Chapter 14

2588 Words
Racelle POV Panay ang linga ko habang nakatayo sa waiting shed. Hindi nawawalan ng pag-asang dumating si Richie gaya ng napag-usapan naming kahapon at kanina, base sa chat niya sa akin sa kaniyang f*******: account. Hinihintay ko itong mag-online ngunit two hours ago ang nakalagay sa kaniyang account. Nakasimangot na si Estella sa akin habang panay ang kamot sa kaniyang buhok. “Baka may date na ‘yong hinhintay mo o baka may emergency, o nakalimutan na niya ang usapan niyo. Hindi na darating ‘yon, diretso na tayo kay Kitian nang masapak ko na’t maalala ka na niya,” inis na pamimilit ni Estella sa akin, sinusundot ang tagiliran ko na napapaigtad naman ako. “Maghintay pa tayo, please. Baka nawala lang siya at nagkamali lang siguro siya ng pinuntahan,” sabi ko habang hindi napapagod ang leeg kong nagmimistulang giraffe sa postura. Hindi naman siya maliit para hindi ko makita, mas matangkad pa nga siya ng isang pulgada sa akin. “Grabe naman ‘yan, hindi na siya bata para mawala.” asik nito. “Hindi siya taga-rito kaya may possibility na mawala siya o hindi niya alam ang exact place nito, she’s not familiar here kaya maghintay pa tayo,” sagot ko sa kaniya at lumingon sa aking kanan. Nanliit ang mga mata kong inisa-isa ang mga taong dumadaan sa gawi namin at ang mga tumatawid. “Sino ba kasing nagsabing dito kayo mag-meet kung alam naman pala niyang hindi siya pamilyar dito? Puwede namang papuntahin lang niya tayo sa bahay niya, libre sundo nang hindi siya mawala at maging VIP person ang tema,” talak ni Estella na paniguradong inikutan na ako nito ng mga mata. “Hindi ko naman na rin nasabi sa kaniya na sunduin na lang natin, hindi bale kung wala pa siya ng twenty minutes, lalarga na tayo.” narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Estella, senyales na nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko. “Mabuti naman, akala ko may balak ka pang maging security guard, ka-shift ni manong dito,” asik niya bago tumahimik na sumandal sa aking tabi. Napapansin ko rin ang panay ang lingon niya sa paligid kahit hindi niya alam ang mukha nito, siguro may makita lang siyang babaeng tila nawawala, siya na ‘yon. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa natapos na ang bente minutos ng paghihintay ay bagsak balikat akong lumingon kay Estella, mapungay ang mga mata nitong tiningnan ako. “Ano, isang oras pa?” tanong niya, umiling ako dahil naawa na ako sa hitsura niya at maging ang mga paa ko ay nangangalay na sa pagkakatayo ng ilang oras. “Dumiretso na lang tayo sa hospital,” wika ko dahil naabala ko na masyado ang aking kaibigang tila may date pa mamaya. Bihis na bihis ito, ngunit unti-unti ng nabubura ang make up niya dahil sa pagsama sa akin sa paghihintay at paglilinis pa ng kuwartong aking tutuluyan sa bahay nila. “Mabuti naman at naisipan mong pumunta na do’n baka kasi nakatulog na o patulog na, hindi mo na naman maabutan ang shokoy na may amesia,” talak nitong naiinis habang umayos na ito sa pagkakatindig. Bakit ba parang ang ayaw nila kay Kitian? Wala naman siyang kasalanan kung bakit siya nagka-amnesa dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit nagkagano’n siya. I push him away and that’s what he’d done for forcing himself to me. “Estella, umuwi ka na lang kaya,” sabi ko sa kaniya nang aking titigan ito sa mga mata. Nawala ang inis sa kaniyang mukha, napalitan ito ng pagkaseryoso. “Bakit? Ayaw mo bang makita ko si Kitian for twice? I haven’t seen him yet dahil sa pagiging busy ko and I think this is my free time to see him again para kumustahin siya,” Umiwas ako ng tingin sa kaniya. May masama kasi akong nararamdaman at hindi ko mabatid kung ano iyon. If she will do some trouble or she’s won’t. Hindi naman siguro gagawa ito ng ikakatampo ko sa kaniya. “Hindi mo naman siguro siya bubugbugin ‘di ba?” Tumawa siya sa aking sinabi. “Do I look like Berna? Kahit naiinis ako sa tagal ng pagbalik ng alaala niya, hindi ko ‘yon gagawin. Hindi naman niya ginusto ang nangyari and it was all accident so no one will blame for that happened.” tumango ako at medyo napanatag ang loob ko sa kaniyang tugon. “May masama kasi akong kutob…” mahinang sabi ko. “Ha?” gulat niyang kibo. “Parang hindi ko magugustuhan ang mangyayari kapag magkikita kami ni, Kitian,” kagat labi kong wika sa kaniya. Hindi ko alam kung masyado ba akong paranoid o talagang may ibig sabihin ang kutob kong ito. Pinapaalalahanan ba ako ng kutob kong ito na ‘wag na lamang pumunta? Malamang pagpunta ko ro’n ay muli akong magpapakilala at magkukuwento. Paulit-ulit na lang kaming dalawa. Hinawakan ni Estella ang magkabilang balikat ko at marahan niya akong ipinaharap sa kaniya. Tumingin ako sa nag-aalala nitong mga mata sa akin. Pag-aalala sa mga mata nila ang lagi kong nakikita. Kailan kaya sila magiging supportive sa tinahak kong desisyon? Kailan kaya ako makakarinig ng mga salitang nakakagaan ng puso at mas lalong magpu-pursue sa akin na ituloy ang aking nasimulan? Kailan kaya babalik ang alaala niya? Kailan kaya uusad ang kuwento naming dalawa na palaging nasa ‘introduce and tell me a short story’ theme palagi? Kailan kaya ako sasaya? Maraming kailan ang bumabagabag sa isip ko, mga kailan na hindi ko alam kung mangyayari pa ba o magiging kailan ako susuko ang maitatanong ko na lang sa sarili ko pagdating ng araw. “Anong desisyon mo? Pupuntahan pa ba natin siya o sa susunod na araw na lang?” tanong nito. Binigyan niya ako ng sampung minutong mag-isip hanggang sa umiling na lamang ako sa kaniya. Nangunot ang kaniyang noo rumehistro ang pagtataka. "Hindi na?" Umiling ulit ako. "Hindi, pupuntahan natin siya. Miss ko na kasi," sabi ko at kinagat ang ibabang labi. Bumingisngis ito sabay ayos sa aking buhok na hinangin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila na papasok sa pinara niyang tricycle nang hindi ko man lang napapansin. Kahit isawalang bahala ko ang masamang kutob na ito, hindi ko rin maiwasang maging aligaga at umurong na lang, pero anong magagawa ko? "Bakla, ano?" tanong ni Estella nang nasa tapat na kami ng hospital room ni Kitian pareho. "Bakit?" takang tanong ko sa kaniya. "Ano wala ka naman bang balak pumasok? Maghihintay ba tayong bumukas mag-isa itong pintuan?" sa sinabi niya ay agad kong hinawakan ang door knob, akmang bubuksan na nang may tumawag sa akin. Sabay kaming napalingon ni Estella sa tumawag sa akin. "Mukhang nandito pala ang hinihintay natin kanina pa. Itong babaitang ito, hindi man lang mag-text para hindi naghintay ng matagal. Saan ba nanggaling 'yang kaibigan mong 'yan dahil mukhang nanggaling sa ibang planeta, hindi alam mang-inform," singhal nito sa aking likuran. Hindi ko pinansin si Estella sapagkat nanatili ang tingin ko kay Richie na nakangiti ng matamis sa akin. "Richie, anong ginagawa mo dito?" nakangiti kong tanong at may kasama na ring gulat dahil hindi inaasahang magkikita kami dito. "Check-up ni Lolo, by the way sorry kung hindi ako sumipot and sorry if I didn't text you," sagot niya sa akin at nanghihingi ng paumanhin ang tingin nito sa akin. "It's okay, I understand." saka binigyan siya ng tinging naiintindihan ko to assure that it is really okay. Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni Estella sa akinv likuran sabay sundot nito sa natuyong damit sa likuran. "Huwag ka ngang pa-humble diyan, Racelle. Anong okay lang, anong naiintindihan mo? Deep inside naman, hindi okay," mahina niyang bulong sa akin. Pasimple ko siyang nilingon saka inirapan at tiningnan nang masama. "Tumahimik ka nga diyan, Estella, baka mamaya mabisto pa ako nito." mahina ngunit matigas kong suway sa kaniya sa pamamagitan ng paggitgit ng aking ngipin. Marahan niyang tinapik ang braso ko na para bang nang-aasar pa ito. "Teka, close ba kayo niyan?" tanong niya sabay angat ng tingin upang tingnan siya at nakita ko naman siyang nagtatali ng sintas nito. "Hindi masyado," ngiwi kong sagot. "Hindi pala, eh, snob mo na." irap nito. Pinitik ko ang noo niya. "Ang sama mo naman sa kaniya kilalanin mo muna kaya. Mabait 'yan saka mahilig din magbasa ng libro gaya mo," katuwiran ko. Humalukipkip ito sa harap ko't umismid. "Even we're the same hobbies, even she's kind hindi mo pa rin alam kung ano sino talaga siya at ano talaga ang ugali niya," wika niya. "Anong pinag-uusapan niyo?" humarap ako sa kaniya nang magtanong ito. She was like a little angel innocent but is that her real personality? "Nothing, pinapakilala lang kita sa kaniya," palusot ko kahit na para bang pinanghihinalaan ko ang katauhan niya. Lahat ng tao mabait ngunit nagbabait-baitan nga lang ba siya kapag nakaharap  o talagang mabait kahit nakatalikod na ang kausap niya. Gumilid siya at nakangiting kumaway. "Oh, hello," masaya niyang bati kay Estella. Nilingon ko naman ang kasama ko na alanganing ngumiti kaya't akin itong sinundot upang umayos. "Estella nga pala, Estella siya si Richie," pakilala ko sa kanila. "Nice meeting you, Richie, pangalan mo pa lang yayamanin na," pabirong pa-humble na tugon ni Estella. Nginisian ko siya at pasimpleng inilingan. "Nice meeting you, too." sabay lapit ni Richie at nakipagkamayan sa kaniya. Ibinaling nito ang tingin sa akin, nagtatanong ang kaniyang ekspresyon. "Racelle, anong ginagawa mo rin dito?" Sasagot na ako nang biglang umepal ang kaibigan ko. "Andito siya para bisitahin 'yong lalaking magiging boyfriend niya kuno kaso hindi siya maalala—aw!" kinurot ko siya sa tagiliran dahilan upang hindi na matuloy pa ang idadagdag niya.q "Nakakalungkot naman, but you know what the best way para maalala ka niya just recall all your memories, huwag kang mawalan ng pag-asa. It takes months for him to remember you, but it's worth it because you did your best to remember you." nginitian ko siya sa pagbibigay niya ng payo. "True!" sang-ayon ni Estella sa aking tabi. Ipinaharap ako ni Estella sa pinto saka hinawakan ang kamay ko upang ipuwesto sa door knob. "Siya pasok ka na tapos gano'n na agad ang gawin mo. Pati ako hindi niya gaanong kilala, pero parang matatandaan naman niya ako kasi schoolmates kami no'ng elementary," nakangiting sabi niya na may sutil sa mga labi nito. "So ipinapangalandakan mo talagang ako lang ang hindi niya maalala?" masungit kong sabi sa kaniya. Iwinagayway nito ang isang palad niya at matawa-tawa itong umatras ng isang hakbang. "Pati naman si Melissa, 'di rin niya kilala kaya 'di ka nag-iisa." nginiwian ko na lamang ito sabay irap at bukas ng pinto. Agad akong tumikhim nang maaabutan ko itong nakatingin sa kisame. He look like a depressed person in his position. Nang maramdaman niya ang presensya ng may ay nagbaba ito ng tingin, sinalubong kong muli ang blanko nitong ekspresyon.  What should I do to fill his blank expression into fifty percent nang hindi naman ako manghina sa tuwing nakikita ko siya? Umiwas ako ng bahagya nang hindi ko makayanan ang blanko nitong tingin.  "Ki-Kitian," banggit ko sa kaniyang pangalan. Kumunot ang noo niya saka tumaas ang isa niyang kilay. Naman, Kitian, palagi na lang bang iyang ekspresyon ang ibibigay mo sa akin? Binabawasan mo ang natitirang pag-asang dumadaloy sa akin ngayon. Umawang ang aking bibig nang banggitin niya ang pangalan ko, "Racelle?" Saya ang gumuhit sa aking mukha, maging ang dugo ko ay nabuhay nang banggitin niya ang pangalan ko. "Naalala mo na ako?" masaya kong tanong sa kaniya. "No," napawi ang ngiti ko nang umiling na ito at sa sagot niya. Too much expectation, kills me everyday. "Wala akong naalala tungkol sa 'yo but I only remember your name and what you have said to me that I am your ex-boyfriend before and you are my friend right now." kahit papaano ay hindi tuluyang nalanta ngayon ang bulaklak na aking pag-asa. He remember me as his friend, and I am now okay with that than nothing. Kahit hindi na niya naalala na magkakabalikan kami dapat, pero gagawa na lamang ako ng paraan. Siguro naman hindi pa huli ang lahat ngayong naalala na niya ang pangalan ko. He already know the very short detail about us before. "Para bang dating magka-ibigan ngayon magkaibigan na." he laugh. Nakitawa na lang din ako sa kaniya kahit na para bang tuwang-tuwa pa siya. "Anong nakakatawa do'n? Sapukin ko gusto mo?" bulong sa akin ni Estella. Nagpakawala ako nang buntong hininga. "Huwag na baka makalimutan niya ulit ako, naaalala na nga niya pangalan ko at kung anong meron kami tapos gusto mo pang sapakin?" Hinawakan niya ang balikat ko. "Nagbibiro lang ako," sagot niya. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya nang magsalita ito. "You are Estella, right?" tanong niya at kinikilatis si Estella sa pamamagitan ng pagtitig. "Ako nga, akala ko nakalimutan mo na ang magandang nilalang na tulad ko." sabay flip ng hair niya, napaubo naman ako sa sinabi niya. Tumawa si Kitian. "Bakit naman kita makakalimutan? You were the nerdy one when we are still grade school back then," pag-alala niya. Only my name he knows. World why are you so unfair to me,? Why can't you give me a happy life for the moment? "Teka... nasaan na si Richie?" tanong sa akin ni Estella. Tiningnan ko naman ang nasa likuran ni Estella ngunit wala. "Nasa labas pa ba?" nagkibit-balikat ako sa tanong niya. Lumabas siya upang tingnan si Richie habang kaming dalawa ang naiwan sa loob. Nagpapakiramdam ang aming tema at tila nagkakahiyaan kahit na'y dalawang araw lang naman akong nawala. Why so awkward? Bakit para yatang naiwan ko dila ko at hindi ako nagdadaldal ngayon? "K-kumusta ka na?" nauutal kong tanong. "Nakikita mo naman ako 'di ba?" pilosopo niyang sagot. Tumango-tango ako, "S-sabi ko nga," napahiyang sagot ko. Umalingawngaw ang mahina niyang tawa nang sandaling tumahimik kami. "Kidding, I am fine," seryoso nitong sagot sa kalagitnaan ng pagtawa niya. "Ikaw, kumusta ka na? You look so tired," may kaunting pag-aalala ang boses niya. "I am tired thinking of you." mahina kong sabi sa aking sarili na halos pabulong na lamang. "Saying something?" "May problema lang," sabi ko sabay ngiti ng alanganin. Mayamaya bumukas ang pinto at umingay ang kuwarto nang magsalita si Estella. "Racelle, si Richie." lumingon ako sa kaniya, akmang ipapakilala siya sa kaniya nang manliit ang mga mata niya sa lalaking nakaupo sa kama. "He-hello, teka... you look familiar..." lumipat ang tingin ko kay Kitian na nanliit din ang mga mata niya. Did they know each other? Umawang ng bahagya ang labi ni Kitian at tila napatitig na ito sa babaeng kakapasok. "Ikaw yung yumakap sa akin do'n sa cemetery, pinagkamalan mo akong ex mo!" pasigaw na wika ni Richie nang maalala niya, may kasamang pagtipak pa. Nagkatinginan kami ni Estella at nagkibit-balikat ako. Tiningnan ko ang pagkunot ng noo ni Kitian hanggang mayamaya  ay sumilay ang ngiti nito sa labi at inangat ang hintuturo. Akala ko sasabihin niya, "You look familiar" din ngunit bakit tila nasaktan ako kahit hindi naman gano'n kalalim ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi? "You are beautiful." He just complimented her, right and why my heart hurt a little? Pinagmasdan ko si Kitian na ibang-iba ang ekspresyon nito kaysa sa akin tuwing nagkikita kami at kinakausap. Tuwang-tuwa at sabik na sabik ang buong ekspresyon niya ng aking titigan na makita ang babaeng nasa harap niya ngayon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD