NAGKITA sila sa isang coffee shop na malapit daw sa hotel kung saan ito naka-check in. Coincidentaly, malapit din iyon sa apartment ni Sylve. Walking distance lang din ng Happy Mart convenience store pero nasa opposite side ng tinitirhan niya. Nabanggit ni Emerald noong tumawag sa kaniya na sa Los Angeles na raw ito nakatira at na umuwi lang ng Pilipinas para sa kanila ni Yona. Iyon pa lang, nagkakutob na agad siya na hindi niya magugustuhan ang pag-uusapan nila. Nakita agad ni Sylve ang babae pagpasok niya sa coffee shop. Nakaupo ito paharap sa pinto kaya napansin din agad nito ang pagdating niya. Kumabog ang dibdib niya pero lakas loob na naglakad palapit. Ngumiti ito at tumayo, parang gusto siyang yakapin pero napansin siguro na guarded si

