bc

The Raise of the Alpha Queen

book_age18+
188
FOLLOW
2.6K
READ
alpha
HE
blue collar
bxb
gxg
mystery
loser
lucky dog
pack
rejected
cruel
like
intro-logo
Blurb

Ashina is a simple female werewolf, and she belongs to the lower class of werewolves. She was just an omega who was called a slave to a pack.She is the eye of all. No matter what she does, her superiors see her. Ashina is a very kind creature, and in order not to get hurt by the people around her, she always obeys whatever they tell her.In the midst of her revenge, she meets Zeeb, the so-called Alpha of the Maccon Pack. He is feared by everyone because he is known for being cruel. Alpha Zeeb is a pureblooded werewolf. He is a cold and powerful Alpha. Also, the strongest Alpha male.Can she still have trust in others? Will her heart soften or will it remain firmly closed?

chap-preview
Free preview
Chapter #1
Her P.O.V Narating ko ang aking destination. Sandali akong tumigil at tiningnan muna ang aking papasukin. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Marahan kong inihakbang ang aking paa saka marahang pinasok ang lugar. Pagkapasok ko, tumigil ako at muling tiningnan ang aking dinaanan. Napangisi ako. Hindi naman pala mahirap pasukin ang barrier ng pack nila. Akala ko ay hindi ako makakapasok. Itinuloy ko ang aking paglalakad. Napakatahimik ng paligid. Iyong tipong kahit ang hangin ay takot na dumikit sa mga dahon ng puno. Dumako ang tingin ko sa unahan ng makarinig ako ng ingay at usapan. Marahil sila ang tagabantay ngayong gabi. Nagpatuloy lamang akong sa paglalakad. Hindi ako nag-abalang tumago. Bakit ako magtatago kung sila naman ang pakay ko. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay na lamang sila. Siniguro kong mararamdaman nila ako. "Wait! Stop!" Rinig kong saad ng isa sa kanila. Limang kilometro ang layo nila sa akin pero naririnig ko na sila. "What?" tugon ng isa. Lima silang magkakasama. "Mayr'ong nakapasok sa loob ng ating barrier." seryosong sagot ng unang nagsalita. "Nakapasok? Hibang ka ba? Impossible!" sabat ng isa pa sa kanila. "Tama siya. Naaamoy at nararamdaman ko siya." seryosong sambit ng panglima sa kanila. Nanatili akong nakatayo at nakangising hinihintay sila. At hindi nga nagtagal ay narating nila ang aking kinaroroonan. "Hello, boys." nakangiting kong bati sa kanila. Kumunot ang kanilang noo at sabay-sabay na itinutok sa akin ang kanilang mga dalang armas. "Sino ka? Paano ka nakapasok? Isa ka bang witch?" pang-aakusa ng isa sa akin. "Are you a sorcerer?" tanong ng isa pa sa kanila. "Wala at hindi ako isa sa mga nabanggit ni'yo. I am just a nobody who wants to catch a dog like you." simpleng wika ko. Umiwas ako sa sumugod sa akin. Muli siyang sumugod sa akin. Isang sword ang kaniyang gamit ganoon din itong iba. Nakatayo lamang ako habang iniiwasan ang bawat pag-atake nila. Nang hindi nila ako madaan sa simpleng atake nila. Sabay-sabay silang nag-shift into a werewolves, bagay na kanina ko pa hinihintay. Lihim na napangisi ako. Good dogs! Umiwas ako muli ng umatake sa akin muli ang isa. Sa isang kumpas ng aking daliri ay sabay-sabay silang nagsitilapon. Kahit naka wolf form sila naririnig ko pa rin ang kanilang pinag-uusapan. Gamit ang aking tingin, binali ko ang mga buto ng isa sa kanila at hindi hinayaang makalikha ng ingay. Bagot na tiningnan ko ang bawat isa sa kanila. Ang aking tingin ay hindi lamang simple. Kaya nitong patayin ang kahit na sino. Lihim na napangiti ako dahil sinusubukan nilang makawala at muling makasugod sa akin. Ngunit hindi ko na sila hinayaan pang makasugod. "Die!" malamig kong sambit. Nakita ko ang marahan nilang pagbagsak na nangangahulugang nawawalan na sila ng buhay. Nang tuluyan na silang mawalan ng buhay. Bago pa sila makabalik sa human form nila. Ginawa ko na ang madalas kong ginagawa. Pagkatapos ko ay iniwan ko na sila at hindi inabalang itago ang kanilang mga walang buhay na katawan. Nakalabas ako muli ng walang hirap sa kanilang barrier. Tiniyak kong wala akong iniwang bakas sa kanilang lugar. Tinungo ko naman ang sunod kong pupuntahan at hindi naman nagtagal ay narating ko na ang sunod na lugar na aking destination. Pagkapatay ko ay naramdaman ko ang pabaling ng tingin ng lahat ng mga taong narito. Hindi ko sila pinansin at tumungo ako sa counter. "What sup, Ashina! Ano ang iyong dala ngayong gabi?" tanong ni Remus, pasimple niya ring sinilip ang dala ko. Inilapag ko ang aking dala sa ibabaw ng kaniyang counter na agad niya namang binuksan. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita niya ang laman nito. "A werewolves heads." malawak na komento ni Remus. Ulo ito ng limang werewolves na nakasagupa ko kanina. "Payment," tipid na wika ko. Agad niya sa aking inabot ang bayad sa mga dala ko. "1,000 gold coins ang laman niyan." nakangiting saad niya. Tumango ako sa kaniya saka tinalikuran siya. "Bring more heads, okay?" Rinig kong sambit ni Remus. Patalikod na kinawayan ko siya at nag-okay sign. Tumigil ako sandali saka muling tumingin sa lugar na nilabasan ko. Ako ay isang wolf hunter. Trabaho ko ay ang humuli ng mga werewolves. Ang tawag sa lugar na aking pinuntahan ay Hunter House. Dito namin dinadala ang aming mga nahuli naming werewolves. Bawat parte ng isang wolf ay may katumbas na halaga. Kahit ang balahibo, kuko, ngipin or kahit maliit lang na parte basta ay mula sa isang wolf ay may katumbas na halaga. Mas malaki ang halaga kung madadala mo ito ng buo. Pero ang sa akin ay kadalasan kong dinadala at tanging ulo lamang sa kadahilanang mas magaan itong dalhin. Mabigat kasi, e. Lalo pa at hindi lamang isa ang lagi kong dala. Ang Hunter House ay walang pakialam kung isang rouge or nabibilang sa isang pack ang iyong nahuli. Ang tanging mahalaga lamang ay mahuli mo sila at mabenta sa kanila. Pero magkaiba ang halaga ng dalawa. Doble ang halaga kapag galing sa isang pack ang nahuli mong wolf. Sa aming lahat ng wolf hunters. Tanging ako lamang ang siyang nakapapasok sa mga wolf pack. Bawat pack ay mayr'ong barrier sa kanilang nasasakupan. Ang isang ordinaryong tao ay hindi ito kayang pasukin. Hindi ko alam pero kaya ko itong pasukin ng walang kahirap-hirap. Ito ang dahilan kung bakit kadalasang dala ko ay nabibilang sa isang pack kaya laging doble ang siyang binabayad sa akin. Ang Hunter House ay nakalokasyon sa gitna ng kagubatan. Katunayan ay napalilibutan ito ng mga wolf packs, ngunit hindi ito nakikita ng mga ordinaryong wolf lamang. Ang tanging makakikita lamang ng lugar na ito ay ang wolf na mayr'ong mataas na antas at isang makapangyarihang wolf. Inihakbang ko at umalis na ako ng mawala na sa aking paningin ang Hunter House. Tinungo ko ang aking sasakyan hindi kalayuan sa Hunter House. Kaagad akong sumakay at tuluyan ng umalis. Malapit ng sumikat ang araw. Nang marating ko ang aking lugar. Marahan kong ipinarke ang aking sasakyan. Lumabas ako at tumingin sa paligid. Mukhang mahimbing ang pagkakatulog ng lahat. Tinungo ko ang aking bahay at pumasok sa loob. Agad kong binuhay ang ilaw. Tinanggal ko ang suot kong leather jacket at ipinatong ito sa armchair ng sofa. Tumungo ako sa kusina saka kumuha ng maiinom na malamig na tubig. Nagsalin ako muli at dinala ko ang basong may lamang tubig. Kinuha ko muli ang aking leather jacket. Umakyat ako ng hagdan at tinungo ang aking kuwarto. Inilapag ko ang dala kong baso saka pumasok sa walk in closet ko. Inilagay ko sa safe place ang aking kinita sa panghuhuli ngayong gabi. Nang maitago ko ito ay dumeritso naman ako ng banyo upang linisin ang aking katawan. Hinubad ko ang aking mga suot at tumapat sa kabubukas kong shower. Napadako ang aking mata sa salamin. Tumalikod ako at tiningnan ang aking likuran. Napatitig ako sa aking peklat. Ang scar ay naka-diagonal sa aking likuran. Mahaba ito, mula sa aking kanang balikat hanggang sa kaliwang tagiliran ko. Ipinikit ko ang aking mata saka tumingala. Sinalubong ng aking mukha ang tubig na nagmumula sa shower. Muli kong nakita sa aking isipan kung paano ko nakuha ang peklat sa aking likuran. Iwinaksi ko ang aking ulo at inalis ang alaalang iyon. Muli akong humarap sa salamin. Isang nakapagpanindig balahibong ngiti ang aking binitiwan. TheKnightQueen ?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRET AGREEMENT WITH MY HOT BOSS (SSPG)

read
4.8K
bc

Wife For A Year

read
70.6K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
45.8K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
111.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook