NAGISING si Sylve dahil nakaramdam ng gutom. Nabawasan na rin ang sakit ng puson niya kaya nagawang bumangon at maglakad palabas ng kuwarto. Napahinto siya sa paglalakad nang makita ang eksena sa kusina. Magkatulong na naghahain sa lamesa sina Keith at Yona. Nagpapalitan pa ng matamis na ngiti sa tuwing nagkakatinginan. May init na humaplos sa puso niya. Parang sa pelikula kasi ang eksena na nakikita. Nakaka overwhelm. Nakatayo pa rin siya roon nang biglang mapasulyap sa direksiyon niya si Keith. Dumeretso ito ng tayo at malawak na ngumiti. Sumikdo ang puso ni Sylve. Bakit parang dumoble yata ang kaguwapuhan nito ngayon? “Gigisingin ka pa lang sana namin. Okay na ba ang pakiramdam mo?” Napalunok si Sylve at pilit pinapakalma ang puso. “Okay na ako. Thank you,” sagot niy

