?” nagbilang ako ng apat sa aking isipan at akala ko’y hindi niya narinig ang patanong na pagtawag ko. Nang lumingon ito ay parehas naming naituro ang isa’t isa at nagmarka sa aming mga mukha ang gulat saka saya na makita naming muli ang isa’t isa. Isang mahigpit na yakap ang pambungad namin, na-miss ko siya ng sobra kahit na madalang lang kaming magsama noon sa Australia. “Racelle, It’s been a while and I didn’t have some time to talk to you at wala rin akong gaanong oras para makapag-skype tayo para kumustahin ka, but I am lucky and happy to see you here,” tuwang-tuwa niyang sambit nang kumalas kami sa aming pagyakap. “I checked also your f*******: account if you are still using it, pero hindi ka na nag-o-online. Seems like you are really busy from studying,” sabi ko. Sa tuwing nago-online ako, binibisita ko ang account niya kaso hindi yata siya ang tipo ng taong fond sa f*******:. “I’m not really fond on social medias.” Natatawa niyang sabi sabay wagayway sa palad niya. Well, social medias have disadvantage and advantage in using it. You meet people you don’t know in online and to keep in touch to your friends, however the disadvantage of using it was being lazy doing chores. Masyado ka na kasing tutok sa social media at hindi mo na maiwanan dahil nag-aabang ka ng message o whatever makes you busy in social media world. “Bakit ka nandito sa Pilipinas? For vacation or you are living here now?” tanong ko sa kaniya. Bago kasi ako umalis ng Australia noon ay sinabi niya sa akin malabo na siyang makabalik sa Pilipinas, pero heto siya ngayon. Nakangiti itong nakatingin sa akin saka ako sinagot, “Should I call this vacation? I will stay here for one month at doon muna ako mags-stay sa mansion nila Lolo and to take care of him.” Sinabayan ako nito sa paglalakad, tumahimik kaming dalawa. Tila nagkakahiyaan ang tema, paano ba naman ilang buwan at hindi lang buwan kundi isang taon at dalawang taon mahigit ang hindi naming pagkikita, no communications at all kaya hindi maiwasang manibago minsan. “So, how are you here?” basag niya sa katahimikan. “I’m okay. Enjoying my life here,” pagsisinungaling kong sagot. I’m enjoying the pain I live every single day. Pilit kong iginuhit sa aking labi ang ngiti, ngiting makakabawas man sana ng lungkot at bigat na pinapasan ko na naman ngayon. “How about you and Tristan?” napalingon ako sa kaniyang tanong. Hindi pa ba sila nagkikitang dalawa? Kumunot ang aking noo sa kaniya habang nakatingin naman ito sa mga taxi na may mga sakay na. “Hindi mo pa ba alam?” tanong ko sa kaniya. Lumingon ito sa akin ng nagtataka. “Know what?” “We already broke up two months ago,” lumungkot ang ekspresyon ko. Sa tuwing binabalikan ko ang araw at sa tuwing nadadaanan ko ang coffee shop na kung saan kami madalas tumambay upang mag-date ay hindi ko maatim na makita. Ayoko ng pumasok sa coffee shop na ‘yon, naalala ko lang ang mga pasakit na ginawa ko sa kaniya at mga salitang nakakasakit sa puso. I don’t know if I just feel guilty or something more. I can’t totally determine what I really feel because lately I feel like I am numb. So exhausted. Hindi na niya tinanong pa kung bakit, kung anong nangyari sapagkat hinagod na lamang niya ang likod ko. “I’m sorry for asking, by the way mauna na ako sa ‘yo. I am tired and I badly want to get some rest. Let’s meet tomorrow, are you available?” “I am not very busy person, but sure, let’s meet tomorrow.” “Good, then see you tomorrow,” nakangiting paalam niya saka kumaway pa ito sa akin nang makasakay ito sa taxi. Kumaway ako pabalik habang nakangiti ngunit hindi maiwasang bumigat ang pakiramdam ko sa kaniya. What this feeling? Weird, self. Umiling-iling na lang ako at pinara ang taxi na tumapat sa akin. Siguro pagod lang ako galing sa byahe kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko at siguro kinakabahan dahil hindi pa ako nakapaghanda ng linyang mapapaniwala ko si Mama upang hindi na niya ako kulitin pa. Nakatulog akong magdamag sa buong byahe ko pauwi sa bahay subalit bakit parang pagod pa rin ako at nanghihina? Mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa ko habang papasok sa bahya. May something na ikinakaba ko at bakit nararamdaman koi to ngayon? Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga bago pihitin ang door knob ng pinto. Umawang ang bibig ko nang makita kong ang gulo-gulo ng bahay. Iginala ko ang mga mata ko at nakita ko ang parents kong ang laki ng distansya sa isa’t isa. Hindi sila magkatabi ngunit magkaharap silang dalawa at parehong nakayuko. Anong nangyayari? Nalilito akong humakbang palapit sa kanila. Tahimik akong naglakad papanhik sa aking kuwarto at pilit sanang balewalahin ngunit ‘di kaya ng konsensya kong balewalahin ang naabutan ko sa bahay. Dahan-dahan akong humarap sa kanila sabay tikhim at akmang magtatanong nang magsalita si Papa. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit parang ninakawan ang bahay namin sa nagkalat na gamit sa bawat espasyo ng sala. “Wala na akong trabaho,” panimula na niya aking ikinagulat at ikinalungkot. “Nalugi na ang ating negosyo at ang tanging flower shop na lang ang natitira, but the earning is too low. Masyadong mababa ang kita hindi tulad ng dati na dagsahan ang bumibili.” “H-how did that happen?” nagtataka kong tanong. Bago ako umalis ay maayos pa naman ang lahat. Ilang araw ngang hindi umuuwi si Papa sa bahay maging si Mama ay palagian na sa flower shop at saka maayos pa naman ang kita. Hindi rin naman ako kinausap ni Mama. Tumingin ng diretso si Papa sa aking mga mata sabay pakawala nito nang malalim na buntong hiningang mababatid mo ang frustration. “We find out that Kitian’s grandfather did this. Siya ang may pakana ng nangyayari sa kabuhayan natin ngayon, at hindi lang iyon ang kinakaharap natin… your mother and I are…” hindi ko pinatapos ang sinasabi ni Papa sapagkat tila masama ang magiging kalabasan kapag aking maririnig. Kahit na’y may tampuhan at may hindi pagpapansinan na nagaganap sa amin ni Mama ay may pake pa rin ako. She’s still my mother even I hate her. “Racelle…” pumikit ako nang mariin sabay buntong hininga. “Huwag niyo ng ituloy at huwag na huwag niyong gagawin ‘yan kay Mama. Nagkakatampuhan man kami ni Mama, but please don’t di—” pakiusap ko ngunit hindi ako pinatapos ni Papa sa aking sinasabi. Iminulat ko ang mga mata ko at sinalubong ang mga mata ni Papa, seryosong-seryoso ito at nang aking titigan ay tila may nangyaring hindi maganda at labag sa kaniyang kalooban kaya nagmistulang ninakawan ang bahay. Mukhang nag-away nga sila at sana… sana hindi mangyayari ang nasa isip kong maghihiwalay sila. I can’t bear it. “That’s not what I meant, Racelle. Bakit hihiwalayan ang Mama mo, eh, parehas na kaming matanda at mahal na mahal ko ang Mama mo kahit na nag-away pa kami,” sabi ni Papa, nakahinga naman ang nang maluwag nang marinig iyon. Muli akong napatingin kay Mama na walang imik at nanatiling nakikinig sa amin ni Papa. Agad akong nag-iwas ng mga mata nang mapatingin siya sa akin. “Pero…” ibinalik ko ang tingin kay Papa nang magsalita pa ito. Tiningnan ko siya ng nagtatanong ang ekspresyon. What’s really happening? “Hindi ko na ipagkakailang… nasabi ko sa Mama mo na maghiwalay na kami ngunit ang usapan namin… maghihiwalay nga talaga kami kahit ayoko kung hindi ka papayag sa…” kumunot ang aking noo sa hindi masabi “Ano po bang gusto niyong sabihin? Hindi ko kayo maintindihan at bakit may kasunduan pa kayo? That’s lame.” nalilito at may bahid na inis kong sabi. Umikot ang mga mata ko sa inis. Nagsalubong ang kilay ko, naggigitgitan sa halu-halong nararamdaman ko nang marinig ang sinabi ni Papa. “Naibenta na namin ang bahay at nakabili kami ng maliit na bahay sa province namin sa Pangasinan at gusto naming doon na lang natin ipagpatuloy ang buhay natin to start a new life, at ang gusto ng Mama mo ay sumama ka sa amin at layuan na si Kitian.” “What?!” gulat kong angal sa kanila at naiiling na binalingan ng tingin si Mama. How could she use me to blackmail my stepfather? Mapungay ang mga mata at nakikiusap na ang kaniyang ekspresyon sa aking nakatingin. Begging me to come with them and leave Kitian. “Walang magandang maidudulot sa ‘yo si Kitian. Nakita mo naman ang nangyari sa atin ngayon hindi ba? Lahat ng pinaghirapan natin, pinabagsak ng Lolo niya. Kilala mo naman ang Lolo niya ‘di ba? Kung ano ang sinabi niya, gagawin niya at hindi ka man lang ba natauhan dahil minsan na niyang ginawa iyon sa ‘yo?” “Wala akong pakialam. Oo, siya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, Ma pero ayaw ko ng maulit. Ayokong masabihan niya ako ng ang dali ko namang sumuko nang dahil sa mga panggigipit niya. I love him and whatever happens I will stay kahit maraming tutol.” matigas kong sabi sa kanila. Umiling si Mama sabay sapo nito sa kaniyang noo, dismayado ito sa akin. “Hindi na ikaw ‘yan, anak. You became selfish because of what you feel. Anak, may pakialam ka at dapat ka naming payuhan. We are your parents, and I am your mother I am just givin—” “Ayan ka na naman Ma, sa pa- ‘mother knows best’ mong style. Hayaan mo na ako, Ma, kung gusto niyong umalis ni Papa at tumira sa Pangasinan doon na kayo, hindi ako sasama. Huwag mo ring i-black mail si Papa na maghihiwalay kayo kung hindi ako sasama.” naiinis at naiirita kong wika kay Mama. Kada sabi ko ay may sasabihin din siya. Hindi ba puwedeng hayaan na niya ako? Too much concerned is kinda irritating. “Racelle, huwag kang ganiyan sa Mama mo,” mahinahong suway ni Papa subalit bakas sa boses niya ang pagkadismaya sa aking inaasal. “Sorry po, Pa, pero hindi ko alam kung bakit nagiging ganito na ako kay Mama. Maybe she’s always against on my decisions I made lately,” wika ko. “Hindi siya tutol, nag-aalala lang sa ‘yo ang Mama mo at ayaw ka na niyang masaktan. Love is a never-ending cycle of pain. Love always hurt you and love is not for the man you love because love is in all condition. Loving someone doesn’t make you a real lover, because a real lover loves God, self and family before the man you loved.” makahulugan nitong payo at pilit na ipinapaunawa sa akin ang kahulugan ng pag-ibig at mga unang pagtuunan ng atesnyon bago ang isinisigaw talaga ng puso mo. Bumuntong hininga ako at umirap sa kawalan. Naiinis na naiirita ang aking nararamdama. Nabu-buwesit sa bangayan naming tatlo. “I don’t need your concerns. Nasa wastong edad na ako upang punahin pa ang ginagawa ko, mag-ingat na lang po kayo at alagaan niyo ng mabuti si Mama,” mahinahon ko ng sabi sabay baling ng tingin kay Mama ngunit agad ko ring inilihis sa jar ang aking tingin. “Are you sure that you didn’t want to come with us? Racelle—” hindi ko na muling pinatapos ang sinasabi ni Mama. It’s enough, masyado na akong maraming narinig sa kaniya. Inis na inis na ang aking mukhang hinarap ng diretsa si Mama. “Ma, kung magbibigay ka na naman ng opinyon mo huwag ka na lang magsalita. Alam ko namang ayaw mo na kay Kitian simula no’ng naghiwalay kami pero hindi ba puwedeng suportahan mo na lang ako? I love him.” giit kong pasuhestyon. “The question here is do you really love him?” umaliwalas nang bahagya ang aking ekspresyon, umunat ang mga guhit ko sa noo at titig na titig sa akin si Mama. “Of course, I am. Anong klaseng tanong ‘yan?” inis kong sagot sa kaniya ng patanong din. “Para kasing napipilitan ka lang dahil ayaw mong ipakita sa lahat na nagkamali ka ng pinili. Why don’t you be true to you—” napakamot na lang ako sa inis. Bakit ang kulit ni, Mama? Hindi ba talaga siya makakatulog ng maayos kapag hindi niya ako napasuko kay Kitian? She’s really crossing the line. “Ma, please stop. Stop confronting my feelings dahil hindi mo naman alam ang tunay kong nararamdaman.” pigil na pigil sa inis kong tugon. She’s still your mother, Racelle, so, calm down. “Racelle, can you please respect your mother? Masyado ka ng makasarili at hindi mo na iniisip ang nararamdaman ng iba.” sabat ni Papa na naiinis na rin sa akin. Muli akong nagpakawala nang buntong hininga bago umirap ulit sa kawalan. “I am sorry but I need to fight for this decision I made. I want to be stronger than before. I want this and let me suffer from regrets if I fail.” pinal kong sabi sa kanila bago sila talikuran at pumanhik sa aking kuwarto upang magpahinga dahil bukas… maghahanap na ako ng apartment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD