SHE WAS MATILDA ST. CLAIR. Hindi siya makapaniwala na close si Keith sa pinakamayaman at pinaka maimpluwensiyang businesswoman sa buong Asya. Kahit si Sylve alam ang pangalan nito dahil palagi niya nababasa sa business section ng broadsheets at online newspaper. Ni hindi nga niya naisip na darating ang pagkakataong personal niya ito makikilala at makakausap ng ganito. Higit sa lahat, alam ni Matilda ang tungkol sa sitwasyon nila ni Keith. Walang itinago rito ang lalaki. Lalo lang tuloy kinutkot ng selos ang puso niya. “Kung nandito kayong dalawa, nasaan si Yona? I’m dying to meet her,” sabi ng matandang babae nang maipaliwanag nila ni Keith ang dahilan kaya sila nasa ospital. Itinuro pa nga nila ang pamilya niya na nakaupo sa hospital lobby at nakanganga l

