SYKE "Hi, buddy. You're here, again." Nakangiting bati ko sa batang nakausap ko kaninang umaga. Nagpasya kasi akong lumabas muna sandali ng room ko dahil wala naman akong makausap sa mga kaibigan ko. Abala kasi ang tatlo sa pag-aalaga ng kanilang mga anak. Ayaw ko naman istorbohin lalo na at nasa tabi lamang ng mga ito ang kanilang misis. Minabuti ko na lang na lumabas mag-isa. Ngayon nga at nakita kong muli ang poging batang ito dito sa lobby. Nakaupo ulit ito sa waiting area ng lobby. Marahil ay sasabihin na nito ang pangalan sa akin kaya ito narito. "Magandang gabi po," magalang nitong bati sa 'kin. "Good evening," Tumabi ako rito at muli itong tiningnan. Kahit yata titigan ko ito magdamag ay hindi ko pagsasawaan na tingnan ang mukha nito. Natutuwa kasi ako na pagmasdan ito. K

