RAMDAM na ramdam ni Sylve ang saya ni Yona nang pumasok sila sa sinehan. Narealize tuloy niya na ang tagal na nga mula nang ilabas niya ang anak niya. Masyado siyang naging busy sa mga raket niya sa nakaraang mga buwan kasi may tinatarget siyang halaga na dapat maipon sa bangko bago matapos ang taon. Ang nangyari tuloy, hindi na niya napapasyal si Yona. Hindi ito mareklamo kaya hindi niya napansin na nasasabik din ito siyempre sa mga ganitong lakad. Dahil nga na-guilty siya, binili pa niya ang bata ng malaking popcorn at soda kahit usually hindi niya ito pinapayagan mag over indulge sa junk foods. Lalo tuloy ito natuwa at nakailang ‘I love you’ sa kaniya. Pagkaupo nila sa designated seats, pinagitnaan siya ni Yona at ni Keith. Sakto ang pagdating nila sa pagsisimula ng peli

