CHAPTER 6: STUDENT LIFE

1751 Words
SHY’S POV “Grabi ang mga tinginan niyo, sis. Siguro nagmamanyakan na kayong dalawa no?” Eskandalusang akusa na tanong ni Daphne sa ‘kin. “Ano? Anong nagmamanyakan, pinagsasabi mo? Ang halay ng utak mo! E, hindi ko nga kilala ‘yong tao.” Nakasigaw kong sagot rito. Gagang ‘to. Kung ano-ano pinagsasabi. Nagmamanyakan daw kami, gaga talaga. Kakahiya sa tao, kung nandito pa ‘yon. Eskandalusa ang bunganga ng bruha! Buti na lamang wala na sila pres, at nakaalis na kanina pa. Kung nagkataon na nandito pa ang dalawa at narinig ‘yong sinabi ni Daphne. Diyos ko, patawarin mo po sana ako. Pero parang magkakasala po ako sa inyo, nang dahil sa walang hiyang kaibigan ko. “E, bakit kailangan mong, sumigaw? Hindi naman ako bingi para sigawan mo! Magkaharap lang tayo, oh…” nakasigaw niya ring sagot sa ‘kin. “Wala akong pakialam. Kung hindi ba naman eskandalusa ‘yang bunganga mo, ‘di kita sisigawan. Letchi ka!” Nakairap kong sagot sa kaniya, sabay talikod. Ewan ko ba, bakit naging kaibigan ko rin ang isang ‘to. Bagay nga talaga silang dalawa ni Jezrah, magsama. Parehong mgfa eskandalusa. Nakakahiya ang mga bruha! “Ngayon nagmumura ka na. Oh, saan ka pupunta?” Aniya niya at sumunod sa ‘kin. “Do’n sa lugar kung saan wala ka.” Walang gana kong sagot sa kaniya. At nagpatuloy na sa paglalakad. “Whatever.” Napairap na lang ako sa hangin. Kahit ‘di ko naman sabihin rito na kung saan ang punta ko, alam kong susunod pa rin ito. Napaghahalataan ko na ngang buntot ko ‘to eh. Pupunta kami ng canteen para bumili ng makakain. Nagutom kasi ako kanina sa pag-uusap namin nila pres, at ‘yong kasama niya. Diyos ko, parang mahihimatay na ako sa sobrang kaba. Buti na lamang ay nairaos ko ang pagsasalita sa harap nila. Kahit nanginginig na ang ang laman loob ko. Grabi naman kasi ang epektong hatid no’ng lalaki na si sir Zeffrey kanina. Parang bawat sulyap at hagod ng tingin niya sa ‘kin ay kakaibang kilabot at libo’t libong boltahe ang hatid niya. Pagkabili ng pagkain ay agad kaming pumunta sa kung saan ang pwesto namin dito sa canteen. Wala naman problema kung saan kami pupwesto, dahil mababait naman mga estudyante rito. Kaso ang ibang mga anak mayaman ay may sariling pwesto rito at talagang nakalaan lang mga table at upoan sa mga ‘to. Minsan naiisip ko kung pera lang ba ang labanan rito sa university. Dahil ang iba naman ay ‘di maghirap sa pag-aaral ay tatapalan lang ng mga magulang nila ng pera. Pero no’ng makaabot ‘yon sa may ari nitong eskwelahan ay ‘di panahintulotan na magbibigay sila ng pera para makapasa lang mga anak nila. At tama naman ang pamamalakad ng may ari nitong university, dahil nagiging fair lang siya sa bawat estudyante. Although, marami namang mga donasyon ang school, galing sa iba’t ibang lugar at mayayamang mga tao. Sa pagkakaalam ko rin ay sobrang yaman din ang pamilya nitong may ari ng university. Sampo raw kasi itong magkakapatid at kilalang negosyante at ma impluyensyang tao ang mga magulang nito. Kaya ‘di nila tinotolerate ang mga estudyante na bayaran lang sila sa school para makapasa. Isususbo ko na sana ang kutsara sa bibig ko nang biglang sumulpot si Jezrah at umupo sa tabi ko. Napatingin ako rito at napakunot nuo nang makita kong masama ang tingin nito sa ‘min ni Daphne. Nakuha ko naman ang ibig sabihin nito, kung bakit ‘di namin siya niyaya na kumain. Magsasalita pa sana ako nang biglang tinaasa ang kamay nito, hudyat na pinapatahimik ako. Napataas ang kilay ko sa ginawa nito. “Ayaw kong marinig paliwanag niyo. Basta ang alam ko, hindi niyo ako sinabihan na kakain kayo.” Sabi pa nito. Hindi naman sa ‘di siya namin sinabihan. Nawala lang talaga sa isip ko, kung bakit ‘di siya namin niyaya na kumain. At isa pa parang lutang din ako kanina. Si Daphne naman ‘di rin niyaya sa Jezrah na kakain kami. “Nawala lang sa isip ko na saibihan ka na kakain kami. Nagutom kasi ako, kaya pumunta kami rito. Si Daphne, rin ay sumunod lang din yan sa ‘kin. Nawala sa isip namin na yayain kang kumain. Kaya ‘wag kang mag-inarte diyan.” Sagot ko rito, sabay subo ng pagkain. “Kahit na. ‘Di niyo pa rin ako, niyayang kumain.” “Edi, kumain kana.” Ang daming sinasabi. Kung kumuha na lang kaya siya ng pagkain at kumain. Kaysa ang idaldal niya diyan at manumbat na ‘di namin siya niyayang kumain. “E, pa’no ka mayaya niyang kumain? Kung akupado isip niyan, do’n sa kasama ni pre, kanina.” Ani naman ni Daphne. Nabulunan naman ako sa sinabi ng gaga. Kahit kailan talaga walang pasintabi ang bibig ng bruha! “Oh. My. G. Sino?” Exaggerated naman na tanong ni Jezrah. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Kaya minadali ko na ang pagkain, para makaalis na sa mga walang hiya ‘to. “Edi sino pa? Si fafalicious, yummilicious lang naman na naka-motor no’ng nakaraang linggo na napadpad sa lugar nito. At nagtanong kung may talyer ba sa lugar niyo.” Kinikilig na sagot ni Daphne kay Jezrah. At ang dalawang bruha tumili pa nang bonggang-bongga! Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang mga estudyante, dahil sa tili at ingay ng dalawa kong kasama. Kaya binilisan ko na ang pagkain, kahit alam kong mabibilaokan ako sa pagmamadali. Kung hindi lang ako gutom, baka nilayasan ko na ang dalawang ‘to! Malapit na sana akong matapos nang may tumawag sa ‘kin. Isa ito sa mga student council sa school. Nagtaka naman ako kung bakit tinawag ako nito. Lumapit ito sa pwesto namin at may inabot na paper bag na kilalang brand ng pagkain. “Pres, may nagpapaabot po sa inyo,” sabi nito. Nagtaka ako kung bakit ako ang binigyan nito. Nakuha naman nito kung ano ang ibig kong sabihin, kaya nagsalita ulit ito. “Pagkain daw ito pres. Nahihiya raw siya na yayain kang kumain kanina sa labas, dahil kasama niya raw si sir Vielle. Kaya binilhan ka na lang daw niya ng pagkain. Pwedi mo rin daw e-share sa mga kaibigan mo, kung ‘di mo maubos.” Sabi pa nito. Si sir Vielle? Omg! ‘Wag niyang sabihin na si sir Zeffrey ang nagpapabigay nitong pagkain sa ‘kin? Pero ba? Magtatanong pa sana ako nang inunahan ako ni Jezrah. Mas excited pa siya kaysa sa ‘kin. “Kanino daw galing?” Tanong ni Jezrah sa estudyante. Napakamot naman ng ulo ang kapwa naming estudyante at nagkibit-balikat. “Hindi ko kilala. Oh, kunin niyo na ‘to. May lakad pa ako,” sagot nito. Inabot ko ang binigay niyang paper bag at nagpasalamat. Agad naman itong umalis pagkatapos kong magpasalamat. Napatingin ako sa dalawa na nanunuksong nakatingin rin sa ‘kin. “What?” Taas kilay kong tanong sa mga ‘to. “Anong, what? I think we need to eat that while were talking. Mukhang masarap ang pagkain at kumain habang nagkukwentohan. You know, what I mean.” Jezrah said. At kinuha sa harap ko ang paper bag at binuksan ito. Akala mo siya ‘yong binigyan! “At ano naman ang ikukwento ko sa ‘yo?” Tanong ko naman rito. Tinaasan ako ng kilay nito, habang nilalabas ang pagkain sa loob ng paper bag na nilagyan ng mga pagkain na pinadala sa ‘kin. “Ako na magkukwento sa ‘yo.” Nakangisi namang singgit ni Daphne. Napapailing na lamang ako sa dalawang ‘to. Bahala sila sa buhay nila. Kinuha ko ang isang lagayan na maliit na may lamang vegetable salad. Tapos na rin akong kumain, pero parang nagutom ulit ako. Ang bango ng pagkain at marami kang pagpipilian. Ang mahal kaya nito, at ‘di afford ng budget ko ang ganitong kamahal na pagkain. Sobrang sarap ng salad. Nakaramdam naman ako nang kilig sa taong nabigay nito sa ‘kin. S**t! ano pa kaya kung niyaya ako nitong kumain. Iisipin ko pa lang. Nakoooo! “Mukhang ang layo na ng narating nang imagination mo, ah. Abot hanggang tenga ang lapad ng pagkakangiti mo, e,” nanunuksong sabi ni Jezrha. Pinamulahan naman ako ng mukha. Nawala sa isip ko na kasama ko pala ang dalawang impakta rito. Napaayos ako ng upo at pinagpatuloy ang pagkain ko. “Sinabi mo pa. Kahit ‘di man niya aminin alam nating kinikilig rin siya,” segunda namang sabi ni Daphne kay Jezrah. “Anong pinagsasabi niyo? Bilisan niyo na kaya nang makaalis na tayo.” Inosenti kong sagot sa mga ‘to. Nang matigil na sila sa panunukso. Baka ‘di ko mamalayan pinatulan ko na mga sinasabi ng mga ‘to. Kainis lang kasi… ‘di ko rin mapigilan ang mangiti dahil kay sir Zef. Naks, sir Zef, agad? Close kayo, teh? Ah… basta, masaya ako, dahil nakilala ko siya! “Nako, ‘wag kami teh,” patuloy na panunukso ni Jezrah. “Whatever.” Nakairap kong sagot sa kaniya. At tumayo na para lumabas. Pero bago ‘yon, ay sinabihan ko pa sila ni Daphne na kung ‘di nila maubos ang pagkain ay ligpitin at bitbitin nila. Dahil kakainin ko pa ito, pagnagutom ako mamaya. Sinabihan pa nila akong matakaw. E, wala akong pakialam, dahil una sa lahat sa ‘kin naman ‘yan, binigay hindi sa kanila! Nauna na akong umalis sa kanila at iniwan silang dalawa. Marami pa akong kailangan taposin. Mabuti na lang ay natapos ko na ang mga list of candidates na makakasama sa OJT. Kasi kung hindi nako, baka mapapatungan na naman ako nang panibagong trabaho. Tulad na lang ngayon, ako raw ang magiging incharge sa buong tourism department na makakasama sa OJT. Dahil ako naman daw ang Rep. President nang school, kaya sa ‘kin nila pinapatrabaho. Akala ko pa naman ‘pag nag-OJT, kami mababawasan trabaho ko. ‘Yon pala, madadagdagan lang. Wala sanang problema kung buong classroom lang namin. E, ang kaso buong departamento nang tourism ang ihahandle ko. Makakapaghugas pa kaya ako ng singgit nito? Tsk! Bahala na nga. Ang importante magawa ko lahat nang trabaho ko, at makapasa ako. Para naman makahanap na ako nang magandang trabaho. Gawin ko na lamang inspirasyon ang lahat ng mga gawain na ‘to. Dahil dito rin naman nakasalalay ang mga grades ko. Buhay estudyante pa nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD