HINDI na nagising si Yona sa buong biyahe pauwi sa apartment nila. Si Keith ang kumarga rito hanggang kama habang si Sylve naman ang nagpunas sa katawan nito at nagpalit ng damit. Walang nagsasalita sa kanila hanggang masiguro na nilang maayos na ang puwesto ng bata. Pagkatapos lumabas na sila ng kuwarto at magkaharap na tumayo sa sala. Matagal na nakatitig lang sila sa isa’t isa. Mayamaya sumilay ang nakakaunawang ngiti sa mga labi ni Keith at hinaplos ang ulo niya. “Are you okay?” Tipid na ngumiti si Sylve. “Higit pa sa akala kong mararamdaman ko kapag nakita ko uli ang parents ni William. Akala ko magiging awkward ang atmosphere sa pagitan namin. Pero iba ang nangyari. Para akong nareunite sa long lost parents ko. I felt so happy and nostalgic.” Nakangiting tumango si Keith. “They a

