GEORGE "L-love…" usal naman ni Syke na hindi mawari ang reaksyon ng sulyapan ko. Marahil hindi nito inaasahan ang pagdating ko. "At ikaw, sandali lang ako nawala, bumigay ka na. Babaero ka talaga!" asik ko rito at dinuro ito. Halata naman ang pagkagulat nito sa naging reaksyon ko. "L-love, it's not what you think. I can explain. Please, mali ang iniisip mo," nakikiusap na sabi nito habang umaatras dahil lumalapit ako rito. "Ah, talaga? So, sa tingin mo ba ay maniniwala ako? Mukha ngang nag-eenjoy ka sa pakikipaghalikan sa childhood sweetheart mo. Masarap ba? Mas masarap ba sa halik ko, ha?!" nanggigigil na sabi ko rito. "George, mahal kita. Nakalimutan mo na ba? Kung ano man ang nakita mo, wala iyon," paliwanag nito at akma akong hahawakan ngunit umatras ako. "Kung ano ang nakita

