NANLALALIM at nangingitim ang paligid ng mga mata ng matandang babaeng tinawag ni Nana Pacita ng Beatrize. Sindak na napaatras silang apat. “Ako nga, kapatid ko. Kumusta?” anitong matalim ang pagkakatingin kay Nana Pacita. “Itigil mo na ‘to, Beatrize! Maawa ka sa kaluluwa ng anak mo! Patahimikin mo na siya!” Isang matunog na halakhak ang isinukli ng itim na mangkukulam. “Maawa? Hindi naman ‘yan ipinaramdam sa amin ng kahit sino noon kaya hindi ko alam ang kahulugan ng salitang ‘yan!” “Huwag kang magpabulag sa hinanakit, kapatid ko! Huwag mong hayaang tuluyang malugmok ka sa kapangyarihang itim dahil alam mong may kabayaran ang lahat!” Tumangu-tango ito. “Tama! May kabayaran ang lahat! At ito na ang panahon ng paniningil ng kabayarang tinutukoy mo, Pacita!” Biglang bumagsak ang malaki

