CHAPTER 5: ZEFFREY THE SCHOOL PRESIDENT'S BEST FRIEND

2757 Words
SHY'S POV NATAPOS ang araw nang linggo ay naging busy kami sa nalalapit naming OJT. Kinakabahan na nae-excite. Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari. Basta matapos ang taon na ito, ay makahanap agad ako nang trabaho. ‘Yon ang number one goal ko. Para ‘di na si Nanay magtrabaho. Matanda na kasi ang Nanay ko, kaya ako na lang ang magtatrabaho sa aming dalawa. Dahil ‘yon ang pangako ko sa kaniya. Actually, sa kanilang dalawa ni Tatay. Unti-unti kong tutuparin ang minimithi kong mga pangarap para sa pamilya. Kahit wala pa naman akong may naitupad kahit ni isa. Alam kong ‘di ako pababayaan ng Puong Maykapal. Labis ang pasasalamat ko sa mahal na Diyos, dahil ‘di niya kami pinabayaan ni Nanay, kahit dalawa na lang kami sa buhay. Pupunta ako sa office ng professor’s namin para sa final list ng mga estudyante na makakasama sa OJT. Ako kasi ang napag-utusan, dahil isa ako sa mga representative na may honor sa na turing eskwelahan. Ang iba kasi ay ‘di makakasama sa ‘min, dahil sa mga back subjects nila. Hilig kasi magbulakbol, kaya ayan... di makakasama. Nagsasayang lang sila nang taon sa eskwela. Sa classroom namin so far, lahat kami makakasama. Ikaw ba naman ang nasa lower section, malamang matatalino mga kaklase mo. Spokening, dollars pa nga mga ito. Ang ibang nasa higher section ang ‘di makakasama sa OJT, dahil sa may mga behind pa silang kayang tapusin. ‘Di naman sa hinuhusgahan ko sila, sadyang ayaw lang talaga nilang mag-aral nang mabuti. Sayang ang araw-araw na pagpasok nila sa school, kung ‘di naman nila kayang tapusin. Nang makarating sa pinto ng opisina ay kinatok ko ito ng tatlong beses. Pinagbuksan naman ako nang isa sa mga prof. ng school at pinapasok. Ngumiti ako rito at nagbigay galang at gano’n din ang ginawa ko sa ibang mga kasama nila sa loob nang opisina. Bago ko hinanap ang desk ni Miss Tiangson, at nang makita ko ito ay pumunta agad ako sa office table nito. “Good morning, Miss. Ito na po ‘yong mga list ng mga students na makakasama sa OJT.” Magalang kong sabi sa prof. namin. “Good morning too, Miss Diaz. Thank you!” Pasalamat naman nito. “Walang ano man po. May kailangan pa po ba kayo, prof?” Tanong ko rito. “For now, wala na. I’ll inform you if I have so many things that you can help with.” “Okay po, Miss. Just inform me if there’s any matter that I can help. I have to go.” Nakangiting paalam ko rito. “Sure, Miss Diaz. Thank you, by the way.” “My pleasure, Ma’am.” Tuluyan na akong nagpaalam at tumalikod na rito, para lumabas nang opisina ng mga professors. Pero bago pa ako makalabas ay nahagip pa ng mata ko ang isang teacher namin na lalaki sa dulo. Nakangiti ito sa ‘kin at parang kanina pa ‘ko nito tinitingnan habang kausap ko si Miss Tiangson. Sa ‘kin nga ba? o, kay Miss? I can’t say a specific word, kung sa ‘kin nga ba o kay Miss. Nagkibit-balikat na lang ako rito at nginitian ito pabalik. Nasa hall way na ako nang faculty office ng makasalubong ko ang dalawang lalaking mga propesor sa daan. ‘Di nila ako napansin dahil mukhang masinsinan ang kanilang pinag-uusapan. Gano’n pa man ay nagbigay galang pa rin ako sa mga ito. “Good morning po, Professor Alegre. And Professor Sanchez.” Nakangiting kong bati sa mga ito. Walang humpay na batian ‘to… “Oh, good morning too, Miss Diaz.” Nakangiting bati rin ni Mr. Alegre sa ‘kin. “Good morning, Miss Diaz.” Malamig na bati naman ni Mr. Sanchez. Napabuntong hininga naman ako sa isang prof. na ‘to. Sobrang lamig kung pakikitungohan ako nito. Hindi ko alam kung ganito rin ba siya sa ibang estudyante o bukod tanging sa ‘kin lang. Alam kong istrikto ito at wala ni isang estudyante ang makakaligtas rito. Dapat nakikinig ka sa bawat tinuturo niya, kasi kung hindi ay papatayoin ka niya hanggang sa matapos ang klase niya. Akala mo naman kung high school ang tinuturoan niya. Minsan nahuli ko pa ‘tong matiim kung makatangin. Tapos sabay iwas kong mahuli ko siyang panay ang tingin sa ‘kin. Parang lagi itong galit tuwing makikita ako nito araw-aeraw. Daig pa babaing may dalaw. As in dinaig pa ako! May times din na ‘pagkausap ako nito laging nakaigting ang panga. Parang pinagsakluban nang langit at lupa. Laging madilim ang mukha. Hindi ko alam kung anong ginawa kong mali sa kaniya, basta ang alam ko tuwing nakikita niya ako nag-iiba ang aura nang mukha niya. Na kung makatingin ay parang pinapatay ka, hanggang sa malagutan ka nang hininga. Nang makalampas ako sa dalawa ay nahuli ko pa si Mr. Sanchez na tumingin sa ‘kin. At narinig ko pa ang pinag-usapan nila. Marites ang p*ta! “Nakita ko kanina ang kaibigan ni President. Balita ko matalik na kaibigan ‘yon ni press. At isa sa pinakabatang negosyante na anak ng bilyonaryo dito sa bansa.” Pagmamalaki na sabi ni Mr. Alegre. “Yeah, I heard that too. Pero ‘di ko pa siya nakita nang personal. But I heard a lot of rumors about him.” Sagot naman ni Mr. Sanchez sa kausap. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. ‘Di ko na narinig ang pinag-usapan ng dalawang prof. Dahil lumiko na sila sa corridor papunta sa kanilang opisina. Ako naman ay mahaba-haba pa ang lalakarin dahil may kalayuan ang opisina sa classroom namin. Nang makarating ay agad akong nakita ni Daphne. Lumapit ito sa ‘kin at tinabihan ako sa pag-upo. I’m the class president of this school, kaya sobrang busy ko lately. No’ng nakaraan ay sobrang busy rin namin, dahil sa ‘kin pina-assign at sa team ko ang mga ginanap na event nang skwelahan. Nakakapagod man, pero kinakaya kasi isa ito sa mga kailangan ko para ma-maintain ang mga grades ko, dahil isa ako sa mga scholar nang school. Pero this time ay busy ako sa nalalapit naming graduation at on the job training. Kaya pinaliban ako ni Dean sa mga gaganaping activity nang school. Kasi ‘di namin pweding ipagsawalang bahala ang OJT. Dahil malaking kawalan sa ‘ming mga estudyante ‘yon. At baka ‘yon pa ang maging dahilan ng pagbagsak naming mga graduating students. Nagbukas ako ng notes for my upcoming presentation sa nalalapit na rin naming graduation. Ini-analize ko itong mabuti at inayos ang mga pa word of wisdom ko kuno. Para ‘di naman ako mag-mukhang katawa-tawa sa harap ng ibang tao. Pero alam ko namang kaya ko ‘yon. Ako pa ba? Shynee Diaz, to hoy! ‘Di ko alam kong ilang oras na akong nagbabasa at pag-aayos nang ibang sentence, para sa speach ko. Nang bumaling ako sa katabi kong upoan nang ‘di ko makita si Daphne. Basta na lamang ako nitong iniwan nang ‘di man lang ako sinabihan. Ni ‘di ko man lang naramdaman ang pag-alis ng gaga. Kala mo naman maganda! Kaninis huh… Anong, konek sa maganda at pag-iwan niya sa ‘yo, te? Tse! Isa ka pang-atribida kang kontrabida. Manahimik ka diyan! Letchii, ka! Saway ko sa kabilang bahagi nang isip ko. Umeepal na naman kasi… ‘di na lang manahimik. Nagliligpit ako ng gamit nang pumasok si Daphne, na may kasamang dalawang lalaki. Ang isa ay kilala ko, dahil ito lang naman ang may-ari nang university na pinapasukan ko. Nagulat ako rito, dahil ngayon lamang ito gumawi sa classroom namin. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang kasama nito. Agad nagtama ang mata ko rito, dahil ‘di ko makakalimutan ang mukha nito. Paanong ‘di ko makakalimutan e, ito lang naman ang naka-motor no’ng nakaraan kung saan nag-aantay kami ng masasakyan. Sh*t! anak ng… patis. Anong ginawa niya rito? Huwag niyang sabihin hinahanap niya ko. Kinikilig kong bulong sa sarili. Assumera! Ayan na naman siya. Lagi na lang kumokuntra. Isa ka na lang huh! Mapuputulan talaga kita nang ugat, letchii ka! “Tapos kana ba?” Tanong ni Daphne sa ‘kin. Na ‘di ko namalayang nakalapit na pala ito sa ‘kin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Nandito ang lalaking nagpapabilis nang t***k ng puso. Sa sobrang t***k nito, parang daig ko pang nakipag-unahan nang takbo sa kabayo. Feeling ko meant to be ako nito. Naks! Sana all, meant to be. Rawr! Kung ‘di pa ako siniko ni Daphne, para mahimasmasan sa pagkatulala sa nilalang na ‘to. Baka kanina ko pa pinagnanasaan ‘to. Luh, pagnanasa agad? ‘Di pa pweding, tulo laway muna. Utang na loob, Shynee. Ano bang iniisip mo? Hindi ka naman ganyan! Matinong babae ka, tandaan mo! Okay fine. Ayaw ko nang makipagtalo sa sarili. Nakakapagod kasi. Napatikhim ako, bago ko nilipat ang tingin kay Daphne. Hinarap ko ito, dahil nakakagago ang pangisi-ngisi ng gagang ‘to. “Ano nga ulit ‘yon? May sinasabi ka ba?” Balik tanong ko sa kaibigan. Alam kong may mga matang nakasunod sa bawat galaw at buka ng bibig ko. Pero pinagsawalang bahala ko lamang ito. Baka ‘di ko na kayanin ang paghuhuramentado ng puso ko. Napapailing at napapangisi naman sa ‘kin ang kaibigan ko. Alam kong inaalaska ako nang isang ‘to. Naakala mo naman nakakatawa ang gaga. “Ang sabi ko tapos kana ba? Lumabas lang ako sandali para mag-cr. Tapos nakasalubong ko sila President, pagkalabas ko nang banyo. Tinanong nila ako, kung sino ang in-charge sa mga list about sa OJT natin. Ang sabi ko sa kanila ay ikaw, kaya sumama sila sa ‘kin.” Mahabang paliwanag nito sa ‘kin. Tumango ako rito. Binalingan ko ang dalawang lalaki na ngayon ay masinsinang nag-uusap. Napatingin sa ‘kin ‘yong lalaking kasama ni pres. At napangisi ito nang makitang nagulat ako. Napalunok ako nang laway, dahil feeling ko nanuyot ang lalamunan ko. Naging abnormal rin ang t***k ng puso ko. Bakit ako ganito? Ano to, tuwing magkikita kami lagi na lang akong kabahan sa lalaking ‘to? Siguro may binabalak sa ‘kin ‘to. Feeling mo naman… kahit amoy mayaman, te? Whatever! “A-ah, gano’n ba? Pero wala na sa ‘kin ang list of candidate sa mga estudyanting makakasama sa OJT. Na ibigay ko na kay Miss Tiangson kanina.” Deri-deritso kong pahayag kay Daphne. Na ‘di ko ngang gumuwang kumurap at huminga. Dahil feeling ko ‘pag ginawa ko ang mga bagay na ‘yon, ay tutuksohin lang ako ng babaing ‘to. At kanina ko pa nararamdaman ang paninitig no’ng kasama ni pres. sa min. Nag-iinit ang buong katawan ko, dahil para akong iniihaw ng lalaking ‘to. Hindi ko alam may pagka-kanibal pala ang isang ‘yon. Sana sinabihan niya ko, para naman na inform ako. “Okay, sasabihin ko.” “Sige. Pero teka, bakit iniwan mo ‘kong mag-isa rito?” Reklamo ko sa kaniya. Iniwan ba naman ako ng gagang ‘to. ‘Di man lang nagsabi na aalis muna siya at kung kailan babalik o kung babalaik pa ba. Lang ‘ya, ang hugot ah. Buti na lang wala ‘yong mga kaklase namin na walang gagawin kundi ang magpapansin. Mga kulang-kulang sa pansin kasi! Kung nagkataon na nandito ang mga ‘yon, baka lumilipad na naman ako sa lakas nang hangin. Daig pa bagyo, kung makabuga nang hangin. “Anong iniwan? Nag-cr lang ako. Huwag kang oa, okay.” Nakairap niyang sabi sa ‘kin. Iniripan ko rin siya at ‘di na sinagot pa. Baka magtarayan lang kaming dalawa. Nakakahiya naman sa kaniya, may mga tao pa naman kaming kasama. Tumingin ako sa dalawa naming kasama. At nagulat ako nang ngumiti ang kasama ni pres. sa ‘kin. Nag-init ang pisngi ko, at alam kong kanina pa nakatingin sa ‘kin ‘to. Wagas kong makatitig, parang walang bukas. Siguro ang ganda-ganda ko sa imahinasyon nito. Hoy! Magtira ka naman…Sigaw ng kabilang bahagi nang isip ko. Gusto ko sanang tarayan. Kaso baka isumbong ako nito kay pres. Kaya ‘wag na lang. Magkaibigan pa naman ang dalawa. Mahirap na… Napatingin ako kay Daphne, nang lumapit ito sa dalawang panaohin namin. Kinausap niya ang mga ito, sabay turo sa ‘kin. Ako naman ay napapalunok nang bumaling ang mga tingin nila sa ‘kin. Lang ‘yah… ang gaga. Mukhang, siya pa ang papatay sa ‘kin ah! Kinakabahan ako, p*ta! “Shane, tawag ka ni pres.” Nakangiting sabi ni Daphne. Tsk, plastik talaga! Tumango ako rito, at agad akong lumapit sa mga ito. Nanginginig ang tuhod ko nang makalapit ako sa kanilang tatlo. Putcha! Ano bang nangyayari sa ‘kin? Tapos walang humpay sa pagtibok ang puso ko, dahil sa lalaking kaharap ko. Nakakakilabot mga tingin nito. Pero gano’n pa man ay hinarap ko ang mga ito at nagbigay galang dito. Mahirap na. Baka sabihin pa nilang napaka-unrespectful kong representative president nang school. “G-good afternoon po, Mr. President and to you, S-sir. Ano po ang maipaglilingkod ko?” Nakangiti kong ani sa mga ‘to. Dahil sa sobrang kaba, ang mga ngiti ko ay nauwi sa ngiwi. Sinong hindi ngingiwi kung nakakapagpanginig ng tuhod ang presinsya ng lalaking kaharap ko. Bwesit! “Good afternoon too, Miss Diaz. Don’t be so formal, we’re here to ask you a questions.” Nakangiti ring ani ni pres. “Okay po.” “Miss Hidalgo told us that you already passed the list of candidate students for your upcoming OJT to Miss Tiangson. Am I right, Miss Hidalgo?” Tumango naman ang kaibigan ko. Hindi ko magawang tumingin sa katabi ng presidente nang eskwelahan, dahil kinakabahan ako rito. Feeling ko mahihimatay ako sa mapanuring tingin nito sa kabuoan ko. Naiilang man ako sa presinsya nang kasama ni Pres. Pero sinagot ko naman ang mga tanong nga mga ito nang pormal. Kung ‘di ko lang kasama si Daphne, baka kanina pa ako natumba dahil sa panginginig ng mga buto ko. Nakilala ko ang lalaking kasama ni Mr. President Schuyler, na si Sir Zeffrery. Kung gwapo ang may-ari nang school namin ay mas ‘di hamak na gwapo itong kasama ni Mr. President. Walang-wala ang mga lalaking celebrity dito. Mahihiya ang sino mang tumabi rito. Kanina pa kami nag-uusap-usap pero wala sa pinag-uusapan namin ang atensyon ko, kundi nasa lalaking kaharap ko. Damn! Buti na lang to the rescue, sa mga sagot ang preny kong si Daphne sa mga tanong ng mga ito. Bakit ba ang gwapo ng lalaking ‘to? Hindi nakakaumay tignan. Siguro ang sarap pisilin ng braso nito, namumutok sa tigas. Parang ang sarap din humiga sa dibdib nito, ang lapad kasi. Kapag niyakap ako nito baka napisa na ako. Sa liit kong babae, malamang dunot na ako kumpara sa barakong nilalang na ‘to. Ang pula naman ng labi nito, dinaig pa ako. At sobrang gwapo rin nito sa malapitan. Mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong at ang perfect ng jawline. Tapos sobrang kinis pa nang mukha. As in wala kang makikitang pores. Mahihiya ang tagyawat na dumikit sa balat nito. Pero ang pinaka-nagandahan ko sa lahat ay ang kaniyang mga mata. Parang kang nahihipnotismo na nakakapanindig balahibo.‘Yong, tipong ‘pag-nakatingin ka sa kaniya ay mapapasunod ka nang kusa. Pero ‘pag-sinuway mo ay delubyo ang kapalit nito. Tapos tuwing magsasalita siya ay lalaking-lalaki ang boses niya. May pagka-husky vioce na talagang maakit ka. Sh*t, na malagkit! Bakit may ginawang nilalang ang Diyos, nang ganito? Ako lang ba ang ‘di na inform sa nilikha ng Panginoon, sa mundo? Kasi kung ako lang ang ‘di na inform… wala lang! Baka lang naman. Amen! Naudlot ang pag-iisip ko nang sikohin ako ni Daphne, sa ‘king tabi. “Baka matunaw ‘yang, kasama ni President sa paninitig mo.” Exaggerated na bulong ni Daphne. Nag-init naman ang mukha ko sa tinuran nang kaibigan ko. At hindi ko alam kung ilang segundo, minuto o oras na ba ang paninitig ko sa lalaking iniisip ko, na mismong kaharap ko. Kung ‘di pa pinukaw ni Daphne ang espirito ko. Malamang nasa alapaap pa rin ang kaluluwa ko. Napasulyap sa ‘min si Sir Zeffrey. At halos malagutan ako ng hininga nang magtama ang mga mata naming dalawa. Kumunot ang nuo nito na parang nagtataka sa pamumula nang mukha ko. Sh*t! Am I drooling over the school owner president’s best friend?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD