Chapter 11

3021 Words
Racelle POV Passed eight in the morning when someone knocked on my door, it's Jerome. Blooming ang bakla nang gisingin ako, nangingitim ang ilalim ng kaniyang mga mata. Nakatulog ako ng alas onse kagabi dahil sa hindi pa ako dinadalaw ng antok, marahil may nag-iisip sa akin kaya 'di ako makatulog. Ala zombie akong nagtungo sa kuwarto ni Jerome pagkatapos kong magbihis para mag-almusal kasama sila. Pagkapasok ko sa kuwarto without knocking the door ay agad akong napa-peace sign sa kanila. "Did I interrupt you?" patay malisya kong tanong habang nasa labas at nakangisi sa kanila. Tumalim ang tingin sa akin ni Yvonne saka umikot ang eyeballs nito. Natatawa akong lumapit sa kanila. Bakit kasi hindi nila i-lock ang pinto kung maghahalikan silang dalawa. Nako! Kabago-bagong couple may pa-kissing scene agad ang peg, pero teka... sila na nga ba talaga? "Bakla, kumatok ka minsan, ha? Makaka-score na ako, eh, pero umepal ka," nanggigil sa inis na sabi ni Jerome at nakatanggap din ako ng pag-irap sa kaniya. The rolling eyes couple. "Sorry, hindi ko na kasalanan 'yon. Next time kasi i-lock niyo nang masiguro niyong walang eepal sa kissing scene niyo o baka iba na punta," biro kong sambit sa kanila. Sabay silang napatikhim sabay hampas nang may kalakasan si Jerome sa aking braso. "We-we're just trying to kiss but yo---" nauutal na sabi ni Yvonne, iniiwas ang mga mata sa akin at namumula ito. Napangisi ako saka napailing na lamang sa dalawa. "Sorry na, alis na ako ituloy niyo na 'yang loving loving, kissing kissing niyo." tumayo ako at akmang lalabas na nang tawagin ako ni Yvonne. "Mag-almusal na tayo huwag ka nang pa-epal diyan," kibit-balikat akong humarap saka bumalik sa kinauupuan ko kanina. Magkatabi ang dalawa sa mesa habang kaharap sila. It looks like I am watching a live shooting of dramaserye. What a good morning to me. "Bakit hindi na lang sa baba tayo mag-almusal?" tanong ko sa kanila nang buksan ang nakahandang pagkain sa harapan ko. "Mas maganda dito. Tahimik at mafe-feel mo ang kumain while facing the beautiful Eiffel tower pero mas maganda pa ang katabi ko." ngumiwi ako sabay lamon ng pagkain dahil sa korning hirit ni Jerome sa nobya niya. Isang hampas naman sa braso ang natamo ni Jerome saka may kasamang ngiwi. "So what are your plans today? Saan kayo magpho-photo shoot?" tanong ko sa kalagitnaan ng pag-aalmusal namin. Napatingin sa akin si Yvonne ngunit nilunok muna ang kinakain bago ako sagutin. "Hindi ko pa natatawagan si..." tumaas ang kilay niya habang nakatingin kay Jerome. Inaalala ang pangalan na babanggitin niya. Nako! Nagka-love life lang, nakalimot na ng pangalan? Tindi naman ng epekto ng love. "Nino?" kunot-noo kong tanong. Inis na lamang niyang iwinagayway ang palad niya saka iritang sumagot, "By the way nakalimutan ko na pero habang wala pa 'yong tawag, dididretso muna tayo sa shop ni Mrs. Paula Cretib, my family's professional fashion designer friend here in Paris." tumango ako sa sinabi niya. Muli namang tumahimik ang paligid hanggang sa nabingi na naman ako at binasag ko ang katahimikan sa pamamagitan ng aking pagtikhim. "So you are officially together?" panimula ko ng usapan sa pagtatanong. Sumubo ako habang hinihintay ang kasagutan ng dalawa. Kinikilig ko silang pinagmamasadan, kay lagkit ng kanilang tinginan sa isa't isa. "Wala akong nakuhang sagot sa kaniya pero it feels like---" "Yes, we're officially together." mabilis na sabat ni Yvonne. Mahina akong pumalakpak para sa kaniang dalawa, showing the happiness I feel for the of them. Sa wakas, binata na ang bakla. "Congratulations. Be strong and hoping that the two of you are for lifetime na," masaya kong wika sa kanilang dalawa. Tatahimik na naman sana ang aura nang magtanong ako dahilan para pareho silang pamulahan ng pisngi. "So nagtabi kayo kagabi? Hinihintay ko si Yvonne na pumasok sa kuwarto pero hindi siya pumasok." tiningnan ko sila habang nginunguya ang karne. I was waiting until eleven in the evening pero walang iniluwa ang pinto. Naiilang na napakamot sa batok si Jerome at nagpipigil siya ng ngiting itinuro sa akin ang hawak niyang tinidor. "Hoy bakla, stop intriguing, it's none of your business." sabay subo agad ng pagkain. Lumipat ang tingin ko kay Yvonne nang sumabat ito. "Oo nga. Wala ka ng pakialam kung nagtabi kami kagabi saka papasok naman dapat ako sa kuwarto natin pero siyempre naawa naman ako kay Jerome, baka kasi r**e-in siya at pinagbigyan ko lang ang matagal na niyang kahilingan pero walang nangyari sa amin." humagalpak ako sa tawa nang marinig ko ang pagdepensa nito. Nakakatawa ang facial expression niyang parang hindi alam ang isasagot, kung tatarayan ba niya ako o ano ba but she end up by defending and reasoning. "What?!" irita niyang sambit sa akin habang nagpipigil naman ng tawa. Isang malakas na hampas sa likod ang natamo ni Jerome nang mapansin siya ni Yvonne samantalang ipinagpatuloy ko naman ang pagkain. "Grabe ka naman sa akin Yvonnyita, wala pa tayong isang araw ganiyan ka na agad sa akin. Wala ka bang sweet bones, kasi 'yang paghampas mo sa akin nababawasan ang sweet bones ko," ngusong wika ni Jerome, samantalang napapatikhim na lang ako sa kinauupuan ko. Iyong pakiramdam na ang saya mo dahil sila na pero 'di mo maiwasang maging bitter. Paano ba naman katulad ng trapik sa EDSA ang pag-recover ni Kitian. - "Jeromie, mayamaya raw ang photoshoot natin," sabi ni Yvonne habang naglalakad kami. Nakaakbay sa akin si Jerome habang magkahawak ang kamay nila ni Yvonne. "What time?" tanong nito. Inabala ko na lamang ang sarili kong napapatingin sa kapailigiran. Excited na kinakabahan ang nararamdaman ko habang palapit kami nang palapit sa aming patutunguhan. Iniisip kung ano ang magandang ibubungad ko at kung ano ang aura ng sikat na fashion designer dito sa Paris maging sa Pilipinas, matunog ang pangalan ng fashion designer na ipapakilala sa akin ni Yvonne simula no'ng nag-aaral pa ako sa Australia. Supposedly dito ako mag-aaral pero hindi kaya ng budget noon kaya nag-take ako ng scholarship at tanging ang Sheldon College lang ang may scholarship exam. "Two in the afternoon, doon mismo sa Eiffel tower," sagot niya. Sabi nila Paris is the place where you can find your Mr. or Ms. Right. Eiffel tower symbolizes love and it is the romantic city, so where the two of my friends became a couple, so it is true or maybe they are really meant for each other. Love exist in any place and Eiffel tower is not the only place where you can find your love ones. Siguro mga kuro-kuro lang ang nababasa ko sa internet at naririnig ko patungkol dito sa the great Eiffel tower. Habang naglalakad ay biglang nag-ring ang phone ni Yvonne. Walang alinlangan niya itong sinagot agad at idinikit ang phone sa tenga, bumusangot naman ang mukha ni Jerome. "Oh, Tristan," nagsitaasan ang balahibo ko at matinding kaba ang naramdaman ko nang marinig ang pangalan ni Tristan. "Bakit siya? Ano na naman ang sasabihin niya?" curious na tanong ni Jerome ngunit mahahalata mo ang pagseselos nito sa boses. Hindi pinansin ni Yvonne ang tanong ng aking kaibigan sapagkat kausap niya si Tristan sa kabilang linya. "Wait, videocall na lang tayo para makita mo kami," sabi ni Yvonne na hindi ko maiwasang manlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa dinaraanan ko. "Relax, walang something sa amin, tayo lang ang may something." sabay kindat nito kay Jerome. Nandilat pa lalo ang mga mata ko nang makita kong pinindot ang video icon sa tawag. Sa kaba ay dali-dali kong tinanggal ang kamay ni Jerome na nakaakbay sa akin at nagpunta sa kanilang likuran. Sinuguradong natatakpan ako ni Jerome. Gosh! Bakit pa kasi siya ngayon tumawag? Dapat hindi na lang sinagot ni Yvonne. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinapakiramdam sila, natatakot na baka mapansin ako ni Yvonne na wala sa tabi ni Jerome. "Hello! How are you there?" nagsitaasan ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Masigla at masaya. What's happening to you, Racelle? Bakit ako nagtatago? Umiling-iling ako upang ibalik ko ang sarili sa tamang wisyo. Nawiwindang na ako. "We are all fine, and hey, Jerome and I are officially together kaya huwag ka ng maging clingy sa akin dahil nagseselos na ang Jeromie ko," natatawang tugon niya kay Tristan. Ipinagsalikop ko ang palad ko saka napapadasal sa aking isipan na sana hindi nila ako mapansin dahil hindi pa ako handang humarap sa kaniya. "Talaga? By the way, congratulations. You already move on." dinig kong masayang sagot ni Tristan para sa kanila ni Jerome. Narinig ko naman ang paghagikgik ni Yvonne. Itinapat ko ang sarili sa likod ni Jerome hindi sa gitna dahil nakikita na ako sa camera. "Because of him, I learn how to move on. Matagal ko naman ng napapansing may something kay Jerome no'ng mapadalas ang pagpapasuko niya sa akin kay Kitian, but I am thankful that he always right there and never leaves me despite of being brat to him." tumikhim si Jerome. Gusto kong tingnan si Tristan, makita man lang ang mukha niya ngunit wala talaga akong lakas ng loob para harapin pa siya. "You found the right man to take care of you. Jerome, take care of her, okay? Never hurt this girl kahit may kasamaan ang ugali," habilin niya sabay tawa nang mahina. Nakikiliti ang tenga ko nang marinig kong muli ang tawa niya. "Of course, I will. I won't promise anything but I know to myself that I love her." tugon ni Jerome na napatango na lang ako. Inilabas ko ang phone ko para tignan kung may tumawag din ba sa akin o nag-text man lang. Iyong lalaking pinili ko, kumusta na rin kaya? Nakakaalala na ba? I'm getting tired and I am desperate to be together again nang tuluyang mawala ang bente porsyentong puwang na natitira para kay Tristan. I admit that I'm not yet totally over from him, there is still percent on my heart that I like him. Ang gulo ko 'di ba? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kaya ang idinidikta na lamang ng isip ko ang sinusunod ko para hindi na maging komplikado ang lahat at ang pinagtutuunan ko ng atensyon ngayon ay ang lalaking pinili ko sa dalawa. "By the way, where are you going? Having a date?" "Hindi, kasama namin si Racelle kaya hindi mo matatawag na date 'to," sagot ni Yvonne, lumingon siya sa gawi ni Jerome. Hinahanap ako kung saan ako nagtungo dahil napatingin siya kay Jerome. "Racelle? Wala naman siya diyan, kayong dalawa lang ang nakikita ko." Tumawa si Jerome at itinagilid ang ulo sabay hawak sa palapulsuhan kong nakahawak sa laylayan ng kaniyang denim jacket. "She's here. Looks like she's hiding from yo- ouch!" kinurot ko ang likod niya sa inis. Wala man lang pakisama, kailangan ibulgar pa talaga at saka hindi naman ako nagtatago. Nagbigay sila ng espasyo sa gitna at hindi ko magawang mag-angat ng tingin para tingnan siya sa screen ng phone. Ramdam kong nakatingin siya sa akin maging ang tingin ng dalawang kasama ko sa akin. "Bakit ka nagtatago diyan? Hindi naman tayo naglalaro ng hide and seek o baka naman nahihiya ka? Huwag ka ng mahiya, walang hiya ka naman 'di ba?" napayuko ako sa sinabi ni Yvonne, mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob para mag-angat ng ulo. Tumawa si Yvonne saka sinikil ako sa braso. Right, she's just joking but it doesn't funny at all, medyo nakaka-senti ang sinabi niya. "Huh? Hindi ako nagtatago, pumunta lang ako sa likod ni Jerome kasi... kasi nabubunggo nila ako." palusot ko na lamang. Hindi ko na kaya, para na akong matatae na maiihi na gustong maglupasay sa daan para lang makaalis dito. My heart is aching and beating so fast. "Eh? Nagtatago ka kaya. Baka naman may feelings ka pa sa kaniya o nagui-guilty k-" pinutol ko kaagad ang sinasabi ni Jerome. "Hindi. Wa-wala na akong feelings, naka-move on na ako," mabilis kong sagot ngunit hindi naiwasang mautal. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa inis at hiyang nararamdaman. Gusto kong sabunutan ang dalawang ito, pero ako ang kawawa kapag ginawa ko 'yon. "Good to hear that. By the way I need to hang up now, may gagawin pa ako. Thanks for your time, see you soon guys." paalaam nito kasabay nang pagbaba niya ng tawag na hindi man lang ako binigyan ng ilang segundo para mag-angat ng tingin upang makita siya. Nailing na tiningnan ako ni Yvonne habang may ngisi sa kaniyang labi. "Para kang ewan, Racelle. Bakit ka nagtago? Napaghahalataan pa kitang hindi pa naka-move on," natatawa niyang sabi sa akin. Agad akong nag-iwas ng mukha, ibinaling ang ulo kay Jerome. "Naka-move on na ako. Mas mahal ko si Kitian kaya nga siya ang pinili ko 'di ba?" patanong kong sagot. Bahagyang yumuko si Jerome at tinitigan ang mukha ko. "Talaga lang, ha?" taas-kilay na paniniguro ni Jerome sa akin ngunit inirapan ko lang siya at bumusangot sa inis. Bakit ganito ang dalawang ito? Hindi ba nila ako pinaniniwalaan? Nagsasabi naman ako ng totoo. "Oo, nagsasabi ako ng totoo." sabay buntong hininga ko at naglakad paalis. Nadinig ko pang matawa-tawa silang sinabayan ako sa paglalakad. Habang tahimik na naglalakad ay hindi ko maiwasang ma-curious sa ginagawa niya ngayon, kung kumusta na ba siya, kung naka-move on na rin ba siya at kung may girlfriend na ba siya. I still care for him kahit hindi na niya ako itinuturing na kaibigan. I deserve to be treated as stranger. Kulang pa nga sa ginawa ko sa kaniya noon. "Hoy, dito!" tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagsigaw ni Yvonne. Humarap ako sa kanila at humakbang palapit sa kanila kung saan nakatigil sila sa isang shop. Gosh! Wala na talaga ako sa wisyo marahil kulang sa tulog kaya ako ganito ngayon. Saka hindi ako mapakali dahil curious ako sa kaniya. Normal lang naman sigurong maging curious ako sa kalagayan niya 'di ba? Papasok na kami sa loob nang magsalita ako. "Sandali..." "Bakit?" nagtatakang tanong ni Yvonne, nakataas pa ang kilay. Dapat masanay na ako sa ganito niyang facial expression. Huminga ako nang malalim at itinanong ang gusto kong itanong sapagkat nangangati ang tenga kong marinig ang kasagutan. "Ku-kumusta na siya?" tanong ko na hindi magawang makatingin ng diretso kay Yvonne bagkus ang tingin ko ay nasa posting katabi niya. Tumingin ng seryoso sa akin si Yvonne. Tila kinikilatis ang paglikot ng mga mata ko ngunit nakahinga ako nang maluwag nang sinagot niya ang tanong ko. "He's doing fine. Fully recovered na siya from the gunshot, nagpaka-busy na siya sa trabaho niya sa Australia which is he is now hired as architect of a well-known company there. He's moving forward from the tragedy." tumango ako nang aking marinig sabay ngiti nang matipid. 'Good to hear that'. "O-okay. Masaya akong gano'n ang ginagawa niya, tara pumasok na tayo sa loob nang makilala ko na si Mrs. Paula Cretib. Natatae na kasi ako sa kaba at excitement," nakangiting aya ko sa kanilang pumasok na dinaan ko pa sa biro. Tumawa si Jerome sa aking likuran. "Tumae ka muna, bakla nang hindi mangamoy at mahimasmasan ka bago mo kaharapin si Mrs. Cretib." suhestyon ni Jerome sa akin nang makapasok kami ng tuluyan sa loob. Amusement is the first expression I draw on my face when I fully step my feet inside the shop. All of her designs na nakasuot sa mga mannequin ay hangang-hanga ako at gandang-ganda ako, kulang pa ang salitang ganda sa designs niya. Kaya pala gustong-gusto siya ng mga well-known families' para mag-design ng mag kasuotan nila dahil hindi ka niya bibiguin sa mga gawa niya. I want to be like her someday. I want to pursue my dreams to be like her. Pinagmasdan kong lumapit si Yvonne sa nasa mid-40's ng babae, and I think she's Mrs. Cretib. Abalang-abala siya sa harap ng kaniyang makina habang tahimik na pinapadaan ang telang kaniyang sinukat upang maging napakagandang gown ang kalabasan. Hindi lang ito tatahiin sapagkat lalagyan pa ng mga beads o kung anong arte ngunit depende sa kaniyang design. "Hello, auntie, we're already here. Looks like you're very busy. Wrong timing ang pagbisita yata namin," agaw pansin nito kay Mrs. Cretib. Alam ko namang kanina niya pa kami napansin at hindi lang niya magawang mag-angat ng tingin dahil tutok ang mga mata niya sa kaniyang ginagawa. "It's okay, I am almost done with this kaya puwede namang ituloy ko mamaya," sagot niya at napalunok ako nang mag-angat siya ng ulo, kinakabahan sa ekspresyon na bubungad sa akin. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa labi niya ngunit napatingin ako sa kilay niya, salamat naman at hindi nagsasalubong ang kilay niya hindi gaya ng kilay ni Yvonne. Mga mata niya ay hindi mo mapapansing strikta siya. Pinasadahan ako ng tingin ni Mrs. Cretib nang may ngiti sa labi sabay lipat nito ng tingin kay Yvonne na nakatingin din sa akin. "So, she is your friend that you are talking about? I've already seen her sketch designs that you've send me via messenger, and..." nagiging drum set ang puso ko sa kaba. Baka hindi para sa akin ang opportunity na ito at baka hindi para sa akin ang pagiging fashion designer. I bowed my head and starting to feel sad. "And?" bakas ang kyuryosidad sa boses ni Yvonne. "Her designs are beautiful as she is, but she has no confidence at all to showcase and to enter the fashion industry so I think..." nagpantig sa aking tenga ng ilang beses ang sinabi niya. My curiosity kills me. "So do you mean she can't be join the fashion show?" tanong ni Jerome. Itinuon ko ang mga mata ko kay Mrs. Cretib at nakangiting nakatingin lang sa akin habang kay bilis ng pagtibok ng puso ko sa kaba. Akala ko ay hindi ko na ito opportunity but luckily, she said that I can be join to showcase my designs and it will be my debut as fashion designer. So the crowd will know me already. Sa kabila ng nangyari kanina ay napalitan ito ng kasiyahan. Marahil natupad na ang matagal kong pangarap sa sarili ko at ang tanging natitirang pangarap ko ay mahalin ako ng mahalin ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD