CHAPTER 42

1906 Words

“TATAY, matanda na si Sylve. Tama naman din si Keith na matalino ‘yang bunso mo kaya alam niya ang ginagawa niya. Huwag mo na sila kulitin sa set up nila o sa kung ano mang meron sa kanila. Iba ang dahilan kaya tayo nagpunta dito ngayon, ‘di ba?” basag ni ate Abby sa tensiyonadong katahimikan pagkatapos muntik nang mapaiyak ng kanyang ama si Yona. “Paano pa natin masasabi sa kapatid mo kung may outsider dito sa bahay niya?” inis na sagot ng matandang lalaki. Kumunot ang noo ni Sylve at tumayo. “Tay, palagi niyo sinasabi sa akin noong lumalaki ako na huwag ako maging bastos sa ibang tao. Hindi ko naisip na maririnig kitang magsalita ng ganiyan.” Namula ang mukha ng tatay niya pero matalim pa rin siyang tiningnan. Gumanti siya ng matapang na tingin kasi kahit anong pagunawa ang gawin niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD