Chapter 4

1010 Words
NAPAKUNOT ang noo ni Miguel nang sa gitna ng katahimikan ay tumugtog na naman ang pamilyar na musika sa kanugnog na silid. Noon ay kasalukuyan siyang nagsa-shower. Mabilis niyang tinapos ang paliligo at agad na nagtapi ng tuwalya. 'Patay ka sa'kin kung sino ka mang multo ka...' bulong niya sa sarili. Humakbang siya sa connecting door ng bathroom at dahan-dahang binuksan iyon. Hindi niya alintanang bahagya pang tumutulo ang tubig mula sa kanyang katawan. Nakayapak lang din siya at ni hindi nagawang kunin ang slippers sa labas ng shower cubicle. Nang mabuksan ang pinto ay tumambad sa kanya ang isang silid na halos kapareho ng kanyang inookupa. Nakiramdam siya at nagmasid sa kabuuan niyon. May palagay siyang may pagkakaiba ang dalawang silid. Humakbang siya papasok at nilibot iyon. Kung modern ang interior ng silid na inookupa niya, ito naman ay antigo. Ang wallpaper niyon ay kulay krema na may mga bulaklaking disenyo. Ang mga gamit ay antigo rin. Ang mga tipong makikita sa antique shop na mabibili sa gintong presyo. Tinungo niya ang isang malaking closet ng mga damit. Binuksan iyon at pinagmasdan. May mga damit doon at base sa ilang mga bistidang naka-hang, isang batang babae ang may ari niyon. Yumuko siya at binuksan ang drawer na naroon. May mga suklay, ponytail at hair band doon. May mga panyolito rin. Kinuha niya ang isa at kusang binasa ng isip ang burda niyon. 'Maria Luna...' Ibinalik niya sa drawer ang panyolito at saka isinara ang closet.Umikot siya at pinagmasdan ang kamang naroon. Elegante bagaman luma. Hindi rin amoy antigo ang silid, marahil ay alaga ni Nana Pacita. Nabigla siya nang sa pag-ikot ay nakita niya ang sariling repleksiyon sa isang full length mirror. Saglit niyang kinalma ang sarili habang napapailing. 'Ano ba 'tong nangyayari sa'kin. Napapraning na yata ako...' bulong niya. Awtomatikong napatingala siya sa isang painting na nakasabit sa itaas ng salamin. Isang batang babaeng nakatirintas ang subject niyon. Napatitig siya rito. Magaganda ang mga mata ng batang babae. Buhay na buhay. Noon pabalabag na bumukas ang pinto ng silid kasabay ng pagtawag sa isang pangalan. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat nang basta na lang sumigaw ang panauhin. "LUNA!" tawag ni Amor sa kapatid. Pero kung gaano siya kabilis pumasok ay ganoon din siya kalakas sumigaw nang may makitang isang lalaki sa loob ng silid. "Sino ka?!" malakas niyang tanong rito nang makabawi. "At ano'ng ginagawa mo rito?!" Saglit lang ang pagkagulat ng lalaki. Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo nito. Ngayon ay tila galit ito habang nakatutok ang mga mata sa kanya. "Ikaw ang sino at bakit bigla ka na lang naninigaw?!" ganti nitong tanong. "Aba't! Hindi mo ba alam na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa silid na ito?! Labas! Labas!" Itinuro niya ang pinto ng silid. Hindi nasiyahan at nameywang pa siya sa harap nito pero ang kumag na lalaki ay tila hindi natinag sa pagkakatayo sa harap niya. Tila nagyayabang pa nitong iniliyad ang dibdib. Awtomatiko siyang napayuko at naeskandalo siya nang ma-realize na tanging towel lang ang suot nito. "Bastos ka 'no! Can you please be decent and cover yourself?!" "Hey, excuse me, Miss! You don't need to shout at me. I'm a guest here." "And I don't care! You should not have entered this room in the first place! And you should not be talking to me with only that towel on!" "Ah, ito ba?" Akma nitong aalisin ang towel kaya sumigaw ulit siya. "What are you doing? Huwag kang maghubad dito!" "Inaayos ko lang, anong maghuhubad ang pinagsasasabi mo?!" Naeskandalo na naman siya. Paano kung matalupan ang lalaking ito sa harap niya? And looking at him, he knew something was growing under that towel! It was pretty obvious! Gusto na naman niyang tumili sa mga sandaling iyon. "Wait, wait, wait! Bago ka na naman sumigaw. Can you please calm yourself?" tila galit din nitong sabi. "Huwag mo 'kong sigawan!" "Ikaw ang sumisigaw!" Natameme siya sa malakas na boses nito. Sinamantala ng lalaki iyon para magsalita. "As I was saying, occupant ako dito. I was renting the other room at may narinig akong kung anong ingay na galing dito. I was under the shower so I had no choice but to just covered myself and immediately checked this room." "So 'yan ang dahilan mo kung bakit ganyan ang suot mo? Okay, fine! Pero hindi ipinapaliwanag niyan kung bakit ginawa mong museum itong room ng kakambal ko! Siguro ay kung anu-ano na ang pinaghahalungkat mo rito, ano?!" Naihilamos niya ang isang kamay sa mukha dahil sa inis. Nakakalalaki na ang babaeng ito! "You know what? You don't make sense. If you don't want to accept my explanation, then this is just a waste of time!" "Talaga!" "Talaga rin!" "Lumabas ka na nga dito!" Itinuro niya ulit ang pinto rito. Walang kibo pero may galit sa anyo ng lalaki nang tapunan siya ng huling sulyap. Pagkuwa'y lumabas na ito gamit ang connecting door. NANG gabing iyon ay hindi na lumabas ng kuwarto si Miguel. Hindi niya gustong makaengkuwentro na naman ang maingay na babae na Maria Amor pala ang pangalan, ayon kay Lester. He went there for peace not for another stress and headache. Maaga siyang nahiga at sa nagbasa-basa ng libro. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang makarinig ng sipol. Napaangat ang ulo niya kasabay ng malalim na pagkunot ng noo. 'Anak ng...' "Sino 'yan?" Nakiramdam siya at nilinga ang paligid. "Sino ka at bakit ka nagpaparamdam sa'kin?" Umulit ang pagsipol kaya takang napatayo na siya. Makalipas ang ilang sandali ay napailing siya sa sarili habang natatawa. Para na niyang narinig si Joshua habang pinagtatawanan nito. Inis na tinungo niya ang pinto at marahas iyong binuksan. Nagulat siya nang makita sa tapat ng pinto ang babaeng nakainisan kanina. "Ikaw ba 'yon?" tanong niya rito na halata ang inis sa mukha. "Ang alin?" "Yung sumisipol sa'kin." "Kapal mo rin, ano! At bakit kita sisipulan, aber?!" Agad na nanakit ang ulo niya sa babaeng kaharap. Kung puwede lang niyang sigawan din ito tulad nang ginagawa nito sa kanya, kanina pa niya ginawa. Pero siyempre, lalaki siya at hindi tamang umakto nang ganoon. Hindi siya bakla para pumatol dito. Dahil doon ay hindi na siya kumibo pero malakas niyang isinarado ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD