Chapter 10

3815 Words
Racelle's POV Halos mapatid na ako sa kakatakbo patungo sa departure. Natanaw ko kaagad ang dalawang naghihintay sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad. Umaliwalas ang mukha ni Yvonne nang makita ako. "Thank God, you're here!" iritadong salubong sa akin ni Yvonne. Nginitian lang ako ni Jerome sabay irap kay Yvonne. Nakangiwi ko silang nginitian at hindi maiwasang mapalunok sa ekspresyong ipinapakita ni Yvonne. I cleared my throat and I speak. "Sorry kung natagalan ako. Traffic kasi masiyado," hingi ko ng paumanhin sa kanilang dalawa. Yvonne sigh and shook her head. "You are always have your excuses. You were with Kitian, yesterday, right?" marahan akong tumango sa katanungang iyon ni Yvonne. "Anong nangyari sa inyo? Did you two have some precious moments?" curious namang tanong ni Jerome. "Plano ko sanang mag-stay pa kasama siya ng dalawang araw, but Yvonne called me at sinabing ngayon na raw pala ang punta natin sa France," nakangiwi kong sabi. Lumipat ang mataray na tingin ni Yvonne sa akin. Naiinis niyang itinuro ang sarili sabay sabing, "So sinasabi mong panira ako?" Agad kong iwinagayway ang dalawang palad ko bilang pagsasabi ng hindi. "Wala, wala akong sinasabing gano'n." "As expected panira ka talaga palagi ng moment. You always ruining the mood." nilingon ko si Jerome nang magsalita. Dismayado itong nakahalukipkip na nakatingin kay Yvonne. "Why are you blaming me? It's not my fault at kung ako ang panira bakit siya sumama pa kung gusto niyang makasama si Kitian?" inis na balik tanong ni Yvonne kay Jerome. Pareho na silang nagtaasan ng kilay. Hindi naman talaga kasalanan ni Yvonne, at may punto siya. Kung gusto kong makasama si Kitian bakit pa ako sumipot dito? Because I have reason why I choose to show up than staying. "Because it's my loss if I missed this opportunity you offered." sabay silang napalingon sa akin dahil sa sinabi ko. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Yvonne habang nakatingin lang sa akin si Jerome na lately naiilang ako sa pagiging tahimik niya. He used to be the bubbly annoying rebond gay, but seems like he changed. "Mabuti naman naisip mo, all I thought you would choose him again over your dreams." "Kahit gustong-gusto ko siyang piliin at i-prioritize na-realize ko rin ang sarili ko. Sinaktan na niya ako noon, binigay ko na sa kaniya ang lahat-lahat at ayaw kong maulit ang araw na ako ang mawawalan dahil binigay ko sa kaniya ulit ang lahat-lahat. I should prioritize myself first before what my heart wants." pumalakpak si Yvonne sa aking sinabi. "Good to hear that. Mabuti naman at hindi ka na tanga." natutuwa niyang wika sa akin na medyo nasaktan ako kahit aminado naman akong ang tanga ko. "Watch your words, Yvonnyita. You're being rude," suway ni Jerome kay Yvonne na nakangisi sa akin. Lumipat ang tingin ni Yvonne kay Jerome, tinaasan niya ito ng kilay. "I'm just stating the fact and I am happy for her that she did a right decision." giit niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nagsusukatan naman sila ng titig. Ano bang namamagitan sa dalawang ito? "Passengers on flight. AF990 to Paris please check in at the boarding gate. Please have your passport ready..." hinawakan ko ang hawakan ng aking maliit na maleta at sinundan na lamang ang dalawa nang parehas na itong humakbang patungo sa boarding area. Huminga ako nang malalim bago ipakita ang passport ko. "Be good to me Paris." nakangiting wika ko. - I spread my arms and feel the refreshing breeze of air here in Paris as we landed. Napakaganda sa balat ang simoy ng hangin na humahaplos sa aking pisngi. It looks like I want to kiss the wind but I can't, just like him, the more I want to be us together again the more I get hurt. I took a deep sigh at tila bumalik ako sa ulirat nang akbayan ako ni Jerome. "You are here to reach your dreams and to have some peaceful mind for the moment, so, enjoy it. Huwag mo munang isipin si Kitian, mag-relax ka na muna." "Oo naman, isa rin ito sa dahilan kung bakit ako sumama sa inyo," nakangiting sagot ko. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Kinuhanan ko ng napakaraming larawan gamit ang mga mata ko ang Eiffel tower dito sa veranda ng hotel kung saan naming piniling mag-stay for two days. Sunset is going to be perfect to capture with the Eiffel background. Ang gandang mag-ala model feel dito kaso wala pa ako sa mood mag-selfie, mga mata ko na lang muna ang gagawin kong camera. Kamerang hindi nafu-full storage, pero hindi gaya ng literal na camera na kayang mag-delete. Eyes always restored the memories in your mind and you can't do anything to erase those if you want to. I wish that human can be like a camera... you picture every moment together with the man you treasured and it can be also deleted if you want to forget all those memories you've taken when you are totally shattered. Nilingon kong muli si Jerome na tahimik sa tabi ko. Seryosong nakatingin sa Eiffel tower, siguro nagi-imagine din siya o baka may malalim na iniisip. Jerome and I are best friend together with Estella but growing up from adulthood, days slowly fading the closeness we have. We all aware that our closeness will change but hoping that our friendship will remain even we don't often see each other. "Can I ask you something?" basag ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. He used to be talkative back then. He joked and laugh kahit hindi naman talaga nakakatawa. "Yeah, what is it?" seryoso niyang tanong pabalik sa akin at ang tingin niya'y nasa Eiffel tower lang. "'Di ba sinabi mo sa akin noon na gusto mo si Estella, have you already moved on to her?" I asked out of the blue. Napapaisip na baka nga si Estella ang iniisip niya dahil alam niyang mahigit dalawang buwan na silang wala ni Justin. He might think that he already has a chance to court our best friend. Bigla siyang natawa nang mahina dahilan upang kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Race, bakla, umamin ako pero noon pa 'yon, lumipas na ang isang taon at buwan at masasabi kong totally move on na ako. I like someone but I have no guts to confess my feelings to her. She might hate me and she will ignore me or our closeness will have gone just like what I have done to Estella," malungkot ang boses niyang tugon sa bandang huli ng kaniyang salita. Tiningnan ko siyang mabuti habang nakatagilid sa akin sabay napatango na lamang ako nang makumpirma ko sa sarili kong nagsasabi nga ng totoo ito sa nararamdaman niya. Mapapansin mo naman sa kaniya kung nagsisinungaling siya dahil mauutal-utal at iibahin ang usapan. "Bakit ka natatakot? Hindi ba ang dapat na mas katakutan mo kaysa sa pag-amin ang magmahal siya ng iba at hindi mo hinayaang marinig man lang niya ang nararamdaman mo sa kaniya?" "Na-trauma na ako, Racelle. Alam mo ganiyan na ganiyan din ang sinabi sa akin ni Yvonne nang masabi ko sa kaniyang gusto ko si Estella noon. Ako namang si naglakas ng loob, umamin at napahiya lang sa ginawa ko." saka ito suminghap. Bakas sa kaniya ang frustration about his feelings. Hinawakan ko ang balikat niya sabay hagod dito. "Ganiyan talaga ang buhay pag-ibig, bakla. Huwag kang mawalan ng pag-asang umamin ng may lakas ng loob sa taong napupusuan mo. Accept the rejection. If she wouldn't love you back, accept it but be proud and happy because you let her know about your feelings towards her. Hindi ba dapat matuwa ka kahit naging sawi ka dahil hindi ka naging torpe kaysa naman hindi ka umamin at pagsisisihan mo lang sa huli na 'bakit naging torpe ako', 'bakit ang duwag ko'?" payo ko sa kaniya. Tama nga si William, ang papel mo na talaga bilang single ay ang maging tagapayo sa mga taong in relationship at masasabi kong puwede rin sa mga taong nangangamoy love life na pero naduduwag lang. "Magugustuhan kaya niya ako? Choosy 'yon, bakla. She used to be witch back then and I couldn't believe that me as a retired gay that who's trying to be a real man after pretending for a long time would have feelings to her," hindi makapaniwalang sambit niya kasabay nang kaniyang pag-iling. Samantalang kumunot ang noo ko at nag-process sa utak ko ang sinabi niya. Sumilay sa aking labi ang ngisi sabay tawa nang may kalakasan dahilan upang lingunin niya ako ng nakakunot ang noo. 'She used to be witch back then' that word didn't escape to my understanding. May clue na siya and I guess I know the girl he likes. "What?" inis niyang tanong sa akin. Itinuro ko siya habang hindi matigil sa pagtawa. It looks like today is my day because I can't stop myself from laughing so hard with matching giggles for my best friend. Magkaka-love life na sa wakas ang bakla namin. Kailangan lang ng kaunting encourage para lumakas ang loob na umamin sa mukhang walang pusong babae. "Kilala ko ba ang taong gusto mo?" tanong ko sa kaniya subalit agad siyang nag-iwas ng tingin nang subukan kong kilatisin ang lumilikot niyang mga mata kasabay nang pamumula ng kaniyang pisngi. "Hindi." "Talaga? Bakit namumula ka no'ng sinabi kong kilala ko? Wala naman akong sinabing pangalan pero namula ka na agad," sutil ko sa kaniya at hindi napigilang sikilin siya. Mabilis niyang nahuli ang kamay ko at ibinaba iyon. "Huwag ka ngang ano diyan, Racelle. Baka marinig niya at makisawsaw din siya dito at ito na ang huling araw ng buhay ko," suway niya sa akin sa pagiging mapang-asar ko. Subalit maganda ang mood ko ngayon at sa kagustuhang magka-love life na ang natitirang NBSB sa grupo ay hindi ako natinag sa pagsuway niya. He won't get mad and if he will be mad at me, sorry not sorry because I just did it for him. "Teka-kasama natin siya ngayon? Ikaw ah, ang dami mo ng clue kahit hindi mo pa sinasabi sa akin ang pangalan niya. Ang dami ko ng hint, from the word witch at may isa akong witch na kilala pero mala-anghel ang mukha at ang nakakataba ng puso ang ipinapamalas niyang kabaitan minsan. Saka namula ka kaagad no'ng tinanong kong kilala ko tapos ngayon naman pinapatahimik mo ako dahil baka marinig niya. So, I am not that slow and she could..." ngumisi ako habang tumalim naman ang tingin niya sa akin. Hindi ako matitinag sa pagsama ng tingin mo, Jerome. It's time to confess at huwag kang maging duwag, magiging matandang binata ang guwapong tulad mo. "...she could be Yv---" hindi natuloy ang pagbanggit ko sa pangalan ng babaeng gusto niya nang bigla niyang takpan ang bibig ko. So, she is it. Ang babaeng minsang naging kontrabida sa buhay ko ay ang babaeng itintibok ngayon ng pihikang puso ni Jerome? Wow! Ang gandang love story nitong dalawang ito kapag nagkatuluyan sila. It would be entitled as the retired gay fell in love with the angel like but she has a witchy attitude back then. No, para mas maikli... ang bakla at ang dating kontrabida. Can't wait to witnessed their love story together. "Zip your mouth, Racelle. Baka magising siya at malaman niya ng wala sa oras." Inis nitong suway sa akin subalit ako na may ugaling pagkamakulit, katigasan ng ulo at pagpupumilit ay hindi papigil. Sinundan ko ang mga mata niyang tiningnan ang tulog na si Yvonne sa sofa. Ang puwesto niya ay nakaharap sa amin ang mukha ni Yvonne at para bang kinikilig siyang nakikinig sa amin habang nakapikit. Tinanggal ko ang kamay niya sabay taas ng kanang kamay ko, senyales na nangangako. "Oo na, hindi na ako mag-iingay. I'll zip my mouth na." "Good." nakangiti niyang sambit. Ilang segundo lang akong tumahimik hanggang sa magsalita ulit ako. Hindi ko nagugustuhan ang katahimikan. Susulitin ko na ang araw na 'to dahil magmumukha na naman akong tahimik kapag bumalik na ako sa Pilipinas. "Pero matanong ko lang, kalian pa nag-umpisa 'yang feelings mo sa kaniya?" I asked with curiosity. "Matagal akong nagkaroon ng feelings sa kaniya. Sa totoo lang kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya dahil palagi ka na lang niyang inaaway at sinasaktan, gustong-gusto ko nga siyang sabunutan pero no'ng nakikita ko siyang nasasaktan dahil kay Kitian... parang hindi ko na kayang nakikita siyang nagpapanggap na okay lang, na masaya siya, at hindi siya nasasaktan," panimulang kuwento niya. I lean my ears on him para pakinggan ang pagkabuo ng feelings niya sa dating kontrabida. "Instead of boosting her confidence to be stronger I say downfall words without thinking that she will be hurt. Naiinis at nagagalit siya sa akin tuwing ipinapamukha ko sa kaniyang hindi siya mahal ni Kitian, hindi sila ang for the lifetime. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya sa tuwing ibinababa ko siya sa pangarap niyang maging sila ni Kitian, pero nagmamagandang loob lang naman ako. What is the used of encouraging her if you know to yourself that it will never happen? Luckily, nagising din siya sa ilusyon niya no'ng araw ng kasal niya ngunit alam mo bang..." tumingin ako sa kaniya nang tumigil siya sa pagkukuwento. Lumungkot ang mukha niya. "Ano?" "Gusto kong ibalik ang dating mayroon sila ni Kitian no'ng masaksikhan kong isang linggo siyang nagkulong sa kuwarto at hindi kumakain. Nabibiyak ang puso ko no'ng araw na 'yon pero wala naman na akong magagawa dahil nangyari na at masa okay na wala na sila dahil hindi na siya gaanong nasasaktan." patuloy niya. Masakit naman talaga ang nangyari lalo na't obsessed kay Kitian. Nagpasasalamat nga ako at nagising din siya dahil kung hindi... baka mas malala pa ang mangyayari sa kaniya. "But this time, what is her relationship status? Sila ba ni-" curious na curious kong tanong pero agad na sumabat si Jerome. "Tristan? I don't know if what is with them." kibit-balikat niyang sambit. "Nagseselos ka ba?" tanong ko dahil lalong lumungkot ang facial expression niya at para bang naasiwa no'ng marinig ang pangalan ni Tristan. "Anong klaseng tanong 'yan? Hindi pa ba halata? I like her and I don't want seeing her happy with someone else," mabilis niyang sagot sa akin na inirapan pa ako nang ako'y tingnan niya. "Ayon naman pala, edi aminin mo na at baka malay mo same feeling din pala kayo ng nararamdaman," sabi ko sabay ngiwi. Tumawa siya saka umiling. "Huwag mo na akong paniwalain sa mga ganiyan," wika niya na may bahid ng lungkot ang boses. "What if nga lang 'di ba? At hindi lahat ng what if ay what if lang, nangyayari din minsan ang mga what if mo sa buhay kapag sinubukan mong mag-take risk kahit anytime ay magiging masakit ang kahihinatnan." Walang masama kung magbuwis ng pride. Mas magandang malaman ang nararamdaman niya kaysa sa hindi, baka malay lang naman natin. "Ayoko. Okay na ako sa ganito, pasulyap-sulyap na lang," hindi patinag niyang sagot sa akin. "Hay ang torpe mo talaga. Kung hindi ka sana ganiyan edi sana kayo ni Estella noon pa lang pero maganda ring hindi naging kayo kasi mas may chemistry sila ni Justin. Ikaw at si Yvonne ang may chemistry," nailing kong sabi sa kaniya. Trying to boost his confidence to confess. "Sus! Ayaw ko na. Nasaktan ko na si Melissa sa pag-aakalang magkakaroon ako ng feelings din sa kaniya." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Melissa? What's with them? Nako! Nag-ala tsismosa na ako, hindi, talagang literal na akong tsismosa. "What!?" Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo at ikaw lang ang unang makakalam nito na alam mo bang lihim kaming nag-date ni Melissa without telling anyone, I thought it would work dahil gusto kong ibalik ang nararamdaman niya sa akin. Melissa is a good friend of mine and I don't want to see her hurt because of her feelings. She likes me so much kaya pinagbigyan ko," kuwento niyang muli. "So, naging kayo?" taas kilay kong tanong sa kaniya. "Hindi. Nililigawan ko lang siya no'n pero agad din akong umayaw dahil ayaw kong lokohin siya. Ayokong maging fake lang ang lahat kapag sinagot niya ako at lalong ayokong mas mahulog siya sa akin kaya sinabihan ko siyang kalimutan na niya ang nararamdaman niya at kung ang magpapalimot ng nararamdaman niya ang pagkawala ng pagkakaibigan namin ay... okay lang sa akin kung ganoon ang mangyayari. Mas magandang maging friendship over na lang kami kaysa sa maging magkaibigan pa kami at mas lalo lang siyang masasaktan kung mananatili pa kaming magkaibigan." nakanganga akong tumango sa sinabi niya. Mas okay na nga rin ang gano'n. "What? May ganiyan na palang nangyayari sa inyo tapos wala man lang ako kabali-balita sa mga status ng buhay niyo," hindi makapaniwalang tugon ko. Self-centered na ako lately at hindi man lang ako naglalaan ng oras to bond with them. "Because you are busy to Kitian." napatawa ako nang mahina sa sinabi niya ngunit kalaunan ay napayuko ako. "Because I love him, so all of my attention is all with him." and then I smile a little bit. "But it's okay. We have our own private life and priorities and not all happenings in your life ay hindi naman na kailangang malaman ng lahat. The important is we all have the concerned for each other even we don't often see each other." "That's right." ngiti kong wika. Sabay kaming lumingon sa gawi ni Yvonne na ang himbing pa rin ng tulog. Napaangat ako ng tingin at nakagiti nang malapad ang kaibigan ko habang pinagmamasdan si Yvonne. "Ang himbing ng tulog niya 'no? Hindi man lang niya tayo naririnig kahit ang lakas-lakas ng boses nating nag-uusap dito," nakangiti niyang sambit habang hindi inaalis ang tingin sa babaeng itinitibok ng puso nito. "Patay na patay ka na sa kaniya 'no?" mabilis niya akong nilingon na may ngiti pa rin sa labi niya. "Oo, pero wala talaga akong balak aminin. Ayaw kong sirain ang meron sa kanila ni Tristan ngayon," sagot niya. Ano ba kasing meron sa kanila ni Tristan? Why did Tristan fell in love with her? Maybe he see her nice attitude and charisma. "Paano kung hindi sila at pinagseselos ka lang ni Yvonne kaya gano'n silang dalawa ni Tristan?" "Imposible. The way Yvonne smile is sweet and she looks happy." sabay talikod niya muli, ibinalik ang tingin sa Eiffel tower. Nakita ko sa peripheral vision kong bumalikwas si Yvonne kaya muli akong nagslita upang kunin ang kaniyang atensyon. "Ta-talaga? Pero wala namang masama kung umamin ka," malakas kong sambit habang paunti-unting sumisilay ang ngisi ko nang mapalingon siya sa gawi namin. Inis na nagpakawala nang buntong hininga si Jerome. "Racelle, huwag ng makulit. Ayaw ko ng maging third party at maging dahilan ng misunderstanding nila sakali. Okay na ako sa ganito, okay na akong palihim siyang mamahalin atleast hindi mawawala ang friendship namin," may bahid niyang inis na sambit. "Kuntento ka na ba talaga?" unti-unting bumangon si Yvonne at kinunutan niya kami ng noo. Seems like she's wondering why the both of us are having a serious conversation. "Takot akong ma-flying kick niya kapag nalaman niya. Nandidiri kaya 'yan kapag sinasabihan ko siya ng cheesy words," natatawa niyang tugon subalit bakas ang kaniyang kalungkutan. "Alam mo... bakla ka talaga." sabay tawa ko at iling sa kaniya. Bakla nga talaga ang lalaking ito, natuluyan na. "Hindi ako bakla. I can set aside my feelings for just our friendship. I will choose to be her friend forever than to be rejected if she will know my feelings. Mas maganda ang maging kaibigan na lang niya atlis nasa tabi niya ako palagi kahit na palihim ko siyang minamahal kaysa sa mawala ang lahat at maging strangers na lang kami." "Talaga?" tanong ko nang mapansin kong tumayo si Yvonne at dahan-dahang lumapit sa amin na may kunot ang noo. "Oo, gano'n ko kasi siya kamahal at kagusto." ngumisi ako lalo. Nagsalubong naman ang kilay ni Yvonne sa likuran niya ngunit agad na napangisi. "What? What did you say? You love me?" lumawak ang ngisi ko habang gulat namang napaharap si Jerome. Nagpigil ako nang tawa nang makita kong aligaga si Jerome. Hindi alam kung paano niya malulusutan ang narinig ng napupusuan. "Yv-yvonne... nag-nagkamali ka lang ng pandinig..." hindi mapakali niyang wika. Inis niya akong binabalingan ng tingin subalit nginingisian ko lang siya. You should tell her now, don't deny. "Come on hindi ako bingi. You love me?" taas kilay na wika ni Yvonne at naghihintay ng confirmation about sa narinig. Sinikil ko si Jerome na napatitig lang sa babaeng nasa harap niya. Natameme na ang guwapong bakla. "Aminin mo na kasi," bulong ko kay Jerome nang tumingkayad ako. Masama ang tingin niyang nilingon ako. "Kasalanan mo 'to eh," inis niyang sisi sa akin subalit ngumisi lang ako sa kaniya. "Bakit? Atlis alam na niya," sagot ko naman habang nakataas ang kilay. "Oh bakit hindi ka sumagot? Sagutin mo tanong ko kung ayaw mong ipakaladkad kita sa security," nababagot sa inis na tugon ni Yvonne. Napakamot sa ulo si Jerome at aligagang napapatingin sa gawi ko upang bigyan ng death glare. "O-oo... mahal kita pero okay lang kahit hindi mo ako mahal. Ayaw kong masira ang relasyon ni Tristan, okay na akong maging kaibigan m-" pautal-utal niyang pag-amin pero agad na sumabat si Yvonne. "Sinong nagsabing kami ni Tristan at isa pa sino nagsabing hindi kita mahal?" naging jolen ang mata ko sa narinig sabay tili sa kilig. "H-huh?" kunot-noong sabi ni Jerome. Hindi makapaniwala sa narinig at tila lumilipad na yata sa ere ang puso niya kaya't sinikil ko siya sa tagiliran nito upang bumalik sa ulirat. Inis na pumikit si Yvonne at huminga nang malalim. "Hoy bakla! Dahil sa 'yo, mahal na rin kita." amin nito. "Ayiiiee!" tili ko, hindi na nakayanang magpigil. Paru-paro sa aking tiyan ay nagwawala dahil sa dalawang taong nasa harap ko ngayon. My eyes perfectly captured this unforgettable scenario of their lives. Umalingawngaw ang tili ko sa loob ng room hotel ni Jerome. Sabay nila akong tiningnan nang masama dahilan para maitikom ko ang bibig ko. "Oh sige maiwan ko na kayong dalawa diyan. Nagkaaminan na eh," sabi ko at dahan-dahang naglakad palayo sa kanila. Tinawag ko si Jerome at wala na ang inis sa mga mata niya. Natutuwa na 'yan kasi. "Pst! Pasalamat ka sa akin. Siya, enjoy your night for being together." Huling wika ko bago tuluyang lumabas sa kuwarto. Kinikilig akong tumapat sa aking kuwarto. I am proud to them. Huminga ako nang malalim pagkapasok ko sa labas ng kuwarto ni Jerome. I am happy for him. Masaya akong na-witnessed ko ang another couple. Hope that they relationship will be strong if they were going to be together tonight, as well as Mike and Claire who's having a cat and dog kind of relationship, I hope they relationship goes stronger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD