Racelle POV
Inabot ko ang cellphone kong nagcha-charge nang makita kong umilaw ang screen nito. Binasa ko ang text na nanggaling kay Estella at Claire. Nang-iinis na naman ang text ni, Estella. Wala sigurong magawa sa buhay ang babaeng ito kaya inaasar ako.
From: Estella
Ano OP ka diyan ‘no? Tara, umuwi ka na samahan mo na lang akong mag-check dito dahil may gagawin pa akong daily lessons at gagawa ng report. Umuwi ka na, bukas papagandahin kita nang ‘you’re so gorgeous’ matching laglag panga pa si Kitian kapag nakita ka.
To: Estella
Magpaka-busy ka diyan sa ginagawa mo saka dito ako matutulog baka mapunit ko pa lahat ‘yang mga ginagawa mo dahil paniguradong aasarin mo ako.
Tiningnan ko na muna ang tulog pa ring si Kitian. Siyam na oras na itong tulog at hindi pa siya kumakain magpahanggang kaninang tanghali, halos hindi nga siya gumagalaw, nanatiling nakatalikod pa rin sa akin. Humihinga pa naman nang i-check ko kanina. Ewan ko ba kung nagpapanggap lang ba itong tulog pa rin o talagang tulog nga siya. Pinuyat ba ni Richie ito kagabi? She’s here last night so maybe they really spend time to each other kaya gano’n sila ka-close, but it’s unfair, right?
Binuksan ko ang text ni Claire. Siguro may problema na naman ito sa boyfriend niya kaya napa-text. Binasa na lamang ang laman ng text niyang malaman ko kung iyon nga ang sinabi niya.
From: Claire
Where are you? Let’s have some dinner here with Mike, William, Melissa and Justin at our house if you aren’t busy.
Ngumuso ako nang aking mabasa, nagkamali ako akala ko may war ang dalawa. Claire is always texting me if she has a problem that she can’t solve, mostly it’s all about Mike. Lately, wala akong natatanggap na text niyang nag-away na naman sila ni Mike. Mukhang gumaganda na ang mood ni Claire kay Mike, maging ang f*******: pictures nila ay palaging bumubungad sa newsfeed ko. Nag-reply akong hindi makakapunta at paniguradong hindi rin pupunta si Estella dahil busy ang isang iyon at isa pa, nando’n si Justin. Pero napapansin ko namang ‘di na masyadong affected ang dalawa sa isa’t isa, I can see that the both are on moving stage and I feel happy for them because they accepting their fate.
But still no one knows if the both are now get over. Wala namang nababanggit sa akin si Estella, at si Estella kasi ay hindi gaanong marunong i-voice out ang nararamdaman niya pagdating sa special someone ng buhay niya. You see her jolly but no one knows if she still into him or not already. Agad akong tumayo nang makita kong gumalaw si Kitian. Ibinalik ko sa lamesa ang cellphone kong nagcha-charge.
“Gising ka na ba? Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? May kailangan ka?” pagbuntong hininga lamang niya ang naging sagot nito sa aking mga sunud-sunod na katanungan. Nag-aalangan kong hawakan siya sa balikat na nanatiling nakatalikod sa akin pero wala na ang nakatalukbong na kumot sa kaniya, natatakot akong baka bigla niyang hawiin ang kamay ko.
“Hindi ka pa ba gutom?” tanong ko sa kaniya ngunit gaya ng kaninang tanong ko ay wala siyang naging sagot. Yumuko ako at napaupo sa aking kinauupuan kanina.
“Naiinis ka ba sa akin? Nagagalit? Ayaw mo ba sa presensya ko? Sabihin mo lang sa akin nang maging aware naman ako. Pakiramdam ko kasi ayaw mo sa akin, parang naiinis ka na hindi ko maintindihan. Sorry kung may nagawa man akong ayaw mo, sorry kung nakukulitan ka na sa akin, sorry at palagi akong nandito.” kinagat ko ang ibabang labi ko sabay hawak nang mahigpit sa palad ko. Sobrang lamig niya sa akin, mas malamig pa nga siya kaysa sa aircon at naninibago ako sa pakikitungo niya. Mas maganda pa pala ‘yong dating paulit-ulit ang pagkilala ko, atlis do’n alam kong may dinadamdam siya and he is difficult to create new memory unlike right now. Hindi ko na alam kung saan ilulugar ang sarili ko sa kaniya, nasasaktan ako. Para kasing may galit ito sa aking hindi ko maintindihan kung ano.
“Siguro naman silence means yes ang sagot mo sa mga sinabi ko. Hindi ka naman pipi ah, sumagot ka naman diyan, oh. Gusto mo bang makita si, Richie? Sabihin mo lang dahil papupuntahin ko siya rito nang umimik ka lang. Para kasi akong multo dito sa tabi mo,” sabi ko sa kaniyang nakatingin lang sa maganda niyang likod.
“Huwag na dahil paniguradong tulog na siya. Alam kong nagsisinungaling ka lang kanina, and why did you do that?” malamig niyang tanong, napalunok ako sa sinabi niya. He caught my eyes earlier so he knew it.
“Kaya ba hindi mo ako pinapansin?” tanong ko, malamang iyan nga ang dahilan kung bakit himdi niya ako iniimikan.
“You know what, I really don’t know you. Only your name and you said that you and I are friends at naisip ko ring baka nagsisinungaling ka lang din.” Nalungkot ako sa kaniyang tugon. Ang tingin niya sa akin ay napakasinungaling kong tao, ginawa ko lang naman iyon nang walang masamang intension. Gusto ko lang namang pagpahingain ang inakala kong tahimik na bibig ni Richie nang hindi mangalay at makayanan pa nitong ngumiti nang nakakapang-akit.
“Ganiyan naman palagi ang linyahan mo pero sana aware ka namang nasasaktan ako,” imik ko habang nakaturo ako sa aking sarili kahit na hindi niya nakikita. Sana aware naman siya nararamdaman ko. Yes, I introduce myself as his friend dahil iyon naman talaga kami bago siya maaksidente but unfortunately my smooth life became complicated because of damn confession and aggressive way.
Nadinig ko ang pagbuntong hininga niya. Sa araw-araw na pamumuhay ko sa mundo, hindi na mawawala ang pagbuntong hininga ko at ang pagbuntong hininga niya. Day by day sighing is our only way to make the atmosphere better from silence. “Sana aware ka ring may niloko kang tao. You lied because of what? Nag-uusap lang kami,” sagot niya, ipinapahiwatig nitong napakalaki ng kasalanan ko kay Richie. Isang beses lang naman akong nagsinungaling sa kaniya at hindi naman ito bumalik, ibig sabihin gising nga ang Lolo niya.
Pumikit ako saka pinagapang ang mga daliri ko sa aking kulot na buhok, nagiging dry na stress. Magpagupit kaya ako nang mabawasan ang sakit? Sobrang broken hearted ako – hindi pala, pira-piraso na ang puso ko. “Pagod na ako, Kitian, pagod na akong pakisamahan ka. Hindi mo alam kung gaano mo ako sinasaktan, bawat minuto may kutsilyo kang isinasaksak sa akin,” pumiyok kong saad sa kaniya. Kung gusto niyang maging aware ako, sana siya rin. Hindi lang iisa ang nasasaktan dahil mas nasasaktan ako sa pinaggagawa ko sa aking buhay.
How I wish that this is just a nightmare that I need to wake up for me to not to die, but it is real.
“Huwag kang mag-drama, hindi kita naiintindihan and it seems like you are lying.” lumobo ang pisngi ko sa pagtitimpi ng inis na nadarama ko. Dalawang beses kong pinadaan ang daliri ko sa bumubuhaghag ko ng buhok sabay yuko at padyak ng paa ko sa tiles. Umalingawngaw ang huling sinabi niya sa akin.
“I am not a liar,” kalmado kong sabi sa kaniya. If I am really a liar, why my nose didn’t become like Pinocchio’s nose? People lie to fabricated what have you done, people do it for purpose, but you need to bear with consequences if you do it.
“You are a liar.” umikot ang mga mata ko’t naisarado ang kamao.
“I’m not!” inis kong sigaw sa kaniya.
“And why did you lie?” inis din niyang tanong nang humarap ito sa aking salubong ang kilay nito. Pikit at kagat ko ang ibabang labing nagsalita.
“Dahil ayokong nakikita kang nakangiti sa kaniya, gusto ko ako. Gusto ko ako ‘yong nakakakuwentuhan mo, gusto ko ako kasi sab—”
“So, disgusting, you are so pathetic.” tila bala at kutsilyo ang sinabi niya. Dalawang bagay na nakakapatay ng tao ang dalawang salitang binigkas niya. Disgusting? Pathetic? Did he forget something? He should say this to describe me completely, desperate, stupidest in the world, and a fvking foolish woman. Sasaluhin at sisikmurahin ko lahat ng mga masasakit na salita dahil iyon ang tingin nila sa akin at unti-unti na rin akong naniniwala na gano’n nga ako.
“Oo, pathetic na kung pathetic, desperada na kung desperada, but I am just giving us a chance to be together again. Hindi ba iyon ang hiling mo sa akin bago ka maaksidente? Ow, I forgot, you can’t remember it because all memories that we’re together has been erased.” nakatitig ako sa mga mata niyang naguguluhan. Lumunok ako at humugot ng lakas para magsalita pa.
“Yes, I lied because I want us to build a new memory na kahit hindi mo na maalala ‘yong sinabi mo sa akin. Sounds very pathetic, right? You have anterograde amnesia, an amnesia that unable to create new memories, you only remember your past but you can’t remember what happen in the present, but luckily the doctor said a good news to me a while ago,” sabi ko. Nakatuon lang ang mga mata niya sa akin at salubong pa rin ang kilay.
“He said that you are now able to create new memories. Kaya pala naalala mo na ang pangalan ko at ang sinabi kong magkaibigan tayo kahapon. Alam mo bang madalas akong nagpapakilala sa ‘yo at magkukuwento ako sa ‘yo about our past, about what happened to us and so on to fill your curiosity pero sa pagpikit mo, makakalimutan mo ulit and I will do the same again when you are awake. Hindi ako nagrereklamo, sinasabi ko lang para naman aware kang napapagod at nasasaktan lang ako at hindi si Richie ang sinasaktan ko.” inabot ko ang palad niya ngunit inilayo niya ito. Akmang magsasalita pa ako upang mapakinggan niya lahat at nang maliwanagan siya sa nangyayari. Para maintindihan niya ako at hindi kay Richie lang siya pumapanig. People became blind from what they see without knowing the truth behind it. It’s better to know the whole and being hurt than to know the half of the truth.
“Stop it.” pigil niya sa aking umaambang bibig na magsalita. Kumunot ang aking noo. “Why? Ayaw mo bang marinig? Sinungaling pa rin ba ako sa iyong paningin?” hindi siya sumagot sa tanong ko sapagkat muli niya akong tinalikuran ng higa.
“Just go home.” ramdam ko ang lamig sa boses niya ngunit hindi ko sinunod ang sinabi niya. If I go home, you’ll be with her again and for sure you two were enjoy while I am over thinking and can’t sleep from thinking and from the pain I feel.
“I will stay here, okay lang sa akin kahit hindi mo na ako pansinin basta dito lang ako.” pinal kong sagot saka umupo sa mono block.
“Kumain ka na, matutulog na ako dahil wala akong gana,” malamig niyang saad ngunit nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. I can feel that he doesn’t like my presence. ‘Huwag kang mag-alala, Kitian, susuko rin ako kapag malalaman kong mamamatay na ako at hinang-hina na akong lumaban. Sa ngayon, pagtiisan mo muna mukha ko, hayaan mo muna akong iparamdam sa ‘yo ang natitirang pagmamahal na nararamdaman ko bago ako tuluyang maging manhid.’
“Okay, if that’s want you want hindi na kita kukulitin baka mas lalong hindi mo ako pansinin.”
Tinanggal ko sa saksakan ang naka-charge kong phone at inilagay ito sa bulsa, okay na ang 50 % battery percentage. Binuksan ko ang pinto nang may kumatok. Pagbukas ko sa pinto ay iniluwa nito si Richie na may dala-dalang pagkain. “Kumain na ba siya?” tanong n’ya sa akin. Lumingon ako kay Kitian, dilat pa rin ito at akala ko ay tulog na.
Umiling ako bilang sagot. “I’m not hungry,” sagot ni Kitian.
“Bumili ako ng pagkain para sa inyo ni Racelle, kaya kumain na kayo,” sabi niya. Tiningnan ko si Kitian, nag-iwas agad ito ng tingin sa akin kaya umismid ako at kahit labag man sa kalooban ay nagsalita ako. “Hindi ka pa rin yata kumakain kaya kumain na kayong dalawa dito,”
Tatlong styro kasi ang nasa plastic at hindi naman ako engot para hindi malaman ang kahulugan no’n. Three styro with foods for the three of us. “Ikaw, hindi ka ba kakain?” concern na tanong ni Richie sa akin. Ngumiti lang ako nang tipid saka itinaas ang palad ko sabay sabing, “Kumain na ako kanina habang tulog pa siya. Kayo na lang ang kumain, lalabas lang ako sandali para magpa-load.” pagsisinungaling ko at walang lingon-lingong dumiretso sa labas.
Pagsarado niya ng pinto ay agad akong lumingon doon at lumapit. Idinikit ang tenga sa hamba ng pinto upang pakinggan sila, narinig ko ang boses nilang dalawa at maging ang pagtawa ni Kitian.
“Ang sarap naman ng pagkain. Matagal na akong hindi nakakatikim ng ganito.” boses ni Richie na bakas ang saya habang nandoon naman ang pagtawa ni Kitian.
“Me too, it feels like I am newly born baby.” Sabay tawa nilang dalawa. Mahina na lang din akong tumawa habang pinapakinggan sila, nagpipiling kasama nila sa loob at ini-imagine na nakikitawa rin ako sa kanila.
Sa kahinaang ng pagtawa ko ang panlalabo ng mga mata ko. idinampi ko ang daliri ko sa gilid ng aking mga mata, nakapa kong basa na ito. Ayan na, tutulo na ulit ang butil ng luha ko sa saya. This is what I called tears of joy from being invisibly happy.
Tumalikod ako, sumandal sa pinto sabay taas ng dalawa kong palad at nag-umpisang tumipak nang mahina. “Nanay, Tatay, gusto ko ng tinapay,” kanta ko sabay tawa. “Tinapay na happy pill.” suhestyon ko sa hangin.
“Ate, Kuya, gusto ko ng kape,” sabay ngiti ko na parang tanga. “Kapeng nakakapagpatulog, hindi ang pampagising.”
“Lahat ng gusto ko ay hindi nangyayari, lagi na lang akong sawi.” Tumawa ako, hinayaang lumandas ang luha sa pisngi at kahit na pinagtitinginan na ako ng mga dumadaan na nurse ay nginingitian ko lang sila.
Pahiram ng marker, guguhit lang ako ng pekeng ngiti sa aking labi upang makumbinsing ayos lang ako. Pahiram na rin pala ng pulang krayola, kukulayan ko lang ang puso kong unti-unting nawawalan ng kulay.
Pumikit ako at suminghap. ‘Sana puwede akong maglaho ngayon, sana kahit isang araw lang na pahinga nang hindi dumidilat.’