GEORGE Nagsalubong ang kilay ko ng mapansin ko na hindi ang daan pauwi ang tinatahak ng kotse nito. "Saan mo 'ko dadalhin? Hindi ito ang daan pauwi sa bahay," tanong ko saka ito binalingan. "I know," tipid lamang na sagot nito. Seryoso ang mukha nito at nakatutok ang buong atensyon sa daan. "Saan mo nga ako dadalhin?" iritable kong muli na tanong. "Isn't it obvious, papunta tayo sa condo ko," seryosong sagot nito. "Bakit tayo pupunta sa condo mo? Sinabi ko bang pumunta tayo doon? Akala ko ba uuwi na tayo? Ihatid mo na ako sa bahay Syke," sunod-sunod na tanong ko rito. "No," anito. "Ano'ng 'no'? Isusumbong kita sa kuya ko. Pinipilit mo ako na sumama sa'yo kahit ayaw ko," pagbabanta ko rito. "f**k!" usal nito at hinampas ang manibela na ikinagulat ko. "Hindi sa lahat ng oras

