SA LOOB ng sampung taon mula nang mamatay si William at mapunta sa poder ni Sylve ni Yona, masasabi niyang naging masaya naman siya most of the time. Kuntento siya na gumising sa umaga, magtrabaho at mag-alaga ng anak maghapon at matulog sa gabi. Ayos sa kaniya ang simple at walang excitement na buhay. Iyon nga lang, sa loob ng maraming taon wala siyang matandaang araw na talagang naramdaman niya na umaapaw sa saya ang puso niya. Kung hindi isasali ang mga special moment kasama si Yona, wala siyang matandaang memorable na pangyayari sa buhay niya. Pero ngayon meron na. Today was a day she will never forget for as long as she’s alive. Bawat sandali pakiramdam ni Sylve lumulutang ang paa niya sa ulap. Kung tutuusin wala naman silang ginagawang kakaiba. Bumiyahe lang silang tatlo papunta sa

