“PARANG hindi mo naman ginalaw ang pagkain mo, anak.” Hindi kumibo si Maria Amor, diretso lang na nakatingin sa labas ng bintana. “Mahigit isang buwan na, anak. Pilitin mo nang kalimutan ang mga nangyari.” Sinikap niyang ngumiti sa matanda. Napakadaling sabihin pero mahirap gawin. Ilang taon rin silang nagkasama ni Luna—o ni Amalia at hindi ganoon kadaling kalimutan ang pinagsamahan nila. Buhat nang gabing iyon kung kailan naghubad ng balatkayo ang inakala niyang kakambal ay hindi na siya halos napagkatulog. Palagi na lang niyang naiisip ang mga nangyari. Isang linggo ring nagpagaling si Nana Pacita mula sa tinamong pinsala ng katawan nito pero paglabas nito ng ospital ay agad siya nitong kinausap at hinimok na pamisahan ang Villa Esperanza. Ganon nga ang nangyari. Sa tulon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


