DUMATING ang araw ng sabado. Umaga pa lang kabado na si Sylve at hindi maiwasan sundan ng tingin ang bawat kilos ni Yona. Sa sobrang obvious niya ay mukhang hindi na nakatiis ang anak niya at huminto sa mismong harapan niya. “Mommy, bakit po tingin kayo ng tingin sa akin? May sasabihin po kayo o may iuutos?” Huminga siya ng malalim at hinawakan ang magkabilang kamay nito. “Baby, alam mo na mahal na mahal kita, ‘di ba?” “Opo. Love na love ‘din naman kita, mommy.” Ngumiti siya at pinisil ang mga kamay nito. Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Yona at napatitig sa mukha niya. Sumikdo ang puso ni Sylve kasi pati ang paraan ng pagtitig nito, katulad na nang kay Keith. Biglang may kumatok sa pinto ng kanilang apartment. Napahinga s

