GEORGE "Cheers to my future daughter-in-law," patuloy ni Tito Brandon at tinaas ang hawak na wine glass. Sumunod naman ang ibang bisita sa ginawa nito. Sinulyapan ko si Syke. Base sa reaksyon nito ay hindi nito inaasahan ang sinabi ng ama. Kung kanina lang ay masaya itong pumunta sa gitna, ngayon ay hindi na maipinta ang mukha nito. Binalingan ko ang wine glass. Kinuha ko ito at muling tinuon ang atensyon sa gitna. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Syke. Napuno ito ng pag-aalala ng makita ako. Kahit parang tinusok ng karayom ang puso ko sa sobrang sakit ay pilit akong ngumiti sa harap nito. Tinaas ko pa ang glass wine sa harap nito at pagkatapos ay inisang lagok ko ito. "I'm sorry, it's was a mistake. I have a girlfriend and I am planning to propose to her. She was with me and she

