DINALA sila ni Keith sa isang law firm. Pagpasok pa lang nila, napansin na ni Sylve na lalong natakot at namutla si Emerald. Lalo tuloy kumabog ang kanyang dibdib. Anong balak nito gawin kay Yona kung ganoong takot ito sa abogado? Sinalubong sila ng isang secretary na para bang inaasahan na ang pagdating nila. Dinala sila sa isang malaking office kung saan may tatlong guwapo at intimidating na lalaking naghihintay sa kanila. Kung pagbabasehan ang pormal na kasuotan, mga abogado ang tatlo. Marahas na inupo ni Keith si Emerald sa leathered sofa na katapat ng kinauupuan naman ng mga lalaki. “So, ito si Emerald San Mateo?” tanong ng mukhang foreigner. “Siya nga, Ross,” sagot ni Keith na humakbang palapit kay Sylve. Lumapat ang palad nito sa low

