Chapter 15

4020 Words
Racelle POV Nakakapanibago, akala ko nasa bahay pa ako at ang bubungad sa aking paggising ay si Mama na katampuhan ko at si Papa na nagkakape sa hapag dahil male-late na siya sa trabaho, ngunit hindi na pala. Paggising ko'y ibang pamilya ang bumungad sa akin. Their laughters that they are  all happy, their serious conversations suddenly turn ito funny conversations. It's nice to be with this family, I can feel that I am part of their family, they treat me nice as their own daughter as well as Estella who treats me that I am her own sister, but I also feel the being out of place. "Hindi ka ba aalis? You can come with me," aya sa akin ni Estella nang lapitan niya akong nakaupo sa kanilang terrace. "Magtuturo ka hindi ba? Baka mamaya maging crush na ako ng mga estudyante mo," biro kong sagot sa kaniya. Nginiwian lamang ako nito at pinaglaruan ang aking buhok sa pagkukulot-kulot niya ito. "Piling. Sumama ka na sa akin, wala ka namang gagawin dito sa bahay baka mamaya mabigti ka na niyan dahil sa pagpuri ni Kitian kay Richie kahapon." sumimangot ako nang maalala iyon. Aminado naman akong mas maganda nga si Richie kaysa sa akin, saka natural na mabait kaysa sa akin. Umiling-iling ako nang naikukumpara ko na ang sarili ko kay Richie. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, patuloy pa ring kinukulot nito ang buhok ko. "Maganda ba ako?" tanong ko sa kaniya. Tinitigan ako nito habang nakangising sinusuri ang mukha ko. Tumigil siya sa paghaplos sa aking buhok, lumawak ang ngisi niya sa labi. "Aba malay ko, tanungin mo si Kitian kung maganda ka." sinimangutan ko ito at inirapan. Tinatanong ng maayos, 'di man lang sinagot tanong ko. Walang kuwentang kaibigan, 'di man lang ako pinuri. "Bakit ba? Kung gusto mong gumanda lalo, magparetoke ka." sinamaan ko siya ng tingin. Nginiwian ko ito sa kaniyang napakagandang suhestuon, napakalaki talaga ng maitutulong nitong kaibigan kong ito. "Seryoso, maganda ba ako o mas maganda siya sa akin?" tumingala ako sa kaniya upang makita ko ang ekspresyon niya subalit nakangisi ang lokong babae. "Confucius said, 'everything has its beauty, but not everyone can see it.'" and she wiggled her brows to me. Nagbaba na lamang ako ng tingin saka iniwas ang tingin sa kaniya. "Bakit ka ba nag-aalala? Sinabihan lang siyang maganda, ganiyan ka na. Ang alalahanin mo 'yong sinasabi mong fashion show mo this month, puro ka na lang Kitian, wala man lang ding nangyayari sa inyong dalawa," paalala niyang wika sa akin. Bumuntong hininga ako nang maalala rin ang isang 'yon. May naumpisahan na akong i-sketch but my focus is not their. Masyadong magulo ang utak ko, parang gusto ko ng umayaw na ipagpatuloy lalo na't may dalawang linggo na lang akong natitira para mag-prepare. "I haven't start yet," nakanguso kong wika. "Ayan kasi Kitian na lang palagi, pangalan lang naalala niya ate, hindi ang sinabi niya no'ng huli siyang maaksidente. Di ba ang sabi niya, he wants you to be his girl again and now that he can't remember anything, you are the one who will fulfill what he said, but it seems like you don't totally love him." agad akong napatingin sa kaniya matapos nitong magsalita. Tumaas ang dalawang kilay ko sa kaniya habang nakaawang nang bahagya ang bibig ko. Tumaas din ang kilay nito sa akin, "Am I, right?" she asked but I didn't answer her. Marahan ko siyang itinulak palayo sa akin at isinenyas ang kamay kong umalis na ito. "Late ka na, baka mamaya..." nakangising sabi ko dahil masyado ng dumadaldal si Estella, ayaw ng marinig ng tenga ko ang pag-rewind sa nangyari kahapon. "Tara na kasi," pilit nitong paanyaya sa akin, hinawakan at hinila pa niya ang kamay ko. Pilit akong pinapatayo habang lalo naman akong nagpapabigat. Pinasadahan ko ang suot niya, fit na fit ang palda nito sa madaling salita bagay na bagay niya ang uniporme nila. Pilit ako nitong hinihila patayo kaya’t napahawak ako sa sandali upang suportahan ang sarili. "Naka-pajama pa ako tapos isasama mo ako?" binitawan niya ang kamay ko’t sinimangutan. Padabog itong tumalikod sa akin. Bakas sa boses niya ang tampo nang magsalita siya habang napapangiting nailing na lamang ako sa kaniya. "Siya kay Kitian ka na nga lang ulit magpunt—" naputol ang kaniyang sinasabi nang dumungaw sa pinto ng aking pinagkuwa-kuwaruhan ang Mama niya. Nginitian ko si Tita na s’ya namang tinanguan ako nito. "Anak, may bisita kayo sa labas," sabi nito nang ilipat ang tingin kay Estella. Lumingon si Estella sa aking nagtataka ang mukha, nginisian ko naman siya. Baka si bebeloves, ex-boyfriend niyang si Justin. "Sino raw po?" tanong ko kaagad upang makumpirmang si Justin nga at kung si Justin o bagong manliligaw ni Estella ay susutilin ko rin nang makabawi naman ako sa kaniya. Dali-daling lumabas sa kuwarto si Estella, sumunod ako upang tingnan din kung sino ang espesyal na bisita ng aking kaibigan. Hindi pa nito nabubuksan ng tuluyan ang gate ay nagsalita na siya, "Oh, si Richie.”  nandilat ang mga mata ko sa narinig. Bakit siya nandito? “Hi, Richie!" masiglang bati ni Estella nang mabuksan niya ang gate. Nakangiwi ko naman siyang kinawayan. Tiningan kami ni Estella pareho. Akala ko makakalimutan na niya ang daan papunta sa bahay nila Estella, ngunit nakalimutan kong nag-stay rin pala siya dito sa Plipinas at hindi siya makakalimutin. "Papasyal kayo ni Racelle?" tanong ni Estella, nanatiling nakatuon ang mga mata ko sa palangiti, maganda at simple niyang mukha. No wonder if someone see her will be at the stage of love at first sight. Her beauty is jaw-dropping, maybe that is she got for living in the abroad for years. Nahihiya itong kumamot sa kaniyang ulo at binigyan na naman akao nito ng tinging nanghihingi ng paumanhin. "S-sana pero hindi na naman matutuloy, ako ang in charge na magbabantay kay Lolo for one week, so I came here to apologize and to inform you again. I’m so sorry, Racelle,” hingi niya ng paumanhin sa akin. Sabi ko na ng aba, hindi na naman matutuloy. Bakit pa ba kasi ako aasa and it seems like she wants to see Kitian, again. Why my blood is at on the boiling point already? Hindi dapat ako mainis kay Richie saka bakit ako naiinis? Suminghap ako’t tumango. “It’s okay, I understand.” tumikhim si Estella sa aking tabi, pinasadahan ako nito ng tinging nang-aasar. Tumaas baba ang mga mata niya. Sinikil ako sabay tawa nang mahina. “She’s not really okay, she’s just pretending and you know what, she is jealous because K— ouch!” kinurot ko siya sa braso upang tigilan niya ang mga walang sense niyang sinasabi. Akmang magsasalita pa ito nang takpan ko ang bibig niya at pinandilatan ng mga mata. “Huh?” takang kibo ni Richie. Alanganin akong ngumiti kay Richie, napaka-inosente ng ekspresyon niya. Wala talaga siyang naiintidihan sa pinag-uusapan namin. Minsan mahirap pala ang magsabi ng mga saloobin sa kaibigan, idadaldal kasi sa iba at mapapahiya ka pa. Nahihiya akong umiling saka iwinagayway ang palad. “Don’t mind her, she’s just saying something because she’s not yet over from his ex-boyfriend.”  sabay tapik-tapik ko sa balikat ni Estella. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ko, sabay kurot dito. “What? Naka-move on na ako ‘no, may girlfriend na nga yata dahil hindi na nagpaparamdam.” natawa ako habang sinasabayan ng pag-iling. Move on? “Parang nagseselos ka, ah, parang hinahanap mo presensya niya. Parang gusto mo pa si— aray!” hindi natapos ang sinasabi ko nang ako ay muli niyang kurutin ngunit sa tagiliran naman. Sinamaan ko ito ng tingin dahil walang hiyang kaibigan, napaka-sadista. “Manahimik ka," mariin niyang tugon sa akin na dilat na dilat ang mga mata nito sa akin. Bumungisngis ako at dumila sa kaniya. "By the way, kailangan ko nang umalis, late na ako saka Richie," sabi niya sabay baling ng tingin sa tahimik lamang na si Richie sa aming tabi. Tumaas lang ang dalawang kilay nito sa amin bilang pag-imik niya. "Racelle is going to the hospital too, kung gusto mo sabay na lang kayong pumunta do’n at makipagkuwentuhan ka ulit kay Kitian.” nandilat muli ang mga mata ko sa sinabi ni Estella sabay kamot sa aking batok sa namumuong inis para sa aking kaibigan. “Really?” tiningnan ko ang sumaya at tila nabuhayang si Richie. Bakit may ganito akong kaibigan? Sinabi ko na nga sa kaniyang ayaw ko na kay Richie ngunit ipinagtutulakan niya pang magkita sila ni Richie. Why my friends make it complicated? Tumango si Estella nang nakangisi. “Yes, she said that.” Sa tuwa ni Richie ay hinawakan niya ang kamay ko. There is something that I want to assure. “Really, puwede lang sa ‘yo kahit hindi ka niya pinapansin?” Tiningnan ko si Estella na kay lawak ng ngisi sa akn. Nagdidiwang dahil nanalo sa aming pag-aasaran. Nag-irapan kami sa isa't isa. Ngumuso ako sa kaniya sabay irap muli. “Uhm… uhm… o-okay lang,” nakangiwi at alanganin kong sagot. Pilit na ikinukubli ang pagkalabag sa kalooban sa pamamagitan ng pekeng ngiti. Gosh! Huwag ka sanang gumawa ng ikakainis ko sa iyo, Richie. Ayaw kong magbago ang pagkakaibigan natin kahit hindi tayo gaanong close. “See, okay lang. pumasok ka na sa loob at hintayin mo na siya sa sala," sabi niya kay Richie at inilipat ang tingin sa akin. Sinalubong ko ang nakakaasar niyang tingin nang masama kong tingin. "Racelle, magbihis ka na with hood, ha? Para may pantalukbong ka kapag naiiyak ka na sa tuwa sa kuwentuhan ni—” “Estella!” mariin kong tawag sa pangalan niya. Itinikom nito ang bibig niya saka nakataas ang isang palad niya. Lumawak ang ngisi niya at kumaway na ito sa amin nang may tumapat na tricycle sa gate. “Bye-bye!” bago umandar ang tricycle at binigyan ko siya nang inis na inis na irap. Sarap sabunutan ang babaeng ito. -- Naiilang akong sumasabay sa kaniyang naglalakad. Pinagpapawisan na rin ang kamay ko sa paghawak nito. “Bakit hindi ka nagsasalita? He’s really nice at ang ganda niyang kakuwentuhan.” Ngiting-ngiti siya at masasabi kong masaya siya kahapon. She really enjoy talking with him habang ako, dekorasyon lang yata do'n na hindi man lang magawang pansinin. Gustuhin ko mang sumingit, sumabat, sumabay sa kanilang pinag-uusapan ngunit napupuno ng tawanan ang dalawa kaya't pasimple ko na lamang kinakausap ang sarili ko, Estella witnessed it. Tawa nga nang tawa ang babaeng iyon pagkauwi namin. Na-love at first sight nga rin ba si Richie sa kaniya? Hindi ko na ipagkakaila kahapon at magpa-hanggang ngayon na naiinggit ako, nagsisising ipinakilala ko siya kay Kitian. “Hindi naman niya ako pinapansin,” nakanguso kong sabi. Alam niya ba ang pakiramdam na hindi pinapansin ng ilang oras? Gusto ko ngang sabihin na huwag na lang silang magkita, ngunit ang bastos naman ng dating ko 'di ba? “Then call his name, you two are friends right at imposible namang hindi ka niya pansinin. Hinihintay ka lang siguro niyang magsalita,” sabi niya sa akin, nagkibit-balikat ako at humaba lalo ang pagkakanguso ko. Kapag gagawin ko ba 'yon, hindi na ako magmumukhang timang? Hindi na ba ako nukhang pader lang do'n? Humigpit ang hawak ko sa sketch pad sabay pakawala nang malalim na buntong hininga. “Hinihintay na magsalita o talagang nasa sa ‘yo lang ang mundo niya?” pabulong kong wika. Ngumiwi ako saka umikot ang mga mata. “May sinasabi ka ba?” imik niya. Umiling ako at humagikgik. “Wa-wala, ang sabi ko… siguro gano’n nga. Magsasalita na ako mamaya para hindi ako magmukhang ewan do’n.” Tinutungo namin ang hospital room kung saan naka-confine ang Lolo niya. “Tristan chatted me last night,” sabi niya na ikinalingon ko. “Then?” bakas sa boses ko ang curiosity. Tinitigan ko ang ngiti niya sa labi. Binabasa ang kaniyang ekspresyon, gustong-gusto magtanong kung nabanggit ba niya ako o hindi. Hindi pa rin matatanggal sa akin ang pag-aalala, besides I still consider him as my friend even I am stranger for him. “Nangangamusta lang naman at nasabi ko ring na-meet kita at na-meet ko na rin si Kitian.” “How is him? Is he fine there?” tanong ko sa kaniya na hindi napigilang tapikin siya sa braso. “Yes, he’s fine. Busy siya sa trabaho as well as me when I was still there so we didn’t meet, he was very sorry last night and he ask me to meet him, pero nasabi ko ngang andito ako sa Pilipinas.” tumango-tango ako. “Hindi na ba siya babalik dito?” tanong ko. Hoping that he'll come back here for me to apologize personally dahil hanggang ngayon, nagui-guilty ako. Parang ang laki-laki talaga ng kasalanan ko sa kaniya. She shrugged her shoulder. “He didn’t mention anything, and I guess he’ll not going back because he’s doing well in Australia, maybe he will go here for vacations and go back there. I don’t know to him.” Bubuksan na niya ang pinto kung nasaan ang Lolo niya nang hawakan ko ang kamay niya. Aligagang tinitigan siya at nahihiyang sabihin ang gustong itanong. Kagat-kagat ko ang labi ko, hindi mapakali at hindi alam bumuwelo. “Hmm… may ikinukuwento ba siya sa ‘yo, about…” Tinitigan lang ako nito, hinihintay ang aking sasabihin. Ngunit kusa ko na ring tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay niyang pumipigil sa pagbukas ng pinto. “Wala naman siyang ikinukuwento, saglit nga lang kaming nagkausap dahil patulog na siya that time so we didn’t talk a lot,” sagot niya kaya't tumango na lamang ako. Naghintay lang ako sa labas hanggang sa magsalita ito nang kaniyang silipin ang Lolo niya. Kumunot ang noo ko nang isinara niya ang pinto at hindi na pumasok. “Oh, he’s still asleep so kay Kitian muna tayo, babalikan ko na lang si Lolo and I will ask some nurse here na bantayan muna.” umawang ang bibig ko. Bakit kay Kitian? Hindi ba puwedeng bantayan na lang ang Lolo niya? “Bakit hindi na lang ikaw ang magbantay? Baka tulog pa rin si, Kitian,” sabi ko, gumagawa ng paraan para 'di na siya pumunta do'n at hindi na sila magkita. Sumimangot siya na aking kinaawaan. “Nabo-bored ako do’n and I am sure that you will be bored too if Kitian is still asleep, so I’ll company you there.” umismid ako saka pasimpleng tumingala. Diyos ko, ano na ang gagawin ko? Gusto kong mapalapit si Kitian nang maalala niyang may pangako pa siya sa akin, ngunit bakit parang ayaw yata kaming magkalapit? Huminga ako nang malalim sabay ngiti habang ikinakaway ang palad. “N-no, hindi ako mabo-bored. Mags-sketch ako at baka hindi lang din tayo magkausap masyado,” sagot ko sa kaniya. Paano ba ito mapapaniwalang hindi na niya kailangang pumunta do'n na ayaw kong magkita sila. “It’s okay, I will stay there para hindi naman ako mag-isa.” bumagsak ang balikat ko sa narinig. Tila binuhusan ako ng isang timbang may mga bato. “Okay.” kahit na labag sa kalooban ko'y tumalikod na ako at tinahak anh daan patungo sa kuwarto ni Kitian. Hindi pa rin ako tumitigil sa pagdadasal ng palihim na sana magbago ang isip niya. Tumigil ako nang hindi ko marinig ang pagtunog ng kaniyang takong sa puting tiles ng hospital. Tinandaan ko ang mukha ng nurse na hinabilinan nito. Hinintay ko siya sa tapat ng pinto upang sabay kaming pumasok. Richie, I don't know you well, but my heart says I shouldn't trust you but you are my friend. Kinakalaban din ba ako ng sarili ko? Binuksan ko ang pinto at sumilip. Nakita ko ang walang ngiting si Kitian na nakatingin sa akin ng seryoso. Lumunok ako saka pinaunang pinapasok si Richie. Saya sa boses niya'y aking napansin. “You’re here,” masayang bungad ni Kitian. Ang lawak ng ngiti niya habang napapakurap ako ng ilang beses. “And she’s also here, Racelle.” sabay turo sa akin ni Richie, kumaway lang ako at ngumiti sa kaniya ngunit mabilis niyang inilipat ang tingin kay Richie sabay ngiti rito nang malawak. “I know. Akala ko hindi ka na babalik and thank you for yesterday, I really enjoyed talking to you.” iminuwestra ni Kitian ang upuan na nasa tapat niya. Pinaglaruan ko na lamang ang sapatos kong tinatapik-tapik ang tiles. Maglalaro na ba akong mag-isa dito nang mapansin din naman niya ako? Sisigaw ba ako nang maka-join naman ako. What should I do, self? I am being pathetic here. “I will be here for one week, nandito rin si Lolo sa hospital and I guess Racelle will allow me to visit you here for one week while I am still here,” nakangiting sabi ni Richie saka ito lumingon sa akin. Tiningnan ko lang siya at tiningnan din si Kitian na ang sama ng tingin sa akin. “Of course, you’re allowed to come here, Racelle is just my friend at walang namamagitan sa amin.” sabi niya at inalis nito sa akin ang masamang tingin. “Double pain,” bulong ko sa sarili at kinurot ang palad. Ngumiti akong tiningnan sila pareho, nakangiti at ang tingin nila'y nasa kanila lamang dalawa. Hindi man lang ako napapansin, hindi man lang nila magawang lingunin ako at sabihang 'Halika dito, makipagkuwentuhan ka'. Nahihiya naman ako dahil may sarili silang mundo at hindi man lang ako inaya. Nakakahiyang sumabat lalo na’t iba ang tingin sa akin ni Kitian. Sinubukan kong tumikhim ngunit hindi nila ako pinansin. “Mag-usap lang kayo d’yan, ha? Sa labas na lang ako, ‘di kasi ako makapag-concentrate kapag dito ako mags-sketch,” agaw ko ng atensyon nila ngunit wala pa rin. Umiling-iling na lang ako sabay ngiti at simangot saka ngingiti ulit. “Okay, may mundo na sila. Hello, Racelle, labas ka na, wala ng nakakapansin sa ‘yo. Kumusta naman pero ang puso mo? Ayos pa ba o sa sobrang dami ng tahi, hindi mo na malaman kung nasasaktan ka pa ba?” kausap ko sa aking sarili. Pinukpok ko ang ulo saka pumikit ng mariin. Lumabas na lamang ako at naghanap ng mauupuan sa nakahilerang upuan do'n. Tahimik kong inilabas ang mga gamit ko at nag-umpisang mag-sketch ngunit ilang malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, my mind is not here. Lumilipad na naman sa ere ang utak ko. Iidlip na sana ako sa aking kinauupuan nang naagaw ng atensyon ko ang doktor na dumaan. Pinaningkitan koi to ng mga mata at naalala ko siya ‘yong doctor ni Kitian. Agad akong tumayo upang habulin at sabihing may happy moment na nagaganap sa loob. Baka kasi masira ang mood ni Kitian at hindi ako kausapin gaya nang nangyari kahapon dahil sa doctor na gusto lang namang i-check ang kalagayan niya. “Doc., may kausap siya kaya huwag niyo munang istorbohin, mamaya niyo na lang po siguro siya tingnan after ten minutes,” sabi ko nang ako’y tumigil sa harap niya. Pinulot ko ang nahulog na lapis saka ngiting ewan na tumingin sa doctor. “May sasabihin lang naman ako sa kaniya,” sabi nito sa akin. “A-ano po bang sasabihin niyo sa kaniya? Ako na lang magsasabi mamaya kapag wala na ‘yong kausap niya.” tiningnan lang ako ng doctor kung katiwa-tiwala ba ako. Naman, mapagkakatiwalaan ako, lagi ngang nasisira ang tiwala ko sa lubos na pagtitiwala. Kalaunan ay ngumiti rin sa akin ito na siyang nagpagaan ng kaunti sa loob ko. I’m sure that this is a good news. “I just want to say a good news, anterograde amnesia is unable to create new memories, but in his case, he is now be able to create new memories. As I checked him last night, he already knows my name and we hope that his recovery will continue until he remembers everything.” “That’s great. Thank you, doc.” ngiting sagot ko saka umalis na ang doktor. Nilingon ko ang pinto kung nasaan si Kitian na masayang nakikipagkuwentuhan kay Richie. Kaya pala hindi na ako nagpakilala pa kahapon. If he is now able to create a new memory, this is the right time for us. Dali-dali akong lumapit sabay tikhim upang mawala ang kaba at makakuha ng lakas ng loob na sumabat bago pihitin ang seradura, gumuhit sa labi ang pekeng ngiti ngunit hindi nila napansing nakapasok ako. Bakit parang may something? Tawanan at ang paghampas ni Richie sa braso ni Kitian ang nakikita ko. Why this two looks like happy? It looks like they have their own world that no one canenter nor interrupt their conversations. Seems like it is a barrier between the three of us. And it looks like I am invicible here. Kumaway ako sa kanila habang nakangiti pero hindi nila ako pinansin. Tumikhim ako nang may kalakasan at sa wakas napalingon ang dalawa sa akin. “Sorry to interrupt you, Richie, gising na raw Lolo mo at hinahanap ka.” I bit my lower lip as I said those words. Nagsinungaling ako, tiningnan ko lamang silang nagkatanginan, unti-unting nababawasan na rin ang lawak ng ngiti ni Kitian. Pinakinggan ko lang ding nagpapaalam siya kay Kitian. Pilit kong tinabunan ang emosyon ko sa mga mata upang hindi niya mapansin, lalo na si Kitian na nababasa niya ang mga nasa mata ko. nang humarap si Richie at Kitian sa akin ay ngumiti ako nang nakalabas ang aking ngipin. “Babalik ka ba mamaya rito?” tanong ni Kitian, his smile is slowly fading. “I’ll see. Kung tulog ulit si Lolo or kapag na-bored ako or kapag umuwi si Racelle, I’ll volunteer para bantayan ka.” “No need, I will stay here,” mabilis kong sagot, napatigil at tumitig sa akin si Richie kalaunan ay tumango rin ito. Masyado ka ng napaparami, ako rin naman ang pasunudin mo sa kaniya. Kahapon lang kayo nagkakakilala, may ganiyan na. Samantalang ako halos araw-araw, pero makakalimutan niya at magiging decoration lang? “Okay, thank you Racelle.” ngumiti lang ako nang ako’y ngitian niya. Hinintay na lampasan ako ni Richie habang nakatayo sa bukas na pinto. Nang makalabas siya ay napalingon ako sa kaniya. My eyes were sorry. I am sorry, Richie but I don’t want you to be close with him. This is now my chance to make it up, but when you are here, and seeing Kitian’s happy face with you, I can’t bear those. Mas lalo lang kasi ipinapamukha sa akin ng tadhana o sabihin na natin ang buong mundo na isa akong malaking TANGA dahil hinayaan kong mawala ako ng tuluyan sa isip n’ya. Tahimik kong isinarado ang pinto. “Gutom ka ba?” tanong ko sa kaniya nang mapatingin ako subalit tinalikuran niya ako at humiga na lamang. “Inaantok ka?” tanong ko ulit ngunit nagkumot lang ito sabay ungol ng ‘Mmm’, sagot niya’y oo. Palihim akong suminghap at kinurot ang sarili. “Okay, I’ll stay here at sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka o may gusto kang kainin,” hirap kong sabi habang nagpipigil na gumaralgal ang boses ko. Umupo ako sa mono block na nasa tapat niya dala ang aking sketch pad. Nakaharap pala ito sa akin kaya binigyan ko ito ng matamis at malapad na ngiti, tipid at parang pilit naman ang ibinigay nitong ngiti sa akin saka ito tumalikod ng higa, naging tipid ang ngiti ko at napakurap ng tatlong beses sabay iling. Why are you so cold to me? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD