SYKE After five years… Nakapamulsang nakatanaw ako mula sa glass wall ng aking condo. Kanina pa ako nakamasid sa nagtataasang mga gusali. Animo'y sa mga gusali lamang ako nakakapag-isip ng matino. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga saka tinungo ang kama para kunin ang nakapatong kong cellphone. Tatawagan ko ang kaibigan kong si Haru. Payag na akong magbakasyon kasama sila. Ilang beses na kasi nila akong pinipilit na sumama sa bakasyon nilang mag-anak. Si Zick, Haru at Drixx ay may kan'ya-kan'ya ng pamilya. Nagplano ang mga ito na magbakasyon na magkakasama. Niyaya nila ako ng ilang beses ngunit ilang beses na rin akong tumanggi. Isa rin sa dahilan kung bakit ayaw kong sumama sa kanila ay dahil maiinggit lamang ako. Kasama nila ang mga babaeng mahal nila at mga anak. Masa

