MASAYANG masaya si Sylve sa mga sumunod na araw. Mas magaan ang pakiramdam niya at ganado magtrabaho. Katunayan napapansin ng lahat ng kliyente niya na blooming daw siya. Matamis na ngiti lang palagi ang sagot niya. Lately din hindi na niya kailangan magmadali na tapusin ang kung ano mang after lunch appointment niya kasi nagboluntaryo si Keith na ito na raw ang susundo kay Yona sa Martial Arts Studio kapag may tae kwon do lesson ang bata. Nagtetext na lang ang lalaki o kaya nagse-send ng pictures sa messenger kapag magkasama na ang mga ito. Katulad sa araw na iyon. Nasa office si Sylve ng kanyang travel agency nang tumunog ang alert tone ng cellphone niya. Pagkabukas niya sa messenger, bumulaga sa kaniya ang nakangiting mukha nina Yona at Keith. Nasa loob

