TITIG na titig si Amor sa medalyong hawak. Iyon kaya ang dahilan kung bakit natagpuan niya ang sarili nang nagdaang gabi, halos hubad at kaulayaw si Miguel? Hindi kaya ginamit ng kapatid ang katawan niya kahit hindi niya alam? Iyon nga kaya ang dahilan kung bakit tila galit na galit si Miguel sa kaniya sa halip na maging apologetic nang sampalin niya ito? “Luna! Luna, nasaan ka? Lumabas ka, ngayon din!” sigaw niya. Mabilis niyang pinaghugpong ang nalagot na tali ng medalyon at saka iyon muling isinuot. “Luna! Magpakita ka sa akin! Dahil kung hindi, ibabaon ko na sa limot ang lahat! Kalilimutan na kita at hinding-hindi ka na makapagpapakita sa akin!” Noon unti-unting lumabas ang usok ni Luna. Nakangisi sa kaniya. Sa ikalawang pagkakataon ay nakadama siya ng kilabot habang nakatingin sa ka

