SYKE Habang nasa sofa ay napapangiti ako. At least alam ko na ngayon na hindi niya ako matiis. Binuksan ko ang tv sa sala. Ngunit balita naman ang bumungad sa 'kin. Dahil hindi naman ako nanunuod ng balita ay pinatay ko na lang ito. Hihintayin ko na lang siya lumabas ay saka tatanungin kung ano ang gusto niyang gawin. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dinig kong bumukas na ang pintuan ng kuwarto ko. Awtomatiko akong pumihit paharap ngunit nanatiling nakaupo para lang matulala. Para akong nakakita ng isang modelo ng polo sa nakita ko. Ang polo ko kasi ang pinagamit ko rito imbis na t-shirt na lang. I don't know pero iyon ang sa tingin ko na alam kong mas magiging komportable siya. "Hindi ko napansin ang oras. Ano'ng oras na pala?" tanong nito. "I-its eleven sharp," sabi ko sabay lun

