GINUTOM sila nang madaling araw. Kaya binuksan nila ang ilaw sa kusina. Nagtimpla si Sylve ng kape at naglabas ng tinapay at palaman habang si Keith naman sinilip si Yona na mahimbing pa rin ang tulog sa kuwarto. Ngumiti siya nang maglakad palapit sa kaniya ang lalaki, magulo ang buhok – kagagawan niya – at lukot ang t-shirt pero ubod pa rin ng guwapo. “Hindi pa siya nahuhulog sa kama?” Umiling ito at hinalikan siya sa sentido bago umupo sa isang silya. Inilapit niya rito ang isang mug at umupo sa tapat nito. Ilang minuto na humigop lang sila ng kape at kumain. Masarap sa pakiramdam ang katahimikan, palibhasa pareho silang komportable sa isa’t isa at tinginan lang nagkakaintindihan na sila. Saka lang nagsalita si Sylve nang may maalala. “Hind

