Pagkatapos nila kumain hindi pa sila agad nakaalis. Pinagbigyan kasi ni Keith ang mga waitress sa Chef Derek’s para magpa-picture. Iyong iba tuloy na customer na sa kakatanong kung sino ang lalaki at nalamang international book author pala ay nakisali na rin sa picture taking at autograph signing. Ang nakakatuwa, may isang grupo ng office ladies na nagkataong dalawa pa ang first book sa trilogy na gagawing Hollywood movie. “Mommy, ang amazing ni tito Keith,” komento ni Yona na nanonood sa nangyayari. Nginitian niya ang anak niya at tumango. “Kapag kasama mo siya, hindi mo maiisip kung gaano siya ka successful sa career niya,” biglang sabi ni Derek na hindi namalayan ni Sylve na nakalapit na pala sa kanilang mag-ina. “Mas madalas umaakto at nagsasalita siya na parang tambay na mahilig m

