Nagbuntong-hininga ang matanda saka nagpatuloy. “Namasukang kawaksi si Beatrize, ang aking kapatid sa mag-asawang Manuel at Esperanza. Wala pa kayo ni Luna nang mga panahong iyon. Hindi sinasadyang nahulog ang loob ng aking kapatid kay Manuel. Gamit ang mahikang itim na minana namin sa aming mga ninuno ay gumawa siya ng sakrito upang akitin ang iyong ama. Ang sakrito ay ang ano mang sagradong bagay na ginagamit na sisidlan ng matandang kapangyarihan para matupad ang isang imposibleng kahilingan. Ito’y kadalasang banga, kahon, paso o bato na ginagamit ng mga sinaunang lipi ng mangkukulam...” “Inorasyunan ni Beatrize sa loob ng siyam na gabi ang sakritong iyon. Nagtagumpay naman siya at nagkaroon sila ng lihim na relasyon ni Manuel. Pero hindi pa nasiyahan at gamit ang sakrito ay bi

